The School Outbreak

By ItsRaelAngelo

30.4K 1.2K 348

The Jeianjoe Pharmaceuticals invented a medicine to prevent the Covid-19 transmission around the country. The... More

Prologue - The Start
Chapter 1 - Infected
Chapter 2 - Pharmaceutical
Chapter 3 - Code Red
Chapter 4 - Dentrix
Chapter 5 - Havoc
Chapter 6 - Oliver
Chapter 7 - Resolution
Chapter 8 - Human Nature
Chapter 9 - The Scheme
Chapter 10 - Clinic
Chapter 11 - Guardhouse
Chapter 12 - Canteen
Chapter 13 - The Rescue
Chapter 14 - Classroom
Chapter 15 - Hallway
Chapter 16 - Library
Chapter 17 - Dance Room
Chapter 18 - A Spy?
Chapter 19 - Do You Copy?
Chapter 20 - Theater Arts
Chapter 21 - The Darkness
Chapter 22 - The Ladder
Chapter 23 - Principal's Office
Chapter 24 - Cyclone Eye
Chapter 25 - Friends Forever
Chapter 26 - Garden
Chapter 27 - Two Into One
Chapter 28 - The Gate
Chapter 29 - Break Free
Chapter 30 - Having Some Fun
Chapter 32 - Personnels Only
Chapter 33 - Stock Room
Chapter 34 - Welcome To Hell
Chapter 35 - Catastrophe
Chapter 36 - Unimprisoned
Chapter 37 - Verge of Sanity
Chapter 38 - Battle Royale
Chapter 39 - Sir Raygon
Chapter 40 - After Dark
Chapter 41 - Natural Selection
Chapter 42 - Start of The End
Chapter 43 - Sanctuary
Chapter 44 - Best. Stay. Ever.
Epilogue - The Gagoals
Gratitude + Dedication
Facts + Questions

Chapter 31 - Outside World

96 6 0
By ItsRaelAngelo

Kasalukuyan pa ring nagkakasiyahan ang lahat. Some of them are now drunk, while some of them are just drinking juices and softdrinks. Kain lamang sila nang kain. Sobrang dami na ng mga pakete ng pagkain sa kanilang harapan, ngunit wala na silang pakialam dito dahil wala na rin namang magagalit pa sa kanila. Wala na silang pakialam sa mundo ngayon. Malakas ang patugtog nila sa kanilang pagilid, ngunit hindi nito natatakpan ang malalakas na tawanan nilang lahat.

Si Joshua ang may pinakamalakas na tama sa kanila. Hindi na ito makapag-salita pa nang ayos, at naka-subsob na lamang ito sa mesa sa kanilang harap. It seems like he's asleep, ngunit ang totoo ay nakapikit lamang siya at pinapakinggan ang mga kuwentuhan nila. Hindi lamang niya matiis ang pag-ikot ng kanyang mundo kaya siya ganito. Feeling niya ay nasa duyan siya at hinehele nang walang tigil, pero kapag tinawag mo siya o gusto niyang sumabat sa kanilang usapan, ay agad naman nitong inaangat ang kanyang ulo at magsasalita na lamang bigla. Tom thought that he drank too much, ngunit hindi rin naman niya mapigilan ito dahil gusto rin naman ito ni Joshua at nagkakasiyahan sila, kaya naman hinayaan na lamang niya ito.

"Atleast, diba! Naranasan na rin niyang mamuhay sa labas ng mga libro at horror movies! Achievement na kaya niya iyan, 'no!" Ani Richalaine sa kanila.

"Nakakalungkot talaga at ngayong outbreak pa lang niya na-discover ang lahat nang iyan. . . Ngayong end of the world pa talaga!" Devon added. Nagtawanan naman ang lahat sa kanya pagkatapos.

Some of them are even dancing! Nakatayo ngayon sina Ethan at Myles sa kanilang harapan habang gumigiling kasabay ng tugtog. Tawanan naman nang tawanan ang lahat dahil dito. Umaarte pang mga macho dancer ang dalawa, at sinasayawan pa sila nang harapan, kaya naman hindi na rin nila mapigil pa pati ang mga hiyawan. Everyone is having fun. Everyone is enjoying the show. Sinasabayan pa ito ng pagpapatugtog ng gitara ni Roman kaya naman napakasaya nila ngayon.

"May future talaga 'tong dalawang ito sa larangan na iyan, oh! Palong-palo!" Pang-aasar ni Hailey sa kanila.

"May past kamo!" Jill commented. Halos maibuga na nang lahat ang kanilang mga iniinom dahil hindi nila inaasahan ito. Nagtawanan na naman nang malakas ang lahat.

Nasa kalagitnaan pa lamang sila ng kanilang mga pagsasaya nang sabay na tumayo sina Francis at Peter. Napatingin naman sa kanila ang kanilang mga kasama.

"Oh, at saan naman kayo pupunta?" Sidney asked. "Wait lang, may pupuntahan pa nga ba kayo?"

Peter smirked because of that. "Diyan lang sa may labas! You guys saw that bus over there?" Tinuro ni Peter ang bus sa labas. Hindi ito visible sa kanilang puwesto dahil nakaharang ang mga estante rito. Kailangan pa nilang tumayo at maglakad nang kaunti para lamang matanaw nila ito. Nakita nila ang kagandahan nito. Hindi nila maipagkakaila na tila naalagan ito nang maayos dati dahil buo pa ito, walang sira, at walang mga kalawang man lang. Tila shuttle bus ito dahil na-maintain nila ang kalinisan nito.

"And? What next?" Flerida asked.

Si Francis na ang sumagot dito. "Well, Peter and I thought that it may be a good idea na iyon na ang ating sasakyan kapag umalis na tayo rito. May pintuan kasi yung bus, hindi naiaangat ang salamin, tapos, de-aircon pa! Oh, saan pa ba kayo, diba?" Napangiti naman ang lahat nang marinig nila ito.

"It is safer, more beautiful, tsaka, mas comfortable na rin! Para naman mas maayos tayong makapunta sa dapat nating pupuntahan." Peter added. "But, maybe it just have several problems. May issue ata iyan sa makina dahil iniwan na lang ng dating may-ari iyan nang basta. . . Pero sigurado naman kami na maayos namin iyan, kaya hiag kayong mag-alala! Kami pa ba?" Lumapit si Sir Raygon sa kanila. Alam nilang may sasabihin na naman ito kaya naman hinabaan na kaagad nila ang kanilang pasensiya.

"Papaano niyo naman nasisiguradong maaayos ninyo ang bus na iyan? Buses have bigger parts than a car! Baka nga hindi niyo pa mabuksan yung taklob ng machine na iyan dahil hindi niyo pa alam kung nasaan." Lasing na si Sir Raygon kaya naman hindi na niya ma-control pa ang kanyang bibig. "These fucking teenagers nowadays. . . Masyado nang nagmamarunong." Susugurin na sana siya nina Francis at Peter ngunit pinigilan na sila ng kanilang mga kasama. Kumalma naman sila pagkatapos nito.

"Gusto lang naming magkaroon tayo nang mas ligtas na masasakyan habang papunta tayo sa evacuation center. It is definitely bigger, safer, and even more freaking comfortable! If ayaw mo naman, it's just fine! Hindi ka namin pinipilit. . . In fact, do us a favor. Huwag ka na sanang sumakay pa sa amin dahil punong-puno na kami sa'yo. Magsama kayo ng jeep mong cheap at patapon!" Francis rebutted.

Sir Raygon laughed. "Can I offer some help, though? Maybe you need anything from me. . .
I can lend some hand."

"Help us by shutting your mouth this whole time." Pambabara ni Peter sa kanya. "Iyan na lang ang maitutulong mo sa amin kaya please lang."

Sir Raygon just smiled, at bumalik na sa kanyang dating puwesto. Kinuha na niya ulit ang iniinom niyang Novellino at tinungga ito. They looked at him. Mukhang hindi na naman ito tatayo at mang-aaway pa kaya naman hinayaan na lamang nila. Sila-silang mga estudyante na lamang ang natirang nakatayo sa may table nila. Pinahupa muna nila ang tensiyon sa pagitan nila bago may magsalita.

"I thought he will not gonna stop. Akala ko, sisirain na niya ang moment nating ito, eh! Kung kailan ba naman nagsasaya tayo?" Aidan said. Napatawa naman ang lahat.

"Pero Francis atsaka Peter, hindi ba makakapaghintay iyan? Baka puwedeng kahit hanggang mamaya niyo na ayusin iyan.  Kahit hanggang matapos lang natin ito para masamahan namin kayo sa paglabas. The outside world could be dangerous. . . You know pretty well how infectees move." Ani Faith.

Francis just smirked. "Gusto sana namin na bago kayo matapos eh tapos na rin kami rito. Para naman sa bus na tayo makapag-pahinga at para naman may aircon pa. In that way, ready na ang bus natin pagkatapos ng mga kasiyahan natin! Tiyaka, para naman mas maging komportable na tayo habang nabiyahe. Mas malaki ang magiging ginhawa natin kapag bus na ang sasakyan natin."

"Ayaw niyo na ba talagang magsaya?" Lexie asked. "Sure na ba kayo diyan? Hindi na ba talaga namin kayo mapipiligilan?"

Napatawa naman si Peter dito. "Well, thanks, but no thanks. Ayos na kami sa mga kasiyahan natin. Yes, it's good that we have fun even just for a short time— Pero mas magsaya na tayo kapag nakarating na tayo sa may evacuation area. Puwede na tayong mag-party doon nang buong araw nang hindi namomroblema dahil nakasisigurado na tayong nasa ligtas na tayong lugar. Dito kasi, hindi natin alam kung may mga infectees ba sa paligid. . . Nakakapanibago nga, eh! Walang mga infectees na nasugod sa atin ngayon." Kumatok naman siya sa may lamesa pagkatapos.

