The Last Elimination Games

By Hanamichi-kyun

1.2K 74 22

Continuation of the book 1 After Rehabilitation. This is a time skip of a year. Wherein Sakuragi is the new c... More

1 Year Later
Goodbye #10
Hello World - 2 rookie centers
announcement
Oda?
Study Night
Elimination Games
Shohoku Vs. Takezono - Revenge Game
Shohoku Vs. Takezono 2 - Ang Dunk ni Kaito
Shohoku Vs. Takezono 3 The future Squad.
Shohoku Vs. Takezono - Being a big bro
Shohoku Vs. Shoyo 1

Sakuragi x Aoi Day.

101 6 2
By Hanamichi-kyun

Third Person's POV

So today is Saturday. Ito ang gym day ng team. At dawn, nagkita kita sila sa harap ng school at sabay sabay silang pumunta sa gym, dito nga ay kasama si Akagi, at Mitsui. Hindi padin makapaniwala si Akagi na mas matangkad na sakanya si Sakuragi ng 2 centimeters. Maging si Mitsui ay hindi makapaniwala. Nahihiwagaan naman si Tobirama kung sino yung malaking taong kasama nila kaya naglakad na siya ng loob na tanungin ang captain nila.

Tobirama: Capt. Sino po ang mga kasama natin?

Sakuragi: Ah, sila ba? Yung mas maliit ay Hisashi Mitsui, back when he is playing, he was my captain, he passed the torch to me. He was our first option. Kung kalaban ka niya, kabahan ka na. Dahil once na pumasok ang tira niyan ay magliliyab ang buong court sa sobrang init niyan. Siya lang naman ang Middle schooler to Jr. High MVP. Ang sabi sakin dati ni Kogure-senpai ay may chance din na magMVP siya nang magsecond year sila kung hindi lang siya nainjured o mahinto sa paglalaro. Yung mas matangkad naman, siya si Takenori Akagi. Not even you can beat him in physical and mental game. Kakawawain ka lang niyan sa poste dahil sa lakas, talino at gulang niyan sa laro. May isang player dun sa Ryonan na ang height dati ay 206 cm. Pero hindi pumorma sakanya, back then, Akagi is only a 196 but a super strong inside. Siya ang nagturo sakin magbasketball noong freshmen palang ako.

Fujiwara: Wow! Ang lalakas niyo din pala nun. Captain, sa tingin mo ba matutulungan niya ko sa weakness ko?

Sakuragi: Ayun ang hindi ko lang alam. 2nd year na siya sa college and malamang busy na siya sa pagaaral. At malamang ay kasali din sa varsity team kaya baka hindi ka niya maharap. Pero tignan natin kung matutulungan ka niya.

Fujiwara: Salamat po!

Hindi nila alam ay naririnig sila ni Akagi, at nagpapanggap lang na hindi. Lingid sa kaalaman ni Sakuragi ay super proud sakanya si Akagi dahil sa kung ano siya ngayon.

Maya maya pa ay si Mitsui naman ang nagsalita. Gusto niyang bwisitin si Sakuragi ngayon sa harap ng mga alaga niya.

Mitsui: Mga bata! May ikekwento sana ako sainyo, unang game namin 2 years ago sa Miyuradai.

Sakuragi: A-aaack!!! Hindi mo padin nakakalimutan yan??

Aoi: Quiet! Gusto ko marinig!

Kaya walang nagawa si Sakuragi at natahimik nalang.

Mitsui: Alam niyo bang ubod yan ng bano noon? Eto ang unang beses sana akong mabibilib sakanya, dahil sa lupit ng galaw niya noong dying seconds ng laro na yun. So Nagjab step siya kanan.

Sakuragi: Hnnnnnnng!! Kaliwa!

Mitsui: Sa kaliwa, then napakagat yung nagbabantay sakanya so maluwag yung kanan diba? So pumasok siya sa kanan, at tumalon ng naaaaapakataas almost free throw line. And dinakdak niya ang bola...

Lahat sila: Whooooah!

Mistui:.. sa ulo ng sentro ng kalaban. Hahahahahaha. Kala ko nga mamamatay na yung tao dahil sa kalokohan niyang si Sakuragi noon eh. Hahahaha

Tawa din ng tawa ang mga player na nakapanood ng laro na yun. Lalo na si Shiozaki, Rukawa, Sasaoka at si Isshi. Lalo na si Aoi, napapaluha pa sa tawa.

