Oda?

97 5 1
                                    

So during weekends nga ay sa bahay ni Sakuragi nagstay si Aoi, marami silang ginawa na dalawa, naglinis, nagluto, naglaba, nagloving loving habang nanonood ng mga movies. At siyempre gumawa ng mga assignments. Pero yung Sunday night ang pinakaspecial para sakanila, dahil nangyari na nga ang first time nilang dalawa.

Para kay Aoi, wala siyang pinagsisisihang ibinigay niya ang pagkababae niya kay Sakuragi dahil sobrang pagmamahal naman ang araw araw niyang tinatamasa. Palagi siyang pinasasaya ni Sakuragi, hindi naman sa nang aano, eh talaga namang sobrang pagmamahal talaga at pagpapahalaga nga kay Aoi ang pinararamdam ni Sakuragi.

Para kay Sakuragi, si Aoi ang babae na hinding hindi niya iiwan kahit kailan. Kahit makakita pa siya ng mas maganda dito sa girlfriend niya ay hinding hindu niya ipagpapalit, dahil kay Aoi niya naramdaman ang pagmamahal na matagal na niyang inaasam asam. Yes, 51 girls ang dumurog sakanya, but he doesn't think of it as a failure. Because he finally met his last love for now. Kay Aoi niya gustong makasal, si Aoi ang gusto niyang katuwang pagbuo ng pamilya, at si Aoi lang ang gusto niyang makasama hanggang sa mamaalam na siya sa mundo.

Makalipas ang ilang oras nang araw ng lunes ay naghanda na silang dalawa sa pagpasok sa school. Ilang minuto pa ay on the way na sila.

Napagdesisyunan nga nilang sa cafeteria nalang kumain ng agahan. Maya maya ay nakita nila si Miyagi na nakasimangot sa isang gilid kaya tinabihan nila ito.

Nang mapansin ni Miyagi ang dalawa ay agad siyang lumapit at yumakap kay Sakuragi at umiiyak.

Sakuragi: Bakit tol? Nagaway ba kayo ni Ate?

Riyota: Hindi pre. Tangina, 4 results na ang nakukuha ko pero sablay padin ako sa entrance. Hindi ko makita si Ayako para sana siya ang karamay ko eh. Kaso sinabi niyang hindi siya makakapasok at may sakit daw siya. Tangina pre. Pinagpupuyatan ko gabi gabi lahat ng entrance exams ko e. Pero bakit kinakapos ako sa puntos.

Sakuragi: Grabe. Kasama ba sa apat na yan ang first choice mo?

Riyota: Oo pre. University of Kanagawa. The most prestigious university sa prefecture natin. Kulang ako ng 3 points sa passing mark nila. Kaya naiiyak nalang talaga ako sa panghihinayang.

Sakuragi: Gusto mo ba tulungan ka namin ni Aoi? Pero kailangan ka naman ni Ate ngayon at may sakit siya. Gusto mo sa Friday? Maggroup study tayong apat. All nighter.

Riyota: T-talaga? Handa kayong gawin yun? Pano yung practice niyo sa umaga?

Aoi: Ayos lang yun. Kailangan din ng day off ng mga bata ay may isang higanteng mokong dito na mahigpit pa kay Captain Akagi kung maglead.

Sakuragi: A-ahh. Heheh. Di naman. Grabe ka.

Aoi: Hng! Yung point guard natin nilagnat dahil sa kahigpitan mo! Tapos may sumusuka na sa likod ng school grounds sa sobrang pagod! Hindi kasi sila kaparehas mo ng build kaya maghinay hinay ka lang. Yung dalawang rookie centers nga lang ang kayang sumabay sayo bukod dun sa mga seniors sa team. Ano, sasagot ka pa? Grabe ka.

Riyota: A-ah. Hehehe. Kailangan nga nila ng day off.

Maya maya pa ay pumasok din si Kenzo, Fujiwara at Tobirama sa cafeteria para sana magalmusal dahil kakatapos lang din nila magpractice sa gym with the other rookies. At nakita nga nila ang captain at ang manager nilang may kinakausap.

Tobirama: Good morning captain! Kakatapos lang po namin sa morning routine program niyo!

Aoi: Hng! See? Hng!

Nagcaptain mode naman si Sakuragi. At tinignan ang tatlo.

Sakuragi: Good job, guys. Meet Riyota Miyagi. Siya ang star point guard namin.

The Last Elimination GamesWhere stories live. Discover now