Wala na yata akong Readers ?!
HAHAHAHAHAHAHA. Grabe ngayon lang nagparamdam XD
Ngayong Bakasyon, pipilitin kong maglaan ng Oras sa Watty ko ^^
Sorry sa Typo's :)
Chapter 37: Sunji
Tammy's POV
June 201*
Dalawang Buwan rin ang lumipas matapos kaming Grumaduate, at syempre hindi ako Tamabay lang sa bahay no ! May trabaho na ko. Che XD
" Thank you Maam, bye po. Balik po kayo. Bye Baaaaby :) " paalam ko dun sa customer at cute nyang baby bago sila lumabas ng MissReine. Yup, MissReine nga po. Shop to nila Tito Red na pinangalan nila kay Reine. Matagal na rin pala nila tong pinagawa, hindi lang sinabi samin para daw Surprise ><
Dito ako nagtatrabaho ngayon, Nakakapagtaka rin eh no ? HRM ang kinuha ko pero eto ang trabaho ko ? Saleslady sa Shop nila. Well nakapagpatayo na rin kami ng Restaurant, Fortalejo's naman ang pangalan eh kaso di pa sya masyadong tapos, Inaaayos nalang yung Interior Design
Pinilit ko pala sila Mommy para payagan akong magtrabaho muna dito, eh paano naman kasi ! Ang cute cute nung Uniform nila ! Pink na yung parang pang Cosplay ! Accessories and Cute Stuffs kasi yung binibenta nila ^^
" I want to buy this ----- Mommy " Napalingon ako, para kasing ako yung kinakausap eh--
" Br-Bree ?! " Ngumiti lang sya at nag Nod
" Waaaaaaaaaa ! " Umupo ako kapantay nya at hinug sya. Namiss ko tong batang to ♥
" Oh Bree ! Nandito ka na pala sa loob. Hinanap kita sa labas " Tumayo ako ulit
" Tita ! Kamusta na po kayo ? " Masayang bati ko kay tita, para sa mga di nakaka-alala, si Bree yung pinsan ko na parang naging Baby namin ni Xander bago pa maging kami
" Ok lang naman. Ikaw ? Pumunta kami sainyo tapos ayun sabi ng Mommy mo dito ka daw nagtatrabaho. Ok ka naman ba dito ? "
" Opo, sobrang ok po Tita "
Nagkwentuhan lang kami saglit tapos umalis muna ako sa Shop. Si Tita bumalik muna sa bahay, gusto daw muna kasi ni Bree na mamasyal kasama ako
" So how are you now Baby Bree ? How old are you already ? " Nako eto na naman tayo, mapapasabak na naman ako sa madugong Englishan -___-
" I'm already 5 years old. Can I still call you Mommy ate Tammy ? "
" of course "
" Yeepeee ! Oh wait Mommy, where's Daddy ? Isn't he coming ? " Nalungkot naman ako bigla. Haaay Busy yun ngayon - Sigurado :(
" Daddy's busy but Mommy's still here " Nakangiti kong sabi sakanya at ngumiti naman sya
" Mommy it taste really goooood " Masayang sabi ni Bree. Nandito kami ngayon sa Starbucks. Ako naman busy'ng-busy sa kakatext kay Xander
To: Imaw ko <3
Hindi ka ba talaga pwedeng pumunta ? Sige na please ? :(
From: Imaw ko <3
Mahirap eh. Sorry
To: Imaw ko <3
Sayang naman. Nandito kasi si Bree ngayon :(
From: Imaw ko <3
Saan ba kayo ?
To: Imaw ko <3
Starbucks ng Fully Booked, Bonifacio High Street
From: Imaw ko <3
K. Wait for me. 30 Minutes
WAAAAAAAAA ! Ang saya ko bigla !
Umakyat muna kami sa taas at nakinig ng Music, nagbasa rin muna ng mga libro habang hinihintay sya, nung malapit na daw sya bumalik kami sa Starbucks
Umorder muna kami ulit, grabe ang yayaman ng mga tao dito, ampuputi, ang gaganda at gwapo, yung iba pa koreano at English Speaking pa ! Buti nalang pala Englishera tong si Bree XD
Lumingon ako nung may maramdaman kong may tumapik sa balikat ko, lalaking matangkad, nakashades at sobrang gwapo. Sino pa ba ?
" Yeeeey ! Daddy ! " Buti nalang at medyo dulo kami kaya walang nakarinig kay Bree. Mamaya ma-issue pa to, Issue na naman ! Di kami lubayan ! -________-
Umorder muna si Imaw at saka pa nagkwentuhan tong mag Ama kuno, tumayo na kami at bababa na sana nang may lumapit saming matangkad, maputi at halatang may lahing babae
" Hey, You're Xander Lee right ? You see, I'm a great fan of yours " Sabay labas nya ng Magazine na may picture si Xander, halatang kakabili lang dito XD " May I take a picture with you ? " Luh, inggit ako sa Accent ni ate, yung Saucy Accent sa Commercial, Hanep -_-
Pagkatapos magpapicture ni ate Saucy, bumaba na kami at naglakad lakad dito sa BHS (Bonifacio High Street) Di na kasi masyadong mainit at mahangin pa. Maraming tao, yung iba mayayaman at yung iba natambay lang para magmukhang mayaman at maghintay ng artistang dadaan, AMININ MO TEH ! TOTOO YAN -_____- Pwes, swerte nila at makikita nila tong si Imaw
( AN: Sorry po sa mga natambay sa BHS. Sorry talaga. Peace tayo ^^V )
Magkakahawak kami na parang pamilya, nasa gitna namin si Bree na tumatakbo kaya nahahatak kami, ang cu-cute kasi ng mga aso dito
" Mommy, Daddy look ! " Sabay turo nya dun sa Cuuuuuute na asoooooo ! Parehas pala kaming mahilig sa aso *O*
" Si Xander ba yun ? "
" Oo yata eh ! Pero bakit Mommy't Daddy tawag nung bata ? "
" Shettt ! Si Xander ! "
" Hala si Xander nga ! "
" PaPicture tayo ! "
" Ayoko ! Nakakahiya kaya ! "
Nag umpisa nang dumami yung mga tao lalo na BABAE ! Yung iba dedma lang, Mayaman eh, di patay na patay makakita ng Artista no -__-
" H-Hi po kuya Xander. Pw-Pwede po bang magpapicture ? " Pumayag si Imaw kaya nagPicture sila, ako naman tinitignan lang kung pano nag sunod sunod yung mga nagpapapicture sakanya at si Bree eto dedma, tuwang tuwa sa aso -_-
" Mommy, why do they take pictures with Daddy ? " Ayun ! Nakahalata rin sya XD Dalawa na kami ngayong pinagmamasdan sila
" Because Daddy is a Model and now an Actor that's why people know him " Naupo muna kami sa tabi, baka kasi nakalimutan na nya kami ? -______- Tapos ayun nilibot nya yung tingin nya tapos nakita kami, tinignan nya ko na parang humihingi ng tulong. Eh pano ba naman ? Pinagkakaguluhan nya sya ! Akala ko pa naman matatahimik kami dito kasi nga Lugar ng mayayaman to kaya bawas Crazy Fans, di rin pala =_____=
" Bree, stay here okay ? I'll just go get Daddy back to us " Sabi ko sakanya with aja pose pa kay tumango sya. Nung palapit na ko may babaeng umeksena
" Xander ! Hey Xander ! " Sigaw nun kaya naman nagsilingunan yung mga nagpapapicture kay Xander pati ako napalingon na rin. Teka si Su-
" Si Sunji ! " Bulong nung iba, nung nawala yung atensyon nung iba kay Xander, lumapit na sya samin ni Bree, lumapit din tong Sunji na to, yung ka LoveTeam / Partner AT LAHAT NA sa Movie na ginagawa nila ngayon -____-
" Sunji anong ginagawa mo dito ? " Tanong ni Xander sakanya
" Sinundan kasi kita kanina dito then nawala ka na sa paningin ko, kanina pa kita hinahanap "
" Pumasok kasi ako ng Fully Booked. Sana tinawagan mo nalang ako "
" Aa okay lang yun. Nacurious lang kasi ako sa importanteng bagay na pinaalam mo kay Direk, eto na ba yun ? " DFD#@SGR ? Sabay tingin nya sakin mula ulo hanggang paa, pati na rin kay Bree !
" Aa yes. Sunji she's Tammy my Girlfriend " Nilend ko yung kamay ko kahit ayoko para magmukhang naman akong mabait -___- pero hindi nya inabot !
" Oh hey. Nice to meet you. And she is ? " Binaba ko na ulit yung kamay ko, tinutukoy nya naman si Bree ngayon
" She's Bree. Our daughter " Biglang lumaki yung mata nung Sunji-monya -_____-
" YOUR WHAAAAAT ?! "
" Oh di mo ba naintindihan ? Ang sabi nya, si Bree anak namin. Problem ? " Mataray pero mahinahon kong sagot sakanya >:D