"May point ka rin naman." Ani Maxwell sa kanila habang tumatango-tango. "Just get back here immediately kung may napapansin kayong kakaiba sa labas. Mapa-tao man iyan, o mga infectees. Mas mabuti nang ligtas kayo sa lahat ng mga pagkakataon. Haharapin natin sila nang sama-sama!"

"Mas kinakailangan natin ang mag-ingat dahil dalawa na ang mga maaari nating kalaban sa panahon ngayon. . . Baka rin kasi may mga vigilante na pala rito, o mga gangs na nagta-take place sa lugar. Then, speaking of the zombies, kayo na ang nagsabi na hindi pa tayo nakaka-encounter ng mga ganoon dito sa lugar na ito. So, who knows if they have different variations ng mga zombies here other than the normal ones, diba?" Dagdag pa ni Tom rito.

Nagulat naman ang lahat nang biglang bumangon si Joshua mula sa kanyang pagkakahiga, atsaka sumabat sa usapan nila. "What if aside sa mga walking zombies at mga running zombies; they also have crawling zombies, buffed zombies, detonating zombies, spitting zombies, or animal zombies!"

"Matulog ka na lang, Joshua. Kailangan mo na talagang magpahinga." Asar ni Amber sa kanya. Nagsitawanan naman ang lahat pagkatapos.

Nagpaalam na sina Peter at Francis sa kanila. Sabay na silang lumabas sa may pintuan, at dumiretso na papuntang bus na aayusin nila. Itinuloy naman ng lahat ang kanilang mga naudlot na kasiyahan sa loob ng convenience store pagkatapos nito. . . Little did they know, this is the last time they will gonna see them alive. Hindi nila alam na may nagbabadya na palang kapahamakan sa kanilang lahat. Dito na magsisimula ang mga kakatwang mga ganap.

————————————————

Lumabas na mula sa convenience store sina Peter at Francis. Dahan-dahan muna sila noong una at pinapakiramdaman pa lamang ang paligid, ngunit nang lumaon ay nasigurado na nilang wala nang mga infected dito kaya naman naglakad na lamang sila nang normal. Agad silang pumasok sa loob ng bus. Sinarado na rin nila ang pintuan nito, at pagkatapos ay nagpahinga nang kaunti.

Napansin nila na may nakapalsak pa ring susi sa may ignition ng bus. Hindi nila ito napansin noong una nilang pagpunta rito, kaya naman napangiti silang dalawa nang makita ito. Sinubukan itong paandarin ni Francis. Nag-ikot naman si Peter sa buong bus para masigurado nilang wala talagang mga infectees na nakapasok rito noong wala pa sila. Wala namang nakita si Peter na mga zombies sa loob nito kaya nakahinga sila nang maluwag. Nags-start naman ang bus na kanilang sinasakyan ngayon, pero hindi ito nagtagal at namatay rin pagkatapos.

"You think we should check the bus engine?" Francis asked. Dahan-dahan namang tumango si Peter sa kanya.

Binuksan nila ang pintuan ng sinasakyan nilang bus at lumabas na. Pumunta sila sa may likuran nito at sinubukang iangat ang taklob ng makina ng bus, ngunit hindi nila ito kaya. Naghanap pa tuloy sila ng mga tools na maaaring makapagbukas dito. . . Nakakita sila ng mga tools sa lalagyan ng mga bagahe sa gilid ng bus. Pinagtulungan nilang dalawang i-angat ito, at nang magawa na nila ay pareho ma nilang pinagmasdan ang engine ng bus.

Wala naman silang nakikitang problema rito. Medyo maiitim na ang mga makina nito dahil puro usok na ito at mga alikabok, ngunit intact pa rin naman ang lahat ng mga wires at mga equipments sa loob nito. Kumuha sila ng mga basahan upang punasan ito at mas mapagmasdan nila nang maigi. Dahan-dahan lamang nilang ginagawa ito dahil baka may open wire rito at sila ay makuryente, ngunit hindi naman ito nangyari.

Nasigurado na rin tuloy nila na walang faulty wire sa mga wires nito at walang sira rito. Napagpasyahan na lamang nila na bumalik na lamang sa loob ng bus at pag-isipan ang kanilang susunod pang gagawin. Sinarado na ulit nila ang pintuan nito, at umupo sa may unahan nito para mag-usap. Naka-upo si Francis sa may driver's seat, habang nasa naka-upo naman sa may isang baitang ng hagdanan si Peter.

"Wala naman atang problema ang engine, 'no? Walang mga faulty wires, at wala ring mga missing parts. Nagana naman ang pintuan, nagana ang aircon, tapos, may susi pa sa loob. . . So, if that's the case, ano kayang meron dito sa bus na ito? Bakit iniwan na lang ito nang naka-ganito noong may-ari?" Peter asked.

