South Boys #5: Crazy Stranger

By JFstories

2.3M 151K 68.9K

As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51

Chapter 2

56.9K 3.2K 1.6K
By JFstories

"BAKIT MO AKO KILALA?!"


Napalunok ako dahil sa klase ng titig ni Asher sa akin. Ganito ba talaga ang mga mata niya sa malapitan? Nakakapanghina ng tuhod?


Hindi ako puwedeng magtagal na kaharap siya. Hindi pa oras. Kalkulado ko kahit segundo at ayaw ko na masira ang aking mga plano. Pero paano ako tatakas sa kanya? Heto at parang wala siyang balak na bitiwan ako!


Hindi puwede! Kailangang makaisip ako ng paraan! Itinuro ko bigla 'yong likod niya. "Hala, tingnan mo, oh!"


Napalingon naman si Asher sa itinuturo ko. "Ha, ano?"


Sinamantala ko ang sitwasyon para maitulak siya at makawala ako sa kanya, sabay bira ko ng takbo. Sa bilis naman ng pangyayari at gulat ni Asher ay napaupo siya sa lapag.


Napasigaw siya, "Hoy!"


Hindi ko naman na siya nilingon pa. Matulin ang takbo ko hanggang makalayo.


Hingal aso ako hanggang makalabas ng gate ng school namin. Kung hinabol niya man ako, hindi niya ako agad makikita dahil humalo ako sa ibang estudyante na palabas. Pagdating sa paradahan ng tricycle biyaheng Brgy. Pasong Camachile ay sumakay na agad ako. 


Sa Sunterra Place Subdivision ako nakatira kasama ang mama at papa ko. Sa ngayon ay wala si Papa dahil OFW ito. Ang bahay namin ay isang rent to own townhouse. Dito iyon sa Pascam. Tapat ng Grand Riverside Subdivision.


Pagbaba ko sa tricycle ay naglakad na ako papasok sa loob. Pagliko ko sa street namin ay napahinto sandali ang aking mga paa sa paghakbang. Sa tapat kasi ng bahay namin ay may nakaparadang lumang sedan. Itim na Toyota Vios.


Hindi lang mismo ang pamilyar na sasakyan ang dahilan ng aking paghinto, kundi ang matangkad na lalaking nakasandal sa hood ng kotse. Isang lalaki na matanda lang sa akin ng ilang buwan. Black shoes, school polo, and pair of slacks pants. Napakaaliwalas tingnan ang complete uniform na pang-private.


Habang marahang naglalakad ay nakatingin ako sa kanya. Nakatagilid siya sa gawi ko. Kitang-kita ang matangos niyang ilong kung saan nakapatong sa mataas na bridge ang suot na clear glasses. 


Kilala ko siya. Siya si Rio Theodore V. Estrada. Panganay na anak ng nakatatandang kapatid ni Papa na si Tita Rica. Taga Sta. Clara sila.


Sa kabila ng suot niyang salamin sa mata, ang mahahabang eyelashes niya ay kapansin-pansin pa rin. Ang kanyang makinis na pisngi at leeg ay may kaunting pawis dahil mainit dito sa labas. Gayunpaman, mukha pa rin siyang malinis. Mukhang mabango. Mukhang napakabait at napakaamo.


Pero anong ginagawa ni Rio dito? Naramdaman siguro niya ako kaya siya marahang lumingon sa gawi ko. Ang inosenteng mga mata ay pumungay nang makita ako. Mga mata niya na sa unang tingin pa lang ay napakabait na.


Buong kamaganakan yata namin o kahit hindi namin kaano-ano ay gustong-gusto si Rio. Matalino, masipag, mabait. Napakapino rin kumilos, napakagalang, napakamahinahon. Ang tingin sa kanya ng lahat ay perpekto... Maliban sa akin dahil alam ko ang totoo.


Kahit mukhang anghel pa ang lalaking ito, hinding-hindi niya ako maloloko. Ang mapupula niyang mga labi ay biglang ngumisi nang makalapit na ako. Ngisi na sa akin niya lang ipinapakita. Maskara ng anghel na sa aking harapan lang niya hinuhuubad.


"Kumusta sa public?" tanong niya na kahit malumanay at walang bahid ng sarkasmo ay alam na alam kong may pang-aasar.


"Ayos lang naman. Marami akong natutunan. Hindi lang sa academics, kung pati sa diskarte sa buhay. Kanina, nagkanakawan ng upuan mula sa kabilang building sa regular section. Sira tuloy iyong armchair na napunta sa akin. Nataon pang walang stock sa bodega. And since we're in public school, kailangan pa raw magre-request sa Deped. Ayun, bago mag-klase, nagkarpintero muna ako para may maayos akong maupuan."


