ROZOVSKY HEIRS SERIES 4: MARC...

بواسطة helene_mendoza

27.5K 205 11

BLURB ROZOVSKY HEIRS 4: MARCUS AURELIUS (CRUEL BASTARD) I was used to life's hardships and battles. I grew up... المزيد

AUTHOR'S NOTE
PROLOGUE
CHAPTER ONE | BARKER
CHAPTER THREE | OFFER
CHAPTER FOUR | BILLS
CHAPTER FIVE | HAPPY HOUR
CHAPTER SIX | TUITION FEE
CHAPTER SEVEN | COUGAR
CHAPTER EIGHT | UNHOLY
CHAPTER NINE | BLEED

CHAPTER TWO | DREAM ON

1K 14 0
بواسطة helene_mendoza

Don't be afraid of the space between your dreams and reality. If you can dream it, you can make it so. – Belva Davis

CRUEL BASTARD

CHAPTER TWO | DREAM ON

LAUREL

"Buwisit si Arcus. Sayang talaga. Ang guwapo-guwapo pero amoy formalin."

Hindi ko pinapansin si Wanda na walang tigil nang kakareklamo sa amoy ng lalaking sunod nang sunod sa amin kanina. Napaikot na lang ang mata ko nang maalala ko ang amoy ng lalaking iyon. Ang baho naman kasi talaga. Sanay ako sa amoy ng ospital at amoy ng patay dahil lagi naman kaming nadu-duty sa ward at ER. Minsan nga sa ICU pa. Doon talaga grabe ang amoy. Pinaghalo-halong amoy ng gamot at cleanser na hindi maipaliwanag. Basta amoy ospital. At sa laboratory na nag-exam kami kanina sa Anatomy. Doon amoy formalin o nabubulok na kung ano.

Ganoon ang amoy ng pabango ni Arcus kanina. Ang baho. Gusto ko ngang masuka sa baho.

"Bakit ba kasi naging mahirap pa 'yang si Arcus? Kung naging mayaman pa 'yon siguradong mas maraming magkakandarapa doon." komento pa ni Wanda.

"Kahit naman walang pera ang isang iyon, marami pa ring mga babaeng nagkakandarapa doon. Bata. Matanda. Pati nga bakla. 'Di ba? Nakikita mo naman ang mga tumatambay sa harap ng tindahan namin ng tela kapag nandoon na si Arcus. Parang mga bulateng inasinan na kapag nagbubuhat na ng mga kahon si Arcus." Napapailing pa ako sa tuwing maaalala ko kung paano magkagulo ang mga iyon sa harap ng tindahan namin. Ang nanay ko nga ay nakukunsumi na at kailangan pa silang itaboy. Hindi nga lang magawang itaboy si Arcus dahil napapakinabangan talaga. Magaling kasi sa tao si Arcus. Bibo. Ang mga kliyente ng tela na dumarating ay agad na hinaharang para sa tindahan namin pumunta. Siya pa talaga ang nagbibigay ng mga tips kung paano makakamura sa amin tapos siya ang mag-o-offer na libre ang buhat ng pinamili ng mga kliyente. Na madalas naman ay binibigyan din siya ng tip.

"Naman kasi 'no? Kahit naman ako, ihain araw-araw sa akin ang nagmamantikang dibdib at abs ni Arcus, para din akong bulateng aasinan. Bukod-tanging ikaw lang ang hindi nakakapansin kung gaano siya kaguwapo at ka-macho." Sagot sa akin ni Wanda.

"Hindi tayo mapapakain ng kaguwapuhan at ganda ng katawan. Hindi tayo mabibigyan ng magandang buhay ng mga taong walang pangarap sa buhay at nakuntento na lang na maging barker at taga-buhat ng mga pinamili ng iba. Ano pang silbi at nag-aaral ako ng nursing kung papatol lang din ako sa tambay?" Naiiling na sabi ko.

"Hindi ko naman sinabing patulan mo si Arcus. Ang sinasabi ko lang, pansinin mo naman kahit paano. Effort naman 'yong tao. Lagi kang hinihintay sa sakayan. Sunod nang sunod sa iyo pauwi. Sinisiguro na walang mambabastos sa iyo. Sa atin. Kahit binubulyawan ng nanay mo, nandiyan pa din. Sa ngiti mo lang kuntento na 'yon."

Napahinto ako sa paglakad at humarap sa kaibigan ko. "Ano ka ba? Ibinubugaw mo ba ako kay Arcus? Ayaw ko doon. Mga patapon ang buhay noon saka ang kapatid niya. Hinding-hindi ako papatol sa katulad ni Arcus. Hindi ako mabubulok sa lugar na ito. Mayaman ang mapapangasawa ko. Doktor o kaya lawyer. Puwede ring CEO. May-ari ng isang kumpanya. Hindi ako mabubulok sa tindahan ni nanay at magkakahera doon habambuhay. Magkakaroon ako ng magandang bahay. Kotse tapos de-driver ako. Titira ako sa isang exclusive village at hindi Barangay Bayagbayag ang nakalagay sa ID ko. Tapos sa Rustan's ako maggo-grocery. Sa Hongkong ako mamimili ng damit o kaya sa France kapag fashion week. Magta-travel ako sa Europe. Sa Amerika. Lilibutin ko ang buong mundo." Tila nangangarap na sabi ko at napapangiti pa habang ini-imagine ko ang sarili ko na may hila-hilang maleta at pasakay ng eroplano tapos nakasuot ako ng mamahaling designer clothes.

"Sige lang. Wala namang masamang mangarap. Kahit tumirik pa 'yang mata mo sa imagination walang pipigil sa'yo." Napapailing na sabi ni Wanda tapos ay natatawa. "Pero girl, isama mo naman ako kapag nag-Euro trip ka. Pangarap ko din 'yon."

Pareho kaming napabungisngis ni Wanda habang naglalakad pauwi. Napadaan kami sa court at nakita ko na may mga naglalaro na doon at mga tambay. Ang kilalang BTS members sa lugar namin. Mga samahan din ng tambay dito iyon alam ko kasama ang kuya ni Arcus. Nagkatinginan kami ni Wanda nang makarinig kami ng mga pagsipol at hiyawan galing sa court. Binilisan na lang namin maglakad dahil nakakabastos na talaga ang mga pagsipol na iyon. Kung mayroon lang talagang ibang daan ay hindi kami dadaaan dito. Mga buwisit na tambay na walang magawang matino kundi ang mambastos.

"Hoy! Magsitigil nga kayo. Nakakabastos 'yang ginagawa n'yo."

Sinundan namin ng tingin ni Wanda kung sino ang nagsalita noon at nakita naming ang kapatid ni Arcus na si MVP iyon. Tulad ni Arcus, guwapo din ito. Usap-usapan talaga dito sa barangay namin na nalahian ng foreigner ang magkapatid. Hindi ko naman maramdaman na nambabastos din si MVP. Nananaway lang talaga sa mga tambay doon. Sige ito sa pagsisigarilyo at sinenyasan kaming dumaan na.

"Walang puwedeng mambastos sa syota ng kapatid ko." Narinig kong sabi nito. "Gandang gabi, future hipag."

Napasimangot ang mukha ko at inirapan siya tapos at binilisan ang paglakad. Nang lingunin ko si Wanda at nakita kong nakakagat-labi pa at nakatingin kay MVP. Hitsurang kinikilig. Binalikan ko ang kaibigan ko at hinila ko na para makaalis na kami doon.

"Ano ka ba?" Inis kong sabi sa kanya.

"Ang guwapo kasi ni MVP." Kinikilig na sabi niya at nilingon pa ang lalaki.

"Laurel! Hatid ka daw ni Arcus bukas!" Hindi ko alam kung sino ang sumigaw noon mula sa court pero hindi ko na pinansin at lalo lang akong nagmamadaling maglakad palayo doon.

