WANDA For You

Від HEYNEENAMOR

463 57 6

"Alam ko naman, kahit makailang iko't pa man ang mundong ito, hinding-hindi mo ako pipiliin.." Більше

Sobre
Contract
Coffee
Drive
Outfit
Announcement
TrashCan
Plan
Lunch
Cebu
Hot
Hot II
Egg
Boat
Tears
Back
Night
Morning
Laugh
False
Stay
Theo
Stare
Reply
GF
Dinner
Zero
Kalma
Morning
Busy
Why
Musika

Condo

12 1 0
Від HEYNEENAMOR

Gia's POV

"Pero bakit ka nga nagbabawas ng mga damit mo?" I hear hin tsk , nakukulitan yata sa akin . haha.


"I am donating!"



"Pero bakit?"



"Bawal ba? Tsaka bakit mo ba ako kinukwestyun hah? Tsk."


"Ayan na naman hu siya! Nagsusungit na naman!"



"Hindi ko na nasusuot yung iba. Mapupuno na yung cabinet ko. Sayang kung itatapon ko lang."



"Alam mo, wala sa itsura mo yung ganyan.."



"Anong ganyan?"



"Yung may kawang-gawa ka.." natatawang sabi ko.



"Ah ganun? Sus. Ang sama sama ko talaga sa paningin mo ano?" tanong nito.



"Oo!"



"FYI—— Ikaw lang ang nagsasabi niyan."




"Eh sa ganun ka makitungo sa akin eh! Ano ineexpect mo na maging impression ko sayo? Mabait? Tss.." napansin kong ngumisi ito na tila may iniisip. Napatingin ako sa kanya.




"Ayan , ganyan."




Naguguluhan ako sa sinabi nito. Nagsalubong ang kilay ko.




"What?"





"Hindi ko alam kung bakit pero kakaibang satisfaction ang nabibigay sa akin kapag naiinis ka.." natatawang sabi nito without looking at me. Napaawang ang labi ko sa gulat. Nag-iwas ako ng tingin.


"Grrrr! Arman ! Maging mabait ka na sa akin! Ngayon! Iyon lang yung hinihingi kong kundisyon sayo para matulungan kitang linisin yung condo mo! Mahirap bang gawin iyon?" saglit itong napalingon tsaka ngumiti. Wtf? Bakit may kasamang ngiti?





"Bakit ngiting aso ka jan?" mahinang tanong ko dito. Nawala ang ngiti niya dahil sa sinabi ko.



"Ang hirap maging mabait sayo . Lalong humahaba yung sungay mo oh". sabi nito kaya napairap ako.




"Isa! Be kind! Please?" what? Bakit ako nagplease? Anong nangyayari sa akin?



"Fine!" walang nagawang sagot nito.



"Sure?" naniniguradong sabi ko.



"Ang kulit." bulong nito pero rinig ko parin.




"Thanks God! Pumayag din! Alam mo bang ang hirap mong makatrabaho dahil ang sungit-sungit mo?"



"Same!" tipid na sagot nito.





Ilang sandali kaming tumahimik. Nag-iisip ako ng pwedeng pagkwentuhan kasi I'm bored kapag masyadong tahimik tapos dalawa lang kami. Naglalakbay yung utak ko eh. At kung saan-saan pumupunta.





"May girlfriend ka ba ngayon?" tanong ko dito. Alam kong napaisip siya at nagtaka sa tanong ko pero nakatingin parin ito sa daan.





"Why? Applying?" nakangiting sagot nito. Gago talaga!



"Wala akong nakuhang sagot!" sarkastik na sabi ko. Meron o wala lang isasagot eh! Tss.



"Alam mo naman yung isasagot ko diba? For sure you already stalked me! Or already ask my sister."




"Hoy! I never stalked you hah! Bakit ko naman gagawin iyon? Tsaka ano man yung alam namin, syempre iba parin kung sayo manggagaling ang sagot!"



"Ano bang alam niyo?" tanong nito.




"Na single ka. At malandi." sagot ko dito. Ngumiti ito at napailing.



"Ikaw ba? In a relationship?" tanong nito sa akin.



"Ang last relationship ko ay 4 years ago. Now? Wala akong balak pumasok sa commitment." sagot ko dito at napalingon siya. Okay, another stoplight.




"Really? Same. My last relationship was 4 years ago." pag-amin nito.



"What? Pareho tayong broken hearted 4 years ago! HAHAHAHAH.."




"Gaano kayo katagal ng last relationship mo?" he asked me first this time.




"4 years." sagot ko tsaka ako napatingin sa daan.



"So bakit kayo naghiwalay?"





"Hindi na kami pareho ng path na tinatahak. Hindi na kami pareho ng plano sa buhay. Nagising na lang ako isang araw, ayaw na niyang magkapamilya." seryosong sagot ko. Nagfflashback sa akin yung araw na pinili kong umalis at tapusin ang meron sa amin.




"You want to have a family that time? Baka naman kasi pinressure mo!" natatawang sabi nito.



"Sira! Pareho naming pinangarap na magkapamilya. Pero bigla na lang nagbago yung plano niya. Pero ngayon, nauna pa siyang magkapamilya sa akin! May dalawang anak na nga!" nakangiting pag-amin ko.



"Eh gusto mo pala magkaroon ng pamilya, bakit ayaw mo ng commitment?"




"Totoo pala. Pwede pala talaga magbago ang mga plano? Ang mga pangarap? I mean—- yeah, a part of my heart want to have my own family! Pero at some point, napaisip ako... Mahirap pala? Mahirap. Sa panahon ngayon? Ang hirap. Parang gusto ko na lang uminom ng white wine sa veranda ng bahay ko sa California! Hahahahahha" natawa si Arman dahil sa imagination ko.



"May bahay ka sa California?" he asked me na parang di makapaniwala.



"Syempre wala! Hahah. Pero pangarap ko! Gusto kong bumili ng property sa California! Alam mo, mangangarap na lang ako, dapat yung mataas na! Libre lang naman mangarap ahh!"



"Gusto mo bang bilhin yung bahay ko sa California?" alok nito na ikinagulat ko.



"Hah? May bahay ka sa California???"



"Oo. Pero ibebenta ko na lang. Ayoko nang tumira dun! Baka maging kapitbahay pa kita——- aray ! Hoy! Yung braso ko!!!"



"Ang tigas ng biceps mo!!! Eh mukhang wala ka na ngang time magpunta ng gym!"




"Chansing na yan Gia hah!"



"Okay lang yan! Walang malisya!" nakangiting sabi ko sabay pisil pa muli sa muscle niya.



"Bitaw! Nagdadrive ako oh!" sumimangot ako tsaka ako humarap sa daan.




"Pero totoo? May bahay ka sa California?" makulit na tanong ko.




"My Dad's house. Syempre nung nawala siya, sa akin napunta.."



"Pero paano si Thea?"




"Syempre, sa kanya yung bahay ng aso sa tabi nun." Gago talaga!! hahahaha



"Ang sama mo talaga sa kapatid mo!"



"Hindi ka parin pala nasasanay sa amin? Alam mo, kaya nagkakasundo kayo ni Thea kasi pareho kayo ng ugali." Aray! Parang na sisterzoned agad ako!




"Eh ikaw Arman? Bakit kayo naghiwalay ng last relationship mo?"





"Nagmahal siya ng iba." sagot nito.




"Third party? Cheating?"




"Bigla na lang isang umaga, nakipaghiwalay siya kasi may kinakasama na daw siyang iba. At ang tanga ko that time na hindi ko manlang natunugan. Niloloko na pala ako. Niloko ng tao na sobrang minahal at pinagkatiwalaan ko. Ang hirap mabaliw sa pagmamahal. Kapag natalo ka, sayo pa yung 100X na sakit. Ang unfair nu?"




"That's why 4 years ka ng walang commitment kasi takot ka ulit magtiwala?"




"Takot na baka bumalik yung trauma na likha ng tao mula sa nakaraan. Ayoko ng maulit yung trauma na iyon. Kaya hanggat kaya kong hindi ulit magmahal, gagawin ko. Ayoko ulit bumilog yung ulo at umikot ang mundo ko sa tao na lolokohin lang ulit ako."




"What if dumating bigla yung para talaga sayo. Tapos maramdaman mo ulit kung paano magmahal? Hindi iyon mapipigilan Arman."




"Kung darating, edi dumating. Basta ang sigurado lang, natuto na ako. Hindi na ako magbibigay ng lahat. Magtitira ako sa sarili ko."



"Apir!!!! Tama behavior!!!" nakangiting sabi ko dito at ang loko ay nakipag high five naman. Parang ibang Arman yung nakausap ko ngayon ah. Masaya ako na pinagkatiwala niya sa akin yung pribadong kwento ng personal na buhay niya.



"Pero ibebenta mo talaga yung property mo sa California? Bakit di mo na lang gawing Family house niyo ng future family mo?"



"Ibebenta ko iyon."



"Sayang naman! Magkano mo ba ibebenta?"





"Bakit, interested buyer ka ba hah?"




"Nagtatanong lang! Malay mo, ma-afford ko!"





"2 million—— dollar." sagot nito kaya napasimangot ako. I can't afford.




"Sige, yung bahay na lang ng aso yung bibilhin ko." natatawang biro ko at natawa rin ito.




"Bilhin mo na yung bahay! Afford mo yun!"




"In my dreams!"




"Pero pwede naman mapasayo yung bahay ng libre eh!" nanlaki ang mata kong napatingin sa kanya.





"Don't tell me! Ipaparaffle mo sa Pasko?" biro ko dito.




"No!"




"Eh paano?"






"Marry me." seryosong sagot nito. Mga ilang segundo akong naghintay ng tawa, or "Joke!" pero wala kaya hinampas ko na naman yung biceps niya.





"Isa! Kanina ka pa Gia hah!"




"T*ngin4 mo Arman! Kapag pinatulan ko yang "Marry me" mo, baka saan ka pulutin!!! Gago ka!!!" Inis na sabi ko dito at ngayon ay tawa ng tawa ang loko-loko! See! Joke lang yun! Bakit naman ako aasa sa Marry me! Self, nagiging delusional ka na lately!











-

"We're here." rinig ko ng sabi nito. Dinilat ko ang mga mata ko tsaka ko sinilip ang bintana. Nasa parking area na nga kami ng condo niya. Inayos ko saglit ang hair ko tsaka ako bumaba ng kotse nito. Tahimik akong sumunod sa kanya hanggang sa entrance ng building. Binati at nginitian kami ng guards at staff—— kilala na din nila ako dahil madalas nga akong naghihintay kay Arman dito sa lobby area kapag may morning schedule siya. Pero never pa akong nakapunta or nakapasok sa unit niya. That's his personal space kaya hindi ko siya ginagambala everytime na late siya. Never ko siyang sinugod sa unit kahit na gustong-gusto ko! Mahalaga kasi talaga ang oras para akin.


Pagpasok namin ng elevator ay wala itong ibang laman. Papasara na sana ang elevator ng may mapansin akong Ginang na may dalang baby na patakbong humahabol sa papasaradong elevator kaya mabilis ko iyong pinindot para pigilang sumara. Mabuti naman at bumukas ito muli at nakapasok ang mag-ina. Umusog kami ni Arman sa bandang likod.


"Thank you." sabi ng Ginang sa akin. Ngumiti lamang ako dito. Napatingin ako sa baby girl—- siguro ay isang tao na ito. At dahil bitbit ito ng Ginang ay nakaharap ang bata sa akin. Tinuturo-turo ako ng bata at humahagikgik pa ito.