Nagsalubong ang mga kilay niya. "Why don't you transfer to a private school?"


"Ayos lang naman ako sa public. Masarap naman kahit walang aircon. Tatlo ang electricfan namin sa room. Iyong isa pa, may sounds. Abang-abang na lang sa elisi kung kailan at saan titilapon."


"You're enjoying." Tumaas ang sulok ng kanyang bibig. "Tama lang pala 'yan. Sa public ka lang. Para hindi naman masayang ang pera ng tito ko sa pagbabayad ng tuition mo."


"Bakit sa 'yo ba hindi nasasayang ang binabayad na tuition ng parents mo? Dahil ba palagi kang Top 1? Matanong ko lang, ilan pala kayo sa room niyo? Bakit di mo kaya subukang mag-public, para magkaalaman tayo?"


Napatingin siya sa paligid muna saka niya dinakot ang kwelyo ng blouse na suot ko. Hinatak niya ako palapit sa kanya hanggang sa gahibla na lang ang layo namin sa isa't isa. "You!" Nanlilisik sa akin ang kaninang maamo niyang mga mata.


"What?" nakakalokong tanong ko naman sa kanya. "'Wag ka nga pala sa public, baka pag kaunting mainitan at maalikabukan ka lang, hindi ka na agad makahinga. Sayang naman kung matotodas ka agad. Wala ka pa namang nakukuhang best actor award."


Humigpit ang pagkakakuwelyo niya sa akin. Hinatak niya ako lalo palapit sa kanya. At dahil sa tangkad niya, halos mapatingkayad na ako. "I want to punch you," mariing bigkas niya.


Pinatunog ko ang dila ko. "Why don't you try?"


Napatitig naman siya sa aking bibig, partikular sa aking mga labi. Bigla ay nabura ang gigil sa kanyang mga mata. Parang tanga na bigla na lang siyang natigilan. Bigla niya akong nabitiwan.


"What? I thought you're going to punch me? Gawin mo na habang walang tao. Syempre kahit magsumbong ako, wala namang maniniwala na kayang manuntok ng mapagpanggap na marshmallow na tulad mo."


"Shut up!" gigil sa sambit niya pero mahinang boses. Tumalikod siya sa akin. Hindi siya sa akin makatingin na ipinagtaka ko.


"What now, Rio?! Show me your fangs and bite me!" Sinubukan ko siyang iharap sa akin pero todo iwas siya. Napansin ko na lang na namumula ang tainga niya.


Mayamaya ay bumukas ang pinto ng bahay namin. Lumabas doon ang mama niya na si Tita Rica. Unang napansin ko rito ay ang mga ginto nitong kwintas at hikaw. Maganda ito kaya lamang ay bihirang ngumiti. Nang makita ako nito ay napasimangot.


"Good afternoon po, Tita Rica." Hindi na ako nagtangka na magmano rito. Hindi ito nagpapamano, unless kung may ibang tao.


Tiningnan lang ako nito at pagkuwa'y hinarap ang panganay na anak. "Let's go, Rio."


Saka lang tumingin si Rio. Hindi pa rin makatingin sa akin. "Tapos na ba kayong mag-usap ng asawa ni Tito Gil?"


Naglapat nang mariin ang mga labi ko. Asawa ni Tito Gil? Hindi talaga ina-address ng mag-iinang ito si Mama nang maayos.


"We're done talking. Ganoon pa rin. Matigas pa rin ang ulo. Ayaw pa ring mag-invest doon sa bubuksan kong negosyo. Akala mo naman ay siya ang kumikita ng pera. Kapatid ko naman ang nagpapakahirap sa pago-OFW!"


Pinagbuksan na ni Rio ang ina ng pinto sa driver's seat ng kanilang Vios. Umikot siya sa passenger's seat pagkatapos. Bago sumakay sa loob ay tinapunan niya ako nang matalim na tingin.


Inipit ko naman ang ilang hibla ng aking buhok sa aking tainga gamit ang mga daliri, sabay simpleng dirty finger sa kanya. Bumukas pa ang mga labi ko at pabulong na nagsalita, "Fuck you."


Nanlaki ang mga mata ni Rio pero wala na siyang nagawa. Tinalikuran ko na silang mag-ina.


Pagpasok sa loob ng bahay namin ay hinanap ko agad si Mama. Naabutan ko ito na tulala sa kusina. Ganito to lagi kapag pumupunta ang mga kamaganakan ni Papa, lalong-lalo na sina Tita Rica. Nato-trauma nang malala. Madali ko itong niyakap at nilambing.


