Her Asset

By Unnie_Corn0

2K 704 43

Amery Gem Thompson is a senior high school student in the ABM strand. She promised herself to focus on academ... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Epilogue

Chapter 44

19 7 0
By Unnie_Corn0

This is our last day in Coron, Palawan. It was indeed a blissful experience. Huling araw na ng aming pahinga. Babalik na kami sa reyalidad ng buhay.

Simula nang mangayari ang pagdampi ng kamay ni Claire sa akin ay hindi na siya makatingin sa akin. Mukhang may ideya na siya na naghihinala ako sa kanya.

Naghahanap lang ako ng ebidensya para mapatunayan kong may kinalaman siya sa nangyari kay Ivan.

"Amery, kakain na!"

Nawala ang iniisip ko nang tawagin ako ni Julianna. Lumapit agad ako sa kanila at sumalo sa pagkain. Pero napahinto ako sa pagkain ko nang makitang wala sina Ivan at Claire.

"Nasaan sina Ivan?"

Nagkibit balikat si Fatima sa akin. "Hindi rin namin alam. Pero nandiyan lang siguro sila."

Mabagal akong tumango at pinagtuonan na lang ng pansin ang aking kinakain. Ako ang nauna sa kanilang matapos kumain. Kaunti lang kasi ang kinain ko dahil busog pa naman ako sa kinain namin kanina.

Nagpaalam ako sa kanila na babalik muna sa kwarto namin. Magpapahinga muna ako dahil napagod ako sa kalalangoy kahapon. Masakit din ang katawan ko.

Nang makarating sa tapat ng pinto ng aming room ay hinawakan ko na ang doorknob. Pero hindi ko nagawang pihitin 'yon nang bumukas ang pinto ng kwarto ni Claire.

Si Claire ang unang lumabas at kasunod niya si Ivan. Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko nang makita silang magkasamang lumabas sa iisang kwarto. Ayaw kong mag-isip ng kung ano man, pero hindi ko maiwasan 'yon.

Bakit sila magkasama sa iisang kwarto? Pero wala akong karapatang masaktan dahil hindi naman niya ako girlfriend.

I was his girlfriend.

Nakita ko ang ang gulat sa mukha ni Ivan nang makita niya ako. Mukhang nagulat din si Claire pero hindi niya ito ipinahalata. Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko. O may dapat ba akong sabihin?

"Amery, anong ginagawa mo rito?"

Si Claire ang bumasag sa katahimikan. "Anong ginagawa niyo rito? Dapat ay pumunta na kayo ro'n para kumain na kayo."

Muling nagsalubong ang mga mata namin ni Ivan pero umiwas ako ng tingin. "Amery-"

Hindi natuloy ni Ivan ang sasabihin niya nang pinutol 'yon ni Claire.

"Mind your own business, Amery. Boyfriend ko si Ivan kaya wala kang pakealam kung anong gagawin naming dalawa."

"Claire, stop it!" Ivan.

Natauhan naman ako sa sinabi ni Claire. Tama siya, wala ako sa lugar para makealam sa kanilang dalawa. Matagal na kaming hiwalay ni Ivan kaya dapat alam ko kung saan ako lulugar.

"I-I'm sorry."

Humingi ako ng tawad sa kanila at pumasok na sa loob ng kwarto. Narinig ko pa ang pagtawag sa akin ni Ivan sa pangalan ko. Pero hindi ko binuksan ang pintuan.

Napasandal na lang ako sa pintuan at doon bumuhos ang mga luha sa aking pisngi. Unti-unti ring lumakas ang mga hikbi na inilalabas ng aking bibig.

Dapat ay hindi ko na sila nakitang magkasama.

This is supposed to be my rest day, but why am I hurting? I should be at peace, but why am I miserable?

Humiga ako sa kama ko nang umiiyak. Dahan-dahang bumigat ang talukap sa aking mga mata. At unti-unting nandilim ang paningin ko.

Nagising ako na may bigat sa dibdib. Mahapdi rin ang mga mata ko dahil sa pag-iyak. Naghilamos ako ng mukha para mawala ang pamamaga nito.

Nang makapag-ayos na ako, lumabas na ako ng pinto. Pagbukas ko pa lang ng pinto ay nakita ko si Ivan sa labas. Tumayo naman agad siya nang makita ako.

"Ivan, why are you here? Kanina ka pa diyan?"

Lumapit siya sa akin pero lumayo naman ako nang bahagya. Natigilan din siya nang makita ang naging aksyon ko.

"I didn't do anything to Claire. What you saw earlier was not what you were thinking, Amery."

Nagulat ako sa sinabi niya. Bakit niya pa pinapaliwanag sa akin ito? At walang nangyari sa kanila ni Claire.

"H-hindi mo naman kailangang magpaliwanag, Ivan. At nasa relasyon naman kayong dalawa kaya gawin niyo kung anong gusto niyong gawin."

Aalis na sana ako nang hawakan niya ang kamay ko. "I broke up with her. Noong nakita mo kami kanina, nakipag-hiwalay ako sa kanya. Nasa loob ako ng kwarto niya dahil nahihilo siya. Tinulungan ko lang siya, Amery."

"Naiintindihan ko, Ivan. Pero hindi mo naman kailangang ipaliwanag sa akin 'yan, Ivan."

Hinilamos niya ang kamay niya sa kanyang mukha. "Exactly! But I feel like I need to explain it to you. I don't want you to think that something happened between me and Claire. I can't understand myself when it comes to you, Amery."

Tulala lang ako sa narinig ko galing sa kanya. "Anong sabi ni Claire noong nakipaghiwalay ka sa kanya?"

"Honestly, I don't care anymore if she doesn't want to break up with me. I can't be with her, Amery. I don't like her either."

"Mag-aayos lang ako ng mga gamit ko."

Nagpaalam ako sa kanya. Malapit na kaming umuwi. Habang nag-aayos ng mga gamit ko ay lumilipad ang utak ko. Iniisip ko na hiwalay na sila ni Claire.

Hanggang sa airport ay gano'n pa rin ang iniisip ko. Kinakausap ako ni Christoff pero lumilipad lang ang utak ko dahil sa iniisip ko.

Ilang araw na ang lumipas simula nang mangyari ang quick vacation namin. Nandito ako ngayon sa office at busy na naman ako. Mas naragdagan ang ginagawa ko ngayon. Pero hindi naman ako nagreklamo dahil nag leave ako ng tatlong araw.

"Amery, may naghahanap daw sa'yo. Nasa ground floor siya. Claire raw ang pangalan."

Ano na naman kaya ang problema niya?

Wala akong nagawa kung hindi ang bumaba para harapin si Claire. At nandoon nga siya, lumapit agad ako sa kanya.

"Anong ginagawa mo rito?"

"Sinabi mo ba kay Ivan na hiwalayan niya ako?! Did you brainwash him?!"

"Are you stupid or dumb? Hindi mo ba naiintindihan na kaya nakipag hiwalay si Ivan sa'yo ay dahil hindi ka niya mahal? At kahit kailan ay hindi ka niya mamahalin, Claire."

Nakita ko ang namumuong luha sa mga mata niya. "He's my boyfriend for two years, Amery!"

Pagak akong tumawa sa sinabi niya. "Boyfriend? Baka naman ikaw lang ang nagsabi niyan sa kanya?" Natatawa kong sabi.

Nakita kong tuluyang pumatak ang kanyang luha. Pinunasan niya ito mabilis na umalis sa harap ko.

Babalik na sana ako sa office nang mag ring ang phone ko. Si Fatima pala.

"Hello, Fatima?"

"Amery, busy ka ba ngayon sa office? May emergency kasi ngayon sa office namin at kailangan kong pumunta. Kaso kailangan kong dalhin sa hospital ang pamangkin ko. Pwede ba akong makisuyo, Amery? Pwede bang ikaw na lang ang magdala sa hospital sa pamangkin ko? Wala kasing tao ngayon sa bahay kaya wala akong matawagan."

Sa boses niya pa lang ay halatang natataranta siya. Tinignan ko ang relo ko para tignan ang oras. Sakto at may time pa ako dahil may break kami ngayon.

"Idaan mo na lang si Alexandra rito, Fatima. Ako na ang bahala."

"Thank you, Amery. On the way na kami."

Hindi nagtagal ay dumating na rin sina Fatima. Nang mahawakan ko si Alexandra na pamangkin niya ay para akong napaso dahil mainit ito.

"Thank you talaga, Amery! Alexandra, si Tita Amery muna ang magbabantay sa'yo, ah. Be a good girl, okay?" Tumango si Alexandra sa kanya.

Isinakay ko na si Alexandra sa kotse ko at pumunta na kami sa hospital. Maputla rin ang kanyang labi.

