Kabanata 2

2.6K 74 2
                                    

Dedicated to ChichayBelhot

Awang ang mga labi ko ng pumasok si Lola sa loob ng maliit naming bahay.

"Halika Hijo tumuloy ka wag kang mahiya." marahang sabi ni Lola saka pinatuloy ang lalaking kasa kasama nya.

Ng pumasok ang lalaki at makatayo sa harapan ko ay napatingala ako sakanya.
Matangkad sya sobra, matangos na ilong, mapulang labi, pangahang mukha, makapal na kilay at buhok.
Maputi, makinis at talagang makisig.

Yon nga lang.....

Punit punit ang damit nya na para bang naglakbay sya sa mga kabundukan ng ilang taon, may ilang gasgas din sya sa mga braso.

Pero kahit ganon ay... Napakagwapo nya.

Awang ang labing nakipagtitigan ako sa estrangherong lalaki na nasa harapan ko saka napakurap kurap.

"Apo? Hanapan mo ng damit ang bisita natin at nasisiguro kong pagod na sya sa mahabang paglalakbay." magaang sabi ni Lola kaya nabalik ako sa reyalidad.

Nagmadali akong nilapitan si Lola saka sya i alalayang maupo sa kawayang upuan namin.

"Lola saan ba kayo galing? Nag alala ako sainyo. At... Sino ba sya?" kunot noong tanong ko saka isenenyas ang lalaking nakasunod lang ang tingin saakin.

"Mamaya kana magtanong apo hindi mo ba nakikita na may bisita tayo?" sita nito saakin kaya napanguso ako at matalim na tinignan ang lalaking kasama nya.

Ng hindi na nakatingin si Lola ay agad ko itong tinaasan ng kilay, nanatili pa syang nakatitig saakin at ilang sandali pa nga ay nginisihan nya ako.

Agad nagkibutan ang mga ugat sa ulo ko sa klase ng pagngisi nya. Mukha palang nya ay naiinis na ako.

"Segi na ihanap mo muna sya ng maisusuot nya ng makapag ayos sya." utos saakin ni Lola kaya napanguso ako saka dumiretso sa maliit kwarto namin.

May isang sako kaming nilagyan ng mga damit na hindi namin naisusuot at maayos ko iyong pinatong sa isang tabi.

"Sino ba ang lalaking yon?" saan naman kaya yon nakita ni Lola, nakanguso ako habang inaabot ko ang sako.

Medyo mataas kasi iyon at dahil maliit akong babae ay hirap akong abutin.

"H-hala.. Wag...waaagg..." sinubukan kong pigilan ang pagbagsak ng mga mga ibang pinatong ko pero nahulog na yon lahat kaya nadaganan ako.

Agad kong hinawi ang mga sako saka mabilis ang mga hinga ko.

"Lolaaaaa.... Huwaa...Huhuhu.." umatungal ako ng iyak dahil masakit ang pagkakabagsak ko sa sahig at muntik naring magwakas ang buhay ko.

"Lolaaa..." suminghot singhot ako saka napaiyak ulit.

Narinig ko ang ilang yabag.

"Azelya? Apo? Bakit naligo ka ng sako dyan?" nag aalalang tanong nya.

Naramdaman kong may lumapit saakin saka ako hinawakan sa mga braso.

"Are you okay?" malalim at baritono ang boses nito kaya napaangat ang tingin ko sa lalaking kasama ni Lola.

Suminghot singhot pa ako saka sya matalim na tinignan saka ko nilapit ang mukha ko sakanya.

"IKAW!...KASALANAN MO... HUWAA." galit na sigaw ko sakanya saka ako umatungal ng iyak.

"Azelya tahan na apo.. wag mong sigawan ang bisita natin." saway nito saakin pero patuliylang akong umiiyak at sumisinghot.

The Lost Billionaire (His Probinsyana Serie 4) (COMPLETED) Where stories live. Discover now