Goodbye #10

104 7 0
                                    

Ngayong araw ay ang first day school ng Shohoku, at magkaklase si Mito, Haruko, Aoi at Sakuragi, silang tatlo ang magkakasama sa lahat ng bagay.

Dito nga ay tuluyan ng nakamove on si Haruko kay Sakuragi, pero single parin ito at pagaaral na nga lang at Basketball team ang nasa isip niya. At dahil nga sa sobrang kulit niya ay napilit niya si Aoi na maging isang manager din.

Unlike before, whole day na ang classes nila, at sabay sabay silang kumakain palagi sa Cafeteria kasama ang tatlong kolokoy na si Noma, Ohkuso, at Takamiya.

Pagkatapos nga ng klase ay dumiretso na si Haruko, at Aoi sa gym para umpisahan ang tryout. Since si Sakuragi ang class president ay napilitan siyang maiwan sa class room kasama ang kanyang bestfriend na si Yohei para iligpit ang mga papers and markers na ginamit ng kanilang mga professors.

After that ay pumunta na sila sa gym. At dito nga ay palo kagad ang bungad ng dalawang manager sakanya.

Sakuragi: Aray ko! Grabe kayo ah! Sabay pa talaga. Tsk!

Haruko at Aoi: Hng! Late ka!

Aoi: Ikaw na ang captain ngayon kaya magtino tino ka na, ha??

Haruko: Hng! Gusto mo pa ng palo? Pasalamat ka wala si Kuya dito! Hng!

Sakuragi: Eh kung hindi niyo kasi ako pinagtripan sa president president na yan eh malamang ako pa ang nauuna sainyo dito! Hay!

Sakuragi: Hmm. Good! 15 aspirants! But we will only need 8 players para sa roster! Ako nga pala si Hanamichi Sakuragi, 204 cm, third year, 2x MVP, 1x Defensive player of the Winter Cup and 1x Most improve Player, at 2x All Kanagawa offensive and defensive team! Right at this moment, ako ang Team Captain niyo! So sa  walong pipiliin ko sa initial tryouts niyo ay sana ay walang sumuko! Rukawa. Take the floor please.

Rukawa: Kaede Rukawa, second ace player ng team. 195cm. Vice captain ng team. Ayoko sa gunggong.

Dito nga ay napasweat drop nalang nalang si Sakuragi, Aoi at Haruko. Pero pinagpatuloy nalang ni Sakuragi ang preceeding.

Sakuragi: Ikaw sa una sa kanan. Umpisahan mo.

??: Po? Ah! Nekomata Hiroki. 192 cm! From Wakuo Jr. High, I play small forward. Kaya ko din po magdos at kuwatro.

Binulungan naman ni Sakuragi ang dalawang manager at chineck nila ang pangalan ng ni Hiroki.

Sakuragi: Take a seat! First player chosen ka!

Nekomata: Yes!

Sakuragi: Ikaw!

??: opo, Fujiwara Haruki! 198 cm! I play center from Toyotama Jr. High. Sir! Stretch big po ako! Kaya kong tumira paminsan minsan sa tres! Pero ang weakness ko pa ang pagposte sa mas malaki sakin! Handa ko pong tutunan ang lahat.

Bumaling naman si Sakuragi kay Coach Anzai na nakaupo.

Sakuragi: Tatang, Fujiwara Haruki, stretch big pero average joe lang sa poste, ano sa tingin mo?

Coach: Hmm. Interviewhin mo muna.

Sakuragi: Sige po.

Kaya pinalapit nga niya sakanya si Fujiwara saglit.

Sakuragi: I consider myself as a stretch big. I play all-around, so point forward ang laro ko. Ganun din si Rukawa. So nagdadalawang isip ako kung kukunin kita sa totoo lang. Pero sayang kasi ang height mo. 198 for a freshmen? That is rare. So I'll give you a chance. So you will be in for now. Don't let me down, aight?

Fujiwara: Opo!

Sakuragi: You!

At tinuro nga niya ang pangatlo sa kanan.

The Last Elimination GamesWo Geschichten leben. Entdecke jetzt