"Mama, naka-perfect po ako sa dalawang quiz kanina. Isang up to thirty at isang up to twenty! Nasaan ang reward kong escabeche?"


Doon na napangiti si Mama. "Aba'y ang galing talaga ng Laila ko! Sige, bukas na bukas, ang paborito mong escabeche ang ulam natin sa gabi!"


Nang matiyak ko na okay na ulit si Mama ay saka ko pa lang ito iniwan. Pagpasok na pagpasok ko sa aking kuwarto ay aking tinungo agad ang pader na natatakpan ng kurtina. Mukhang design lang iyon pero ang totoo, panakip iyon sa talagang kung anong meron doon.


Gaya ng palagi kong ginagawa, ang routine ko tuwing uuwi galing sa school, hahawiin ko ang kurtinang iyon. Sa aking paghawi ay lumantad sa paningin ko ang nasa pader.


Umatras ako at pinakatitigan iyon. Pumungay ang mga mata ko habang nakatitig doon. "Hi! Na-miss mo ba ako? Ang puwedeng sagot, 'oo lang o oo'."


Binuksan ko rin ang mga lights ko sa paligid para mas maganda ang dating ng tanawin. Hay, what a paradise in my room. Ang pampawi ko ng pagod sa school maghapon. 


Napalabi ako nang mapatingin sa isang parte ng pader. "O bakit ganyan ka makatingin? Parang miss na miss mo nga ako. Nagpapa-cute ka pa o. Ano ba? Kakakita lang natin. Dahan-dahan ka naman. Alam mo namang shy-type ako minsan!"


Napabungisngis ako sabay upo sa kama. Pumikit ako at inamoy ang aking mga palad. Dumampi ito sa matigas na dibdib niya. Nahawakan ko siya. Ah, sobrang saya!


Nagpapadyak ako sa kilig. Dumampot ako ng unan at mariing niyakap. Hindi pa ako hihinto kung hindi ko lang narinig ang sigaw ni Mama na kakain na.



ANG AGA KONG PUMASOK. Kabadong-kabado ako kinabukasan. Nagmamadali. Malikot ang mga mata habang papasok sa gate ng Governor Ferrer Memorial National High School.


Hindi naman siguro niya ako natatandaan, ano? Sobrang saglit lang kami nagkaharap kanina, kaya sana nga ay hindi niya ako maalala.


Knowing Asher James Prudente, ulyanin iyon. Minsan nga ultimo sukli niya kapag nabili sa canteen ay nakakalimutan niya.


Ang kaso, pagpasok ko ng gate ay natanaw ko agad si Asher sa bench. Doon iyon sa may tapat ng canteen. Kitang-kita ko agad siya. Kumakain siya ng burger habang nakasimangot. 


Hala, bakit ang aga niya? Dapat mayamaya pa siya, ah?! Hindi ako dumaan sa harapan niya, sa halip ay nag long cut ako paikot sa canteen para lang hindi niya makita.


Nasa may bandang likod niya na ako. Naririnig ko siya na kinakausap ang sarili. "Makita ko lang talaga iyon, lagot siya sa akin. Pipitikin ko siya sa ilong!"


Uhm, ako ba iyong tinutukoy niya? Hindi pa din siya maka-get over?


Sandali lang ay nagdatingan na ang tropa niya. Sina Isaiah, Arkanghel, at Miko.


Si Isaiah ay tinabihan siya. "Anyare, Asher? Ba't di ka nakasunod sa amin kahapon?"


Para namang walang narinig si Asher. Tuloy lang siya sa pagkagat at pagnguya ng burger niya habang nakasimangot.


Binato siya ni Arkanghel ng isang pirasong Piattos na nailagan naman niya. "Oy, Asher, tinatanong ka. 'Wag kang bastos, ah. Igalang mo kami. Mas matatanda kami sa 'yo. Kami ang master mo!"


Walang kibo pa rin si Asher. May times talaga na ganyan siya. Madalas madaldal, iyong lahat sinasabi kahit walang sense. Pero may mga ganitong pagkakataon na para siyang may dalaw. Wala sa mood. Hindi nagsasalita, as in walang ingay kahit ungol.


Si Miko ang sumagot, "Baka may nakasalubong na naman na chix 'yang si bunso. Malamang in love na naman. Hintayin na lang natin ma-broken ulit. After forty eight hours, okay na iyan. Moved on na at ready na ma-in love ulit."


Napaungol naman si Arkanghel, "Sana all bilis mag-move on."


Padabog na tumayo si Asher at naglakad na paalis. Iniwan ang tropa niya.


