A Rose Hidden in The Thorns.

By yvzuha

3.8K 138 29

Heirra International School. The most well known school in the country. despite being an all boys school they... More

Chapter 1:First day.
Chapter 2: Lawrence.
Chapter 3: Darling.
Chapter 4: Sick.
Chapter 5: Number.
Chapter 6: who are you?
Chapter 7: Friends.
Chapter 8: Trouble?
Chapter 9:Number.
Chapter 10:Disappointed
Chapter 11: Co-parenting.
Chapter 12: I hate you.
Chapter 13: Looking.
Chapter 14: Worried.
Chapter 15:nahulog
Chapter 16: New President
Chapter 18: Napabayaan.
Chapter 19: Bakit?
Chapter 20: Butterfly.
Chapter 21: Trending.
Chapter 22: Kuya.
Chapter 23: her.
Chapter 24: Camera.
Chapter 25: Phoenix.
Chapter 26: how much?
Chapter 27:
Chapter 28: Sino?
Chapter 29: Siblings.
Not an update!

Chapter 17: Lost child.

98 5 0
By yvzuha

"Bilib ka na ba sakin?"

Inirapan ko na lang siya habang may ngiti sa labi. "Ulol," Bulong ko na mukang narinig niya rin kaya siya natawa.

"Pano ba 'yan? Mukang isa ka na lang dihamak na peasant ngayon." Pagmamayabang niya.

"Hoy, choy, hindi porket President ka na pwede ka nang magyabang. Let me warn you, sa oras na meron akong hindi nagustohan sa skwelahan na 'to, ikaw ang sisisihin ko." Pabiro ko siyang nginitian.

"Oh, itataya ko diploma ko, magugustuhan mo ang pamamalakad ko. Hihilingin mo na lang na sana did kana mag graduate." Mayabang siyang tumawa.

"Oo, kasi mas pipiliin ko na lang magdrop-out."

Agad siyang napatingin sakin at tinaasan ng kilay tila pa na offend.

Sinulyapan ko naman ang mga robot na alam kong kanina pa kami tinitignan at nakikinig. Nasa kabilang table lang kasi sila.

We're at Cafeteria right now. Kakatapos lang ng morning class and we choose to eat.

But the thing is, parang pinapatay ako sa tuwing subo ko.

Kung hindi ba naman kasi Tinupak 'tong katabi ko, ay sana wala kami sa cafeteria ng iba ngayon.

Opo tama ang rinig nyo. Nakikigulo kami sa cafeteria nang mga normal class (mga hindi special science.). Ang bwesit na Mattew kasi gusto magpalibre dahil daw siya na ang bagong SSG President.

Kasalanan ko? Ako ba nag nominate sayo?

At ang ibang mga Robot naman nakisali rin. Sumama sila samin pero ayaw naman lumapit kay Mattew. Choosy. Yan tuloy muka kaming tanga na pinagtitingin rito.

Ang masama pa pati ang mga Section eleven ay narito rin at nakikichismis. Pero hindi naman kami nila pinapakealaman. Ni mag tanong O bumati ay hindi nila ginawa.

Ngumingit at kumakaway naman sakin sina Aidan at Steven. Pero yung iba? Wala. Well I'm not really expecting anything tho. Haya'e na.

"Hi, babe,"

"Gosh, daming pogi as ever."

"Hello,"

Napatingin ako sa apat na babaeng bumasok sa Cafeteria. Iba ang design at kulay ng uniform nila kaya alam kong galing sila sa ibang school.

Lumapit ang isang babae sa mga lalaking nakaupo sa isang mesa, agad rin naman sumunod ang mga kasamahan nito. The other students didn't mind them. Mukang sanay na. Ilang beses na rin akong nakakita nang mga estudyante na galing sa ibang school rito. Bumibisita man o gumagala.

Binalik ko na lang ang attention sa pagkain. Then a weird feeling came to me. It's making the air feel awkward. Para bang may nagmamatyag sakin. At mukang hindi nga ako nagkakamali. Dahil sa unang pagangat ng aking tingin ay mga mata agad ng isa sa mga babaeng bumasok kanina ang nasilayan ko.

