Destined (Published with TV M...

By blue_maiden

49.1M 1.3M 504K

Akala ni Keila, seryoso sakanya ang kilalang playboy ng University nila na si Dwayne Lopez. Nagkamali siya. I... More

Prologue
Chapter 1: Flashback
Chapter 2: Confrontation
Chapter 3: Irony
Chapter 4: Revelation
Chapter 5: Second Kiss
Chapter 6: Hey babe
Chapter 7: Now I know
Chapter 8: Deal or No deal?
Chapter 9: Day 01
Chapter 10: Kambal
Chapter 11: Halaga
Chapter 12: Finally
Chapter 13: OKS
Chapter 14: Step one
Chapter 15: Yakap
Chapter 16: Step two
Chapter 17: Ex best friend
Chapter 18: First step
Chapter 19: Unconsciously
Chapter 20: I choose
Chapter 21: Pagsuyo (Part 1)
Chapter 22: Pagsuyo (Part 2)
Chapter 23: Ice cream
Chapter 25: Realization
Chapter 26: Picnic
Chapter 27: The perfect time
Chapter 28: Half sister
Chapter 29: Rejection
Chapter 30: Don't let me go
Chapter 31: It's just a show
Chapter 32: Rivalry
Chapter 33: Stop this
Chapter 34: Babe
Chapter 35: Jerk
Chapter 36: Langit at Lupa
Chapter 37: Semi Finals
Chapter 38: I'll be here
Chapter 39: Reunion
Chapter 40: Disappointed
Chapter 41: Settled
Chapter 42: Contract
Chapter 43: Why?
Chapter 44: Half Sister
Chapter 45: Ultimatum
Chapter 46: Finals
Chapter 47: Is it the end?
Chapter 48: Save her
Chapter 49: Graduation
Chapter 50: The last ride
Epilogue
Author's note
Destined on TV5

Chapter 24: Her father

831K 27.2K 15.8K
By blue_maiden


Kean's point of view

Pinarada ko ang motor ko sa tapat ng bahay nila Keila. Inalalayan ko siya pababa ng motor ko. Pumasok kami sa loob kung saan naghihintay ang Papa niya.

Nakaupo sila sa sala.

"I'm home." Bungad ni Keila.

Humarap sila sa amin. Nanlaki agad ang mata ko ng makita ko ang Papa ni Keila. Totoo ba 'to? Siya ba talaga ang Papa ni Keila? Ibig sabihin, magkapatid sila ni Dana?

"Sinama ko pala si Kean, sana okay lang." Sambit ni Keila. "Oo nga pala, Papa si Kean po kaibigan ko. Kean siya yong Papa ko."

Kahit siya gulat na gulat ng makita ako. Kilala na namin ang isa't isa noon pa dahil kay Dana.

"Nice to meet you, Kean." Sambit niya.

Inabot niya sakin ang kamay niya kaya nakipagkamay din ako. Hindi ko alam pero nasaktan ako sa paghawak niya.

"Kumain na tayo, nasa taas lang si Cloud at baba na din siya." Sabi ni Tita Mae.

Pumunta kami sa dining room. Tumabi ako kay Keila habang 'yong Papa niya nakaupo sa gitna katabi si Tita Mae. Bumaba na din si Cloud. "Anong ginagawa ni Kean dito?" Tanong ni Cloud.

"Sinama ko siya dito." Sagot ni Keila.

"Is he part of our family?" Pagsusungit niya. Umupo siya sa harapan ko. "Para satin lang 'tong dinner na 'to, Keila."

"Hayaan mo na Cloud. Kumain na lang tayo." Sambit ni Tita Mae. "Let us pray." Nagkaroon ng isang minutong katahimikan. "Sige kumain na tayo."

Inalalayan ko si Keila sa pagkuha ng mga pagkain. Parehong masama ang tingin sakin ni Cloud at ng Papa nila. Hindi tuloy ako mapakali sa kinakaupuan ko. Hindi ata magandang ideya na pumunta ako dito ngayon.

"So Kean, nanliligaw ka ba sa anak ko?" Tanong ni Tito Travis.

"Balak ko po sana." Sagot ko. Lahat sila napatingin sakin. "Kaya nga po hihingin ko na sana ang permission niyo kung liligawan ko na si Keila."

Nagkaroon ulit ng katahimikan bago sila sabay sabay sumagot.

"Hindi." Sagot ni Cloud at ni Tito Travis.

"Oo." Sagot ni Tita Mae.

"Hindi pwede, Keila napagusapan na natin 'to hindi ba? Pwede ka lang makipagkaibigan sakanya pero higit pa don hindi na pwede." Sambit ni Cloud.

"Hindi din ako papayag." Sagot naman ni Tito Travis.

Sasagot na sana ako nang nagsalita si Tita Mae. "Bigyan niyo nga ako ng magandang dahilan kung bakit ayaw niyo."

Nagkaroon ulit ng katahimikan.

"Walang masama kung manligaw si Kean kay Keila. Mabait na bata si Kean at palagi siyang nandyan para sakanya. I think he deserves a chance."

"Thank you po, Tita Mae." Sambit ko. "Wag kayong mag-alala, hindi ko sasaktan si Keila. Mahal ko po siya kaya hindi ko 'yon magagawa." Masamang tingin na lang ang sinagot sa akin ni Cloud at ni Tito Travis.

"Buti na lang kakampi mo si Mama." Bulong sakin ni Keila. "Okay ka lang ba dyan?"

Tumango lang ako at ngumiti sakanya. Hindi talaga ako okay kasi kanina pa ako hindi mapakali dahil sa tingin ni Cloud at ni Tito Travis pero buti na lang kampi sakin si Tita Mae.

"Balak kong pumunta sa hongkong next month sa birthday niyong dalawa. At balak ko sana lahat tayo pumunta." Sambit ni Tito Travis. "Sana pumayag ka, Mae. Minsan lang naman tayo mag bonding na pamilya."

Hindi ko pa din talaga maintindihan kung paano nangyari na magkapatid sila Cloud, Keila at Dana. Pangalawang pamilya ba ni Tito Travis sila Tita Mae? pero alam ko simula nuon hanggang ngayon magkasama pa din si Tito Travis at Tita Danica. O baka naman, ibang pamilya ni Tito Travis sila Keila? Naguguluhan pa din ako. Wala naman nasabi sakin si Keila about sa Papa niya. Sana lang hindi kabit ni Tito Travis si Tita Mae dahil madaming masasaktan isa na duon si Dana at Keila.

"Travis, I think that's not a good idea." Sagot ni Tita Mae. "You know our situation."

"Excuse me lang po, mag rest room lang ako." Singit ko. "Keila saan ang CR?" Bulong ko kay Keila.

"Diretso tapaos kaliwa." Sagot niya.

Nagmadali akong umalis. Hindi naman talaga ako gagamit ng rest room. Alam ko kasing may gusto silang pag-usapan na sila lang at wala ako. Dapat pala hindi na lang talaga ako sumama. Pero, nakakataba ng puso na naisipan ni Keila na isama ako sa family dinner nila. Ibig sabihin ba non, importante na ako para sakanya?

After five minutes bumalik na din ako. Mukhang tapos na nilang pag-usapan ang dapat nilang pag-usapan. Malapit na din kaming matapos sa kinakain namin.

"Kean, pwede ba kitang makausap sa labas?" Tanong ni Tito Travis. Kinabahan ako bigla.

"Papa, uuwi na po si Kean." Sambit ni Keila.

"Okay lang Keila, maaga pa naman eh." Sambit ko. Mukhang nag aalala sakin si Keila kaga nginitian ko siya. "Kailangan kong magpaalam sakanya, para kapag nakapag move-on ka na at liligawan na kita, okay na ang lahat. Well, si Cloud na lang pala ang problema." Pareho kaming natawa. Nagpaalam ako sakanya.

Sinundan ko si Tito Travis sa labas. Umupo kami sa maliit na table sa garden nila. May dalawang bote na ng beer duon. Mag iinuman pala kami. Mukha g seryoso ata ang pag-uusapan namin.

"Hindi ko alam na dito pa talaga tayo magkikita ulit, Kean." Bungad niyang sabi. "Ang litt naman talaga ng mundo."

"Hindi ko po maintindihan, ibang pamilya niyo ba sila Tita Mae?" Tanong ko. "Paano sila Dana?"

"Komplikado ang sitwasyon namin. Wag ka na lang makialam Kean. At wag na wag mong sasabihin 'to kay Dana." Seryoso niyang sabi.

"Bakit hindi?" Pag-uusisa ko.

"Hindi pa nila alam ang lahat ng tungkol dito kaya hindi nila pwedeng malaman sa iba 'to. Naiintindihan mo?"

"Niloloko niyo sila. Masasaktan si Tita Danica at si Dana sa ginagawa niyo, pati sila Keila. Alam ba nilang may pamilya na kayo sa iba? Anong klase kayo?" Inis kong tanong. "They deserve to know."

"I will tell Danica about it pero kailangan ko lang ng oras. Mae, Keila and Cloud knows all about it."

Alam nila? Hindi ba nasasaktan si Keila dahil sa pangalawang pamilya lang sila ng Papa niya?

"You better say it as soon as possible dahil mas masasaktan lang si Tita Danica at si Dana kapag pinatagal niyo pa 'to."

"Why do care so much for Dana? I thought you love my other daughter, Keila. Balak mo ba silang pagsabayin ha?" Ang sama ng tingin niya sakin.

"Wala ba po akong kinalaman kay Dana, Tito. Magkaibigan na lang po kami." Sagot ko. Kinuha niya ang bote ng beer niya at uminom siya na halos maging kalahati na ang bote. "Tito, si Keila po 'yong mahal ko."

"Paano naman si Dana? Mahal ka pa niya." Matahimik ako. Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin. Baka kasi magalit siya sa sasabihin ko. "Kean, pareho kong anak si Keila at Dana at kapag nalaman ni Dana na si Keila na ang mahal mo baka magalit siya sa sarili niyang kapatid dahil lang sa isang lalaki. Ayokong mangyari 'yon."

"Hindi ko po talaga kayang mahalin si Dana." Sagot ko.

"Wag mo na din mahalin si Keila."

"Hindi po ganon kadaling gawin yon at ayokong gawin yon." Sagot ko. Halos maubos na niya ang alak niya sa tatlong inom lang. "Maiintindihan din po ako ni Dana."

"Ito ang tandaan mo Kean, kapag may isang umiyak sa mga anak ko. Hinding hindi ko na sila hahayaan na lumapit pa sayo." Inubos lang niya ang alak niya at tumayo na siya. "Tandaan mo ang sinabi ko sayo."

Pinagmasdan ko lang siya habang papaalis siya. Nagpaalam na siya kala Keila.

Pinagmasdan ko lang si Keila habang nasa malayo ako at mukha naman siyang masaya. Napangiti na lang ako sa nakita ko. Ito lang naman 'yong gusto ko eh, ang makita siyang masaya.

"Kean, okay ka lang ba? May sinabi ba sayo si Papa?" Nag aalala niyang tanong.

"Boys talk lang." Sagot ko. "Uuwi na din ako. Thank you sa pag invite sakin dito. Wrong timing nga ata ako."

"Okay lang, wala 'yon."

Hinatid ako ni Keila sa labas ng bahay nila. Hinarap niya ako at parang may gusto siyang sabihin sakin na hindi niya masabi.

"Ano 'yon?" Tanong ko at nagulat siya.

"Ha?"

"May sasabihin ka?"

"Kean.. kasi.. Ang totoo.. anak lang talaga kami sa labas ni Papa. May iba talaga siyang pamilya at duon siya uuwi ngayong gabi." Bigla na lang lumungkot at mukha niya. "Sorry kung hindi ko agad nasabi sayo."

Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya. "Keila, wala akong paki alam kung anak ka sa labas o kung ano pa kasi hindi naman 'yon ang magiging batayan ng pagkatao mo. Kahit na ganyan 'yong sitwasyon mo, naging matapang ka pa din, lumaki ka pa din ng tama at higit sa lahat hindi ka nagtanim ng kahit na anong sama ng loob sa mga magulang mo."

Unti unting tumulo ang luha ni Keila. Niyakap niya ako ng mahigpit. "Thank you Kean. Thank you kasi naiintindihan mo ako at thank you kasi kapag kailangan kita nandyan palagi."

"Syempre, alien mo ata ako." Pagbibiro ko para tumigil na siya sa pag iyak. "Tahan na babe."

Hinarap niya ako, pinahid ko ang mga luha sa mata niya. "Alien na pala 'yong kailangan ko ngayon, hindi na isang superman."

"Oo mas gwapo at mas malakas naman ako kay Superman." Pareho kaming natawa sa sinabi ko. "Tignan mo, mas maganda ka kapag nakangiti." Sambit ko.

"Oo na. Sabi mo eh. Umuwi ka na, gabi na." Sambit niya. Pinagmasdan ko siya. Nagawa niyang maging tapat sakin tungkol sa pamilya niya kaya dapat ganon din ako pero baka mas lalong maging komplikado kapag nalaman na niya agad ang lahat. "May sasabihin ka ba?"

Lumapit ako sa tainga niya. "I love you." Bulong ko. Hinarap ko ulit siya. "Aalis na ako, good night babe."

Sumakay ako sa motor ko at bago ko isuot ang heltmet ko, lumapit sakin si Keila.

"Hindi mo man lang ba hihintayin ang sagot ko sa I love you mo?" Nagulat ako sa tanong niya. "I don't love you yet.. but I do like you."