Napa-tsk si Miko habang habol tanaw ang paalis na kaibigan. "Taena talaga 'tong bebe natin, eh. Hirap espelengin minsan ng ugali."


"Check ko maya baka me regla lang." Si Arkanghel na patuloy pa rin sa pagkain ng Piattos.


"Hayaan niyo na," sabi naman ni Isaiah. "Mamaya lang alive na naman 'yan. Tara na, magbi-bell na." Naglakad na rin ito habang nakapamulsa.


Nag-alisan na rin ang mga ito. Umalis na rin ako. Ligtas ako ngayong umagang ito. Hanggang last break ay hindi ako lumabas. Nagbaon lang ako ng kanin at ulam. Iyon nga lang, minalas ako noong uwian.



SA TAPAT NG BENCH ay nakatambay ang tropahan ni Asher. Nagpa-late na nga ako ng labas, naabutan ko pa rin sila!


Pasimple akong naglakad para hindi niya makita. Ang siste, sakto na pagdaan ko ay bigla naman siyang napatingin sa akin. Nagsalubong ang mga kilay niya nang makita niya ako.


"Kilala mo?" tanong ni Isaiah sa kanya.


Hindi siya sumagot. Nakatingin lang siya sa akin. Mayamaya ay nanlaki ang mga mata niya. "Pota, 'yan iyong babaeng tumulak sa akin kahapon!"


Shoot! Napatakbo agad ako. Sa kamalas-malasan, nanakbo rin si Asher para habulin ako!


Nagtataka na lang ang tropa niya habang nakatanaw sa amin.


Iyong takbo ko, hindi palabas ng gate kasi maraming palabas na estudyante, mata-traffic ako. Paliko sa kabilang building ang aking naging takbo.


Kandabangga-bangga ako sa mga nakakasalubong na estudyante. Ang kipot ng daan kaya lumiko ako sa may bandang banyo. Ang masaklap, ang hahaba ng biyas ni Asher, naabutan niya ako.


Nahaltak niya ang suot kong purple backpack. "Hoy, akala mo makakatakas ka, ha?!"


Para akong magaan na bagay na binitbit niya. Napatingala ako sa kanya. Pinagana ko agad ang isip para makalusot.


Nagalit-galitan ako. "Teka, ano ba? Sino ka ba? Bitiwan mo ang bag ko! Hindi naman kita kilala!"


"Weh? Kuwento mo sa lola mong panot!"


"Hoy, hindi panot ang lola ko! Este, wala pala akong lola. Both in heaven na! Guardian angels ko na nakabantay sa akin, lagot ka sa kanila!"


Hindi niya pinansin ang sinasabi ko. Hindi rin siya natakot sa mga guardian angels ko. Dinuro niya ako gamit ang isang kamay. "Ikaw iyong babaeng nanulak sa akin sa building sa Grade 10! Napaupo ako sa sahig! Nadumihan ang pants ko! Ikaw ang may kasalanan kaya naratrat ako ng sermon ng nanay ko pag-uwi!"


"Ano? Hala, hindi ako iyon! Grade 11 na ako at hindi Grade 10. Saka taga Science Section ako. Hindi pa ako nagagawi roon sa building niyo."


Natigilan naman siya. "Special Section ka?"


"Oo nga..." Nakasalamin ako ngayon kaya sana mapaisip siya na baka hindi nga ako iyong kahapon. Umarte pa ako na talagang galit. Alam ko na medyo uto-uto siya kaya sana ay paniwalaan niya ako.


Binitiwan niya ako. "Sorry kala ko ikaw. May pimple rin kasi iyon sa noo."


Napangiwi ako. "Ano ka ba? Uso kaya magka-pimple sa noo."


Napakamot siya sa makinis niyang pisngi. "Ah, ganoon ba? Pero bakit ako, hindi ko pa naranasan magka-pimple sa noo?"


"Eh, kasi kalbo ka."


"Ha?"


"You're semi-cal. You don't have a lot of hair on your head. Pero ako na mahaba ang hair at may bangs pa, so it's a different case for me. Ang mga hair ay dumudumi, nagiging oily dahil sa init at polusyon. Oil and dirt from hair can clog pores, and clogged pores will result in acne or pimples!"


"Bakit hindi ka ba nag-sha-shampoo pag naliligo ka? Hindi ka rin naghihilamos bago ka matulog sa gabi?"


"Ginagawa ko iyon, 'no! Pero sensitive kasi ang skin ko! Matampuhin!"