Agad siyang umiwas nang tingin nang magtama ang aming mga mata. Mukang hindi lang siya ang nakatingin sa akin dahil agad na nagtilian ang mga kasama nitong babae at tinukso siya. Umiwas naman ang babae't sinaway ang mga kaibigan kahit tila siya'y kinikilig.

Mashado kayong halatain!

Ipinasawalang bahala ko na lang ito't tinapos ang pagkain. After eating ay nag aya na 'kong bumalik sa classroom. Sumunod naman sakin si Mattew at ganon rin ang special science. Habang naglalakad ay kanya-kanya sila nang usap. While me and Mattew choose to talk about our morning class earlier.

Wala sa porma't ugali ni Mattew, pero masipag rin pala mag-aral ang isang 'to. Kung pansinin nga lang siya nang mga guro'y sigurado akong magiging active siya sa klase.

Nasa field na kami papuntang building nang special science nang may marinig kaming tilian at sigawan. Hindi iyon pinansin nang mga kasama ko. Pero dahil nasa pagkatao ko na ang mag matyag ay kusa akong napatingin sa nagiingay.

Ang mga babae kanina.

Kasama nila ang mga kasaba'y nilang kumain kanina na sa palagay ko ay boyfriend nang isa sa kanila. Napailing na lang ako't hindi sila pinansin.

Mahigit kinseng hakbang pa lang ang nagagawa ko nang maramdaman kong natigilan ang mga kasamahan. Nang sila'y nilingon ko, parepareho silang nakatingin sa babaeng nasa tabi ko na pala.

She's around 5'3, I guess. Meron siyang cute red ribbon headband on her, and a green cardigan paired with her simple white uniform that has a little bit blue color. Kumikinang rin ang kaniyang labi dahil sa lip gloss, she has a long eye lashes, and a botton like nose, and her brown eyes, with her white skin.

Nasa harap niya 'ko ngunit nasa baba siya nakatingin. O mas tamang sabihing sa kamay niyang may hawak na puting panyo.

"What?" Diretso kong tanong.

"U-umm... H-hi," Alinlangan niyang sabi, hindi parin makatingin sa 'kin.

Nilingon ko ang mga kasamahan. Lahat sila'y nanonood samin habang maynakakalokong ngiti. Si Mattew naman parang pinapahiwatig na handa ba siyang asarin ako mamaya. Inirapan ko lang sila't hinarap muli ang dalagita.

"Miss? Not to be rude but I have class."

Mukang na realize niya rin iyon kaya napakamot siya sa batok. Hindi siya nagsalita kaya naglakad na 'ko paalis.

Pero bago ko pa siya malagpasan, I tapped her shoulder. "Khai. My name's Khai."

Nasilayan ko ang pagkapula ng leeg at pisnge niya bago ko siya lagpasan.

Hindi ako manhid. Alam kong 'yon ang pakay niya. Her friends reactions, her avoiding my gaze, and her trembling just explains that she likes me.

Ngunit hindi ko siya gusto. Straight pa 'ko sa plastic na ruler. But i can't tell her that because that would confuse her. And if I ignore her, that would be rude. Better just tell her my name.

"Ikaw na talaga, Khai."

"Haba ng buhok, eh."

"Idol!"

"Paturo, master."

Pang-aasar nang mga robot habang naglalakad. Pipiktosan ko kayo tamo.

"Hey,"

Nilingon at nginitian ko si Mattew na nakatayo sa harap ko. Wala na siyang ibang naging kibo kundi ang umupo sa tabi ko.

Kumunot ang noo ko sa ginawa niya.

"Aano ka naman rito?"

Tumingin siya sakin habang sinasabit ang bag sa kaharap na upuan. "Umuupo."

"At bakit?" Tinignan ko ang dati niyang upuan na malapit sa binatana. Wala namang nakaupo roon.

Hindi sa pagiging madamot o maarte, pero isa talaga ako sa mga taong mapili sa mga nakakatabi niya.

Wala namang mali kay Mattew malinis naman siyang tignan, Hindi siya maiingay, at parang hindi naman siya yung tipong nang iistorbo.

Pero ayaw ko parin. Parang hindi ako comfortable. Or baka hindi lang ako sanay?

"Bakit bawal ba?" Tinignan niya 'ko nang maynakakalokong ngiti.

"Pagsinabi kong 'Oo' aalis kaba?" Panghahamon ko.

