Kabanata 31

1.9K 62 15
                                    

Dedicated to GjPrinceGabriel

2 years later....

"Aray.. Wag mo namang kagatin.. Masakit.."

Narinig ko ang mahinang pag ungol lang nito at nanatiling dumede ang maliit na bulilit na lumalaki laki pa ang mata.

Anak ng.. Ay anak ko nga pala..

Nakahiga ako sa kama namin habang nakatagilid at marahang tinatapik ang maliit nitong hita.

"Tulog na baby.. Maglilinis pa si mama mo.." nakasimangot na usal ko sa bulilit na hindi man lang yata pumipiyok habang dumedede.

Nang hindi parin natutulog ang bulilit ay binuhat ko nalang ito saka inayos ang damit ko. Tumayo ako sa malambot naming kama saka ko sya binuhat sa dalawang mga braso ko at tinitigan at nginusuan.

"Baby kasi.. Tulog na.." hinalik halikan ko ang malambot nitong pisngi.
Narinig ko ang mahihina nitong hagikgik kaya natawa nalang ako at mas pinag igihan pa ang paghalik dito.

"Bad si Mommy... " natatawang usal ko saka marahan itong hinalikan sa pisngi.

Marahan ko sya sinasayaw sayaw, napupuno ng saya ang puso ko kapag naririnig ang mahihina nitong tinig, Napaka gwapo ng anak ko.

Ng makatulog ito ay saka ko sya marahang binaba sa kama namin at tinapik tapik sa hita para hindi magising.
Marahan kong hinawakan ang maliit nitong binti at napangiti.

Dalawang taon na mula ng maipa opera ako dito sa Massachusetts America at ipanganak ang anak ko. Nangunhupahan lang kami sa isang comdominium at ayos na iyon para saakin.

Gray Atticus Levebvfre....

"Tulog na pala sya.. Hindi kona pala sya makakalaro."
Nanlaki ang mga mata ko at agad na napatayo.

"Lawrence.." tumakbo ako agad at masaya syang niyakap.

"Akala ko hindi mona naman kami uuwian ng anak mo.. Nakakatampo na ah.." nakangusong usal ko at kinuha ang ilan sa mga dala nya.

Natawa ito atsaka ako niyakap.
"Bakit naman magtatampo? E nagpaalam naman ako ng halos isang linggo para lang mapayagan?" natatawang tanong nya na para bang nakakatawa ang ginawa ko.

"Tama ba naman hindi uwian ang asawang babae ng ilang araw? May baby pa.. Nakapanghihinala naman.. Baka pala may babae kana kasi hindi na ako maganda.." masungit ko syang dinuro na natatawang nakatingin saakin.

"Akin si Baby Gratt Gratt.. Walang karapatan ang mga manluluko.." banta ko sakanya kaya napailing nalang sya at marahan akong niyakap saka hinalikan ang pisngi ko.

"Wala po akong ibang babae mommy Aze.. Saan mo ba yan nakukuha e wala ng mas maganda sayo sa paningin ko.." pang uuto nya.

"Kamusta naman kayo ni Baby? Hindi ka dapat masyadong nagpapagod Aze.." malumanay na usal nya saka naupo sa sofa at hinila ako paupo sa hita niya.

"Hindi ako nagpapagod ah... Pinapatulog ko lang ang bulilit natin kasi hindi sya natulog kaninang tanghali.."
Nakangiti nyang hinaplos ang pisngi ko kaya yumakap ako sa leeg nya.

"Kamusta ang trabaho mo? Maayos ba ang lahat doon?" marahang tanong ko sakanya.

"Oo.. Malapit naring matapos ang proyekto na ginagawa ko.. Mamamasyal tayo ni Gray kapag natapos na iyon." natuwa ako sa sinabi nya kaya tinusok ko ng bahagya ang pisngi nya.

"Babawi kana ba?" natatawang tanong ko.

Tinitigan nya ako saka napailing nalang.
Bakas ang pagod sa mukha nya kaya nawala ang ngiti sa labi ko.

The Lost Billionaire (His Probinsyana Serie 4) (COMPLETED) Where stories live. Discover now