Akagi: Napakagunggong niya noon. "Henyo ako! Nyahahaha" ganyan siya noon. Pero aminado naman akong malaki ang pinagbago niya, sa paglalaro at pagiging madesiplinang tao kaya noong huling Winter Tourney ko? Sobrang saya ko nun dahil nakasama ko si Sakuragi at Rukawa. Dahil silang dalawa ang dahilan kung bakit kaming mga seniors nila ay nakalasap ng championship sa buong Japan.

Sasaoka: Oo nga. Grabe yun last year. Pati ako, hindi ko naisip na magkakaron din pala ako ng pagkakataong makapaglaro nung mga panahong iyon.

Shiozaki: Dun ko lang naramdaman yung tiwala ng mga kateam ko sakin at sa depensa ko. Haha. Sana maulit na natin.

Sakuragi: Mauulit yun. Rukawa, Isshi, Sasaoka, at Shiozaki, this is our last year. So let's make it happen. Let's get all the chips this year! Rookies! Aasahan kong walang magququit sa inyo ha. You gave me your words.

Mga rookies: Opo!

Sakueagi: Ok! Let's get this started.

So nakarating na sila sa gym at nagstay sila dun for almost 3 hours. At lahat sila ay nakilahok sa paramihan ng push ups. After an hour, ang mga naititira nalang na hindi sumusuko ay sila Fujiwara, Tobirama, Akagi, Mitsui, Rukawa at Sakuragi.

Sa kanilang anim nga ay Sakuragi lang ang tila ba'y hindi napapagod at tuluy tuloy pa din sa mabibilis na push ups. Sa anim na ito ay si Mitsui at Rukawa ang naunang bumigay ng sabay. After 15 ups and downs ay sumuko na din ang dalawang rookie centers at dito nga ay ang naiwan nalang ay si Akagi at Sakuragi. After 20 minutes ay sumuko na din si Akagi. Pero si Sakuragi ay kaunting hingal lang ang naramdaman.

Sakuragi: Haha. 900. Pwede na din.

Akagi: huuu! Hindi ko maramdaman ang mga braso ko.

Maya maya pa ay naghubad na ng sando si Sakuragi at uminom ng tubig. Ang mga babaeng nasa gym naman ay napatingin sa gawi niya. Kaya naalarma nanaman si Aoi at dumikit nga sa kanyang boyfriend.

Rukawa: Don't worry, nagbawas na sila ng level. Hindi na sila parang ahas na sobrang maglandian sa isang tabi.

Sakuragi: Hoy! Gagong to kung anu ano sinasabi.

Dito nga ay binato ni Sakuragi ng Basang sando si Rukawa at tinamaan nga siya sa muka.

Nagtawanan naman ang mga kasama nila. Yes. Mistula ng bestfriends si Sakuragi at Rukawa ngayon na nagkukulitan sa twing maluwag ang oras nila sa practice. Anjan yung pagmagbobox out sila ay aalisin ni Sakuragi ang pagkakasintas ng sapatos ni Rukawa. Okaya naman ay pag nasa bench sila ay tinatakluban ni Rukawa ng kumot ang buong ni Sakuragi at babatukan niya ng malakas. At minsan ay nakikita nilang naghahabulan pa ang dalawang to pag nagkakainisan na.

Rukawa: Aray! Gago ka talagang unggoy ka! Pumasok sa mga mata ko yung pawis mo! Gago! Hng!

Nagstart pa ulit sila sa gym sessions nila at makapananghali ay napagpasyahan na nilang lumabas.

Sakuragi: A-ahaha. Sorry guys. May practice pa sana tayo sa gym e. Nakalimutan ko naman magpaalam kahapon sa guidance na gagamitin natin yung school gym ngayon. Hahaha.

Akagi: Kung kelang gustong gusto pa man din kitang makalaro tyaka ka pa inatake ng kagunggungan mo.

Aoi: Kaya nga! Hng!

Haruko: Tungkulin mo yun eh! Dapat di mo yun nakakalimutan! Rukawa! Ikaw din dapat! Kaya ka nga vice captain eh! Mga engot! Hng!