Pumunta agad kami sa emergency room habang buhat ko siya. Mabuti na lang at sinalubong kami agad ng mga nurses dito.

Inilapag nila si Alexandra sa hospital bed. "Tinawag na po namin si Doc, Ma'am. Hintayin niyo na lang po siya."

Tumango ako sa nurse at nagpasalamat sa kanya. Hinawakan ko ang kamay ni Alexandra habang hinihintay ang doktor na titingin sa kanya.

"How are you feeling, Alexandra?"

Matamlay itong tumingin sa akin. "My head still hurts, Tita. Ouchie." She pouted.

"Don't worry, baby. You'll get better after you drink medicine."

Dumating ang nurse na unang
nag-approach sa amin. "Doc, nandito po ang patient."

Nang makita ang doktor na tinutukoy ng nurse ay nanlaki ang mata ko sa gulat.

"Amery."

Halatang nagulat din ito nang makita ako.

"Ivan...I mean Doc."

Nilapitan niya si Alexandra at tinignan ang temperature kanyang temperature. 38.4 °C ang temperature ni Alexandra. Ang taas ng kanyang lagnat.

"Kaya mo bang uminom ng gamot? Hindi ka ba nagsusuka kapag umiinom na nito?"

Napakahinahon ng kanyang boses habang kinakausap si Alexandra.

Umiling si Alexandra sa kanya. "No po, Doc. I can drink medicine po."

"Alright, that's good."

Humarap si Ivan sa akin kaya naging alisto ako. "Hindi na natin siya i-a-admit sa hospital kung kaya niya namang uminom ng gamot. Reresetahan ko siya ng gamot. Kapag hindi bumaba ang lagnat niya ay dalhin mo siya ulit sa hospital. Kapag naman bumuti na ang lagay niya, magkakaroon siya ng follow up check up."

Tumatango ako habang nakikinig sa sinasabi niya. Seeing him in his dream profession makes me proud. He really looked professional while talking to me.

"Thank you, Doc."

Tumango siya at ngumiti sa akin. "Your niece?" Tukoy niya kay Alexandra.

Umiling ako. "She is Fatima's niece. Nagkaroon lang ng emergency sa company nina Fatima kaya ako muna ang nagdala sa kanya rito."

"Oh, okay." Tumango siya at binalingan ng tingin si Alexandra. "Pagaling ka na, ah. Para hindi na mag-alala ang Tita Amery mo."

Tumango si Alexandra sa kanya at ngumiti. Kahit papaano ay bumubuti na ang lagay ni Alexandra kaya nakahinga na ako nang maluwag kahit papaano.

Nagpaalam na kami kay Ivan para umalis na. Bumibili ako ngayon ng gamot ni Alexandra na nireseta ni Ivan.

Pagbalik ko sa company ay nandoon na si Fatima. Sinabi ko sa kanya ang sinabi ni Ivan sa akin. Nagpasalamat ulit ito sa akin. Kinawayan ko silang dalawa ni Alexandra para magpaalam.

Papasok pa lang ako sa office nang tinawag ako ng security guard.

"Ma'am, may nagpapabigay po sa inyo."

Ibinigay niya sa akin ang ang isang sobre. "Kilala niyo po ba kung kanino ito nanggaling?"

Umiling ang guard sa akin at nangamot ng ulo. "Hindi ko po kilala."

Tumango ako. "Sige po, salamat po!"

Nang makaupo na ako sa upuan ko sa office ay binuksan ko ang sobre. May laman ito ng isang papel.

Binasa ko ang nakasulat.

Amery, meet me at the *** cafe later. I will tell you something really important. It's all about the past that you need to know.

-S

Continue Reading

You'll Also Like

7.4K 299 81
A girl who has been hiding her feelings for a boy gamer since high school days. She just admired him from afar and didn't have the strength to confes...
8.1M 238K 41
"So this was all just a game to you . . .this whole time, you pretended to like me in order to humiliate me in front of the entire school?" An air of...
1.1M 37.4K 70
HIGHEST RANKINGS: #1 in teenagegirl #1 in overprotective #3 in anxiety Maddie Rossi is only 13, and has known nothing but pain and heartbreak her ent...
245K 6.5K 20
"I bet that you wont go out with the ugliest girl in the school. For... 4 weeks." Woojin said "Well guess what Hyung. The bet is on." Felix said. ...