Bumaba ulit ako ng motor ko at hinarap ko siya. Hinawakan ko ang nagkabilang pisngi niya tska ko siya hinalikan sa noo niya. Tinignan ko ang mata niya at hindi ko naiwasan na mapatingin sa labi niya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Gustong gusto kong halikan ang labi niya pero pinigilan ko ang sarili ko. Kinagat ko na lang ang mga labi ko. Hindi pa niya ako boyfriend para gawin 'yon. "That's enough for me, babe."

"Good night, my alien."

"Good night babe, see you tomorrow." Paalam ko.

Sumakay na ulit ako sa motor ko. Habang papalayo ako pinagmamasdan ko si Keila sa side mirror ng motor ko. "Sorry Keila.." Bulong ko sa sarili ko.

Pinarada ko ang motor ko sa harap ng bahay namin. Umakyat ako sa bahay at patay na ang mga ilaw. Tulog na siguro si tatay at si Hailey.

Bago ako pumasok sa loob, tumawag sakin si Dana. "Kean, I need you." Sambit niya.

"Anong problema?" Tanong ko. Mukhang nasa bar siya dahil sobrang ingay na hindi ko na siya marinig pa. "Dana, asan ka ba? Okay ka lang?"

"Nasa padis ako.. sa seaside." Mahina niyang sabi. "I'm really drunk and I can't go home. Please puntahan mo ako dito."

"Sige, hintayin mo ako dyan."

Binaba ko agad ang phone at pinuntahan ko siya. Hindi ko din naman kayang may masamang mangyari sakanya.

Pagdating ko don, hinanap ko agad siya. Nakita ko siya sa isang table na puno ng bote ng alak. "Dana, what are you doing?" Tanong ko. "Ang dami mong ininom. Ano bang problema mo?"

"Ikaw Kean.. ikaw ang problema ko. I can't make you love me. Kean, ano bang dapat kong gawin para mahalin mo din ako?" Naiiyak na siya habang nagsasalita pero halatang lasing na lasing na siya. "Just love me Kean.."

"Dana lasing ka na, umuwi na tayo."

"Sabihin mo munang mahal mo ako." Pagmamakaawa pa niya. "Kean.. please."

"Dana, I can't. I already love someone else." Sagot ko. "Iiuwi na kita."

"No, ayokong umuwi. Dito lang ako at magpapakalasing ako!" Nagwawala na siya. "Iwan mo na ako!" Ayaw na niyang hawakan ko siya. Hindi na din alam ang gagawin ko.

"Kean," bigla na lang lumapit sakin si Trevor. "Ako na ang bahala kay Dana. Ako na ang mag uuwi sakanya." Binuhat na lang ni Trevor si Dana papunta sa kotse niya. Sinundan ko sila dahil duon din nakaparada ang motor ko.

Nang makaalis sila, nagulat ako ng biglang sumulpot si Dwayne.

"Bakit mo siya pinuntahan dito?" Tanong niya. "Do you love her?" Binigyan niya ako ng masamang tingin.

"Kilala mo kung sino ang mahal ko at si Keila 'yon."

"Then why are you here for Dana?" Pag uusisa pa niya. "Mahal mo siya dahil kung hindi, hindi ka pupunta dito. Tama ako, hindi ba?"

"Pumunta lang ako dito bilang kaibigan. Hindi ko siya mahal dahil si Keila ang mahal ko."

Lumapit siya at hinawakan niya ang kwelyo ng damit ko. "Siguraduhin mo lang dahil sa oras na saktan mo si Keila, malalagot ka sakin."

Inalis ko ang kamay niya sa pagkakahawak sa kwelyo ng damit ko. "Kung makapag salita ka parang nag aalala ka talaga kay Keila. Hindi ba sinaktan mo lang din siya, hindi ba niloko mo lang siya kaya anong karapatan mong sabihin yan ngayon?"

"Isang beses ko lang sasabihin 'to sayo kaya makinig kang mabuti." Lumapit siya sa akin at tinignan niya ako ng napaka seryoso. "Mahal ko na si Keila, at sa oras na magkamali ka, aagawin ko siya sayo. Tandaan mo yan, Kean."

Continue Reading

You'll Also Like

52.9M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
1.6M 23.7K 7
STILL PART OF GFFH BOOK 1. INCLUDES CONTINUATION OF MERCY (STEVE & STACY ) SIDE STORY, AND LOST CHAPTERS FOR VENTO (TOMMY & RAVEN ) SIDE STORY.
64.2M 1.3M 54
If you hate something, would you change it? And if you change it, will you like it? Hindi alam ni Charity kung bakit ayaw na ayaw sa kanya ni Jayden...
She Died at 18 By Justinegeez

Mystery / Thriller

10.4M 30.9K 4
No one wants to die. Even people who want to go to heaven don't want to die to get there. And yet death is the destination we all share. No one has e...