"Hi pretty girl!!" sabi ko dito tsaka ko hinawakan ang pisngi.


Nilalaro ko ang bata hanggang sa lumabas na ang mag-ina. Nakangiti parin ako at inaalala ang ngiti ng bata.



"Mascot ka talaga sa paningin ng mga bata ano?" rinig kong sabi ng Alien sa tabi ko.




"Haha, Nakakatawa."




"Mascot na witch!" sabi nito sabay pisil sa ilong ko—- pero magaan lang at hindi masakit.



"Arman!!!! Ano ba! Ang dumi-dumi ng kamay mo eh!!!" maarteng sabi ko dito. Pero ang loko-loko ay magmmake-face lang sa akin.










Paglabas namin ng elevator ay tumungo na kami sa dulong unit.





Pagbukas ni Arman ng pinto ay na-amazed ako sa itsura ng interior nito. I didn't expect na sobrang laki ng unit niya! Siguro ay apat na pinto ng standard size ng condominium unit! At mas hindi ko inexpect na minimalist ang vibe ng unit niya! Black , white & Wooden ! Wow! Sa sobrang laki, ang konti ng gamit! Pagpasok mo ay bubungad kaagad sa kanan ang napakalaking black sofa , na siguro ay 5 seater ang isa at 7 seater ang isa pa. Nalula din ako sa napakalaki niyang flat screen tv!

Ang ganda ng interior! Parang sa magazine ko lang ito nakikita noon. Mahal ang pagawa dito. Sure ako.


Napatingin ako kay Arman ng maglakad ito palapit sa gray na malaking kurtina——- napanganga ako ng buksan niya iyon at bumungad sa amin ang napakagandang city view mula sa napakataas ng palapag na ito! Kitang-kita ang haring araw na malapit ng lumubog!



"Ang ganda ng unit mo!!!!"





"Thanks!" tipid na sagot nito.




"Deserve mo magmayabang! Ang ganda talaga!  Promise!!! Ang ganda ng view!  Cost a million dollar din ba ito?" natatawang tanong ko dito habang nakatanaw sa napakagandang city view. Nakakalula pero napakaganda!




"Not a Million Dollar." tipid na sagot niya. Ngayon ay napatingin ako sa isang malaking black cabinet na kung saan naka display ang mga awards ni Arman.




"Wow! Ang yabang talaga!!! Grabe yun!!"




"Kulang pa iyan. Pupunuin ko pa." nakangiting sabi nito.



"For sure! Madadagdagan pa yan!" nakangiting sabi ko. Nilibot ko muli ng tingin ang unit. May room ba? Wala kasing kama.




"That's my room if hinahanap mo." sabi nito sabay turo sa black door.



"Hoy! Wala naman akong pakialam kung saan yung kwarto mo! Nagtataka lang ako kung saan dito yung lilinisin? Eh nakapalinis naman tsaka ang minimalist nga! Walang masakit sa mata!"




"I told you earlier. Mag sosort ako ng damit. At hindi pa ako tapos. Nasa room ko. Doon yung messy." sabi nito sabay lakad. Sumunod ako sa kanya. Binuksan niya ang pinto at mas lalo yata akong na-amazed sa the interior ng kwarto niya.



Manghang-mangha ako sa ganda ng kwarto nito. Oo, kwarto ito ng lalaki dahil sa kulay at disenyo. Agad na hindi nakatakas sa mga mata ko ay ang malaking kama na nasa gitna ng malawak na kwarto na ito. Tingin pa lamang ay alam kong malambot iyon at masarap sigurong higaan. Kung sa labas ay puro trophy ang nasa cabinet ay dito naman sa room niya ay mga picture frames ——- imahe ng batang lalaki, babae at mga magulang. Napangiti ako ng lumapit sa isang picture frame. Maliit laman ito pero naagaw agad ng atensyon ko ang napakagandang ngiti ng isang batang lalaki na nakasuot ng boyscout outfit. He's holding a medal habang ngiting-ngiti sa picture.



"Don't laugh at him. Hindi siya masayang nakikitang pinagtatawanan mo siya." I heard him habang nasa likuran ko.



"Ang ganda ng ngiti mo dito! Sa school ba ito? Anong medal ito?" makulit na tanong ko.




"Malamang sa school yan! May boyscout ba sa beach." pilosopong sagot nito. Umirap na lamang ako at pinagpatuloy ang pagtingin sa mga picture.


"Lilinis kaya yung frame kung tititigan mo lang?" rinig ko muling sabi nito. Hindi ko siya nilingon at pinagpatuloy ko lang ang paglilibot ng tingin sa kwarto niya. Hanggang sa makita ko ang isang itim na gitara na nakasabit sa dingding. Mukha itong bago at may nakaprint pa na initials niya.




"Marunong kang maggitara?" manghang tanong ko dito.




"No." agad na sagot niya sabay lapit sa tinitingnan kong gitara.




"Hindi? Talaga ba? Singer ka kaya! For sure marunong ka rin maggitara!"




"Hindi lahat ng singer ay kayang tumugtog ng musical instrument!"




"Totoo ba? Hindi ka marunong? Eh anong kaya mong tugtugin?"



"Sometimes, organ. Pero not professionally.. tamang rehearsal lang."




"So hindi mo pa to nagagamit? Ever??" kinuha ni Arman ang gitara mula sa pagkakasabit.





"Regalo ni Thea sa akin ito. Hindi ko na tanda kung kailan. Binili niya with her owned money. Kahit alam niyang I can't play a guitar, binigyan niya ako para daw makapag practice ako. Pero kahit anong practice ko, hindi ko talaga kaya. Kaya ayan, naging pang display na lang." nakangiti ito habang inaalala niya yung time na niregalo sa kanya mi Thea ang gitara.




"Even 1 song? Hindi mo kaya?"




"Ang kulit Gia, hindi nga! Wala. Wala talaga." Hiniram ko ang gitara mula sa mga kamay niya. At pinaubaya naman niya at binigay sa akin. I positioned my fingers——— isang kalabit. Napangiti ako. Kaya ko pa pala?




"Marunong ka??" hindi makapaniwalang tanong nito. I smiled to him sabay tango.




"Seryoso ba? Sige nga! 1 song!" hamon nito sa akin.




"Mahal ako! 1K per song!" arte ko sa harap niya kaya napakamot siya sa ulo tsaka binawi sa akin yung gitara.




"I forgot—- cleaner ka pala sa bahay ko ngayon. Wala tayong matatapos kung kakalabitin mo lang tong gitara ko." sabi nito sabay tabi ng gitara sa kama.




"Grabe sa cleaner! Hays. Tara na! Simulan na natin para matapos agad! So paano ko sisimulan yang mga yan? Sorting per ano? Pero color ba? category?"



"Per catergory!" sagot nito tsaka ako sumalampak sa sahig ng kwarto niya at inumpisahan na ang sorting ng mga damit.



Wala pang isang oras ay natapos kami. Hindi ako makapaniwala na sa loob ng isang oras at maiksing sandali, napakadaldal pala nitong si Arman. Nagiging open na siya sa mga personal na kwento ng buhay niya bilang batang Arman. Kwentong hindi ko lubos maisip na malalaman ko dahil hello—- we're enemies before , right? And now? Komportable na itong magkwento sa akin. And masaya ako dahil doon.





"Grabe yung 13 years old may tatlo kang girlfriends, sabay-sabay! Playboy!" pang aasar ko dito. He laugh tsaka umiling.



"Not official girlfriend ko sila! Sila yung may crush sa akin dati. Per section yata meron nagkakagusto sa akin kasi nga singer ako ng school so kilala nga ako at kumakanta. So ayun, nung valentines day, may tatlong babaeng nagbigay sa akin ng chocolates pati bulaklak."



"Wow! Baliktad ang mundo! hahahaha.."



"Hindi ko na kasalanan na magkagusto sila sa akin! Nakakahiya naman kung hindi papansinin diba? Tsaka wala-wala lang yun. Pero inaamin ko na the 13 years old Arman? Masaya siya that time! Masaya kayang malaman mong may nag aadmire sayo!"



"Okay ! Gets ko! Pero wala kang naging official girlfriend sa kanilang tatlo?"



"Wala. Tamang kilig lang. Ang bata ko pa nun."




"Eh bakit hanggang ngayon dala mo parin yung bisyo ng batang Arman? Yung Tamang pakilig lang! Ang dami mo kayang babae, iba-iba."




"Iba naman yun! Tsaka wala na yun. Hindi na ako ganun."



"Wow!? Talaga ba? Baka nga bago ako lumabas ng unit mo mamaya, may babaeng bibisita sayo tapos makita ako tapos sasampalin ako kasi baka akalain niya kabit mo ako. HAHAHAHAHAH."



"What? Saan na napunta imagination mo! Gia , kung may dumating man na babae dito, hindi ka pagkakamalang kabit ko, baka pagkamalan ka pang katulong——- aray! Tama na! Hoooy!" inis kong pinagsusuntok yung braso ni Arman. Binibwisit na naman po niya ako!





"Anong oras na ba? Magpupunas ako ng mga display mo dito para walang alikabok pagdating ng Mom mo bukas." tumayo ako tsaka tinuro ni Arman yung CR kung saan nakalagay yung basahan.




Matapos kong magpunas ay nilapitan ko ang vacuum cleaner sa gilid.



"Ano yan? Anong gagawin mo?"




"Vacuum. Magvavacuum ako."


"Marunong ka?"


"Hah? Oo naman! Bakit? Hindi mo ba to ginagamit??"



"Hindi."



"Ang dami mong gamit dito na hindi mo napapakinabangan! Grabe."




"Eh nagpapalinis lang ako ng unit eh. Tsaka minsan lang ako dito. Mas madalas pa yata akong nasa kotse."



"Nakakapagod siguro ang trabaho mo ano?"


"Para namang hindi mo alam yung trabaho ko."



"Oo. Alam ko. Pero syempre, iba yung akala ko sa totoong nararamdaman mo bilang ikaw naman talaga yung napapagod. Nakakapagod bang matapatan palagi ng ilaw at matutukan ng microphone?"



"Nakakapagod pero masarap sa puso." nakangiting sagot nito. Napangiti din ako sa sinabi nito tsaka ko naalala yung upcoming concert niya. Deserve niya talaga!



Lumapit ako ng kaunti kay Arman tsaka ko kinalabit yung muscle niya.



"I'm a fan!" nakangiting sabi ko dito na tila ba nagsasabi ako ng sikreto sa kanya.




"Hinahangaan mo ako?" pagklaro nito.




"Oo. Ang ganda ganda kaya ng boses mo! Wag ka sanang mapapaos!" natatawang sabi ko dito. Napansin kong gumihit ang ngiti sa labi nito habang nakatingin sa gitara sa kama. Tumayo ito tsaka niya kinuha ang gitara at inabot sa akin.










"Tumugtog ka. Kakanta ako."










👽

Продовжити читання

Вам також сподобається

Fixing You Від Chancymoon

Романтика

67.5K 1.2K 33
Will you still lay your cards just to be fixed? You #2 of You Duology © 2016 by Chancymoon
359K 6K 42
Tatlong taon ang lumipas. All the memories still lingers inside his head and his heart. Ilang beses na nya itong sinusubukang itapon pero paulit-ulit...
53.5K 1K 24
The Princess Series Book Two. Jasmine Cortez has been hurt and broken once before, and ever since then she never found love too interesting. One wou...
I Was Raped By mafia Boss [Completed] Від K.

Щоденники та біографії

133K 3.8K 54
(Under Editing All parts) Date of write: February 2020 Date publish: June 28 2021!!!! End: May/28/2022 Mafia series 2