The Lost Billionaire (His Pro...

By Shadow_Lady04

101K 2.7K 312

(COMPLETED βœ…) "Puro nalang kamalasan ang nangyari sa buhay ko mag mula ng dumating sya." Azelya, isang si... More

WARNING!
DISCLAIMER
PROLOGUE
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
NEXT

Kabanata 28

1.7K 61 7
By Shadow_Lady04

Dedicated to
jerushapantila21

"B-bakit hindi muna sya nakipag usap ng maayos saakin? B-bakit nagawa n-nyang - - -" nanginginig ang mga labi ko at hindi kona natapos ang sasabihin ko ng mapahagulgol nalang ako dahil sa sama ng loob ko.

Sabi nya ay hintayin ko sya... Pinaghihintay ba nya ako sa wala?

Agad akong dinaluhan ni Mayora Carol atsaka ako niyakap.

"Shh.. Nauumawaan ko.. Nauunawaan ko.. Subalit wag mo munang dibdibin ito Hija maaaring may dahilan sya kaya nagawa nya iyon.." hindi magkamayaw si mayora sa paghaplos sa likod ko.

"A-ang sama sama nya po.. W-wala naman akong - ginawang masama sakanya.." sumbong ko kay mayora na marahang hinaplos ang buhok ko.

Natigil ako sa pag iyak ng parang may tumusok na karayom sa dibdib ko kaya napasapo ako doon.
Nasundan pa iyon ng pagkahilo kaya napahawak ako kay Mayora.

"Hija? A-anong nangyayari sayo?? Lucio, tulungan mo sya.. Lawrence magpatawag ka ng manggagamot... Madali ka!"

Naramdaman ko ang pag angat ng katawan ko sa sahig samantalang parang hinigop ng hangin ang buong lakas ko.

"Where should i take her?"

Narinig ko ang baritonong boses ng lalaking kausap ko kanina.
Nakapikit ako pero ramdam na ramdam ko ang sakit sa puso ko pisikal at emosyonal.

Paano nya nagawang gawin to saakin?
Napakadali lang sakanyang iwan ako sa ire gayong kailangang kailangan ko sya.

Hindi kona nasundan ang mga sumunod ng mangyari ng maramdaman kong hinigop ako ng kadiliman.

"ANO BA TALAGA Ang totoong nangyari hijo? Wala kasi kami noong nakipag usap sya sa mga kaibigan nya dahil abala din kami.. Hinihintay namin sya sa bayan ng Sta. Laura... Noong isang araw pa dapat kami uuwi pero hindi na sya dumating."
Nagising ang diwa ko ng makarinig ng mga boses pero mas pinili ko ang magpanggap na tulog.

"Something happened in the city and his presence is highly needed there.. They were searching for him for almost 4 months but his no where to be found not until Nerozia Alcantara reveal his whereabouts." muki kong narinig anhmg boses na iyon ng lalaking bumuhat saakin.

"Pero... Hindi man lang ba nya naisip na masasaktan ang asawa nya? Gumawa sya ng desisyon na ganoon?" dinig ko ang kapaklaan sa boses ni Mayora.

"I don't know what's his plan.. But i know Grayson has a plan."

"Sa palagay mo hanggang kailan nya to gagawin? Ngayong kailangang kailangan ng asawa nya ng suporta at presensya nya.."

"Hindi basta basta ang heart failure.. At mas nagpadelikado doon ang katutuhanang nagdadalang tao sya.."

"I don't have a power to ask them about anything.."

Marahan kong minulat ang mga mata ko at nakitang nakaupo sila sa isang sofa malapit sa malambot na kamang kinahihimlayan ko.

Nagdadalang tao? Ako ba?

"Aze?? Kumusta ang pakiramdam mo??? May masakit ba sayo??" tinitigan ko si Lawrence na agad umupo sa kama at nag aalala akong zinusuri ng tingin.

Ramdam ko ang pamamamalat ng boses ko at napadila sa labi ko.

"L-Lawrence..." marahang tawag ko sakanya.

"Ano yon?? Sabihin mo.." marahang usal nya saka hinaplos ang buhok ko.

"Babalikan pa naman ako ni Ross diba?" malumanay na tanong ko sakanya ramdam ko ang pamumula ng mga mata ko alam ko ring namumutla na ang mukha ko.
Nilingon ko ang lalaki kanina na mataman akong pinagmamasdan habang nakaupo sa sofa.

Marahan akong umupo na agad naman akong dinaluhan ni Lawrence.
Napapunas ako sa butil ng luhang nalaglag sa kabilang mata ko.

"May iba paba syang sinabi? Sinabi ba nya na mimiss na nya ako? Sinabi nya bang mahal nya ako..." napakurap kurap ako dahil sa mga luha sa mga mata ko.

"You should not stress yourself Mrs. Grayson.." simpling sabi nya kaya natawa ako.

Nakita kong tumayo si Mayora at pumunta sa direksyon ko tumayo si Lawrence saka pinaupo nag ina sa kama kong nasaan ako.
Marahan nyang pinahiran ang mga luha ko sala magaan akong nginitian.

"Buntis ka hija... Hindi mo dapat hinahayaang maapektuhan ka ng mga problema mo.. Baka mapahamak ang bata.." magaang sabi nya saakin kaya nagbagsakan ulit ang mga luha ko.

Napahawak ako sa dibdib ko.

"Hindi kana dapat nag aalala o umiiyak.. Sa ngayon ay isipin mo muna ang kapakanan ng bata pati narin ang... Kalusugan mo." marahang sabi nya saakin maya tinitigan ko sya, napaiwas sya ng tingin saakin kaya magaan akong ngumiti.

"Hindi nyo po kailangan itago saakin yan... Alam ko po." napaiwas ako ng tingin ng makitang dagli syang napatingin saakin at gulat akong tinitigan.

Walang emosyon kong nilingon ang lalaking nagbuhat saakin kanina ng tumayo ito sa upuan at malakas na nagbuntong hininga bahagya syang tumungo saakin.

"We are leaving... Do you want me to .. Inform him about your situation?" bumaba ang tingin nya sa tiyan ko at saka sa mukha ko atnapailing nalang.

Nag iwas ako ng tingin at umiling.

"Wag na.. Ako na ang bahala..." hindi na sya nagsalita pa at sa tinginko ay naintindihan naman nya.

"Sandali.."
Natigil sya sa paglalakad palabas ng tawagin ko sya.

"Anong pangalan mo?" marahang tanong ko sakanya kaya bahagya nya lang akong nilingon.

"Frost."

"Salamat." mahinang usal ko kaya humarap sya saakin.

"I'm looking forward on meeting you again... I'm sure that this isn't our last meeting."

Yon ang huling sinambit nya bago tuluyang lumabas ng silid.

Natahimik ako at napatitig sa kawalan.

"Hija.. Dumito ka na... Ngayong wala na ang asawa mo ay hindi pweding mag isa ka lang sa bahay ninyo... Hindi ako papayag.." mariing usal nito saakin kaya napatingin ako sakanila ni Mayor na tumango tango sa sinabi ng asawa.

"Dito kana tumira hija.. Delikado na sa kalagayan mong iyan ay walang magbabantay sa iyo.." paliwanag nito saakin.
Nilingon ko si Lawrence na nasa likod nila na bahagya akong tinanguan.

"Hindi pa ito alam ni Lola Ara at pag nalaman nya ito tiyak kong mag aalala sya.. Isipin mo muna ang sarili mo at ang anak mo sa ngayon.." marahang paliwanag nya saakin.

"B-baka po..." baka maisipan nyang balikan ako...

Napailing nalang si mayora ng mukang mabasa nya ang gusto kong sabihin.

"Anak mo ang nakasalalay dito hija.."

Natahimik ako dahil ayaw ko talagang iwan ang bahay namin.

"Kong hindi ka titira dito ay wala na kaming pagpipilian kong hindi ipaalam ito kay Lola Ara.."

Napalingon ako kay Mayor at napaawang ang mga labi ko sa sinabi nya seryuso syang nakatitig saakin.

"Hija.. Maraming dahilan kong bakit ka namin pinahahalagahan ng ganito hindi lang dahil parte ng bayan ng Alumna.. Ang asawa mo at mga kaibigan nya ang syang dahilan kong bakit lumago ang koneksyon namin.. Marami pang dahilan." mahinang sabi nya.

Ilang sandali ko silang tinignan at natatawa na naiiyak na tumingala sa taas.

"Diyos ko po... Sino ba ang lalaking yon? Yon ba talaga ang asawa ko? Wala naman akong pakialam kong sino sya kaya nga humantong kami sa ganito.."

"Hindi mo gugustuhing mapasok ang mundong ginagalawan nila Aze.. At sa tingin ko ay mabuti pa ngang hindi ka na nya dinamay pa sa mga kinahaharap nya.."

Mapakla kong tinawanan si Lawrence.

"Tama na iyan Lawrence... Pagpahingahin natin sya dahil hindi pa maayos ang kalagayan nya.. Makakaasa kang maalagaan ka ng mabuti dito hija.. Magpahinga kana muna para hindi manghina ang katawan mo.." marahang sabi ng mayora saakin.

Gusto kong ilabas ang lahat ng emosyon ko pero hindi ko magawa dahil narin sa kalagayan ko.

Napahawak ako sa tiyan ko at malungkot na napangiti.

"Noon ay sabay naming pinapangarap na sana ay magbunga na nga.. Pero bakit nong nandito kana saka naman sya humiwalay.. Ang sama sama ng ama mo.." mahinang kausap ko sa tiyan ko.
May takot akong nararamdaman dahil narin sa sitwaston ko baka maapektuhan sya.

"Kapit lang.. Gagawin ko ang lahat para mailabas ka ng ligtas dito sa mundo.." mahinabg bulong ko sakanya.

Ayaw kong ipagkait ang buhay sakanya.. Kahit na naging mapait ang karanasan ko sa ibabaw ng lupa ay alam kong iba iba naman kami ng hinaharap.

"Aze?? Kamusta ang pakiramdam mo?" nag aalalang tanong ni Lawrence saakin habang may hawak ng tray ng pagkain.

Nanghihina ang buong katawan ko habang nakahawak sa noo ko.
Kakatapos ko lang magsuka sa banyo at malalalim ang buntong hininga ko dahil sa pangingirit na naman ng dibdib ko.

Ang laki ng binagsak ng katawan ko dahil narin siguro sa hindi ko masyadong maasikaso ang sarili ko.

"Ayos lang ako Lawrence.. Akala ko ba ay magtutungo ka sa bayan ng Sta. Laura?"mahinang tanong ko agad nyang binaba ang tray sa katabi kong lamesa at tinulungan akong sumandal sa kama.

"Hindi na muna ako tumuloy... Ilang araw mawawala si ama at ina dahil naimbitahan sila sa bayan ng Gracia.."

"Bakit?" natigilan sya sa pag aayos ng kumot ko ng tanungin ko sya.

"Bakit ginagawa mo to?"
Tinitigan nya ako sa mata saka marahang nginitian.

"Aze.. Matagal man tayong hindi magsama magmula ng mag aral ako sa ibang bayan ay hindi ibig sabihin non ay hindi ko pinahalagahan ang mga pinagsamahan natin.. Bukod kay sayo kay Nero at Nelo ay wala ng ibang naging totoo saakin." mahinang paliwanag nya.

Tinapik tapik ko ang balikat nya saka sya banayad na nginitian.

"Wag mong sanayin na palagi akong nandito... Lawrence... Salamat dahil naging kaibigan kita." mahinang bulong ko sakanya.

"Aze..." mariing usal nya kaya nilibit ko ang tingin sa paligid.

"Kahit pa sabihin nating hindi mangyayari ay mangyayari talaga iyon Lawrence.. Ayaw kong lukuhin ang sarili ko kaya mas pinili kong tanggapin nalang ang totoo... Sa pagtanggap ko non ay hindi na ganoon kasakit." mahinang sabi ko at napahawak sa tiyan ko.

Nakangiti ko iyong hinaplos may konting umbok na doon dahil sa ilang linggong pananatili ko dito.

"Masaya akong malaman na magkakaanak ako.. Masakit mang hindi sya makasama at magabayan sa paglaki nya ay alam ko namang hindi mo sya pababa - - -" mabilis akong hinila ni Lawrence at mahigpit na niyakap.

"Tama na... Ayaw kong marinig yan.." mariing usal nya.

Napaubo ako at napangiwi ng makaramdam na naman ng matinding pangingirot ng dibdib ko.

"Nadumihan ka tuloy.." mahinang usal ko ng makitang may oumatak na dugo sa damit nya.

Nakita ko ang panlalaki ng mga mata nya at hinawakan ang magkabilang mukha ko.

"Hold on.. Hindi ako palayag na sumuko ka nalang ng hindi lumalaban."
Marahan kong pinahid ang dugo sa ilong ko at nginitian sya.

