Chapter 8

53 21 0
                                    

Naka ready na ako, si Coach Kenj ang aming makakalaban. Isa-isa kaming lalaban sa kanya.

Habang naghihintay na matapos ang iba, nakita kong papalapit si Claire sa tabi ko.

"Maglalaro ka rin pala?" bungad nito sa akin, ano bang problema nito sa akin?

"Oo, good luck sa'yo." sabi ko sa kanya, aalis na sana ako nang marinig ko itong magsalita.

"As if naman mapipili ka, hindi mo deserve." mataray na sabi nya sa akin.

Humarap ako sa kanya.

"Ano bang problema mo sa akin? Wala akong ginagawang masama sa'yo." mariing sabi ko rito.

"Hindi ba't sinabi ko na saiyong layuan mo si Ivan?!" medyo malakas na sabi ni sa akin.

"Magkaibigan kami ni Ivan, Claire." sagot ko rito.

"Huwag kang umasta na parang kayo." dagdag ko rito.

Hindi ko mapigilan ang sarili ko, totoo naman ang sinabi ko. Wala namang sila.

"What did you say?!" galit na tanong nito sa akin.

"Ang sabi ko, huwag kang umasta na parang kayo, dahil walang kayo." ulit ko rito.

Akala nya aatrasan ko sya? Nagkakamali sya.

"Pagsisihan mo ang pagsali mo rito, Amery." mariin at may pagbabantang sabi nya sa akin.

Bago pa makasagot ay tinawag na sya ni Coach Kenj. Sya na pala ang next. Pagkatapos nya ay ako.

"Claire, ikaw na!" sumigaw si Coach Kenj, may kalayuan din kasi kami sakanila.

Tumango si, Claire. Bago sya pumunta kay Coach ay humarap sya sa akin.

"Tandaan mo ang sinabi ko." may diing sabi nya.

Hindi ko sya pinansin at lumapit nalang sa mga kasama namin.

Naghanda na rin ako dahil ako na ang susunod na sasabak sa laro, last na pala ako.

Pinanood ko si, Claire. Magaling din pala sya sa totoo lang. Maraming magagaling na sumali sa tryouts.

Naligaw lang ata ako rito.

Pagkatapos ni Claire ay ako na ang tinawag.

"Amery, ikaw na ang last." sabi ni Coach Kenj sa akin.

Ngumiti ako sa kanya at tumango. Pumunta na ako ron para makapag laro.

"Good luck." nakangiti na sabi nya sa akin.

Ngumiti rin ako sa kanya at tinanguan sya, pumunta na ako sa aking pwesto.

Nagsimula nang mag serve si Coach Kenj, tinanggal ko ang kaba sa puso ko.

I'm just enjoying it, para lang kaming naglalaro nang normal at nagsasaya.

Minsan ay hindi ko natirira pero hindi ibig sabihin ay susuko na ako. Gusto kong sumali sa intrams kaya naman pinagbutihan ko.

Sumasabay ako sa bawat tira ni, Coach. Minsan ako ang panalo, minsan ako ang talo.

When we were done, nilapitan ko si Coach at kinausap.

"Thank you, Coach Kenj." nakangiti na sabi ko.

"You did well, Amery!" sabi nito sa akin.

Pagkatapos non ay umupo na ako sa pwesto ko, kinuha ko ang thumbler ko at uminom ng tubig.

"Everyone!" kuha ng atensyon ni Coach Kenj.

Lahat kami ay tumingin sakanya.

"You did a great job, everyone, congratulations!" masayang sabi ni sa amin.

Her Asset Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