Chapter 44

610 11 0
                                    

Chapter 44

Tammy's POV

"Uh, Maam? Asin na po yang nalalagay nyo."

"H-Ha? Oh my gosh!"

"Maam ako nalang po dyan, magpahinga na po kayo."  Nakangiting sabi sakin nung isa naming baker. Nag ayos naman na ako at lumabas ng kitchen.

"Maam oh."

"Ah, thank you."

Ngumiti lang sya sakin at umalis na. Ininom ko naman yung juice na inabot nya sakin. Ugh, nakakainis talaga. Paanong hindi ako magkakaganito eh binibigyan nya talaga ako ng sakit ng ulo! Ilang linggo na akong nagtatrabaho at nagsimula na rin yung pag gawa nila Maw ng movie. Tumawag ako kanina dahil break daw nila nang marinig ko yung malanding boses ni Shannen sa linya. Hinaharot nya ang boyfriend ko! Ghaad!

"Oh? Ha?!!"  Hinila nya ako papunta sa sasakyan nyang nakapark sa labas

"Tumakas lang ako saglit. Isasama kita, di ako matahimik. It feels like as of I'm cheating you on this. Mag behave ko dun ha."

"Hindi ko maipapangako, but I'll try my best."  Tumawa lang sya at umalis na kami.

- - - - - -

"Xander dear! Where have you been?! We've been looking for you the who-- Oh, Tammy. Anong ginagawa mo dito?"  Tanong nya habang nakapulupot sa braso ni Maw, napansin nyang nakatingin ako dun kaya tinanggal nya bigla.

"Just guarding my territory."  Nakangiti kong sagot sakanya.

"At kaylan mo pa naging teritoryo to?"

"Nah. You know what I'm mean Shannen. Wag kang magtanga-tangahan dahil bumabagay sayo, ikaw rin, baka ma-maintain mo yan."

"You bitch."  Bulong nya. Napangiti naman ako, yan ang gusto mo ha? Well, mas magaling akong mambwisit sayo. *Roll eyes*

"I told you to behave."  Bulong sakin ni Maw pagkaakbay nya sakin.

"I told you that I'll try."  Nakangisi kong sagot sakanya at umupo na sa gilid. Magsisimula na sila.

- - - - - -

"Nanny! Nasan na yung juice ko?!"  Sigaw ni Shannen sa katulong nya.

"Eto na po Maam, sorry po."

"Ang bagal bagal mo! Mabigat ba to?! You're so stupid."

"Sorry po Maam, tumawag po kasi si Maam Shannon eh."

"Sino bang kasama mo dito ngayon? Sinong amo mo?! Ako lang! Ako! Don't mind her! That annoying sightless worthless bitch. Lumayas ka na nga sa harap ko! Peste!"

Ganyan ang eksenang makikita mo tuwing break nila. Naaawa ako sa katulong nya at mas naaawa ako sa kambal nya na sinasabihan nyang walang kwentang bulag samantalang paningin nya ang ginagamit nya ngayon. Kung hindi dahil kay Shannon, sya sana ang wothless blind ngayon.

"Ngets, ano na naman yang iniisip mo?"  Di ko namalayan, nandito na pala si Maw sa tabi ko.

"Wala lang. Hmm, di ba kayo naiirita sa bunganga nyang brat na demonyitang yan? I mean, lagi syang ganito sa set? Buti natatagalan nyo?"

"Tss, maswerte na kami pag ganyan. Minsan napunta si Sunji dito at yun na talaga ang fiesta. Parang isang bayan ang nandito."

Pagtapos ng shooting ay pumunta muna kami sakanila, si tita Saab kasi tumawag, dun na daw ako mag dinner tutal magkasama kami.

"Hey hubby! What took you so long? Kanina pa kita hinihintay!"  What the?! Pagbukas pa lang namin ng pinto ay si Lian na ang bumungad. Agad nyang pinulupot yung kamay nya sa braso ni Maw at hinila paupo sa sofa. WTH, nakakainis talaga to!

"Hey! Tammy, nandyan ka pala? Anong tinutunganga mo dyan?"  Sabi nya na parang ngayon lang ako nakita. Inirapan ko lang sya at nagpatuloy na sya sa paglandi sa BOYFRIEND KO!!

"By the way, nalaman ko na ex mo pala yung fiancé ni kuya? Nako, kung nalaman ko lang sana ng mas maaga edi hindi ko na sya sinama dito at niligaw ko nalang sana sya sa gubat, Just kidding! Fiancé pa rin naman sya ng kuya ko kaya magiging mabait ako sakanya."

