Kabanata 6

1.9K 59 5
                                    

Buong gabi akong umiiyak sa loob ng kwarto habang denedisenyuhan ang bahay namin.

Anong nangyari? Parang kahapon lang ay nagagawa ko pa ang mga gusto ko! Tapos ngayon ay bukas pag nagpakita ang araw ay ikakasal na ako?

Naririnig ko ang mga taong nag uusap sa labas samantalang nagmumukmok lang ako sa kwarto, nakaupo habang yakap ang kumot sa tuhod ko.

Ang walanghiyang matandang hudas ay hindi ko pa nakikita at ayon sakanila ay bawal daw.

Mabuti at hindi ko pa sya nakikuta kong hindi ay nasisiguro kong pinaglalamayan na ito ngayon.

"Apo.. Tahan na.. Kagabi kapa umiiyak." napalingon ako kay Lola na marahang umupo sa kama.
Agad akong lumapit saka umiiyak na yumakap sakanya.

"Lola ayaw ko po... Bata pa po ako.. Yon pong kagabi...mali po kayo ng iniisip." umiuyak na paliwanag ko sakanya, naramdaman ko ang marahang paghaplos nya sa buhok ko.

"Apo.. Para din naman ito sa iyo, ayaw mo ba kay Ross? Mabait naman ito at maalaga magiging masaya ang buhay ninyo." pagpapaintindi nya saakin na agad kong inilingan.

"Ayaw ko po sakanya Lola, ayaw ko pa pong mag asawa." mas napaiyak ako ng maisip na ikakasal na ako.

Nakita kong malakas na nagbuntong hininga si Lola.

"Wala na akong magagawa apo ko... Ayaw kong pagtawanan ka ng taong bayan at isiping marumi kang babae... Sa ngayon ay tahimik pa sila pero paano nalang kong malaman nila ang kagabi? Natitiyak kong kukutyain ka nila at ayaw ko non." marahang paliwanang nya pero napailing ako.

"Lola.. Paano naman po ako? Ayaw ko po talagang magpakasal, wala po akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao... Basta alam kong wala akong ginawang masama." tumingala ako kay Lola habang umiiyak.

"Lola..." tinitigan nya ang buong mukha ko saka ako marahang nginitian at hinaplos ang mukha ko.

"Ayaw naman talaga kitang piliting pakasalan ang lalaking ayaw mo apo... Pero dahil sa nangyari ay wala akong magawa... Alam mo namang matagal ko ng gustong makasal ka hindi ba?" suminghot singhot ako.

"Bago namatay ang mga magulang mo lalo na ang iyong ina ay pinangako kong aalagaan kang mabuti.. Ata kahit pa laging mainitin ang ulo mo ay kinokonsidera ko dahil nga sa wala kang kinagisnang mga magulang... Apo..." malungkot na usal nya kaya sunod sunod na bumagsak ang mga luha ko.

"Hindi ako sigurado kong kaikan ako malalagutan ng hininga at mawala sa Mund---" umiling iling ako agad at saka umiiyak na niyakao sya.

"Wag nyo pong sabihin yan Lola.. Ayaw ko pong iwan nyo ako..." naramdaman kong umiiyak din si lola.

"At ayaw kong kapag dumating ang araw nayon ay mag isa ka lang dito sa mundo kaya naman gusto kong maranasan mo kong gaano kasaya ang magkaroon ng katuwang sa murang edad."

"Nakausap ko kanina si Ross saka ko nalaman ang totoong nangyari gayon paman ay handa naman syang pakasalan ka." nagulat ako sa sinabi ni Lola kaya napaangat ang mukha ko at nakitang nakangiti si lola saka pinunasan ang mga luha ko.

"Kaya wag ka nang umiyak dyan... Pumayag nasyang magpakasal kayong dalawa.. Wala na akong magagawa dahil saksi ang mga nakakanda sa bayan sa sinabi nya at buo ang loob nyang panindigan ka." patuloy nya kaya nalukot ang buong mukha ko.

"Papatayin ko ang lalaking yon Lola!" galit na sabi ko.

"Dahil sakanya ang lahat ng ito dahil hinalikan ako ng walanghiya." bahagyang natawa si Lola.

"Nakikinita ko na ang buhay mag asawa ninyo." napasabunot ako sa buhok...

Sya talaga ang malas sa buhay ko!

The Lost Billionaire (His Probinsyana Serie 4) (COMPLETED) Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum