Hello World - 2 rookie centers

84 5 0
                                    

2 days after the introductories, nakakaramdam na ng pagod ang buong team dahil sa mga gruelling training sesh nila under coach Anzai. Yup under coach Anzai dahil pati Sakuragi ay sumali sa training program na siya din ang gumawa. Walang namilit sakanya at siya talaga ang nagpresinta. Sumasali din si Aoi sa mga gustong gusto niyang drills.

Sa mga practice games nila ay napapansin nilang nangingibabaw ang rookie center na si Fujiwara pag dating sa rebounding. Like he said, stretch big ang laruan niya, kaya pinakikita niya ang shooting prowess niya sa mid range at paminsan minsang three balls.

Ang kaisa isahang nagdodomina sakanya sa depensa at opensa ay si Tobirama, yup the 200cm guy. Dominant force ito sa ilalim, magaling siya pumoste, at magaling din siya tumaming ng tira, maaalala mo sakanya ang star center na si Akagi sa sobrang lakas sa ilalim.

A day after ng second training sesh nila ay makikita niyo na naguusap si Fujiwara at Tobirama sa school garden.

Fujiwara: Hindi yata ko tatagal pre. Sobrang strict ng training program ni Captain. Hay. Every day ay same level of intensity.

Tobirama: Ako din naman ay nahihirapan, pupulikatin na nga ako sa pagod eh. Pero hindi ako susuko, dahil ang captain natin ang dahilan kung bakit ako nandito. Kung hindi mo pa alam pre. Ang program na ito ay ginagawa niya noon sa Saitama at Kawasaki. Mas malala pa nga yun kasi dun ay talagang batikan ang mga players na kasama niya sa bawat training camp. Kaya kung gusto mong lumakas, please wag ka maggive up.

Fujiwara: Talaga ba? Training sesh under B-league teams?

Tobirama: Yup. And pinaglalaro pa siya sa ligang labas doon kung saan madaming import na kasali. Hindi din siya nagbibiro nang sabihin niyang pati si Aoi-senpai ay nakisama sa mga training camp sa Kawasaki. Tatagan mo pa pre. Ok?

Fujiwara: Ganun pala. Sige. Magsusumikap pa ko.

Tobirama: Ano, game tayo? Half day lang naman ang mga classes natin. Isang game lang then maglinis na agad tayo.

Fujiwara: Tara.

Kaya naunang pumunta ang dalawang ito sa gym. Lingid sa kaalaman nila ay pinapanood pala sila ng vice captain nilang si Rukawa.

Rukawa became an open person kagaya ni Sakuragi, no more competetions na din para sakanya. At dahil dun nga ay nararamdaman niya kaagad na lumakas siya bilang isang player. Yup nakakatulong ang mga training programs ni Sakuragi sa buong team. Lahat ng mga seniors ay nagrereklamo na kay Sakuragi dahil sa sobrang hirap pero kinakampihan ni Rukawa si Sakuragi. Para din naman sakanila ang ginagawa nila eh. Eventually, masasanay din ang katawan nila sa ganong klaseng gruelling sessions.

So sinundan nga niya ang dalawang sentro, at pinanood kung paano gumalaw, nagone on one nga ang dalawa sa practice.

Maya maya ay lumapit siya sa dalawa at nagbigay ng payo kung pano ang 2-man post up drills.

Rukawa: Nagaaksaya kayo ng oras. Mali yang ginagawa niyong drill. Dapat ay dalawa kayong point guards na kasama para hindi kayo napapagod sa kakapulot ng bola. And dapat may 10 seconds timer kayo. Akina yan.

So binigay nga ni Fujiwara ang bola sakanya at pumwesto na siya sa poste, pero nagset nga ng timer si Rukawa for 10 seconds.

Makikita talagang hirap talaga si Fujiwara sa mas malaki sakanya, hindi niya maiusog si Tobirama kaya puro awkward fade away ang ginagawa niya. After ilang reps ay pumalakpak na si Rukawa dahil nanjan na din si Sakuragi. Nagbow naman silang tatlo nang makita nila ito.

Sakuragi: Mali ang ginagawa mo, Fujiwara. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay lakas ang paiiralin mo sa poste. Tobirama, bantayan mo ko.

Dito nga ay sa low post nagkiskisan si Sakuragi at Tobirama, nagshoulder fake sa kaliwa ng mabilis si Sakuragi at biglang kinuha ang baseline, nang makita niyang bahagyang nakasunod sakanya si Tobirama ay bigla siyang umikot pakaliwa at nagdunk ng hindi nakakasabay si Tobirama.

Sakuragi: Fujiwara, anong gulang ang ginawa ko dun?

Hindi nakasagot si Fujiwara dahil talagang nabilib siya sa galaw na pinakita ni Sakuragi. Kaya si Tobirama na ang sumagot.

Tobirama: Gumamit si Capt ng siko sa unang pagpihit niya sa baseline, and napin down niya ko ng shoulder push bago siya nagspin sa kaliwa para hindi ako nakasabay. Tama po?

Rukawa: Tama yun Tobirama pero may nakalimutan ka. Ginamitan ka niya ng speed, and agility para hindi mo siya masundan.

Sakuragi: Kayong dalawa, hindi lang lakas ang ginagamit sa basketball. Kasama ang paggamit ng utak at mga pasimpleng gulang. Pero ito ang tatandaan niyo. Magkaiba ang magulang sa madumi maglaro. Maliwanag?

Rookies: Opo!

Rukawa: Kung ganon ay maglinis na kayo at maghanda para mamaya.

Sakuragi: Sandali.

Napatingin naman ang dalawang rookies kay Sakuragi. At ngumiti ito sa dalawa at lumapit sa dalawa at inakbayan nga sila.

Sakuragi: Kahit sino sa inyo ang maging starting center namin, tandaan niyong dalawa na buo ang tiwala ko sainyo. So kung anumang rivalry or camaradie ang meron sainyong dalawa, sana naman ay manatili yun. Kasi in your case, makakatulong yun sa growth niyo personally.

Tumango naman sakanya ang dalawang rookie at napangiti pa sila.

Para kay Fujiwara, si Sakuragi na ang bagong liwanag sa buhay niya, simula ng nagretiro si Kishimoto sa Toyotama bago pa man siya nito makitang maglaro. Hindi lang nila alam ay si Sakuragi na ang bagong idol nitong bata dahil sa ginawa niyang pagpapahiya dati sa mga star player ng Toyotama High na sila Kishimoto at Minami. Dito nga ay nakaramdam siya ng panibagong lakas at pagbabaga ng damdamin na ipagpatuloy pa ang kaniyang byahe kasama ang bago niyang team.

Para naman kay Tobirama, isa talagang karangalan sakanya ng malamang buo ang tiwala sakanya ng kanyang iniidolong manlalaro, dahil noong sana middle school palang siya ay napapanood na niya itong maglaro sa mga clips noon sa Yukie Tech, pinakita din dito ang laro ni Sakuragi kung saan hindi siya sumuko laban sa Sannoh at naging dahilan kung bakit sila nga nanalo dito. Dito niya naunang hangaan si Sakuragi at itinatak niya sa isip niya na magiging ganito din siya kalakas balang araw. At heto na nga siya ngayon. Isang ganap nang malakas na manlalaro. Super rookie sa Kanagawa.

Pagkatapos nilang maglinis ay umalis na sila at iniwan na ang dalawang seniors nila sa loob na naguusap ng mga walang kakwenta kwentang bagay, kung saan nagtatalo sila kung sino bang mas magaling.

The Last Elimination GamesTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang