Everything In Between

Oleh jjamjammy

3 0 0

Ang Makapag-aral at makapasok sa magandang paaralan sa college ay isa sa mga mataas na pangarap ni JELLA DE G... Lebih Banyak

PROLOGUE

3 0 0
Oleh jjamjammy


"One Month advance, one month deposit..bale 6k lahat iha"

Napatango nalamang ako at tipid na ngumiti bilang tugon sa sinasabi ng landlady ko, nasabi na niya kanina pero sinabi niya ulit.

Medyo malaki babayaran ko pero okay na din, sa lahat ng pinuntahan ko eto lang ang medyo pasok sa perang meron ako. Swerte pa kasi nasa subdivision at malapit lang sa pinapasokan kong trabaho at sa university.

"Pasok na dun ang ilaw at tubig kaya wala kanang poproblemahin.." patuloy lang ako sa pakikinig habang naglalakad kami sa loob ng subdivision.

Hila-hila ang dalawang malaking maleta at dalawang bag sa magkabilang balikat ko at backpack ay halos magkanda kuba ako habang nililibot ang paningin sa paligid, sa bawat bahay na madadaanan namin.

"Wala naman akong bawal...pero ayokong nagdadala ng hindi pinapaalam sakin" sabi pa nito

"Naiintindihan kopo, " sagot ko rito. Wala naman akong boyfriend at malayo naman ang mga kaibigan ko kaya wala namang dadalaw sakin.

"Medyo delikado na ang panahon ngayon kaya gusto ko na pinapaalam muna, pero wala namang problema kung dalhin mo boyfriend mo hahaha.." biro niya na di ko naman nasabayan ngumiti lang ako ng tipid." Bawal Lumabas pag-gabi, di pwede magdala ng aso" Dugtong niya

"Meron palang mini parish dito at court" sabi ko habang nakatingin sa magkatabing malapad na court at mini parish nasa gitna'ng parte nitong subdivision.

Paliko na kami sa kanang daan nang mapatitig ako sa loob ng court. Sa lalaking topless at di alintana ang init na tumatama sa sakanya. Parang nag s-sparkle tuloy ang mga pawis nito sa mamula-mulang mapuputing balat.

Hindi tuloy maalis ang paningin ko dun sa lalaki kahit tuluyan na kami nakaliko. Namalayan ko nalang nasa harap na kami ng bahay at malapad na bakuran ito yata ang may pinaka malapad na bakuran sa lahat ng bahay na nadaanan namin iba din ng disensyo pero parehong may secondfloor. Pero lahat naman ata ng bahay rito merong second floor.

"Pasok-pasok," binuksan ng landlady ang mababang gate. Pero dahil ang dami kong dala ay hirap na hirap ako nakita naman iyon ng land lady kaya tinulungan nako. "Pasensya kana iha, hindi ko napansin na ang dami mong dala sana pinatulungan na kita sa anak ko."

"Ayos lang ho, napasobra po kasi ang mga dalang gamit ko." sabi ko naman

"Para kang lumayas iha, dami mo dala e. Baka naman lumayas ka ha, nasaan ba ang parents mo? " sabi pa nito.

Mapait akong napangiti. "Ah..wala napo akong pamilya." sagot ko kaya naman nagulat ang babae.

" Naku gano'n ba" tumango naman ako. Pagpasok nami sa loob ng bahay ay sumalubong kaagad ang maganda at malinis na sala. "Lagay mo na muna dito ang maleta mo. "

Tulad ng sabi niya ay itinabi ko ang mga maleta at umupo ako sa malambot na sofa. Sobra ang comfortable ng bahay sakto lang ang laki pero ang ganda worth it ang pera ko. Kapagod magbitbit ha.

Maya-maya pa ay may bumabang babae mula sa second floor.

"Hi tita, siya naba 'yong bagong boarder?" tanong nito kaagad nang mapatingin sakin. Hindi ko naman mapigilan ang hangan ang ganda nito, simple pero labas na labas ang ganda sobrang puti pa.

"Siya si Jella. Jella si leizel " pakilala ni tita sakin don sa babae na leizel ang pangalan agad naman lumapit ang babae at nag abot ng kamay sakin.

"Hi Jella, leizel pala..welcome!" nakangiting bati niya sakin.

"Hi.." tipid kong sabi. Naging matipid ang sagot ko pero nakangiti parin ito sakin.

"Oh sya iha leizel tulungan muna natin si Jella'ng ikakyat ang mga gamit niya sa kanyang silid. " sabi ni tita. Agad namang tumulong samin si leizel pag akyat.

Habang paakyat ay kinuusap naman ako ni leizel.

"College kana rin?" tanong niya. Tumango naman ako.

"Oo, first year. Ikaw?"

"Same hihi" Akala ko ay di na ulit sya mag sasalita pero ilang sandali pa ay nag salita ulit ito. "Bat ang dami mong dala, don't you have any plan to go home every weekends? tanong niya sakin.

hays. " There's no reason for me to go home na e. " sagot ko.