Maslumapad ang ngiti niya pero hindi na ulit nagsalita. Sumandal na lamang siya sa upuan at pinikit ang mata.

Siya pala ata yung tipong natutulog boung klase. Hindi naman malabo 'yon. Hindi siya pinapansin nang mga Teacher tuwing klase kahit sa recitation. Kaya hindi malabong nakasanayan niya nang matulog.

Halos 45minutes nang late ang Teacher namin. Para akong napapalibutan nang mga asong tahol nang tahol rito.

"First late of the quarter."

"Hala si Ma'am pag late ok lang. Pag ako hindi na pwedeng pumasok?"

I know they care about their grades and stuff. Well we are the Special Science twelve for a reason. But isn't this a little bit..... Too much?

We're advanced than the other sections. Mas na una kami sa mga lessons, kaya anong inaatungal nila?

"Mmmm..."

Napatingin ako kay Mattew na nasa tabi ko nang umungol ito habang tulog. Unlike other students, hindi siya nakadukduk sa lamesa habang tulog. His head is leaning on his chair, bahagyang nakatingala. Napatingin ako sa adams apple niya nang magtaas baba ito.

Wala ako niyan.

Pero hindi naman naging sagambal 'yon dahil merong ibang mga lalaki talagang maliit lang ang adams apple. At mukang walang nakakapansin na wala ako non dahil iniiwaaan kong ipahalata sa kanila.

Habang tinitignan ang nakapikit niyang mata ay may kapilyohang nakapasok sa utak ko.

Hindi ko kaylan man na-i-imagine na magagawa ko 'to kay Layvance dahil hindi naman 'yon natutulog sa klase. At syempre hindi makukumpleto ang high school ko kung hindi ko mararanasan ang sulatan sa katawan ang kaklase.

Inungkat ko ang aking bag at hinanap ang pakay. Hindi naman ako nabigo dahil agad ko iyong nakapa. I smirked as I took the head of the black marker I have.

Muli kong pinakatitigan ang muka niya. Hanggang sa muli nating pagkikita.

Tumayo ako sa pagkakaupo at humarap sa kanya. Mahinhin kong tinapat ang marker sa muka niya bago ito sulatan. I draw lot of doodles in his forehead. Nilagyan ko rin siya ng 'among us' character sa left cheek at nilagyan ko ito nang text na "Mattew #2 sa baluta!"

Hindi pa 'ko nakuntinto at kinuha ang red at blue marker ko sa bag. Nilagyan ko siya nang parang tumutulong dugo sa magkabilang sulok ng labi. Kinulatan ko rin ang among us character ng blue. I also drew a long long long line on his eyes using the marker as eyeliner.

Nang matapos ay tinakpan ko ang bibig trying my best not to laugh. May narinig rin akong hagikhik sa palaigid. Nang lingunin ko ang mga robot ay nanunuod pala sila. Mapang-asar silang nakatingin samin at nagpipigil ng tawa. I put my point finger on my mouth signing them to keep quite.

Napatango-tango naman sila't umiwas nang tingin. Bago ako umupo'y sinigurado kong kinuhaan ko muna ng litrato ang pagmumuka ni Mattew. Mukang nahirapan ang mga Robot magpigil ng tawa kaya nagisip sila ng paraan para hindi mahuli.

Tumayo si Darwin sa gitna at tinaas ang kamay para mapatingin kami sa kanya. Hindi pa siya nakuntinto at hinila ang upuan papunta sa gitna at tsaka umakyat roon. Dahil gawa sa bakal ang aming inuupuan ay naglikha ng ingay ang ginawa niya. Nagising ang natutulog na Mattew. Nang makita iyon ni Darwin ay nagmadali siya sa ginagawa.

"Clark!" Tawag niya sa kaklase na agad din siyang pinansin. "Rebisco kaba?"

"Bakit?" Tanong ni Clark na halatang nagpipigil ng tawa.

"Kasi Special ka." Malanding sagot ni Darwin habang kinindatan ang kausap.

Imbes na kiligin ay kanya-kanya kami ng tawa. Hindi dahil sa sinabi ni Darwin kundi dahil sa katabi kong gising na gising na at halatang walang alam. Alibay lang talaga ang ginagawa ni Darwin para makatawa kami ng hindi nahahalata ni Mattew.

"Ay akala ki dahil sobra kana." Gatong ni Edward.

Mas lumakas ang tawa namin. Pero mukang hindi pa tapos si Darwin. Mukang sinimot niya lahat ng tapang niya sa katawan para kausapin si Mattew.

"Mattew," Tawag niya rito. Binalingan naman siya ni Mattew at tinaasan ng kilay. "Leaves kaba?"

Nagdalwang isip pa si Mattew kung sasabayan ba ang trip ni Darwin. Pero mahina kong binggo ang hita niya gamit ang tuhod. Nakuha niya rin din ang gusto kong iparating kaya sinabayan niya na ang kaklase. "Bakit?"

"Kasi you're Dahonly one for me." Sagot ni Darwin at nilagay pa kunwari sa likod ng tenga ang imaginary buhok niya at tumalikod sabay tili at tatalon-talon na parang batang kaharap ang crush.

Lalo kaming natawa sa biro niya. Napaluhod pa 'ko sa inuupuan ko.

Bwesit Darwin!

Nang tignan ko si Mattew ay nakakunot ang noo niya. Tila nagulat at nagtaka sa inasta ni Darwin kaya mas lalo kaming natawa.

Pero mukang hindi pa nakontento si Darwin at ako naman ang binalingan. Nakangiti ko siyang tinaasan ng kilay.

"Khai," Tawag niya sakin.

"Oh?"

"Si John-"

Hindi pananatapos ang sinasabi niya ng sumingit si Mark. "Hoy, pagisipan mo yang biro mo. Baka magulat ka na lang, ihatid kana ni Layvance sa hantungan mo." Biro niya.

Hindi naman non naapektohan si Darwin. Dinilaan lang siya nito at ngumiti muli sakin nang nakakaluko. "Khai, si John Cena kaba?"

"Bakit?"

"Cause I've never Cena boy like you." Nakacheck pa ang Delawa niyang daliri sa panga sabay kagat labi at naniningkit ang panga.

Muli akong natawa. Akala ko ba Alibat lang 'to? Bakit mas natawa pa 'ko sa pinagsasabi niya kesa sa pagmumuka ni Mattew, eh.

Pero mukang gumagana naman. Nakikitawa na rin kasi si Mattew, walang kamalay-malay sa ginawa ko sa muka niya.

Hindi na natapos si Darwin at si Edward naman ang nakita. "Ed, sinaing kaba?"

"Bakit?"

"Kasi magagalit si Mama kapag iniwan kita."

Maslalo kaming tumawa nang humawak si Darwin sa mag kabilang bewang at gumiling giling.

"Hahahahahahaha..."

"Darwin! Utang na loob tama na!"

"Tigas ng katawan!"

"Hoy, Mike." Tila mayabang na tawag ni Darwin.

"Oh?"

"Alam mo ba?"

"What?"

"Na ang pag-ibig ko sayo'y parang utot? Ang hirap itago!"

Maslumakas ang tawa namin ng mag otsyo-ostyo siya.

"Chester!" Si Darwin.

Hindi talaga siya titigil!

"Pfft- ano?"

"Alam mo bang pagkakapareho natin sa pusporo?"

"Ano?"

"Edi Match tayo-BOOMBAYAH." Bigla na lang siyang sumayaw ng K-Pop dance.

Halos hindi na 'ko makahinga dahil sa pinagsasabi ni Darwin. Hanggang makaramdam ako ng pares ng matang nakatingin sakin. Nang tignan ko ito'y may ngiti sa labi akong pinamamasdan ni Mattew. Kaya mas lalo akong natawa. Pero dahil wala siyang alam ay sumabay rin sa tawa ang gago.

Babanat pa sana si Darwin nang makarinig kami ng ingay sa labas. Una ay hindi kami gumalaw, nagkatitigan, at pinapakiramdam kung ano 'yon. Hanggang muli namin iyong narinig.

"Mama!... M-mama...."

Boses ng bata kaya agad kaming nagsilabasan dahil sa pag-aalala. Nadapa pa si Jolyen dahil sa pagmamadali. Paglabas namin sa kwarto ay wala naman kaming naabutan. Sinundan namin ang boses ng bata. Ang pinataka ko ay nakasarado ang mga kwarto ng ibang Special Science.