Umayos ng upo si Francis sa may driver's seat at sinubukan ulit na paandarin ito. "Maybe, this thing just overheated. . . Or, maybe, it just couldn't start! Baka akala noong mga dating nakasakay rito na nasira na siya kaya naman iniwan na lamang nila ito rito. . . Pero hindi nila alam, na masyado na pala nilang nagamit ang bus kaya naman hindi na niya kinaya ang mga ito. Maybe we need to try this again for several times." Pinihit nang pinihit ni Francis ang susi sa may ignition at sinubukang paandarin ang bus. "Baka kailangan lang talaga nating paganahin siya."

Naka-ilang beses nang subok rito si Francis ngunit ayaw talaga. Katulad pa rin ito nang kanina na mags-start, ngunit kalaunan ay mamamatay na rin dahil sa katagalan. Nagpalit sila ni Peter at siya naman ang sumubok rito. Mas naging aggressive ang way ni Peter nang pagpapaandar rito ngunit ayaw pa rin nitong magtuloy-tuloy. Pinipihit na niya nang malakas ang susi at inaapakan nang mabilis ang gas ngunit ayaw talaga. Sa huli ay napamura na lamang siya at hinampas nang malakas ang steering wheel. Napatawa naman si Francis dahil sa kanya.

"Chill ka lang naman, Peter! Huwag kang masyadong ma-pressure na baka hindi natin mapagana itong bus na ito. . . Umandar man siya o hindi, atleast, sinubukan natin. Atleast, nagka-chance tayo, diba? Baka hindi talaga tayo puwedeng sumakay sa bus na ito. Baka ito pa ang magdala sa atin sa kapahamakan kaya naman ayaw talaga niyang mag-start." Ani Francis sa kanya.

Napa-iling naman sa inis si Peter. "We should figure this thing out! Ayokong makasama pa natin si Sir Raygon sa mga pagbibiyahe natin. Tiyaka, isa pa, nandito na yung bus oh! Why would we even go back to that cheap ass jeepney when we could live like a prince? Kailangan nating mapa-andar 'to. Kailangan nating ipakita kay Sir Raygon na hindi tayo magpapatalo dahil sa mga sinabi niya kanina."

Napabuntong-hininga na lamang si Francis sa kanya habang nakataas ang dalawang kamay. "Fine! Well, if that's your choice, then, let it be. . . Wait, baka naman kasi clogged ang isa sa mga tubes na nasa likod ng bus? Baka kaya ayaw niyang umandar, ay baka dahil may namuong oil or may nakabara sa makina niya ngayon?" Tumayo si Francis at akmang lalabas na. "I should check it out. Baka nandoon lang ang problema."

Bago pa siya makalabas ay hinarangan na kaagad siya ni Peter. "Ako na! Paandarin mo na lang iyang bus at ako na ang magchecheck ng mga pipes sa labas. Mas mabuti nang ako ang mag-check para naman masigurado natin na na-check talaga natin ang lahat ng sulok ng mga tubes. . . Just, stay back, relax, and let me do all the work, okay?" Napatango naman si Francis sa kanya.

Lumabas na si Peter at pumuwesto sa may likuran ng bus. Nasa may driver's seat naman si Francis at hinihintay ang signal ni Peter para mapa-andar na niya ito. When he heard Peter shouted, "Game!", ay tiyaka lamang niya sinimulang iikot ang susi at paandarin ito.

Peter analyzed the tubes very well. Mabuti na lamang at napunasan nila nang maayos ang mga ito kanina, kaya naman kitang-kita niya kung may leak ba o kung may nakabara ba rito. Nakita niya na may nakabara ngang oil sa isang mga tube rito. Nakaharang ang naipong langis sa dinaraanan ng hangin kaya naman hindi maayos ang pagfa-function nito. Agad naman niyang ipinapatay kay Francis ang makina at upang maisaayos niya ito. Tinanggal ni Peter ang pagkakakabit ng tube sa may engine ng bus at hinayaang umagos ang oil rito.

Tinapik-tapik pa niya ang tube upang masigurado niya na wala na talagang oil na nakalagay sa loob nito. Pagkatapos nito ay ibinalik na ulit niya ito sa pagkakakabit, atsaka sinigawan si Francis upang paandarin niya ito. The bus started. Naghintay pa sila ng mga ilang segundo upang malaman kung mamamatay pa rin ba ito, ngunit hindi na ito nangyari. Agad naman silang naghiyawan dahil sa saya nang magawa nila ito. The bus is now fixed. Naayos na ito nina Fracis at Peter. Hindi na sila makapaghintay pang ibalita ito sa kanilang mga kasama.