"Lawrence.."
Mariing magkadikut ang mga labi nya at nakikita ko ang panginginig ng kamay nya.

"Gusto kong himingi ng pabor.." mahinang usal ko sakanya.

"Ano yon.. Sabihin ko saakin at gagawan ko ng paraan."

"G-gusto kong dalhin mo ako sa kinaroroonan ni Ross kahit gaano pa kalayo.. Kakayanin ko.. Sa huling sandali ng buhay ko masaya akong lilinisan ng mapayapa kong sakaling makita at makausap ko sya.." mahinang sabi ko.
Mariin syang napapikit at napailing.

"Aze... Mahina na ang katawan mo.." mariing pagpaoaintindi nya kaya nangilid ang luha sa mga mata ko.

"M-masakit... M-masakit na masakit saakin na hindi nya ako binalikan samantalang hinihintay ko sya.. Pinapatay ako ng lungkot na nararamdaman ko.. Gusto ko syang makita kahit sa huling pagkakataon." mahinang pakiusap ko sakanya.

Nakita ko ang pag aalinlangan sa mga mata nya kaya hinawakan ko ang magkabilang kamay nya.

"Pakiusap... Tulungan mo ako.."

"Aze.. Naiintindihan mo bang sobrang layo ng syudad.. Siguradong aabutin ng ilang linggo bago tayo makarating doon... Isa pa ay delikado para sa kalusugan mo dahil mahina ang katawan mo.."
Magaan ko syang nginitian.

"Ang gusto ko lang ay makita at makausap sya.. Gusto kong dito ako sa bayan ng Alumna makagutan ng hininga kaya uuwi din tayo.." naging malungkot ang pakiramdam ko ng hindi sya magsalita.

"Segi." napaangat ang tingin ko sakanya dahil sa sinabi nya seryuso syang nakatitig saakin.

"Pero ipangako mong magiging maayos ka.. Aze.. Isipin ko ang bata.. Wag mong hayaang mapahamak sya.. Wala syang muwang.." mariing sabi nya kaya hinawakan ko ang tiyan ko.

"Hindi mo kailangan mag alala.. Hindi ko hahayaang may mangyari sa anak ko.. Anak ko sya Lawrence.." malumanay na usal ko.

"Fine! Maghanda na tayo baka dumating sila ama at ina sigurado akong hindi sila papayag na ilabas kita ng bayan."

Sandali lang kaming nag ayos ng ilang gamit.. Kinailangan pa nyang bumaba sa bayan para ipaalam kay Lola na magbabakasyon kami kunyari ni Ross sa bayan ng Trinidad para hindi na sya mag alala.
Pinili kong wag ng ipaalam kay Lola ang lahat para waka syang alalahanin.

Sakay ng kotse nila ay nagsimula kaming bumyahe paalis ng bayan ng Alumna. Doon ko nakita kong gaano kalayo ang bayan namin dahil bulubundukin na ang makikita sa malayo.

Siniguro ni Ross na hindi ako naalog kaya nilagyan nya ng malambot na upuan ang kotse para maging komportable ako.

May mga ilan kaming dinaanang nayon. Tumitigil kami doon at bumibili naman sya ng pagkain dahil hindi ko narin kaya ang maglakad lakad pa.

Nakita ko ang pagkakaiba ng mga kultura sa mga kanuyunan at mga uri ng pamumuhay nila, nadaanan namin ang bayan ng Sta. Cristina kong saan marami ang naglalako ng mga tela at kong ano ano pa.
Malungkot na masaya akong sinusuyod lahat.
Noon ay pangarap kong makalabas ng bayan para makita ang lahat ng ito. Ngayon ay bilang na bilang nalang ang mga araw na nakikita ko ito lahat.

Nagrenta din si Lawrence sa isang bahay panuluyan sa isang nayon kong saan kami nagpahinga. Hindi nya hinayaang maguton ako at hindi makainom ng gamot na hindi maapektuhan ang anak ko.

"I-ito ba ang bayan ng Sta. Laura?" napamaang ako ng makita ang ilang naglalakihang gusali sa paligid.. Mga matitibay na pader at mga naglakakihang bahay. Napalunok ako dahil ngayon lang ako nakakita ng ganoon at talagang nakakapanibago.