Rukawa: A-ah! Grabe ka naman, Haruko-chan. Bawas na bawas na nga ang tulog ko tapos gusto mo pang alalayan ko yang tukmol na yan?? Grabe.

Sakuragi: Kasi! Kung hindi niyo ko talaga pinagtripan jan sa president president na yan ay wala na akong gaanong iniisip! Wala sana akong nakakalimutang bagay! Hng!

Dalawang manager: Bleeeeh!

Wala na ngang nagawa ang team kaya nagpasya nalang silang umuwi. So si Rukawa, Haruko, Aoi at Sakuragi nalang ang naiwan.

Sakuragi: Anong plano?

Rukawa: Wala. Tulog.

*Pak!

Rukawa: A-aw..

Haruko: Tulog. Kaya humihina yang resistensya mo eh! Tamad ka na magexercise. Hng!

Sakuragi: Hay. Mabuti pa, uwi nalang tayo. Gawin nalang natin ang mga gusto natin. Aoi-chan, sama ka?

Aoi: Oo naman!

Haruko: Oh, san nanaman kayo pupunta?

Aoi: Secret. Hahaha. Joke, dun lang kami sa bahay niya. Magmovie marathon nalang siguro kami buong araw.

Sakuragi: Or dalawin sila daddy sa libingan nila.

Napatingin naman sila kay Sakuragi, at napansin na malungkot nga ang mga mata nito.

Rukawa: Hay. Una na ko sainyo. Magbabasa nalang ako ng manga sa bahay. Haruko-chan. Halika na at ihahatid na din kita.

Kaya sumunod nalang din si Haruko kay Rukawa.

Pagkauwi nga nila Sakuragi ay nagbihis na din siya at Aoi at sumakay na sa motor para dalawin ang libingan ng mga magulang ni Sakuragi sa simenteryo.

Dun na din sila kumain at kinakausap nga nila ang mga magulang nito. At nagpasya na silang magpaalam. Napagdesisyunan ni Sakuragi na ayain si Aoi sa bay area at dun magpalipas ng oras.

Sakuragi: Aijoo, last year na natin to sa basketball sa high school. Promise, no losses. Tayo ang maguuwi ng karangalan sa elimination games at interhigh. 5 months nalang at Tournament na ulit. Gagawin ko ang lahat para magchampion tayo ngayong taon.

Aoi: Red, alam kong kaya mo yan. Susuportahan talaga kita hanggang dulo dahil mahal na mahal kita.

Napangiti naman si Sakuragi dito at hinalikan niya nga ang babae sa labi.

??: A-ah! Sorry. Ahm, Sakuragi-kun? Is that you?

Napatingin naman si Sakuragi sa likod niya at nakita nga ang dati niyang nililigawan sa Jr. High.

Sakuragi: At your service. Kumusta, Yoko?

Yoko: Ok naman. Kumusta ba?

Sakuragi: It's been good. I'm the captain of my team now, can you believe it?

Yoko: Wow! Congrats!

Sakuragi: Si Oda, kumusta?

Yoko: Nakipagbreak na ko sakanya. Wala na kong balita dun.

Sakuragi: Damn. But that how life goes. People come and go. Me? I got myself a beautiful love of my life. Yoko, meet my lady, Aoi Ando. Aoi-chan, meet Yoko, a friend of mine from Wakuo Jr. High.

Yoko: H-hello sayo, Ando-san, sige una na ko. Baka naistorbo ko na ang date niyo.

Dito nga ay napansin ni Aoi na malungkot ang mata ng babaeng yun. Kaya napasimangot nalang siya ng mapalayo ito at pinalo sa braso si Sakuragi ng malakas.

Sakuragi: Aray! Bakit??

Aoi: Hng! May crush sayo yun! Hng!

Sakuragi: No, hahaha. Kahit sino pa magkacrush jan. Ikaw lang pinakamaganda sa paningin ko.

At hinalikan nga niya ulit si Aoi sa labi na kinapula naman ng kanyang mga pisngi. Napansin naman ni Sakuragi na parang nilalamig na si Aoi kaya pinasuot niya ang riding jacket niya sa girlfriend niya at nagpasya na silang umuwi.