Nagtaka naman Ito. "What do you mean? "

" Wala na'kong family " diretsong sabi ko, nagulat naman ito at ilang sandali natahimik.

"That's my room oh, " turo niya sa kwartong naka harap sa hagdan. "Sa dulong naman yun sa kanan is sa'yo, right tita?"

Apat na kwarto lang pala meron ito. Ang kay leizel tapos ang sa kabila niya tapos iyong akin at ang kwarto bago iyong akin.

Pagpasok sa kwarto ko ay agad na sumalubong sakin ang malinis na dingding at single bed na makapal. Meron ding side table sa gilid na walang gamit atsaka pink na drawer. Namangha ako sa ganda nitong kwarto napakaganda tapos di pa masyadong mahal di tulad ng ibang pinuntahan ko na sobra mahal pero di naman maganda average lang.

May mga ilang sinabi si tita bago umalis pero hindi ko naman masyadong napagtuunan ng pansin dahil na overwhelm ako sa pagkacute ng kwarto. Pagka-alis ni tita ay kaming dalawa nalang ni leizel ang naiwan sa kwarto ko.

Pero dahil hindi naman ako marunong magstart ng conversation ayon tahimik lang hanggang si leizel ang bumasag sa katahimikan.

"You're really amazed, huh?" puna ni leizel.

"Ang cute kasi ng kwarto " sabi ko.

Sumangayon naman ito sa sinabi ko. "Wanna see my room?" aya niya sakin.

Medyo nabigla naman ako sa pag-aya niya sakin kasi hindi pa naman kami close -medyo lang pero eto at inaaya na niya ako.

Hindi naman sa pagiging OA na nabigla diba, na shock lang kasi ganon agad siya ka-komportable sakin.

"Aysige, next time nalang pala baka mag aayos kapa ng things mo."

Napangiti naman ako. "Uhm, nexttime."

"Alis na muna ako, pag you need something nasa room ko lang ako ha" paalala nito bago magpaalam na may gagawin pa.

Agad naman akong nag ayos ng mga gamit pagka-alis niya. Sa dami ng gamit na dala ko ay medyo natagalan ako at nahirapan din akong nahanapan ng pwede paglagyan ang mga sobrang gamit ko. Na-enjoy ko rin ayusin ang magiging study table ko. Sa pagod sa pag aayos ay nakatulog ako nagising nalang ako nang makaramdam ako ng gutom.

Pasado alas dyes na ng gabi nang magising ako dahil napasarap ang tulog ko dahil sa malamig na hangin na nagmumula sa nakabukas na bintana nitong kwarto ko. Ayoko ko pa sana bumangon dahil hindi nanaman pwede lumabas para bumili pero nalala kong may cupnoodles pala akong dala kaya bumangon nako at kinuha ang cupnoodles sa bag ko at bumaba.

Paglabas ko ng kwarto ay sobrang tahimik kaya malamang tulog na mga tao dito kaya naman sobra ang ingat na ginawa ko para hindi gumawa ng ingay pababa.

Patay na ang ilaw sa sala at kusina nang makababa ako.

Dumiretso ako ng kusina at binuksan ang ilaw pagkatapos ay tumambad sakin ang topless na lalaki sa harap ng ref...sa gulat ay natulala ako at parang lulundag ang puso ko sa bigla parang aatakihin ako sa puso...sisigaw na sana ako nang bigla niya akong lapitan at takpan ang bibig ko.

Lalo akong nabigla at nanlalaki ang mata'ng nakatitig sa lalaki nasa harap ko. Pero ang nagulat ko ay napalitan ng pagkamangha at kilig na may konting pagtataka. Pagkamangha dahil napakagwapo ng lalaki nasa harap ko at kilig dahil siya ang lalaking nakita ko sa court kaninang hapon at ang pagtataka ay bakit nandito siya at nagnanakaw ng tubig?

"Don't shout please, hindi ako magnanakaw " sabi niya sakin ng napaka gentle kaya agad akong napatango ng wala sa sarili. Halos nakatingala nako sakanya dahil sa tangkad niya.

Nang tanggalin niya ang palad na nakatakip sa bibig ko ay nakahinga ako ng maluwag dahil lumayo ito ng konti. Pinanood ko naman itong lagukin ang natitirang tubig sa baso niyang hawak.

Pagkatapos ay ngumiti ito sakin matapos mailapag ang baso sa sink at lumabas ng kusina na para wala lang.

Eh?

Napasunod naman ako ng tingin sa lalaking iyon na ngayon ay paakyat ng hagdan.

B-boardmate ko yun?! shems


jjamjammy <3

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

34.4K 3.3K 62
A college going girl.. πŸ‘© She is sweet and innocent always helping others... A guy in her college... She was always having crush on him from the very...
405K 5.5K 28
Emmett loves to be a rebel. He skips school to hang out, drink, and smoke with his two friends when suddenly he and his best friend are cornered and...
320K 18.8K 40
You live in a different time zone Think I know what this is It's just the time's wrong
116K 3K 43
In which people from the past get sent into the future to watch movies about a special pair of twins lives.