WANDA For You

By HEYNEENAMOR

458 57 6

"Alam ko naman, kahit makailang iko't pa man ang mundong ito, hinding-hindi mo ako pipiliin.." More

Sobre
Contract
Coffee
Drive
Outfit
Announcement
TrashCan
Plan
Lunch
Cebu
Hot
Hot II
Egg
Boat
Tears
Back
Night
Morning
Laugh
False
Stay
Theo
Condo
Stare
GF
Dinner
Zero
Kalma
Morning
Busy
Why
Musika

Reply

13 2 0
By HEYNEENAMOR

Arman's POV

1st day of Rehearal for an upcoming theater show. Ang aga ko. As in. Hindi naman sa excited ako, lagi naman akong ganito. Isa-isa ng nagdadatingan ang mga cast ang show. I saw Jill, waving at me at may hawak pang tumbler.



"Good Morning! Bibisita si Gia ngayon?" she asked me.


"Hindi ko lang alam." tanging sagot ko. Eh hindi ko naman talaga alam. Hindi naman siya required to go in every rehearsals ng shows ko. But I need to update her about it.

Kinuha ko ang phone ko just to check if may mga text or messages na ba. I sat on the floor while opening a message from Gia.



"I can't go sa 1st rehearsal mo. Update me na lang. May emergency lang. I informed Direk Pat na din." Napasandal ako sa mirror wall dito sa loob ng rehearsal room. Anong emergency kaya? Is she alright? I'm about to reply pero napigilan ko. Why should I reply? Ano bang pakialam ko kung bakit wala siya. Arman, don't waste your time. Muli kong binalik ang phone ko sa bulsa tsaka ko kinuha ang Ipad ko para aralin ang lines ng mga songs.










Gia's POV

MAG-isa na lang ako ngayon na nakatayo sa loob ng airport. Umuwi ng province si Mama at Papa dahil nagka emergency sa Lupa namin doon. Siguro ay matatagalan sila bago makabalik dito.

Mag-isa na lang talaga ako sa bahay. Hindi ko alam kung hanggang saan o kailan matatapos ang problema namin sa Lupa dito sa Manila at sa Probinsya. Kailangan ko talaga ang job offer sa ibang bansa. Hindi ako mabubuhay kung dito lang ako. Hindi ko matutupad yung pangako sa kanila na ako ng bahala sa utang namin sa Lupa. Ilang buwan na lang naman. Sana pahintulutan akong tumuloy.




Wala masyadong tao dito sa airport kaya nakapag senti mode pa ako. I check my phone tsaka ako sumandal sa upuan. Ayoko pang umuwi. Lunch time na pero hindi ako nagugutom.

I open my IG account and captured an aesthetic video ng labas ng airport. Maaraw naman sa loob kaya ang ganda ng kuha ko. I post it on my IG story with a caption of Alone again?

Diba, nakakasenti talaga. Heto na naman ako. Mag-isa. Hays.

Nilibot ko ng tingin ang airport. Wala masyadong tao. Ang lungkot naman. Sinilip ko ang relo ko. Malapit na palang mag lunch pero hindi ako nagugutom. I checked my phone again and an IG dm caught my attention.




@.ArmanMusic replied to your story.


Automatic na napataas ang kilay ko. Bwisit, ang layo-layo ko na sayo, pero nagagawa mo pang pakabahin ako! Arrrgh.. Bulong ng isip ko sabay open ng notification.


"👽"

Bwisit na yan, Alien emoji lang pala.



Mabilis akong nagreply sa kanya.


"Miss mo na agad ako no." reply ko sa kanya at ang gago ay hindi na nagreply. Naseen lang pero wala ng reply. Baka totoo? LOL.



At dahil doon ay nagpasya na lamang akong pumunta sa rehearsal niya. Hindi ko alam kung may maabutan pa ba ako or baka pagdating ko ay tapos na. Nagbook ako ng angkas at tumungo sa CCP complex. Nakarating ako ng 1pm doon. Nagpasya akong kumain muna sa kahit anong kainan na madaanan ko malapit doon.

I need coffee. Alam kong lunch time pero I'm craving for iced coffee ng ganitong oras? Stress na talaga ako.

Pagdating ko doon ay pumasok na ako sa isang coffee shop na katabi lang ng CCP. I ordered Iced Machiatto at isang blueberry cheesecake. Pwede na ito.

While eating my foods ay nagring ang phone ko.

Arman is calling. F*ck

Humugot ako ng malalim na hininga bago ko sinagot ang tawag.


"Sabi ko na nga ba, miss mo na ako." bungad ko sa kanya. Alam kong umuusok na ang ilong nito ngayon pero ang sarap lang niyang inisin ! As in.



"I will give updates lang. Hmmm, ay wag na pala para wala kang mapasang report kay Direk Pat—— toot toot tooot—-" nanlaki ang mata ko ng i-end niya ang call! Bwisit na lalaki yan!!! Wala akong choice kundi tawagan siya. Pucha pag ito di niya sinagot hah! Susugurin ko talaga siya sa kabilang building! Hindi pa niya alam na nadito ako sa malapit.