Naglakad na si Peter papuntang harapan ng bus. Sa may left side pa siya dumaan upang maka-usap niya si Francis tungkol dito. Focused na focused si Peter sa kanyang paglalakad. Excited na excited na kasi siyang ibalita ang lahat ng ito sa kanilang mga kasamahan. Dahil dito, hindi niya nakita ang isang infected mula sa malayo na tumatakbo papunta sa kanyang puwesto, at papalapit na sa kanya upang kagatin siya. Masyadong mabilis kumilos ang infected na ito.

Masyado ring tahimik gumalaw ang infected na ito, kaya naman sa isang iglap ay nasa tabi na kaagad siya ni Peter. Huli na nang mapansin niya ito. Lumingon si Peter sa kanyang gilid nang maramdaman niyang tila may katabi na siya, at may naririnig na siyang mga mahihinang pag-ungol rito. Nang lingunin naman niya ito ay doon na siya inatake ng infected. Hindi na siya nakapalag pa dahil hindi naman niya ito inaasahan. Agad na isiniksik ng zombie ang kanyang mukha sa may leeg ni Peter, at kaagad na kinagat nang madiin ang kanyang lalamunan.

Hindi na nakasigaw pa si Peter dahil dito. Narealize niya sa pagkakataong ito na mas aggressive pa pala ang mga zombies na nandito sa labas, dahil sa tindi nang pagkakakagat nito sa kanya. Kinagat ng infected na ito ang kanyang lalamunan at tinanggal. Nginuya ng infected na ito ang piraso ng kanyang laman, atsaka ito nilunok nang buo. Patuloy na sa pag-agos ang mga dugo ni Peter mula sa kanyang lalamunan. Natulo na ito papunta sa kanyang damit, sa kanyang pantalon, hanggang sa kanyang mga sapatos. Bumubulwak na rin ang mga dugo niya mula sa kanyang bibig.

Sinubukang i-ubo ni Peter ang mga dugo mula sa kanyang lalamunan, ngunit naramdaman niyang wala nang nagva-vibrate rito. Sumambulat lang tuloy ang mga dugo sa kanyang bibig at nalagyan ang kanyang mga mata, dahilan upang kumalat lang ang mga dugo sa kanyang mukha. Sinubukan niyang sumigaw ngunit walang boses na lumalabas sa kanyang lalamunan. Tila bulong lang ang kanyang ginagawa kahit lumalabas na ang kanyang litid sa leeg. Wala na siyang nararamdamang nagva-vibrate dito. Mas lalo lang niyang nararamdaman ang sakit kapag sinusubukan niya ang mga pagsigaw, kaya naman itinitigil na lamang niya ito.

Hindi naman siya napapansin ni Francis dahil naka-puwesto sa may blind spot si Peter. Nasa may bandang pang-likod na gulong kasi siya ngayon, at wala pang side mirror ang bus, kaya naman hindi siya nito makita. Naramdaman ni Francis na umalog ang bus kaya naman napalingon siya. Hindi niya matanaw sa bintana sina Peter at ang infected na kumakagat sa kanya, kaya naman ipinagsawalang-bahala na lamang niya ito. Naka-sarado rin kasi ang pintuan ng bus kaya naman hindi niya marinig ang mga ingay na nagmumula sa labas.

Kinagat pang maigi ng infected na ito ang leeg ni Peter. Umangat na ang kanyang mga paa sa lupa dahil sa sobrang panggigigil nito sa kanya, at naikakampay na niya ang kanyang mga paa sa hangin dahil hindi na niya naaabot pa ang lupa. He is now stranded in the air. Natulo na ang mga dugo niya sa kanyang sapatos dahil nakaangat na ang mga ito sa lupa. Hindi na rin siya makahinga dahil nasasakal na siya nito. The zombie bit his neck very hard one more time. This time, dahil sa sobrang baon na nito, ay humiwalay na ang kanyang ulo mula sa kanyang katawan.

Napugot ang ulo ni Peter dahil sa pagkagat ng infected na ito sa kanya. Bumagsak na sa lupa ang katawan nito, habang naiwan namang nakadikit sa may pader ng bus ang ulo nito. Nang masigurado na ng infected na ito na patay na si Peter at hindi na makakatakbo pa, binitawan na lamang nito ang kanyang ulo at inihulog sa lupa. Peter's body and his severed head are now on the floor. Kinuha ng infected na ito ang putol na ulo ni Peter pati na ang katawan niya, atsaka binitbit ang mga ito papunta sa pinanggalingan niya kanina. Pumuwesto na ulit ito sa may likuran ng isang pader kung saan hindi siya nakikita, at kinain na niya ang mga pira-pirasong katawan nito.

Nang ilang minuto nang hindi pumapasok sa loob ng bus si Peter, ay napagpasayahan na ni Francis na lumabas na at hanapin siya. Inilibot ni Francis ang kanyang mga paningin sa paligid ngunit hindi niya ito makita. Iniisip niya na baka naman nakikipaglaro lang ito sa kanya, kaya naman hindi big deal sa kanya ang lahat ng mga nangyayare ngayon. Sinilip niya ang ilalim ng bus upang makita niya kung saan ba ito nakatayo. Nagtataka naman siya dahil wala siyang makita. Nahaharangan naman ng gulong sa likod ng bus ang mga dugo ni Peter, kaya naman hindi ito nakita ni Francis mula sa anggulong iyon. Napa-iling na lamang siya nang hindi niya makita kung nasaan ito.

"Peter!" He shouted. "Peter, nasaan ka?" Sinimulan nang ikutin ni Francis ang buong bus. Mapupunta na sana siya sa may kaliwang bahagi ng bus, kung nasaan ang mga dugo at ang mga naiwang bakas ni Peter, ngunit napadako ang paningin niya sa may convenience store kung nasaan ang kanyang mga kasama. Naisip niya na baka naman nauna na si Peter sa loob nito at ibinabalita na ito sa kanila. Napagpasyahan naman ni Francis na pumasok na rito upang harapin sila.

Tinulak ni Francis ang pintuan ng 7-Eleven at pumasok na. Nilikuan pa niya ang ilan sa mga estante rito, dahil nakaharang ang mga ito sa dinaraanan niya, upang makita sila. In there, nakita niya na nagkakasiyahan pa rin ang lahat. Inilibot niya ang kanyang mga paningin sa loob ng convenience store ngunit hindi niya makita si Peter. Nagtataka at kinakabahan na siya sa mga nangyayare ngayon, ngunit ipinagsa-walang-bahala na lamang niya ang mga ito.

Amber saw him. Tinawag naman siya nito. "Oh, anong nangyayare sayo, Francis? Bakit parang nawawalang bata ka diyan?"

Everyone laughed. Napakamot naman ng ulo si Francis. "I just want to ask if nakita niyo ba si Peter? Kasama ko lang siya kanina ss labas pero bigla naman siyang nawala. I thought that maybe, he's here. . . Baka pumasok siya rito?"

Flerida shook her head. "Never seen him. . . Wait, baka tinataguan ka lang niya? Baka nakikipaglaro lang siya sayo then pumasok ka naman dito sa loob." Flerida laughed a little. "You know him. . . Mapaglaro lamg talaga iyang si Peter. Baka pakalat-kalat lang talaga siya sa labas tapos, tinataguan ka niya."

Francis nodded when he realized that she's correct. Kumuha na rin siya ng Smirnoff atsaka mga chichirya sa estante. Maglalakad na sana siya papalabas ngunit may nakalimutan pa pala siyang sabihin sa kanila.

"The bus is now fixed. Napa-andar na namin siya ni Peter kanina. Tatambay na lang muna kami sa may loob ng bus kapag nakita ko siya. De-aircon doon kaya naman malamig pa, so don't be shy if you want to enter. Lumabas na lang kayo or tawagin niyo na lang kami kapag may kailangan kayo. Both of us will gonna be there." Iwinasiwas ni Francis ang Smirnoff na hawak niya. "Just having fun."

Napatango naman ang lahat. "Just don't get too drunk, okay? Baka akalain kayong mga infectee sa evacuation center! Huwag niyong gagayahin itong si Joshua. Talagang mapapatay tayo ng mga militar niyan." Tom said. Nagsitawanan naman sila.

Francis just smirked. "We won't! Okie!" Aniya bago buksan ang pintuan ng 7-Eleven at lumabas na.

Sa kanyang paglabas, nagtataka pa rin siya sa kinaroroonan ni Peter. Oo, alam niyang pala-laro ang ugali nito. . . Pero alam niya na hindi rin naman nito ugali ang mang-iwan, kaya naman nagtataka siya kung bakit hindi na lamang niya ito makita sa isang iglap. Francis know that there's a chance that he's just playing hide and seek. Ngunit ngayon, dahil ganito na ang sitwasyon nila at wala si Peter sa loob ng 7-Eleven, ay alam niya na malabong mangyare ito. Kahit nagda-dalawang-isip man, sinubukan na lamang niyang hanapin si Peter upang magkasama na sila.

"I am not playing your games, Peter!" Sigaw ni Francis sa kanyang paligid. Hindi pa rin niya ibinababa ang mga Smirnoff at ang mga chichirya na hawak niya. "Kapag talaga ginulat mo ako, ihahampas ko sa'yo 'tong mga bote na hawak ko."

Francis don't know where Peter is. Unti-unti syang naglakad papunta sa loob ng bus atsaka pumasok rito. Chineck niya ang bawat linya ng upuan kung nandoon ba ito at nagtatago lang si Peter rito. Laking gulat naman niya dahil hindi niya ito roon nakita. Bumaba na siya rito, habang nagtataka pa rin, at napagdesisyunan na libutin na lamang niya ang buong lugar upang hanapin siya. Hahanapin ni Francis si Peter, ngunit hindi naman siya aalis sa perimeter ng 7-Eleven dahil alam niyang delikado ito.

Bumaba si Francis mula sa loob ng bus atsaka dahan-dahang inikot ito. Umikot siya mula sa kanang bahagi nito, papunta sa likod, at papunta sa kaliwang nito upang gulatin sana si Peter. Pagtingin ni Francis sa kaliwang bahagi ng bus ay wala doon si Peter, at sa halip, ay siya pa ang nagulat dito dahil maraming mga dugo ang nakakalat malapit sa may gulong nito. Sariwa pa ang mga dugo na ito at halata mong mga bago pa lang. Nagtataka naman si Francis at kinakabahan, ngunit hindi naman niya maisip kung kay Peter nga ba ito.

Francis looked around. Mabuti na lamang at ginawa niya ito dahil may zombie na palang tumatakbo papunta sa kayang direksiyon. Duguan ang bibig nito at may kagat-kagat pang isang kamay. Sariwa pa lamang ang dugo at ang laman dito, kaya naman sigurado na si Francis na mula kay Peter ito. Sinubukang tumakbo ni Francis, ngunit dahil sa pagkakaba niya ay bumagsak na lamang siya sa lupa.

Tumama nang malakas ang mukha ni Francis sa lupa kaya naman siya ay nahilo nang bigla. Umiikot pa ang kanyang paningin, at hindi siya makapag-focus sa paligid dahil sa mga nangyare. Nadugo na ang kanyang ilong dahil sa pagtama nito. Pinipilit niyang tumayo ngunit hindi niya ito magawa dahil sa sakit ng kanyang braso, mukha, at tuhod. Naramdaman na lamang niya na may bigla na lamang pumatong sa kanyang likuran at kinagat ang kanyang batok, kaya naman hindi niya maiwasan ang mapasigaw dahil dito.

Pumalag-palag pa si Francis dahil sa sakit na kanyang nararamdaman. Naramdaman niya na nginunguya na ng infected na iyon ang kanyang batok, kaya naman hindi na niya maiwasan pa ang mapa-luha. Dahil nakatalikod si Francis mula sa infected, umagos sa kanyang mukha pati na sa kanyang leeg ang mga dugo na nagmumula rito. Nalalagyan na nito ang kanyang mga mata, at pinupunasan naman niya ito dahil sa hapdi na kanyang nadarama.

Nahawakan ni Francis ang bote ng Smirnoff na nakatumba sa kanyang paligid. Hinawakan niya ito papabaliktad, at inilagay ang kanyang isang kamay sa may leeg ng bote na ito. When the infectee chewed his nape completely and remove it from his body, agad siyang humarap sa infected na iyon at hinampas nang napakalakas ang mukha nito. Hindi naman nabasag ang bote ng Smirnoff dahil sa tibay nito. Hinampas pa niya nang paulit-ulit ang mukha ng infected gamit ito, hanggang sa tuluyan nang mabasag ang boteng hawak niya. Nang matapos naman niyang gawin ito ay nakita na niya na tumabingi na ang panga ng infected na nasa harapan niya dahil sa mga impact nito.

Francis is now screaming. Sinubukan niyang tumayo ngunit bumagsak lamang siya sa lupa. Batok kasi ang nakagat sa kanya kaya naman naapektuhan din ang kanyang balance, kaya naman hindi na niya kaya pa ang tumayo nang matagal. Lumingon siya sa kanyang likuran at tinignan ang babaeng infected. Nakita niya na papalapit na naman ito sa kanyang direksiyon kaya naman mas lalo lamg siyang natakot at mas lalo pang binilisan ang kanyang pag-urong. She's now snapping her jaw back. Iniaayos na niya ang kanyang panga bago siya sugurin nito. Narinig pa ni Francis na tumunog ang panga nito at umayos na, kaya naman siya na ulit ang pinagtuunan nang pansin ng zombie na iyon.

Patuloy lamang sa pagsigaw si Francis. Nakita niyang tumakbo na papunta sa kanyang direksiyon ang infected na ito. Tatalunan na sana siya ito ngunit nahablot ulit ni Francis ang isang Smirnoff, kaya naman bago pa pumaibabaw sa kanya ang infected na ito ay hinampas na niya kaagad ito sa kanyang mukha.

Binigay na kaagad ni Francis ang lahat at nilakasan na niya ito sa unang paghampas pa lamang. Nabasag ang bote ng Smirnoff sa ulo ng babaeng iyon sa unang paghampas pa lang. Tumama pa sa sahig ang ulo ng zombie pagkatapos noon, at doon na ito nagsimulang magkalat ng mga dugo. Hinuha ni Francis na dahil sa lakas ng kanyang pagkakahampas rito ay na-damage na niya kaagad ang utak nito. Na-triple kill pa niya ito dahil tumama na nga sa bote ang ulo nito, tumama pa ito sa sahig, at pagkatapos ay nagdugo pa ito.

"GET THAT MOTHERFUCKING HEAD CONCUSSION, BITCH!" Sinipa pa niya nang malakas ang ulo ng babaeng zombie na nasa harapan niya ngunit hindi na ito nag-response sa kanya. Gumapang si Francis papunta sa may harapan ng 7-Eleven. Naghihirap man, ngunit gagawin niya ang lahat nang ito para mabuhay lamang mabuhay.

Hindi siya naririnig ng kanyang mga kasama sa loob dahil sa sobrang lakas ng mga tugtog. Nakikita ni Francis na nagkakasiyahan pa rin sila sa loob nito at hindi siya napapansin ng mga ito. Nagsisigaw na nang tulong si Francis sa labas ngunit hindi man lang tumitingin ang mga ito sa kanya. Sinusubukan niyang hampas-hampasin ang glass door sa pag-asang makikita ito ng kanyang mga kasama, ngunit dahil nasa isang sulok ang mga ito, ay hindi pa rin siya nakikita ng mga ito.

Napaiyak na lamang si Francis dahil wala siyang magawa. Hindi naman niya mabuksan ang pintuan ng 7-Eleven dahil hindi siya makatayo, at hindi siya maka-balanse. Tanging paghawak na lamang sa may pintuan ng 7-Eleven ang nagagawa niya dahil hindi na siya makapasok pa rito. Kapag tinutulak kasi niya ang pinto nito ay sumasambulat lang ang kanyang mga dugo sa batok at bibig, kaya hindi siya maka-puwersa. Nakikita pa niyang sinasayawan ni Roman ang kanyang mga kasama habang nagtatawanan ang mga ito. Napaiyak na lamang si Francis dahil dito.

Nilingon ni Francis ang infected sa kanyang likod. Nakita niya na nakatayo na naman ito sa kanyang harapan habang tinitignan siya. May tama ito sa kanyang ulo at nagdudugo na, ngunit tila hindi naman niya ito iniinda. Tinalunan siya ng infected na iyon at kinagat ang kanyang leeg. Napahiga naman si Francis sa sahig sa harapan ng 7-Eleven dahil sa bigat ng babae na nasa ibabaw niya. Sinusubukan niyang alisin ito at pumalag-palag, ngunit wala siyang magawa dahil masyado na itong malakas at masyado na itong gutom sa kanya.

He is now gurgling on his blood. Nalabas na ang kanyang mga dugo sa leeg, batok, at sa bibig niya dahil dito. Sigaw lamang siya nang sigaw ngunit hindi siya naririnig ng kanyang mga kasama. Halos tumirik na ang kanyang mga mata dahil sa sakit na kanyang nadarama. The infected woman infront of her bit his neck hard this time. Nadali naman ang artery ni Francis dito kaya naman mas lalo lang umagos ang mga masasaganang niyang dugo mula sa kanya. Nalulunod na siya ngayon sa kanyang sariling dugo.

Humihina na ang paglaban ni Francis sa infected na nasa ibabaw niya dahil dito. Ang pagtulak niya rito ay naging mahina na lamang, hanggang sa tuluyan na siyang tumigil sa paggalaw at sa pag-subok nito. Francis died with his eyes open. Kahit hindi na siya nahinga pa ay patuloy pa rin ang pag-pulandit ng mga dugo mula sa leeg, batok, at sa bibig niya. The infectee dragged his body inside the jeepney, and eat him there. Nag-iwan pa ang babae ng mga bakas sa lupa, gamit ang kanyang dugo, mula sa entrance ng 7-Eleven hanggang sa loob ng jeepney nila.

On the other hand, everyone is still celebrating inside. Hindi na nila maipinta pa ang kanilang mga pagmumukha dahil sa saya nilang nararamdaman. Malakas ang tugtog sa kanilang gilid at lahat sila ay nagsasayawan na. They are living their life now. Ngayon na lamang ulit nila naranasan ang mga ito ngayong after outbreak na. The world is fun after all of these things.

The Best. Party. Ever.

Continue Reading

You'll Also Like

163K 2.6K 27
Paano ibabalik ni Twilight Sky Smith ang nawalang alaala ni Cloude Yule Hollis? kung pati ang alaala niya ay nawala na rin. Parehas na ba nilang kaka...
90.2K 4.5K 106
[ COMPLETED-OLD VERSION ] "The Secret School of Magic 1: Just a DREAM." Written by: Former UN @Kimjof_14 Check the New Version of this Story... https...
158K 4.6K 76
Ang kwentong ito ay patungkol sa babaeng si Aliyah na kilala bilang Liyah o nerdy girl. Kasama ang kaibigang si Angelica o Aica. Nakilala nila ang ap...
558K 18.3K 33
paano kaya yung dating biro mo lang na nawalan ka ng alala ay maging totoo? Paano mo hahanapin ang nawala mong alala? at paano mo haharapin ang mga...