WANDA For You

By HEYNEENAMOR

462 57 6

"Alam ko naman, kahit makailang iko't pa man ang mundong ito, hinding-hindi mo ako pipiliin.." More

Sobre
Contract
Coffee
Drive
Outfit
Announcement
TrashCan
Plan
Lunch
Cebu
Hot
Hot II
Egg
Boat
Tears
Back
Night
Morning
Laugh
False
Stay
Theo
Condo
Stare
Reply
Dinner
Zero
Kalma
Morning
Busy
Why
Musika

GF

15 2 2
By HEYNEENAMOR

Arman's POV

AFTER ko dumaan ng Gym ay dumiretso na ako sa Music School. Wala akong rehearsal today. Kapag may rehearsals ako ay may mga teacher naman ang mga students ko dito pero ewan ko, iba parin yung fulfillment sa puso ko kapag ako mismo yung nagtuturo sa kanila. I'm a Music teacher for almost 5 years? 3-7 years old ang tinuturuan ko at sa mga co-teachers ko ay 8-13. May mga adult anspiring singers din dito.

Pagbaba ko ng kotse ay mapatingin ako sa malaking pangalan kung saan nakasulat ang pangalan ng School.

"Clare School of Music"

Ang tagal na din pala? Simula ng maipatayo ko ito. Natupad ang isa sa una kong pangarap.


"Hey! Brad, wazzup! Kamusta?" napalingon ako sa likod ko ng tapikin ako ni George, isa sa music teacher sa shool ko.


"Brad! Hey. Well, ito , busy?? Ngayon lang nagka free time."

"I heard the news! Congrats for the lead role! Lahat kamig teachers dito , manonood sayo!"

"Oy Salamat! Nakakapressure naman!"


"Hahahah. Sige na Brad, magreready pa ako sa class ko." tumango ako tsaka naunang pumasok si George sa loob. Nilabas ko ang phone ko ng mag-ring iyon. It was Mom.


"Hello ! Mom! Bakit?"


"Ngayon ang labas ni Thea sa hospital. Sa main house siya uuwi. Pupunta ako doon. Magluluto ako ng dinner. Invite Gia." kunot noo akong napatingin sa kawalan.


"Si Gia? Bakit ko naman iinvite si Gia?"



"Ako ang nag-invite. Hindi ikaw. Tsaka Thea said, they're friends now so yeah, invite her."


"Hindi na Ma! Tsaka hindi kami magkasama ngayon. Baka busy yun. Tayo na lang amg mag dinner."


"Bring her sa bahay. *toot toot*" napatingin ako sa screen ng phone ko tsaka ako napailing. Ano namang kinalaman ni Gia sa pamilya ko! Hays.




Pagpasok ko ng music room ay malalaking ngiti ang bumungad sa akin mula sa sampung estudyante ko. Limang babae at limang lalaki. Napangiti ako dahil napansin ko ang pagkaway ni Oli sa akin.

Nagsimula na ang voice lesson nila. Isa-isa ko silang tinutukan at binigyan ng papel kung saan nakasulat ang verses ng songs kung saan ko sila inassign.


"Oli, ikaw na." tawag ko dito. Lumapit si Oli sa akin at ang mga natirang bata ay tinutukan naman muna ni Marie, isa sa voice coach din dito.



"Hi Teacher Arman! Good morning po! Namiss kita!" nakangiting bungad nito. Umupo ito sa monoblock na nakaharap sa akin tsaka papalit-palit ang tingin niya sa akin at sa papel na hawak niya.



"You will be singing this part. Are you ready?"



"Yes po!"


"Okay.. I will play the piano and sabayan mo.."


"Do, a deer, a female deer
Re, a drop of golden sun
Mi, a name I call myself
Fa, a long, long way to run
So, a needle pulling thread
La, a note to follow so
Ti, a drink with jam and bread.."


"Very good! You studied your part very well hah!" papuri ko dito.



"Hehe. Yes po! Before I sleep po kinakanta ko po.."


"Good job! Tuloy mo lang yan hah!"



"Hehe! Teacher Arman? May I ask questions po?" Napasandal ako sa upuan at tinanggal ang kamay ko sa piano..



"Questions... madami talaga?" natatawang tanong ko dito. Ngumiti din siya.


"Yes po. Kasi hindi lang po isa eh mga three po!" sabi nito sabay pakita sa daliri niya ng "three" how cute.



"Okay , what it is?"



"Is Tita Gia your friend po?" unang tanong nito. Hindi nga ako nagkamala. She will ask about Gia.



"Hmmm, yes? Yeah. Oo." nanlaki ang mata ni Oli na para bang may nasabi akong ikinagulat niya. Napatakip pa ito sa bibig sa gulat.

hah?


"Girlfriend mo po si Tita Gia??!!" halos pabulong na sigaw nito. Sapat lang para hindi marinig ng ibang students.



"Girlfriend? Not girlfriend na we're in a relationship. Girl na friend. Yeah. That's it." nahihirapan tuloy akong magpaliwanag. Hindi naman ako magaling sa ganito.


"Ohh. Like best friends po?"



"No. Not like that. We're workmates! She's my Road Manager kaya lagi kami magkasama."



"So liligawan mo po si Tita ko?" hindi ako makasagot sa huling tanong nito. Saan nanggagaling ang tanong ng batang ito.




"Teka lang, sabi mo 3 questions lang! Ikaw hah!" ngumiti ito tsaka nagtakip ng mukha gamit ang papel na hawak niya.




"Teacher Arman, promise me——- not to hurt my Tita hah? I love her very much po eh." mas lalo akong nagulat sa sinabi nito. Coming from a 5 years old kid? How genuine that love for her Tita Gia.




"Ako nga yung sinasaktan ng Tita mo. Lagi niya pinipisil tong muscle ko!" share ko dito and she laugh tsaka niya hinawakan ang muscle ko sa braso.


"Wow! That's so big! Amazing!!!"



"Amazing talaga? hahahahahah.."



"Please protect my Tita po sa mga bad people hah?" muling pakiusap nito. Napangiti ako tsaka ko hinawakan ang uli nito.



"Wag ka mag-alala. Strong ang Tita mo. Hindi niya hahayaang masaktan ang sarili niya ng bad people——- at hindi ko din hahayaan ang bad people na saktan siya. Akong bahala." Nagulat ako ng biglang bumaba sa upuan si Oli tsaka niya ako niyakap.


Ano bang nangyari? Ang weird ni Oli. May mas malalim bang problema si Gia?













Gia's POV

Day off ko ngayon. Walang ganap. Ito ako, mag-isa sa bahay. Nakatingin ako sa labas ng bintana habang ineenjoy ko ang mainit na kape. Kita ko mula sa bintana ang bahay nila Jenny. Sinilip ko ang relo ko, 9am na pala. Nasa music school na panigurado si Oli. Alam ko, kasi ako ang magsusundo sa kanya mamaya dahil may importanteng lakad ang Mommy nito.


Maingat kong binaba ang mug tsaka ko pinagpatuloy ang pagsusulat ko ng isang script for a short film. I will try my best na makatapos ng isang script para naman maipasa ko agad. Direk Pat emailed me na subukan ko daw magpasa ng script for a short film category. Wala namang mawawala kung susubukan ko eh.

Natigil ako sa pag type ng makarecieved ako ng notification sa IG ko. A direct message from Arman. Bakit ba sa IG ko siya lagi nag mmesagge! May Viber naman ako, messenger—— tsk.



"Busy? Can I call?" message nito sa akin. Ang weird. Anong meron? Hindi kaya may emergency kay Oli??? Mabilis kong tinawagan si Arman. Oo, ako na ang tumawag.




"Hello——"




"Bakit? May nangyari ba kay Oli? Napaano siya?" kinakabahang bungad ko dito. Hindi ko manlang siya binigyan ng chance na mag Hello.




"Hah? Relax okay? Oli was fine! Break time nila kaya tumawag ako."




"Bakit?" huminahon ako. Ewan ko, I felt awkward dahil kahapon. Bakit ba kasi niya ako hinayaang umiyak sa dibdib niya? tss..



"Oli ask me kung Girlfriend daw kita." nasamid ako sa kapeng iniinom ko dahil sa sinabi nito.



"Ano? Bakit tinanong niya yun????"


"Aba malay ko? Ikaw nga ang tatanungin ko eh. " mabilis kong kinuha ang aqua flask ko tsaka uminom ng tubig bago ako sumagot. I heard him Hello dahil akala niya nawala ako sa linya.



"Sorry, uminom lang akong tubig—— hmm, alam mo piniplaytime mo ako Arman eh. Bakit naman magtatanong si Oli ng ganun hah?"