Naka-apat na ring ito ng sagutin niya. Walang "Hello" or "Ano!?" —— tahimik ito sa kabilang linya.


"Humihinga ka pa?" bungad na tanong ko dito and I heard a short laugh — natawa siya sa bungad ko.




"Nasaan ka?" tanong nito kaya gumuhit ang ngiti sa labi ko ng hindi ko namamalayan.



"Malapit sayo. Ayiiee." pang-iinis ko dito and I heard him said "Gago" sa kabilang linya kaya natawa ako.


"Ayaw maniwala! Andito nga lang ako sa SB sa tabi ng CCP!"



"From Airport to CCP? Totoong tao ba yung ka-date mo o nanaginip ka lang?" napairap ako. Where the hell is that coming from? Akala niya may date ako? Gago.

"Selos ka naman agad. Wag ka mag-alala, sayo parin ako uuwi." pang iinis ko dito and narinig ko na naman siyang nagmura.


"Sira elevator ng condo, sa iba ka na lang umuwi." pag-sakay niya sa trip ko.



"Ano ng updates? Ang tagal naman, kumakain ako eh. Tsk." inip na sabi ko dahil na interrupted ang pagsubo ko ng cheesecake dahil sa call niya hah!



"Seriously, where are you?"



"Ay? Kakasabi ko lang! Dito nga sa SB , sa tabi ng CCP!"


"Okay." kunot noo kong tiningnan ang phone ko. He ended the call with his last word, Okay.
Binaba ko na lamang ang phone ko tsaka ko sinubo ang cheesecake.



Wala pa sigurong 5 minutes——— Habang iniinom ko ang iced coffee na inorder ko ay nakita ko si Arman na naglalakad paakyat ng SB! D*mn!

Nakita niya agad ako kahit nasa labas pa siya dahil nagtama ang paningin namin. He's wearing his whole Adidas outfit from a black cap, black t-shirt, black jogger pants & his white Adidas Superstar! Pumasok ito ng coffee shop at diretso sa gawi ko. Akala ko ay uupo na siya sa harapan ko pero nagtaka ako dahil umikot muna siya sa likod ko paikot sa buong table bago umupo sa harap ko.


"At talagang umikot ka pa? Bakit?"



"Nothing. Akala ko kulang na ng dalawang daliri yang kamay mo or natanggalan ka ng braso. Well, buhay ka pa naman." sabi nito sabay kuha ng tinidor sa gilid ng plate ko at nakitikim siya ng blueberry cheesecake ko! Aba!


"Hey! That's mine!!" mahinang usal ko dito pero ang loko-loko ay tumawa lang habang sarap na sarap sa kinakain niya.


"Good, you are alive." naguguluhan ako sa sinabi nito.

"May patay bang kumakain ng cheesecake hah?" inis na sabi ko dito.


"Anong klaseng emergency ba yan para mag escape ka sa trabaho?" binaba ko ang hawak kong iced coffee tsaka napatingin sa kawalan. Nag-iisip ako kung pwede ko bang i-share sa kanya ang nangyari?




"Grabe naman sa escape! Nagpaalam naman ako kay Direk Pat!"



"So what happened?" seryosong tanong nito habang nakatingin sa akin.




"My parents, umuwi sila ng province—— for good? Yeah. Maybe. May nangyari sa province hmm—- they need to stay there. So technically, I'm alone now. Yeah." napatango si Arman tsaka tila nag-iisip ng sasabihin.



"Hindi ka sanay na wala sila? I mean, akala ko, you're strong independent women!"


"Yeah! I am . Kaya ko! Alam ko! Kaya ko! Nakakalungkot lang , syempre—- Iba parin kapag buo ang pamilya."



"Yeah. Tama ka. Pero pwede ka naman bumisita doon diba? Tsaka Hello? Hindi naman sila nag-ibang bansa, unlike my Mom.."



"Alam mo bang itong kinakain ko? Brunch ko na to. Wala akong ganang kumain simula pa kanina. Na-sstress ako! Ang dami-dami kong problema. Ang sarap na lang matulog para takasan yung lungkot eh." tahimik na nakatingin at nakikinig lang si Arman sa akin. Hindi ko alam if he's judging me or pinagtatawanan niya ba ako. Basta ang alam ko, hinahayaan niya akong maglabas ng kahit kaunting sama ng loob sa universe.



"Gia, kakambal na ng buhay ang problema. Kung ano man iyan, for sure pasasaan din, magiging okay din ang lahat."


"Salamat sa advice Tito Arman hah." pang-iinis ko dito kasi nagiging seryoso na siya. Hindi ako sanay.

"Siraulo." bulong nito tsaka siya napayuko.



Humugot ako ng hangin tsaka huminga ng malalim.

"Hays, kaya ko to! Ako pa ba!" pagpapakalma ko sa sarili ko.


"Gusto mo ng ice cream?" biglang tanong nito sa akin.

"Bakit? Nagbebenta ka na ngayon ng ice cream?" tanong ko dito at natawa siya.


