Kabanata 29

1.7K 65 12
                                    

Dedicated to
LengPineda

Nakamaang akong nakatitig sa buong paligid mga ala 1 na ng gabi at nakikita ko ang mga ilaw sa na napakagandang tignan ang pagkakahelira sa bawat palapag ng mga building, para iyong mga bituwing kumikislap sa kalangitan. Hindi ako makapaniwala sa nakikita at naabot ng paningin ko.
Kahit yata dito nalang ako sa tuktok ng building ay hindi ako magsasawa sa tanawin na ito.

Ang tanging maririnig ay mga huni ng mga sasakyan at kong ano ano pang tumutunog mula sa baba.

Banayad na tinatangay ng hangin ang suot ko at ang buhok ko.

"I-ito ba ang syudad?" nagugulantang na tanong ko kay Lawrence na nasa likod ko habang nakalagay ang dalawang kamay sa likuran at sinusuyod din ng tingin ang buong paligid.

"Oo.. Kong gaano kaganda ito ay ganoon din kalupit ang hagupit ng tadhana sa ibang tao dito.. Kung wala kang koneksyon at pera ay hindi mo kailanman makakamit ang katarungan.. Dito namumulat ang bawat isa kong gaano kalupit ang mundo sa bawat tao." mahinang paliwag nya.

"D-dito ba nakatira si Ross? D-dito sa syudad?" napalunok ako dahil sa tanong ko.

"Oo.. Hindi sya pangkaraniwang tao lang Aze... Alam mo bang... Isa syang bilyunaryo?" natawa ako ng mapakla.

"Hindi na iyon mahalaga saakin ngayon.. Kong sino at ano man sya ayaw ko ng kwestyunin pa."

"Hindi kaba galit kasi nilihim nya lahat sa iyo gayong karapatan mo naman iyon bilang asawa nya?" marahang tanong nito saakin kaya nginitian ko sya.

"Asawa ko si Ross.. Pero kailanman ay hindi ko sya inoblega na sabihin saakin ang mga bagay na hindi sya komportable.. Hindi ako galit dahil alam ko naman sa sarili ko na may dahilan sya at dahil alam ko rin na naging totoo sya saakin sa mga panahong magkasama kami... At hindi ang tungkol sa pagkatao nya ang makapagbabago ng pagmamahal ko."

Nag iwas ako ng tingin at napabuntong hininga.
Tama iyon lahat.. Wala akong pakialam kong ano at sino sya sa syudad dahil asawa ko sya sa bayan ng Alumna.. Isa syang konstraktor..

Hindi ko narinig na nagkomento si Lawrence kaya nilingon ko sya nakatitig sya saakin kaya nginitian ko sya nag iwas din agad sya ng tingin.
Sinuyod ko sya ng tingin at tanging pants and black jeans lang ang suot nya pero para na itong magmomodelo. Nakapagtatakang wala padin itong nobya o asawa ngayon.

"Saan na tayo ngayon?" mahinang tanong ko kaya may dinukot sya sa buksa nya at nakita ko ang tinatawag nilang cellphone, hindi ako kailanman nakahawak non dahil wala namang cignal sa bayan ng Alumna.

"Sandali.. Maupo ka muna dito para hindi ka mangalay.. Tatawagan ko muna si Nelo." ginaya nya ako sa isang upuan sa tabi.

Sandali nya akong iniwan para yata kausapin ang tinatawag nyang Nelo.
Marahan kong hinaplos ang tiyan ko at nilingon ulit ang napakalaking syudad.

Saan ka dito? Masaya kaba kahit wala ako? Ross... Nagawa mo akong talikuran ng gaon lang at napakasakit non saakin.

Malungkot lang akong nakatanaw sa buong paligid dahil sa katutuhanang iyon.

"Aze.." napalingon ako kay Lawrwnce ng tawagin nya ako kaya marahan akong tumayo at sinalubong ko sya.

"Bakit?" mahinang tanong ko kaya tinitigan nya ako.

"Alam mo ba kong anong petsa ngayon?" tanong nya kaya napakiling ang ulo ko.

"Hmm.. Abril 16.." sagot ko sakanya.

"Tapos? Wala kabang natatandaan kong ano bukas?" taka ko syang tinitigan dahil naguguluhan ako sa tanong nya.

"Aze... Kaarawan ni Ross ngayon.. Tiyak enggranding selebrasyon ang mangyayari mamaya.. Magulo doon.. Palipasin muna natin ang araw na ito." malumanay na paliwanag nya.

The Lost Billionaire (His Probinsyana Serie 4) (COMPLETED) Where stories live. Discover now