Paguwi nga nila ay sobrang lambingan nga silang dalawa sa couch. Dahil gustong gusto na ni Aoi na manood ng mga movies ay nagsalang na si Sakuragi ng snacks nila at namimili na si Aoi sa mga DVDs ni Sakuragi. Lahat nga ito ay bago dahil kagabi ay bumili si Sakuragi ng sobrang daming movies sa mall na malapit para pagnagovernight si Aoi ay madami silang mapapanood.

After 10 minutes ay tapos na si Sakuragi sa burger, fries and pop corns, nakapili na din si Aoi ng movie na papanoorin nila. Dito nga ay ang pinili niya ay isang action adventure genre. Halos hindi naman sila makapanood dahil nagkukulitan lang din silang dalawa. Suot suot nga ni Aoi ngayon ang lumang number 10 jersey ni Sakuragi at saktong sakto nga ito skanya.

Maya maya ay may narinig silang katok sa pinto. Bagamat 2:30 palang ng hapon ay hindi naman nila inaasahang may bibisita sakanila. Pagbukas nga ng pinto ay si Ayako ang bumungad. Agad agad siyang yumakap kay Aoi nang mahigpit at nakangiti nga ito sakanya.

Aoi: Aaaate!! Kumusta ka na po? Namiss po kita! Hahaha

Ayako: Hay! Sorry, hindi ako makadalaw sa gym at sobrang busy namin ni Riyota sa mga entrance exams namin for college. At etong si Sakuragi-kun oh! Ang tangkad! At ang macho! Hahahah.

Sakuragi: Batak lang te sa pageexercise. Isama mo naman minsan si Riyochin sa gym. Malamang ay namimiss na din niyang manood ng mga laro.

Miyagi: Oo ba! Hoy Babae! Sabi ko hintayin mo ko eh! Kadami dami kong dala dala eh! Hindi ka na naawa sakin! Hng!

Ayako: Sorry na sorry na.

Sakuragi: Hahaha.

Ayako: Baka naman nakakaistorbo kami, ano bang ginagawa niyong dalawa?

Miyagi: Umiiscore ka no! Hahahahaha

*Pak!

Miyagi: A-aw!

Ayako: Manyak ka talaga kahit kelan!

Biglang napatingin nga si Miyagi sa TV.

Miyagi: Eh ano yan! Nanonood kayong porn??

Sakuragi: Tanginang to! Hahahaha. Sex scene lang yan! Action Adventure genre pinapanood namin. Puro ka talaga kabastusan kahit kelan. Hahaha

Ayako: Wag kang sasagot ng hindi maganda sa sinabi ni Sakuragi-kun o sisipain ko yang tuhod mo. Hng!

Aoi: Ayy, ewan ko sainyong dalawang lalaking tukmol! Tara na nga te! Iwan natin yang mga yan! Dun tayo sa kusina.

At dun nga nagbonding silang apat sa harap ng TV. Nagmistulang mini double date nga ang nangyari.

Nang magdilim ay napagpasyahan na nila Ayako na umuwi na din at may study session din silang dalawa ni Riyota. Ayun naman kila Yasuda ay magaganda naman ang grades ni Riyota, ayaw lang talaga niyang magpakakampante kaya exam siya ng exam sa mga universities sa Kanagawa, Osaka at Tokyo. Para mapanatag nalang din ang kalooban niya. Kung may ilan man siyang maipasa, may mga pagpipilian na din siya. Ganun din si Ayako, hindi siya naglelet up sa mga universities na pwede niyang pasukan.

Nagpatuloy naman ang bonding moments ni Aoi at Sakuragi, napagpasyahan ni Aoi na dito na siya magpapalipas ng gabi. Madami pa silang movies na tinapos hanggang sa makaramdam na ng antok si Aoi at inaya na si Sakuragi sa kwarto.

Continue Reading

You'll Also Like

9K 392 38
Highest rank achieved: #1 "Giving up doesn't always mean you are weak, sometimes it means that you are strong enough to let go." - Kyth Sandoval All...
179K 12.1K 56
| COMPLETED | METRO MANILA, PHILIPPINES YEAR 2051 Kaya mo bang lumaban para mabuhay? O magiging duwag ka hanggang sa mamatay? Kaya mo bang makatakas...
18.9K 140 21
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...
187K 14.9K 97
COMPLETED ✔ What would you do if you found out you were a Royal Princess? What would you do if you were the missing Princess and everyone thought you...