"Oo.. Ito ang tanyag na bayan ng Sta. Laura ang pinakamayaman sa lahat ng bayan." Sagot nya saakin at nagpatuloy sa pagmamaniho tanghali na at makikita mo ang napakaraming tao. May mga sabay sabay na naglalakad habang may mga hawak na pagkain at inumin mukang tanghalian nila sa trabaho o eskwela dahil ang iba ay may mga dalang libro at kong ano ano pa.

Tama nga sila.. Napakaganda ng Sta. Laura paniguradong mayayaman ang karamihang nakatira dito.

"Saan to?" mahinang tanong ko ng tumigil kami sa isang napakalaki at mataas na gusali.

"Huwag kang mag alala kilala ko ang may ari ng building na ito isa ako sa mga naging engineer ng building na ito.
Namamangha ko syang tinitigan at muka namang hindi sya nagbibiro.

"Ang laki.."

"Hmm mas malalaki ang sa syudad.." komento nya kaya napalunok ako, muka ngang iba ang mundo sa syudad na iyon.

Nilingon ko ang ilang mga tauhan nila sa paligid na abala sa mga gawain.

"Hello ma'am/sir.. How may we help you?" tanong ng isang babae sa reception area.

"I'm Mr. Lawrence Sanchez.. May i know if you have a contact to Grayson corp?" nakita kong natigilan ang babae at napatingin din saakin.

"Ohh.. kayo po pala iyon.. Nakareserve napo ang helicopter sa rooftop para sa inyo."
Nakita kong napataas ang kilay ni Lawrence.

"Excuse me?"

"Yes po sir.. Pinareserve po ni Mr. Frost ang helicopter.. Hindi ba po ay pupunta kayo sa syudad?"
Nakita kong napailing si Lawrence.

"Ang lakas naman ng radar ng isang yon.. Nahulaan nyang pupunta tayo don.... Halikana.." hinawaka nya ako sa kamay at marahang inalalayan patungo kong saan. Napalingon ako sa isang malaking lettering sa dingding na may naka engrave na ANDERSON doon.

"Ito ang elivator.. Gagamitin natin to papunta sa rooftop.." nanatili lang akong nakakaout sakanya at pinipilit na maging ayos ang sarili.

"Ang laki.."komento ko ng makarating sa pinakatuktok ng building kong nasaan ang malakip helicopter at dahil halos nakikita ko ang malayong parte ng bayan ng Sta. Laura.

Pinalilibutan iyon ng mga armadong lalaki na oarang hindi gumagalaw sa mga pwesto nila.
Pinagbuksan kami ng isa sakanila ng pinto ng helicopter.

Marahan akong inalalayan ni Lawrence pasakay doon at sinuot ang kong ano ano saakin.

"Sabihin mo saakin kong hindi ka komportable at gagawan ko ng paraan." paalala nya saakin na tinanguan ko kaagad.

Sinara nya ang pinto ng helicopter ng maikabit nya lahat at naisuot din ang sakanya sa katawan nya.

Bahagya nya akong nilingon at hinawakan sa kamay.

"Maghanda kana... Patungo na tayo sa syudad..."

°°°

Enjoy Reading Guys ❤️

Hello Ms. JerushaPantila21.. Thank you for always voting po.. This chapter is for you❤️

Continue Reading

You'll Also Like

3.9M 162K 62
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...
169K 4.9K 49
Unang kilala ko palang sa kanya inari ko na sya, sinabi ko na sa sarili kong wala ng makakaagaw sa kanya mula sa akin. Ang babaeng yan ay pag mamay-a...
1.1M 57.9K 58
π’πœπžπ§π­ 𝐨𝐟 π‹π¨π―πžγ€’ππ² π₯𝐨𝐯𝐞 𝐭𝐑𝐞 𝐬𝐞𝐫𝐒𝐞𝐬 γ€ˆπ›π¨π¨π€ 1〉 π‘Άπ’‘π’‘π’π’”π’Šπ’•π’†π’” 𝒂𝒓𝒆 𝒇𝒂𝒕𝒆𝒅 𝒕𝒐 𝒂𝒕𝒕𝒓𝒂𝒄𝒕 ✰|| 𝑺𝒕𝒆𝒍𝒍𝒂 𝑴�...
1.2M 113K 42
✫ 𝐁𝐨𝐨𝐀 𝐎𝐧𝐞 𝐈𝐧 π‘πšπ­π‘π¨π«πž π†πžπ§'𝐬 π‹π¨π―πž π’πšπ πš π’πžπ«π’πžπ¬ ⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎ She is shy He is outspoken She is clumsy He is graceful...