A Rose Hidden in The Thorns.

By yvzuha

3.8K 138 29

Heirra International School. The most well known school in the country. despite being an all boys school they... More

Chapter 1:First day.
Chapter 2: Lawrence.
Chapter 3: Darling.
Chapter 4: Sick.
Chapter 6: who are you?
Chapter 7: Friends.
Chapter 8: Trouble?
Chapter 9:Number.
Chapter 10:Disappointed
Chapter 11: Co-parenting.
Chapter 12: I hate you.
Chapter 13: Looking.
Chapter 14: Worried.
Chapter 15:nahulog
Chapter 16: New President
Chapter 17: Lost child.
Chapter 18: Napabayaan.
Chapter 19: Bakit?
Chapter 20: Butterfly.
Chapter 21: Trending.
Chapter 22: Kuya.
Chapter 23: her.
Chapter 24: Camera.
Chapter 25: Phoenix.
Chapter 26: how much?
Chapter 27:
Chapter 28: Sino?
Chapter 29: Siblings.
Not an update!

Chapter 5: Number.

155 3 0
By yvzuha

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto.

Anong oras na kami natapos ni Layvance sa pagpapainit-

Ay, puta, ang pangit pakinggan.

I mean iparamdam sakanya ang init-

Shuta!

Ah, basta nagpainit kami.

PUTANGINA. ANG DUMI!

Kaya hito ako. Alas dos na nang umaga nakauwi. Jusko!

Mukang tulog na rin naman sina mommy at hindi na 'ko hinintay. Nasa bandang sala na 'ko nang biglang nag-on ang ilaw. Takot ako sa multo pero sana multo na lang nakita ko kesa sa bultong to.

"M-mommy," Kinakabahan kong turan.

She's sitting on the chair with a wine glass on her hand.

Jusko baka ibato sakin.

"Anong oras na?" Diretsyo niyang tanong.

"Uh... Ano... Umm... Teka... Titignan ko-"

"Khai Sylvester! Alas dos na nang umaga. Malapit nang mag-alas tres!" Nagulat pa 'ko sa biglaang sigaw niya. "Uwi na nang matinong tao to?! Hanggag 5 lang ang klase nyo, ah!"

Hindi ako umimik. I just stud there listening to her.

"Sumagot ka Sylvester!"

"Ano kasi-"

"Sumasagot sagot kana ngayon?!" She cut me off.

Sabi mo sumagot ako!

"Ano ha?! Napipi ka ata bigla?!"

Mabuti na lamang at may pasok kami bukas at hindi sumubra ang sermon ni Mommy. Pinaakyat na niya 'ko nang nagising si Daddy at sinabing patulugin na ako't may pasok pa bukas. Nangako naman akong 'di na mauulit, kaya hinayaan na 'ko ni Mommy.

Umagang-umaga ang panget nang bumungad sakin.

"Why are they here again?" I asked one of the maids.

"D-dito raw ho sila mag bre-breakfast, sir."

"Pre, hingi ako hatdog."

"Milo lang akin."

"Wala pa ba si Ayler?"

"Anong oras ka nagising?"

Subrang ingay nila ang aga-aga. May pasok pa kami but Aidan's classmates are here. Dito pa talaga kakain.

Automatico naman silang natahimik lahat nang pumasok ako sa hapag. Their eyes are on me. But my eyes remain on the guy smiling at me meaningfully.

Lord, sana po maubos ang mga ngipin ni Lawrence, amen.

Inirapan ko lang siya't naghanap nang makakain.

"Good morning, my subrang gwapo kong kapatid-"

"Fuck off." Pinutol ko na ang sasabihin ni Aidan.

Alam ko kasing may kaylangan siya. Wala ang cook namin ngayon kaya walang tagaluto. At kung pinaplano niyang paglutoin ako'y magplano siya ulit.

Humawak siya sa dibdib at umaktong na saktan. "Ang harsh mo naman, gwapo."

Inirapan ko na lang siya't kumuha nang bacon, hattdog, at egg sa ref.

Nagsimula na 'kong magluto't hindi pinansin ang demonyong pilit akong kinakausap.

"Ano niluluto mo?"

"Masarap yan?"

"Tingin."

"Oy, kapatid!"

"Khai!"

"Gwapo!"

"Rock star-"

"PUTANG INA! Ano ba? Ang aga-aga!" Napuno na 'ko.

Tinignan ko siya nang masama. Nagulat pa siya sakin at tinignan akong parang iiyak na hanggang...