Wala ba silang naririnig?

Dahil sa pagsunod namin sa boses ay napadpad kami sa hagdan. Nanlaki ang mata ko nang makita ang halos 4years old na batang nakaupo sa hagdan habang umiiyak, yakap yakap ang Barbie doll nito, at pilit hinahanap ang Mama niya.

Nang tignan ko ang kaniyang tinignan ay wala namang Tao roon. But to my confusion, nakasarado rin ang mga kwarto nang special science na narito sa baba.

Talaga bang wala silang naririnig?

Nilapitan ko ang bata, I kneeled on one knee so we could be on the same level. Mukang nagtaka ang paslit nang makita ako. Agad ring sumunod ang mga kaklase ko at tumayo sa likod ko.

"Hi," Hininaan ko ang boses ko. I don't wanna scare her off.

Pero sa gulat ko ay bigla na lamang siyang tumayo't lumapit sa akin...... Or so I thought.

Nagtaka rin ata si Mike nang biglaang lumapit at yumakap sa binti niya ang paslit. Mukang hindi niya rin iyon inaasahan dahil literal pa siyang naistatwa. Ang mga mata niyang tila walang pake sa mundo ay nanlaki.

Napatingin siya samin. Tila nang hihingi ng tulong ang mga mata niya. Pero hindi rin namin alam ang gagawin!

Hindi kami nakagalaw. Or more like hindi namin alam kong paano gumalaw, or ano ang gagalawin.

Tumahan na ang bata ngunit nakayap parin ito sa binti ni Mike. Hindi parin nakakagalaw si Mike. Bahagya pang nakataas ang mga kamay niya na para bang iniiwasang mahawakan ang bata.

Walang paring gumagalaw samin nang maramdaman ko ang pagdaan ng kunsino sa tabi ko. Lumuhod siya upang magkapantay sila nang bata. He leaned his hands for her, as if he's asking permission to touch her. Napatingin rin sakanya ang bata. Noong una ay tila nagtataka pa ang bata. Pero kalaunan ay lumambot rin ang tingin niya kay Mattew.

Napatingin ang bata kay Mike bago nito ibigay kay Mattew ang kamay. Unti-unti siyang nilapit ni Mattew sa sarili. "Hey," Mahinahon niyang turan.

Hindi umimik ang bata. Malalim lang ang tingin niya kay Mattew. Nagtataka siguro kung ano ang nasa muka ng kaharap.

"What's your name?" Tanong ni Mattew.

Tila naging komportable nasa kanya ang bata dahil kusa itong mas lumapit pa kay Mattew. Tumingin siya samin with her innocent eyes, tila kinikilala kami. Muli siyang tumingin kay Mattew. "Mommy..."

"Yeah? Did you lose your mom?"

Hindi ko mapigilang mamangha sa inaasta ni Mattew. Ang lambing kasi ng pakikitungo niya sa bata. Para siyang ibang tao. Different Mattew.

Napatango naman ang bata. Tumaas ang kilay ko nang magsalubong ang tingin namin. Which was maybe a wrong move dahil parang natakot siya sakin at umiwas nang tingin.

"Khai, natatakot sayo yung bata."

Continue Reading

You'll Also Like

32.3K 1K 21
[ONGOING ๐Ÿ”ž] #8 insanity :- Wed, May 15, 2024. #2 yanderefanfic :- Sat, May 18, 2024. After y/n became an orphan, she had to do everything by herself...
46K 2K 19
"Show me somethin' different once, I come from where there's no love." COPYRIGHT 23. #1 ATLANTA 05/01/2024 ๐Ÿ†
306K 7.6K 111
In which Delphi Reynolds, daughter of Ryan Reynolds, decides to start acting again. ACHEIVEMENTS: #2- Walker (1000+ stories) #1- Scobell (53 stories)...
143K 11K 12
Her ลŸey bana gelen mektupla baลŸlamฤฑลŸtฤฑ. Ufacฤฑk bir not kaฤŸฤฑdฤฑnda yazan ลŸeyler bรผyรผk olaylara ve hayatฤฑmฤฑn deฤŸiลŸmesine yol aรงmฤฑลŸtฤฑ. Ben kendimden emin...