Hindi na siya kumikibo at nakatitig na lang sa akin na para bang may kung ano siyang hinahanap sa mukha ko. Ilang na ilang na ako. Wala kami sa hallway kaya ang liwanag, tapos ang lapit namin sa isa't isa. Mas kitang-kita ko siya!


Kinalabit ko siya sa braso niyang balbon. "Hey, ano na. Hindi nga ako iyon. Can you just let me go..."


Hindi pa rin siya umaalis sa harapan ko. Hindi pa rin niya binibitiwan ang bag ko. Mataman ang titig sa akin ng mga mata niya.


"Uhm..." Wala akong maisip na paraan kaya itinuro ko na lang ang likod niya. "Oh my, ano iyon?!"


Tumaas ang isa sa makakapal na kilay niya. "Hindi na gagana sa akin 'yan."


"Ahehe."


"Ikaw nga iyong kahapon."


Darn it, buko na! I had to think of some pamatay moves!


Pumikit ako at nang dumilat ay malungkot na may halong galit na ang mga mata ko. "Ano bang hindi mo maintindihan? Sinabi ko na di ba? Ayoko na!"


Napaamang siya sa akin. "Ano? Anong ayaw mo na?"


"Ayoko na. Tama na. Niloloko mo lang naman ako, eh!" Malakas ang boses ko. "Tama na! Hirap na hirap na akong maniwala sa mga pangako mo!"


"Hoy, anong pinagsasasabi mo?!" Napalingon siya sa paligid kasi napapatingin na sa amin kahit iyong malalayong estudyante na naglalakad.


"Tigilan mo na ang pambibilog sa ulo ko! Palibhasa kasi alam mo na isang salita mo lang ng matamis, mahuhulog na ulit agad ako! Ganoon ako kahina, ganoon ako katanga sa 'yo, at iyon ang sinasamantala mo! Ang sama-sama mo!"


"Tangina..." usal niya. "Naka-drugs ka ba?!"


Nagpatuloy ako at mas nilakasan pa ang garalgal na boses. "Tama na, hindi ko na talaga kaya! Ang sakit-sakit mong mahalin!" Bigla akong umiyak. "Parang awa mo na, maghiwalay na tayo habang kaya ko pa!"


Namutla siya at nabitiwan ang bag ko. Sinamantala ko iyon at bigla ko siyang tinulak. Plakda ulit siya paupo sa lapag. Nakanganga siya sa akin nang takbuhan ko siya para takasan.


Nang mahimasmasan ay gigil siyang napasigaw. "Hoy, bumalik ka rito, scammer!"


Sa aking paglingon ay nakita ko pa siyang humahabol sa akin. Kaya lang, may humarang sa kanyang babae na hindi pantay ang blush on. "Hi, Asher! Nag-break na raw pala kayo ng best friend ko last week? Malungkot ka ba? Gusto mo bang magsine? Treat ko!"


Hindi niya ito maalis sa harapan niya dahil talagang hinaharangan siya ng babae. Kandamura na lang siya habang habol tanaw ako.


Pumasok na ako sa tricycle na pa-Pascam. Naiinis ako pero ganoon talaga, eh. Marami talagang babae ang lumalapit kay Asher. Ayos lang naman. Hindi naman mga tumatagal kaya matitiis ko 'yan.


Nang umandar na ang tricycle ay umikot iyon para lumiko sa kabilang kalsada. Napaharap ako sa gawi ni Asher. Yakap na siya sa bewang ng babaeng humarang sa kanya. Nakatingala sa kanya at may sinasabi pero hindi niya pinapansin dahil sa akin siya nakatingin.


Bago tuluyang makaalis ang tricycle na aking kinalulunan ay napanganga siya nang ngumiti ako sa kanya. Hanggang sa makaalis na ako ay hindi na napalis pa ang ngiti ko.


Ah, Asher James Prudente. Magpakasaya ka lang muna ngayon. Pakasawa ka, pero tandaan mo. Sa huli, sa akin din ang bagsak mo.


jfstories

#CrazyStrangerbyJFstories

Continue Reading

You'll Also Like

4.7M 42.2K 37
PUBLISHED IN 2014 UNDER PRECIOUS PAGES CORP. ADAPTED TO TV5 WATTPAD PRESENTST IN 2015 Minsan, kahit gaano kaganda, kabait at katalino ang isang tao...
9.8M 385K 36
X, the green-eyed handsome boy who hangs around Quiapo, Manila, is the suitor of Rita. She believes her future is uncertain if she ends up with him a...
1.5M 34K 34
Doctor Roussanne Shelkunova's life is simple. It's composed of a routine that she has to follow every day. Paulit ulit, parang on-loop na kanta, mula...
7.5M 214K 48
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...