"Mommy! Khai's being mean!" sigaw niya at nagtatakbo. Siguradong papunta sa kwarto nina mommy.

Lumabas ako sa kusina't napadaan sa dinning. All the brat's friends are looking at me judging. While Lawrence on the other hand is just smirking at me.

"Such a mean, sibling." He taunt.

Sasagog sana ako kaso naalala ko ang huling mga salita niya. Narakaramdam naman ako nang hiya kaya inirapan ko na lang siya. Ramdam ko nanaman ang pamumula nang muka ko. Jusko!

Lalakad na sana ako palabas nang dinning nang pumasok si Mommy na hila-hila ni Aidan.

"Mommy, oh. He's being mean!" He said pouting.

Halatang ginising pa niya si Mommy kaya nasampal ko na lang ang noo ko.

"Khai, ano to?" Naguguluhang tanong ni mommy. Halatang inaantok.

"Nothing. Your son's a brat, mom. Go back to sleep I'll take her of this. I'm sorry." I gave her a kiss on the forehead.

Nang makaalis si Mommy wala akong sinayang na oras. Agad kong hinablot ang tenga nang bwesit na nakangiti sakin nang nakakaloko.

"Aray! Tsakit!" Daing niya.

"Talagang masasaktan ka! Ginising mo pa si Mommy! You spoiled brat!"

Tinanggal ko naman ang kamay ko sa tenga niya nang namula na ito. Nagtatakbo naman ang hayop papunta sa pinono. "Lawrence, oh, tamo inaaway ako."

Sinamaan ko naman nang tingin ang piste. Nagsumbong ang puta. "Tsk! Magsama kayo. Pareho kayong mukang lasing na pirate. At Aidan fix your socks. That's not even a pair. Green yung isa tas blue yung kabila!"

"Bakit ba?! Aesthetic to e!"

"Gago, muka kang badjao!"

"Ang gwapo ko namang badjao!"

"Puta, kaya pala ang init-init dito sa bansa lahat nang hangin nasa utak mo na." And just like that he was speechless.

Sunod sunod namang nagreact ang mga kaklase niya.

"Boom!"

"Burn!"

"Palag Aidan, oh!"

"Wah!"

"Idol na kita, kung sino ka man."

"Kayo rin. Ang aga-aga ay nakikibahay kayo! Sabay-sabay ba kayong pinalayas?!" Tanong ko na ikinatahimik nila.

Kanya-kanya sila nang iwas. Meron pang nagpapanggap na walang narinig. Meron ring pinaglalaruan ang Plato't kutsara.

"Your brother's treating us breakfast." Si Lawrence. Hindi parin nawawala ang nakakaluko niyang ngiti.

Binalingan ko ang kapatid ko. "Wow, grabe bait mo, ah. Parang 'di ka sinuntok nito ah." Turo ko kay Lawrence.

Nagkamot lang nang batok si Aidan at nag iwas tingin.

"Wow, tapang mo, ah. Parang walang bundok-" Hindi na natapos ni Lawrence ang sasabihin nang ibato ko sakanya ang kutsara nang lalaking pinakamalapit sakin.

"Ay, nilawayan ko na yun, eh."

Hindi naman ininda ni Lawrence ang pagbato ko. Tinawanan niya pa ko't kinindatan.

"Tigilan mo yan, lulukutin ko mata mo." Banta ko.

Tinawanan niya lang ako. May sasabihin sana ako nang may malala. Binalingan ko ulit nang tingin ang unggoy. "Lawrence," Hindi naman umalis ang tingin niya sakin kaya tinaasan niya lang ako nang kilay. "Where's Layvance? Is he in school already?"

Biglang sumeryoso ang muka niya. In just a blink of an eye everyone was alerted.

Since I was born I had this thing na mapagmaramdam ako sa paligid. So growing up I'm more sensitive with my surroundings. I can easy feel things.

And right now I can feel everyone being extra careful with me. I can tell that their watching my ever move. And I can even tell that one if them is holding a small knife in case thing go wrong.

What a brave thing to do.

Lawrence on the other hand just acted offended. "Ito naba yung sinabi ni Moira na 'ako ang kasama pero hanap mo siya'?"

Inirapan ko lang siya't bumalik na sa kusina. At dahil sa away pinagluto ko na rin sila. After I'm done I asked the maid na dalhin ang niluto ko sa hapag. Sa kusina na ko kumain dahil baka mawalan ako nang gana pagnakita ko ang pagmumuka ng mga yon.

"You cooked this?" Si Lawrence nang mapadaan ako sa hapag.

Hindi pa sila tapos kumain.

"Pagnalason isa sainyo that's when you know that I Cook that." Pamimilospo ko.

Ang mga tarantado'y umakto pang nahihirapang huminga. Ang iba'y kunwari'y nabulunan. Matuluyan sana.

"Masarap. Pwede ka nang mag-asawa." Si Lawrence.

"Segi ba basta kapatid mo pangangasawahin ko." I said coldy.

Alam ko kasing may kapatid siyang babae. I saw it in one of the papers na pinakita ni Layvance sakin kahapon.

Bigla namang siyang sumeryoso. "You're digging your own grave."

"Don't worry. pagnahulog ako, isasama kita."

"Pano kung nahulog na 'ko?"

"Ililibing kita." Inirapan ko siya at umalis na.

Tinapos ko na ang usapan dahil parang may iba siyang pinahihiwatig.

Pagdating sa kwarto'y nanipilyo lang ako't nag ayos. Kinuha ko lang ang ID ko't bumaba na. Pero paglabas ko nang pinto'y natigilan ako.

Nandito pa rin ang mga kaklase ni Aidan. Nasa labas sila nang gate tila may inaabangan. Paglabas ko nang gate ay don ko lang na pansin na lahat siya'y nakatangin sa is ang sasakyan. It's a Mercedes car, parked right in front of me.

Hindi nagtagal ay lumabas rin ang mayari nito. Kumunot naman ang noo ko nang naglakad si Layvance palapit sakin. "Tagal mo."

"What are you doing here?" I asked.

"Sinusundo ka," He formally replied.

"May sasakyan ako."

"Ako rin,"

Kinuha niya ang bag ko sakin at nilagay sa backseat. He opened the door of the front seat, nagpatianod na lang ako nang isakay niya 'ko sa sasakyan niya.

Nilalamig ata si President.

Hindi rin ako nagkamali dahil pagkapasok niya sa sasakyan ay agad niyang hinawakan ang kamay ko. Normally ay magagalit ako sakanya pero dahil sa sakit niya'y hindi na 'ko umangal.

Walang nagsasalita samin the whole ride until I realize na ibang daan ang tinatahak namin.

"Layvance, maling daan." Napatingin ako sa bintana to confirm it.

"I know,"

"E bat dito-"

"Wala tayong pasok, Setheria." Directa niyang sagot.

"Eh?!"

"Nag pass ako nang letter sa Principal and they approved it. Cinancel nang principal ang klase nang Special Science 12."

"Pwede ba yon?"

"I have ways."

BDO.

"E san tayo pupunta?"

"Hospital. We'll get you check."

"Hoy, gago wala akong sakit." Nangunot ang noo ko.

"Ako meron." Ay puta. "Well get you check para tignan kung anong meron sayo't nararamdaman kita."

Malamang buhay ako.

Gaga, kahit patay nagpaparamdam.

Hindi na 'ko umimik. I agree to him. We need to get checked. Baka sakaling ako na si Mr. Right. Charot.

When we arrived at the hospital ay hindi na rin ako umangal nang napunta sa bewang ko ang mga kamay niya. May aircon ang hospital na 'to kaya siguradong nilalamig siya.

Naglakad-lakad lang kami hanggang may pinasok kaming kwarto.

"Doc," Si Layvance.

Agad na napatingin samin ang binatang Doctor na kanina lang ay may binabasa.

"You're here." He smiled at Layvance before he glance at me. "Is she the one?"

She?! SHE?! SHE!

"Yeah," Dinala ako ni Layvance sa upuan a harap ng lamesa Nang Doctor.

Pero imbis na umupo sa harap na upuan ko'y kumuha siya nang isang stool chair at nilagay yon sa tabi ko. Papalag pa sana ako nang yumakap sa sakin kaso dumaing siya. Don ko lang rin na realize na medjo maginaw sa kwartong to, kaya siguradong masginiginaw siya.

Hinayaan ko na lang siyang patagilid na yumakap sakin.

Tumawa lang ang Doctor sa harap naman. "Good morning, Um..."

"Khai." I stated.

"Khai. Good morning, miss khai. I've heard about you last night. My names, Doctor Yang. I'm Mr. Birondo's personal Doctor, it's a pleasant to meet you." Nilahad niya pa sakin ang kamay niya.

Tinanggap ko naman ito.

"So, you're aware of Mr. Birondo's illness, am I right, Miss Khai?" He asked.

I nodded.

"And you are aware that he can feel your heat?"

I nodded again.

"And you're fine with it?"

Nagtaka ako sa tanong nang Doctor.

What does he mean by that?

Naramdaman ko naman ang bahagyang paghigpit nang yakap sakin si Layvance.

I got more confused nang sumilay ang nakakalokong ngiti sa labi nang Doctor. Trip nito?

Nandito kami ngayon ni Layvance sa isang restaurant. We decide to eat our lunch here. Kakatapos lang nang check up niya. Hindi rin alam ni Doc Yang kung paanong nararamdaman ni Layvance ang init ko. We did some few tests and we confirmed na hindi nag bago ang condition niya, kaya nanatiling palaisipan samin kung paano niya 'ko nararamdaman. The Doctor also took some of my blood to be examined.

"Layvance! Umusog ka nga! Pinagtitinginan tayo!" Itinulak ko ang muka niya palayo sakin.

Alam kong sumangayon ako sa ganito, pero subra-subra naman siya! Pinagtitinginan na kami! Sino na naman hindi. Nakakalokong lang naman ako sa hayop na to habang nasa leeg ko ang pagmumuka niya't nasa bewang ko naman ang mga braso.

"Let them. Huwag kang malikot!" Mas humigpit ang yakap niya sakin.

"Baka palabasin tayo! Isipin naglalampungan tayo rito!"

Tumaas ang tingin niya sakin. "Tayo? Palalayasin dito? Ipaclose ko pa to, eh. " Muling bumaon ang muka niya sa leeg ko kaya dumaing ako. "My family owns this restaurant, darling. Don't worry. Just let me feel you, please?"

Naramdaman ko naman ang pamumula nang muka ko. Jusko! Anong darling? Walang darling-darling, oy!

Teka! Sakanila tong restaurant? Mukang namahalin to, ah.

"S-sa inyo 'tong restu?"

He nodded.

Hindi rin nagtagal ay dumating rin ang order namin. Masnauna pa kami kesa sa mga taong nauna pa samin rito.

Mabuti na lang at humiwalay nasa akin si Layvance nang magsimula na kaming kumain.

I'm having a potato salad with some butter shrimp and a red wine. While Layvance has a beef stake and wine.

Hindi pa naman kami gutom kaya kaunti lang ang enorder namin.

"Khai?"

I hummed when he called me. He's busy driving while I'm busy with my phone.

"Can I have your number?" My attention went to his question.

"What?"

"The number your father gave in your registration form was his. I wanna have yours, please?" Hindi man nakatingin sakin ay ramadam ko parin na nagpapaawa siya.

"What for?"

"Midnight talk. Pampatulog. Lampingan. Haruta-" I cut him off by hitting his arm. Napatawa naman siya. "But still, I'm serious. Can I have your number, please?"

Hindi na 'ko umangal. He gave me his phone from his pocket at sinave ko na ang number ko. I named it heater. Pampainit.

Yuck!

******

A: oy, oy, maylumalamang na.

Not yet edited sorry.

Continue Reading

You'll Also Like

111K 4.5K 195
This story follows the early life of James also known by his street name Headshot or Shooter. James had an extremely rough childhood, one that turned...
62.6K 2.6K 37
α΄…Ιͺᴠᴇʀɒᴇɴᴛ; ᴛᴇɴᴅΙͺΙ΄Ι’ ᴛᴏ ʙᴇ α΄…Ιͺκœ°κœ°α΄‡Κ€α΄‡Ι΄α΄› ᴏʀ α΄…α΄‡α΄ α΄‡ΚŸα΄α΄˜ ΙͺΙ΄ α΄…Ιͺκœ°κœ°α΄‡Κ€α΄‡Ι΄α΄› α΄…ΙͺʀᴇᴄᴛΙͺᴏɴꜱ.
62.5K 10.4K 71
ΰΆ±ΰ·”ΰΆΉ ࢱිසා ࢯැවුࢫි.....πŸ’™ ΰΆ±ΰ·”ΰΆΉΰ·™ΰΆ±ΰ·Š ࢸා ΰΆ±ΰ·’ΰ·€ΰ·™ΰΆΈΰ·’......πŸ’™
4M 86.7K 62
β€’[COMPLETED]β€’ Book-1 of Costello series. Valentina is a free spirited bubbly girl who can sometimes be very annoyingly kind and sometimes just.. anno...