"Wait, sinama mo sya dito?"   Nandito sya? Si Rissa?

"Yeah, may problema ba dun? Pumunta lang sya ng c-- oh eto na pala eh."

"Oh, nandito na pala kayo! Hello Tammy!"   Tumakbo sya palapit sakin, yumakap at nagbeso   "Hello Xander!"   Yayakapin na nya sana si Maw kaso etong si Lian >______>

"Oh? Subukan mo! Isusumbong kita kay kuya! Chuupii! Wag mong mayakap yakap si hubby ko!"

"Hubby mo?"   Tanong nya

"Oo, hubby ko! Problema?"   Umiling lang si Rissa at tumabi sakin. Dinaldal ako, ang daldal pa naman nito -_____-

"Sir Xander, may naghahanap po sainyo. Sila Sun---"

"Hey Xande--- Tammy?! Anong ginagawa mo dito?!!"   WHAT THE HECK?!!!

"Ikaw ang dapat tinatanong ko nyan? Anong ginagawa NYO dito?!"   Anong ginagawa ng magkapatid na impaktang yan dito?!! Kasama nya kasi si Shannen! Malala! Malalang malala!!

"We just brought this here. Nalimutan kasi si Xander dear sa studio, so ayun."   Hawak nya yung tshirt ni Maw. Putek, pati ba naman tshirt nanakawin para lang may excuse pumunta dito? Bwisit!

"Ayun naman pala eh? Ilapag mo lang dyan at umalis na kayo."   Nagulat kami nung nagsalita si Lian na hanggang ngayon ay nakapulupot pa rin kay Maw ko!!

"Ha-Ha?!! Sino ka naman? At bakit nakapulupot ka na parang ahas kay Xander?!"   Mataray na tanong ni Shannen.

"Wifey ni hubby ko bakit? May problema? Ikaw? Sino kang impakta ka? At may bitbit ka pang alalay?"

"WHAT DID YOU JUST SAY?!"   Lumalabas na po yung sungay ni Shannen mga kababayan, at si Sunji naman po ay naninirik na rin ang mga mata. Kung pag awayan nila YUNG BOYFRIEND KO ay parang wala yung GIRLFRIEND NYA dito ha? At parang wala sila sa pamamahay ng BOYFRIEND KO ha? Tsk. Mga walang manners talaga =_______=

"Ano yang ingay na----- yan? Oh? Bakit ang daming babae dito?"   Lumabas si tita Saab galing kusina na nakasuot pa ng cute nyang apron.   "Tammy? Xander? Anong nangyayari dito?"

Umiling lang ako at tinuro sila Shannen, Sunji at Lian. Bakit? Wala naman akong ginagawa diba? -_________-

"Lian?"   Paglilipat naman nya ng tanong kay Lian na mas nakayakap pa kay Maw ngayon!! -____-**

"Kasi po tita Saab sila po!! Mga intruder!"

"Ha? Excuse me lang, sino ba kayo?"   Tanong naman nya kanila Shannen.

"Oh? What's happening here?"   Napatingin kaming lahat sa kakarating lang, si tito Steven.

"Sis, is this really true? Vien Lejada-Lee and Steven Lee is really here on front of me?!!"  Di makapaniwalang tanong ni Sunji-monya -_________-

"Oo, di ba obvious? Stupid."   Saka umirap sakanya si Shannen. Bwisit na magkapatid na to.

"Saab?"   Tanong ni tito Steven

"Di ko rin alam. Pumunta lang akong kusina kanina para magdagdag ng hapunan kasi dumalaw si Lian kasama yung fiancé ni Ian tapos ganito na yung dinatnan ko ngayon."

"Xander? Let's talk."   Nilet go sya ni Lian, dapat lang! Tumingin muna sakin saka sumunod kay tito sa taas.

"Manang! Ikaw muna bahala sa niluluto ko, paki-ugh, dagdagan na rin."   Sabi ni tita Saab dun sa katulong, tinanggal nya yung apron nya at pinaupo sila Shannen.

So anim kaming nandito sa sala. Ako, si tita Saab, Lian, Rissa, Sunji-monya at isa pang impaktang si Shannen.

"So, girls?"   -tita Saab.

Hanep. Isa po itong pagsasama-sama ng mga tunay at nagfi-feeling babae sa buhay ni Ray Xander Lejada-Lee. Great. Masaya to -________________-

Our Crazy Love Story [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon