ULTERIOR MOTIVE (ONGOING)

By SweetKitkat

143K 3.1K 380

ONGOING | Y2014-present A billionaire lawyer. A poor girl. Secrets and ulterior motives kept Mirabella and Al... More

CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16 (18+)
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 25

CHAPTER 24

643 42 5
By SweetKitkat

MIRABELLA CRUZ

Lumipas ang ilang buwan, ngayon ay ginaganap ang pagtatapos ni Krome ng grade school. Sa Japan niya ipagpapatuloy ang high school. Isang taon lang siya roon dahil ganoon lang katagal ang permitted ng government, unless i-allow siya na mag-extend.

Hindi madali para kay Krome ang ipasa ang entrance exam doon ngunit nagsumikap siya. Naging fluent din ito sa niponggo dahil sineryoso nito ang mga lessons.

Ilang beses ako umakyat ng stage dahil sinabitan ito ng mga recognition awards. Halos hindi na nga kami umalis sa stage dahil sa dami ng medalya nito. Ang iba ay kay Donat na niya sinabit.

Hindi na rin ako ginulo ni Alesteir. Ang huling pag-uusap namin ay ang pagpilit nito na magsama kami sa iisang bubong.

Nagpapalitan nalang kami ng emails habang kinukumpleto ang requirements ni Krome at ng host family na magiging guardian niya.

Dalawang araw matapos ang recognition awards ni Krome ay kinatok ko ang pintuan nito.

Binuksan niya iyon agad. "Bakit, ate? May ipapabili ka sa tindahan?"

"Mahaba na ang buhok mo. Tara sa salon," aya ko sa kanya.

Sinuklay ng nga daliri nito ang buhok at lumingon sa study table niya. Tila nag-iisip ito kung mag-re-review o sasamahan niya ako.

Bumalik sa akin ang kanyang tingin at ngumiti.

"Tara, ate."

Nagliligpit-ligpit muna ako habang hinihintay na matapos si Krome sa pagbibihis kay Donat.

"Kuya, may pilpil ka sa noo," rinig ko sa usapan nila.

Sumilip ako at nakita na sinusuotan ni Krome si Donat ng sapatos. Nakatalikod ito sa akin.

"Pimple."

"Pilpil," ulit ni Donat ngunit utal pa ito.

Umiling si Krome, "Pim."

"Pil."

"Mmm," pagtatama niya sa huling letra.

"Pimmm."

"Pol."

"Pol," ulit ni Donat.

"Pimple."

"Pilpil."

"Bobo naman nito," natatawa nitong sambit.

"Thank you."

"Hoy! Bakit nag-thank you iyon after mo sabihan ng bad words?" Tanong ko habang nasa ibabaw ng bewang ang mga kamay. "Tinuruan mo?"

Lumingon sa akin si Krome at bumaba si Donat sa inuupuan. Tumakbo ito palabas habang malaki ang ngiti sa labi.

"Hindi, ah. Baka sila Tiya."

"Ikaw ang laging kasama tapos isisisi mo kila Tiana ah."

Nag-tricycle kami papunta sa salon nila Tiana. Nagtataka man si Krome kung bakit doon ko siya dinala kaysa sa barber shop ay tinikom nalang niya ang bibig.

Binuksan ko ang pinto at tumunog ang chimes na nasa sabit roon.

"Congratulations!" Sabay-sabay bati nila Tiana at ng mga stylist niya na sila Sana, Jill, at Rani.

"Napakagaling ng pamangkin ko!" Sinalubong kami ni Tiana at mahigpit nitong niyakap si Krome. "Ang tangkad mo na. Pangarap mo ba maging basketball player?"

Niyakap siya pabalik ni Krome at masaya lang akong nakatingin sa kanila. Krome is very lucky to be able to receive the love from everyone.

"Naglalaro ako, Tiya. Pero hindi iyon ang gusto kong maging career. Saka nga pala, kinukumusta ka na Paulo," panunukso nito nang maglayo ang dalawa.

Tiana rolled her eyes. Kinawit nito ang buhok sa likod ng tenga. "Kumain ka nalang ng spaghetti. Ipinagluto kita."

Tumalikod si Tiana at sumandok ng spaghetti at nilagay iyon sa plato.

"Hindi nga... tinatanong ka nga palagi—" natawa ang lahat nang sinumpak ni Tiana kay Krome ang isang kutsarang spaghetti.

"Huwag ka na mag-talk, ha. Tama na!"

Habang nagkakagulo kaming lahat sa pagsandok ng spaghetti at lumpia ay narinig namin ang pagtunog ng door chimes. Napalingon kaming lahat sa may pintuhan.

Napataas ang isang kilay ko nang malaman kung sino ang pumasok.

"Hello," bati ni Mayor Aquil.

"Mayor Aquil!" Agad naman in-acknowledge nila Tiana ang presensya nito.

"Mayor! Magandang hapon!" Bati ni Sana habang kinakamayan si Aquil.

"Kumusta kayo?" Aquil smile is very gentle and warm.

"Ano ang ginagawa niyo rito, Mayor? Magpapa-rebond kayo?" Tanong ni Jill.

Pagkatapos niya akong ngitian ay lumagpas ang tingin niya sa akin at lumapit ito kay Krome. "May nakapagsabi lang sa akin na naka-graduate ka na, Krome. Congratulations."

"Salamat po," matipid na saad ni Krome. Their bond is not mended yet.

Naiintindihan ko si Krome. Nakasundo niya si Aquil noong boyfriend ko pa ito. Nang malaman ni Krome ang dahilan ng pagkakahiwalay namin ay naging malamig na ang pakikitungo niya kay Aquil.

"Heto ang munting regalo ko para sa iyo. Magagamit mo iyan sa Japan."

Siniko ko si Tiana. Yumuko ito ng kaunti para mabulong ko sa kanya ang sasabihin. "Ikaw ang nagchismis tungkol sa pagiging exchange student ni Krome kay Mayor 'no?"

"Hindi ko napigilan, be. Alam mo namang malambot ako sa mga pogi."

"Impakta ka talaga."

"Saka ito pala," inilabat nito ang isang long-stemmed rose at binaling sa akin ang atensyon. "Para sa iyo, Mira."

Tinitigan ko lang ang bulaklak at ilang sandali lang ay nawala na iyon sa aking paningin. Kinuha ni Krome ang bulaklak at ngumiti kay Aquil.

"Thank you po, Mayor. Tara, kumain po kayo ng spaghetti. Tiya Jill, paabot naman po ng plato para kay Mayor."

"Overprotective pa rin sa iyo ang kapatid mo," bulong ni Tiana sa akin. "Bakod na bakod ang sister."

"Syempre, ikaw ba naman ang masaktan ng dalawang beses."

Marami pa kaming pinag-usapan ni Tiana at dahil hindi ako madalas na nakakapunta sa salon niya ay pinakita at pinagmalaki rin niya sa akin ang mga bago nitong equipment.

Pagbalik namin sa event ay nakita ko na ginugupitan na ni Jill si Krome. Samantalang si Donat ay nakaupo sa ibabaw ng hita ni Aquil, nakasandal ang anak ko sa dibdib nito at mahimbing na natutulog.

"Mayor, tatay na tatay ang dating mo diyan ah," panunukso ni Tiana.

Nagulat ako nang dumaan sa harap ko si Krome at lumapit ito kay Aquil. Hindi pa siya tapos gupitan dahil nakabalot pa ng tela ang balikat niya.

"Akin na po si Donat, baka po nabibigatan kayo ag malukot pa ang damit niyo."

"Hindi, Krome. Ayos lang."

"Hindi na po," binuhat niya si Donat at nagising lang ito ng konti ngunit nakatulog din agad.

"Hindi boto si Krome kay Mayor talaga," bulong sa akin ni Jill.

Para mawala ang awkwardness ay binuhay nila Tiana ang telebisyon at nagsimulang mag-videoke. Natapos na rin ang paggugupit kay Krome dahil trim lang naman ang gusto niya.

Tumabi ito sa akin at nasa ibabaw ng hita niya ang pamangkin. Tiningnan ko si Donat na natutulog pa rin sa kabila ng ingay sa paligid. Inalis ko ang iilang hibla ng buhok sa kukha nito.

"Mayor, ikaw naman ang kumanta!"

"Baka umulan dine!"

"May payong kami, Mayor! Ilaban mo! Dalian mo at malapit na ang susunod na song!" Pilit ni Tiana at binigay kay Aquil ang microphone.

"Pagdilat, ikaw agad ang hinahanap sa umaga. Nasaan ka na? Malayo ka pa ba? Kay tagal ng iyong pagbabalik," kanta nito habang sinusundan ang instrumental.

"Minsan, nahuhuli ko ang sariling nakangiti. Malayo ang tingin. Malalim ang isip. Kailangang magkita muli. Sa pagpatak ng bawat sandali, nakatikom lagi ang aking mga labi. Inaaliw ang sarili sa musika, nananabik makapiling ka. Makapiling ka."

Nagkakagulo ang mga kaibigan ko dahil sa malamig na boses ni Mayor. Sa aming lahat ay sila ang mas nag-e-enjoy. Ngunit ako, wala akong nararamdaman na anuman.

"Pagdungaw, meron kayang mabuting balitang darating? Ihahanda ko'ng pagngiti, kasabay ng pagsambit sa ngalan mo pagdating ng sandali."

"Ibirit mo, Mayor!"

"Ate, huwag mong sabihin na ma-fo-fall ka na naman sa mga ganyan," bulong ni Krome. Tiyak na hindi nila iyon narinig dahil sa kaguluhan.

"Nope, he is just fun to look at."

"You promise that you will not give that guy a chance, right? He literally ask you to abandon Donat and marry him," sambit nito sabay irap.

"Hindi ko nakakalimutan."

———————-
A/N: Salamat po sa pag-hihintay. Mag-upload ulit ako later.

Continue Reading

You'll Also Like

19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...