"Oh. Inakusahan pa ako na gumagawa ng kwento. Ask Oli later pag-uwi niya para maniwala ka!"



"Kung totoo man yan—- hoy, wag mong isipin na may kinukwnento ako sa bata! Hindi ko alam kung anong pinanggagalingan ni Oli."



"And she told me na protektahan daw kita sa bad people. Wag daw kitang saktan kasi she loves you." nanggilid ang luha ko sa sinabi nito.




"Oli.." tanging sambit ko dahil hindi alam kung anong sasabihin ko.



"Oh, iiyak ka na nanan?? Kumalma ka.. Mahal na mahal ka ng pamangkin mo.. You are so lucky!"

Napasandal ako sa upuan habang pinipigilan ang pag-iyak.


"Ako ang magsusundo kay Oli mamaya.."




"Why? Wala ang Mom niya?"



"Yeah. May importanteng lakad."



"Gia, may iba ka bang lakad? Mom invites you for dinner. Ngayon ang labas ni Thea sa hospital. A small celebration lang sa bahay.. Pero kung busy ka, ako ng bahala magpaliwanag kay Ma——-"



"What time?"





"7pm sa Bahay namin."





"Okay. Pupunta ako."



"Are you sure? Wala kang lakad?"



"Ayaw mo akong pumunta ano??" hamon na tanong ko dito. Natahimik siya sa kabilang linya.



"Baka busy ka.."



"I will come."



"Hmm, ganito na lang. Ako na lang ang maghahatid kay Oli pauwi sa bahay nila. Tapos sabay na tayo papuntang bahay?" parang pinagplanuhan naman! Good timing hah!



"Parang planado na hah? Kanina mo pa yan inisiip no?"


"No. Mabilis lang talaga ako mag-isip." mayabang na sagot nito kaya napa-irap ako.



"Oo na! Kunyari hindi mo pinlano. Sus. Sige na. Uubusin ko pa tong kape ko.."



"Masamid ka sana ulit." sabi nito sa kabilang line tsaka niya inend ang call. Natawa ako tsaka napailing.



Teka, bakit hindi ko manlang pinag isipan yung sagot ko? Pupunta talaga ako sa bahay nila? Kinabahan ako bigla.












5pm ng matapos akong magbihis at hinihintay na lamang ang paghatid ni Arman kay Oli. Maaga ding nakauwi si Jenny mula sa lakad nito at ito siya ngayon, para akong iniinterogate sa loob ng sarili kong pamamahay..






"Pumayag ka talaga na ihatid niya si Oli dito?"




"Nagmagandang loob yung tao Jenny. Ayaw mo ba?"



"Hindi sa ayaw ko Gia. Pero nakakahiya kasi. Nakaabala pa tayo ng teacher.."




"Siya yung nag offer. Tsaka may lakad naman kami after niya ihatid si Oli." nanlaki ang mata niya tsaka tumili.




"Sabi ko na nga ba!!! Parang dati lang puro kasamaan ni Teacher Arman yung nirarant mo sa akin, ngayon puro good things about him na. Iba na yan Gia hah! Wag kang papayag na walang label hah! Ay naku! Ikaw ! Kapag nasaktan ka na naman!"



"Hoy! Anong label label! Wala yun! Tsaka wala akong iniisip na more than workmates or something! Walang ganun!"


"Sus. Eh saan naman kayo mag-ddate?"



"Jenny hindi kami magdi-date! Ano ka ba! Ininvite lang ako ng Mom niya for a dinner sa bahay nila—-"


"Ahhhhh! Yung Mom na ang nag invite sayo! Hooooy! Gia!!!!! Iba na yan! Sinasabi ko sayo! Ibang usapan na kapag yung Mom na yung gumagawa ng way para paglapitin kayo!!! Aaahhh ! Masaya ako for you!"



"Hoooy! Ano bang pinagsasabi mo! Ayokong mag assume ng kahit na ano! Tsaka celebration lang yun sa bahay nila kasi ngayon lalabas sa hospital yung kapatid niyang kakapanganak pa lang!"


"Sis! Close ka na pala sa pamilya ni Teacher Arman! Ayan hah! Di ka nag kukwento! So ano nga? Bumabait na ba siya sayo?"




"Minsan oo, minsan hindi. Pero mas magaan na siyang katrabaho ngayon compared before."




"3 months ka palang nag wowork for him pero sa 3 months na yun, grabeng roller coaster of emotions na ang napagdaanan mo! hahahahaha."




"Sobra."



"Teka, alam ba niya yung plano mo next year?" napaisip ako sa tanong ni Jenny. Hindi alam ni Arman na I'm planning to work abroad next year. Si Direk Pat lang ang nakakaalam nun. Tsaka hindi naman na siguro kailangan pang ipaalam sa kanya. Alam naman niyang temporary lang ang pagiging RM ko sa kanya.



"Hindi."




"Ay bakit hindi? Diba dapat alam niya."




"Para saan pa??Tsaka kapag umalis naman ako , sure akong mas sasaya pa yun! Ayaw na ayaw nga niyang may gumugulo sa kanyang RM eh."


"Eh ikaw? Hindi ka ba malulungkot? Iiwan mo si Arman dito—— aray! Makakurot naman!"



"Buo na at tuloy ang plano ko. Tsaka hindi ako uunlad sa bansang ito. At kailangan kong umalis para rin sa atin Jenny. Para sa future ni Oli. Para sa buong angkan natin."




"Gia..." lumapit si Jenny sa akin tsaka ako niyakap ng makarinig kami ng busina ng kotse sa labas.



Speaking of the Alien. Andito na nga siguro.





Lumabas akong bahay tsaka ko sinilip kung si Arman na nga iyon. At ng makita ko ang kotse niya ay muli akong pumasok ng bahay para tawagin si Jenny.



"Andiyan na sila Arman. Kunin mo na si Oli." ngumiti ito tsaka lumabas ng bahay. Pinasadahan ko ng tingin ang sarili ko sa salamin tsaka ako sumunod kay Jenny palabas..




Binuksan ni Jenny ang gate tsaka nagmadaling bumaba si Oli from Arman's car at yumakap sa Mommy niya. Bumaba si Arman ng kotse nito at doon ay nagtama ang paningin namin. Mabilis kong iniwas ang tingin ko at nakangiti akong napatingin kay Oli at Jenny na magkayakap na ngayon.




"Mommy! Teacher Arman bought me burger po! Look!"


"Nagthank you ka na ba kay Teacher mo?" tanong ni Jenny sa anak.



"Yes po! And thank you po again sa paghatid! heheh. Tita Gia! Tita Gia! Laki po ng muscle ni Teacher Arman dito po oh.." nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Oli tsaka ito umakting at tinuro ang braso niya. Natawa si Arman at napailing.



"Salamat Teacher Arman sa paghatid. Naabala ka pa. Pasensya na kung naglilikot ito."




"Naku okay lang! Behave naman si Oli eh."



"Sige na, mauna na kami sa bahay... Mukhang may lakad pa yata kayo? Tara na Oli..." saglit kong tinignan si Jenny at Oli na naglalakad papunta sa bahay nila. Nakikita ko pang nililingon kami ni Oli.




"Salamat sa paghatid kay Oli." panimula ko dito.



"1K lang pang gas." natatawang sagot nito kaya sinamaan ko siya ng tingin.


"So ano? Aalis na ba tayo?"



"Yeah, Let's go?" tumango ako tsaka sumunod sa kanya palabas ng gate. Ako na ang nagbukas ng pinto ng kotse nito dahil nakakahiya naman kung pati iyon ay siya pa?








Pagpasok ko ng kotse ay kakaibang awkwardness ang nararamdaman ko. Na dapat hindi. Anong nangyayari sa akin. Huminga ako ng malalim para maikalma ko ang sarili ko. Hindi ko magawang tumingin sa kanya. Pucha anong nangyayari sa akin.

Lumingon ako kay Arman ng mapansin kong nakatingin siya sa akin. Hindi ko pinahalata na kinakabahan ako, sinikap kong tarayan siya.

"Bakit?" tanong ko dito tsaka ko siya tinaasan ng isang kilay. He smiled tsaka umiling bago muling lumingon sa harapan ng kotse niya at napahawak sa manibela.


"Seatbelt.." sabi nito tsaka ko lang napansin na hindi pa ako nakapagsuot ng seatbelt. Kaya pala hindi pa niya pinapaandar ang kotse! Grrr. Gia! Focus. Mabilis akong nagsuot ng seatbelt ng hindi bumibitaw sa mood na masungit!



"Sungit naman." rinig kong sabi niya bago niya pinaandar ang kotse.



"Di ka pa sanay?" tanong ko dito.




"Sanay na." mabilis na sagot niya. Umismid ako tsaka ko nilihis ang tingin sa window.





"How's Thea?" tanong ko para naman may mapag-usapan kami.



"Ayun, nag aadjust."




"Makikita ko si Theo mamaya. Sana gising siya pagdating natin!"



"Palagi ngang tulog yun sabi ni Mama.."



"Super saya siguro ng Mom mo ano? Sabi nila, kakaibang feelings daw yun kapag may apo na!"


"For sure! Ang tagal tagal ng nanghihingi ng apo sa akin ni Mama. Ang ending, si Thea pala makakapagbigay sa kanya ng unang apo." sabi nito tsaka natawa pa.


"Sure ba si Tita? Wala pa siyang apo sayo? Oh sure ka ba? Wala ka pang anak? Baka isang araw may kumatok sa unit mo tapos mag iiwan ng basket na may lamang baby! HAHAHAHHA.."



"Loko ka! Anong tingin mo sa baby? Prutas? Nilalagay sa basket?"




"Sa pelikula! Basket talaga lagayan ng baby!"



"Ang weird mo talaga mag isip! Writer ka nga!"

"Pero di mo na-deny na posible yun! Arman hah! Baka lima na pala panganay mo!"


"Knock on the wood! That's impossible! Safe ako. Palagi."


"Amen!" pang-aasar ko dito kaya sumimangot na tong katabi ko. HAHAHAHAH.



"Speaking of mga babae mo, alam ba ng Mom mo na madami kang babae?"


"Alam ba ng Mama mo na sobrang ingay mo?" balik na tanong niya sa akin. I'm about to answer ng sumagi sa isip ko si Mama. I miss her. Tumahimik na lang ako tsaka isinandal ko na lang ang ulo ko sa upuan para kunyari ay iidlip ako.












Arman's POV

DISTRACTED in Gia's silence. I hate it. Ito nga, tinulugan ako buong biyahe. Wala naman akong dapat ipag-sorry. Hindi ko naman intensyon na ipaalala sa kanya ang Mama niya.. Ayoko siyang gisingin. Pero nandito na kami sa labas ng bahay. I was thinking kung anong gagawin ko. Hell, ayokong mag sorry. Wala akong ginawang masama.

I'm about to open the door ng makita ko Mama na nakasilip sa gate. Kumaway ito sa akin ng mapansin niyang nakatingin ako sa kanya. I have no choice, kailangan kong gisingin si Gia.




"Gia.."



Nagising ito tsaka napatingin sa akin. Ilang sandali ay sumilip ito sa window. Nang mapansin siguro niyang nasa bahay na kami ay siya na mismo ang nagtanggal ng seatbelt niya.



"Mom was there. Nasa gate siya." sabi ko dito ng hindi siya tinitingnan.



"Natraffic ba tayo? Parang ang haba ng tulog ko. Anong oras na ba——- hah? Inabot tayo ng 6pm sa daan?"




"Ang lalim ng tulog mo."




"Tara na kaya? Nakakahiya sa Mom mo, baka kanina pa sila naghihintay?"



"Yeah, let's go.."





Pagbaba namin ng kotse ay tsaka lumabas si Mama ng gate para salubungin kami. Imbes an ako ang unang lapitan ay Gia ang nilapitan nito na akala mo siya ang anak?


"Ma? Hello ! Andito ako!" paalala ko kay Mama ng yakapin niya si Gia.


"I know! Let me hug our guest! Thank you for coming iha!"


"Magandang gabi po! Thank you din po sa pag invite!"



"Tara, pasok ka sa loob.." nauna na silang naglakad papasok sa loob ng bahay, ako na naiwang nakatayo at pinagmamasdan silang naglalakad papasok.







What? Ako yung anak diba?



Anong nangyayari?







👽

Continue Reading

You'll Also Like

6.5K 160 10
Kael Jefferson Rodriguez had always known he was bound to marry Elaine Veronica Carbonel, a daughter of another wealthy family tied to his and also o...
26.8K 985 51
A Love Story that started in a Hospital when there is a Girl misheard the conversation between the parents and the Doctor about a boy who has a termi...
6.6K 306 54
Warning Notice: This story might be disturbing for you, this is angst and flawed story, issues tackled might be triggering. After receiving a bad new...
133K 3.8K 54
(Under Editing All parts) Date of write: February 2020 Date publish: June 28 2021!!!! End: May/28/2022 Mafia series 2