"Hey! Ano nga? Gusto mo ba?"





"Libre ba?"





"Oo."














Lumabas kami ni Arman ng SB matapos kong maubos ang cheesecake, hindi naman na siya umorder dahil kakatapos nga lang nilang mag-lunch sa loob.


Lumapit kami ni Arman sa mamang sorbetero na nagtitinda ng dirty ice cream.



"Ano kayang flavor meron siya." naeexcite na sabi ko habang papalapit kami sa tindero.



"Kuya, magkano po yung pinakamalaking cone?" tanong ni Arman habang sinisipat yung glass na lagayan ni Manong ng mga cones.



"30 pesos po."


"Dalawa po. Ano pong mga flavor?" tanong muli nito. Naexcite ako ng buksan ni Manong yung takip at sinilip ko iyon.



"Avocado, Cheese & Ube.."


"What's yours?" Arman asked me.



"Pwedeng mixed ng Avocado & cheese?" nagniningning na tanong ko kay Manong. Tumango ito at para akong batang excited sa ice cream na naghihintay sa gilid. Napapansin kong nakatingin si Arman sa akin pero binabalewala ko iyon dahil kapag nilingon ko, baka maging awkward lang kaya hinayaan ko na.


"Ang sarap!"


"Yeah, ang weird lang na may Avocado flavor na pala ang dirty ice cream. I grew up na cheese, chocolate at strawberry lang dati.." natatawang sabi nito. We are walking along Harbor sa gilid ng dagat. Hindi ko alam kung saan kami papunta, pero naglalakad lang kami.


"Teka nga, tapos na ba yung rehearsal niyo? Anong oras na Arman, hindi ka pa bumabalik?"



"May 15 minutes pa."


"Okay naman ba yung rehearsal kaninang umaga?"


"Yeah, puro songs muna and pakilala sa ibang cast. Namiss ko to. Namiss ko talaga ang teatro."


"Deserve ! Lead role! Ehem."


"Wag mo nga akong i-pressure!"


"Oy hindi hah! Alam ko naman na deserve mo yung role!"


"Naku, don't tell me bawat show manonood ka? Gusto mo lang yata makita abs ko eh!"


"Lah! May pa-abs ka ba??? Kailan ticket selling!!!?" natawa ito tsaka napailing.


"Hindi naman kailangan ng show para makita mo yung abs——- aray! Hoy! Ikaw na nga nilibre ng ice cream , ikaw pa nanakit!"



"Ang lamig ng ice cream pero umiinit yung ulo ko! Aanhin ko yung abs mo hah? Ano bang pakinabang ko diyan? Tss.."



"Wow!"



"Pero seryosong usapang Arman, papakita mo abs mo sa akin kahit walang show?" biro ko dito at ang loko ay nasamid sa kinakain niyang ice cream! I laugh so hard!!! Yung reaksyon kasi niya sa tanong ko ! Hahahahaha LOKO KA HAH! Ako pa kinalaban mo sa pang iinis hahahahaha..



"Ewan ko sayo. Alam mo, mauna na nga ako doon.."



"Hey! Sasama ako!"



"Sa loob?"



"Oo, kahit hanggang CR pa!" biro ko dito at ang loko ay inis na naglakad at iniwan ako. Tawang-tawa ako habang sumusunod sa kanya. Bago kami pumasok sa main entrance ng CCP ay hinintay naman ako ni Arman. Napatingin kami ni Arman sa mga naglalabasang tao sa kabilang entrance, may ibang event pala sa ibang theater dito sa loob ng CCP , parang art exhibit yata?

Napatingin ako sa Isang pamilya na sabay na lumabas ng venue. Isang mom, dad at isang teenager na babae. May hawak yung babae na paintings yata? Tsaka siya niyakap ng mga magulang niya. Hindi ko man tanungin ay alam kong proud ang mga iyon sa bata. At ang makakita ng ganyan ka genuine na moment ay sobrang priceless. Naalala ko sila Mama at Papa. Mabilis kong pinunasan ang luha na pumatak sa mga mata ko tsaka ko nilingin si Arman na tila kanina pa nakatingin sa akin. Ngumiti ako sa kanya kahit na may dumadaloy parin na luha sa mga mata ko. Nagulat ako ng hawakan ni Arman ang kamay ko tsaka niya ako kinabig papunta sa dibdib niya. Doon niya ako hinayaang umiyak—— malayang umiyak.






👽

Continue Reading

You'll Also Like

359K 6K 42
Tatlong taon ang lumipas. All the memories still lingers inside his head and his heart. Ilang beses na nya itong sinusubukang itapon pero paulit-ulit...
133K 3.8K 54
(Under Editing All parts) Date of write: February 2020 Date publish: June 28 2021!!!! End: May/28/2022 Mafia series 2
26.8K 985 51
A Love Story that started in a Hospital when there is a Girl misheard the conversation between the parents and the Doctor about a boy who has a termi...
3.4K 98 30
A Luhan Elizalde and Eunice Alexandreah Villamayor's forbidden love story. @2018