"Girl, kung si MVP ang papansin sa akin kahit magdildil kami ng asin keri lang basta buwan-buwan niya akong aanakan." Kinikilig pang sabi ni Wanda.

Natawa na lang ako sa kaimposiblehan ng sinasabi ng kaibigan ko. Pinabayaan ko na lang siyang mangarap doon.

Kumaway pa ako kay Wanda nang makarating na siya sa bahay nila. Mas mauuna kasi ang bahay nila kaysa sa amin. Pagdating ko sa amin ay naririnig ko na agad ang ingay ng bibig ng nanay ko. Nagsesermon na naman. Napahinga na lang ako ng malalim at hindi agad pumasok. Ayaw ko na munang masalubong ang mainit na ulo niya dahil siguradong pati ako ay madadamay sa init ng ulo.

"Aba, Rey. Hindi malakas ang kita ng tindahan. Sakto lang para sa pang-araw-araw na gastusin dito sa bahay at sa pag-aaral ng mga anak ko. Tapos magpapatalo ka sa sakla ng beinte mil?"

Mahina akong napamura at napatingin sa saklaan hindi kalayuan sa bahay namin. Kung bakit kasi hindi ito mapahinto ng mga pulis. Ako na rin ang sumagot noon sa sarili ko. Paano nga naman mahuhuli kung pulis mismo ang may-ari ng saklaan na iyon. Isang buwan na iyon. Nag-umpisa dahil namatay ang may-ari ng bahay. Dalawang linggo na ibinurol tapos nang mailibing, hindi na nawala ang saklaan. Madalas din tumatambay dito si Arcus kaya talagang hindi ako lumalabas ng bahay.

"Lagring ano ka ba? Kaya ako nagsusugal dahil nagbabakasakali ako na dumoble ang pera natin. Nananalo naman ako 'di ba? At kapag nananalo ako, hinahatian naman kita. Nagkataon lang na malas ako ngayong gabi." Katwiran ni Tito Rey.

"Putanginang malas ngayong gabi. Ang sabihin mo, lagi kang malas. Hindi ka na sinuwerte. Hindi mo tigilan 'yang sugal na iyan. Iyan ang magbabaon sa atin sa utang. Napakaraming bayarin. Renta sa tindahan, bayad sa mga supplier ng tela. Bayad sa mga tindera sa tindahan. Tuition ni Laurel. Tuition ni Lawrence. Saan ako kukuha noon? Naghihingalo na ang tindahan natin!" lalong tumaas ang boses ni Nanay. Napatingin ako sa paligid at naipagpasalamat kong walang gaanong tao. Dahil malamang, kung maririnig ng mga kapitbahay namin na nag-aaway na naman ang nanay ko at ang stepfather ko, pulutan na naman ang pamilya namin ng mga maritess at manginginom sa mga tindahan sa paligid dito.

"Swithart, huwag ka nang magtampo. Hindi naman ako laging malas. Minsan lang naman 'yon. Mababawi ko din naman ang napatalo ko ngayong gabi. Kung gusto mo, bigyan mo ako ng puhunan para makabawi ako." Lumambing na ang tono ni Tito Rey at sigurado ako na nilalambing na nito ang nanay ko. At kilala kong marupok ang nanay ko pagdating sa lalaking ito kaya kahit na abot-langit ang galit kay Tito Rey, lalambot pa rin at bibigay din.

"Tumigil ka nga." Kunwari ay naiinis pa ang tono ni Nanay pero halatang lumambot na ang boses. "Tumigil ka na sa sugal. Hindi na kita bibigyan ng..." impit na napatili si Nanay na halata namang hindi nasasaktan kundi gusto kung ano man ang nangyayari. "Huwag diyan, Rey. May kiliti ako diyan." Ngayon ay humahagikgik na si Nanay. "Baka dumating si Laurel. Huwag dito."

"Ikaw naman kasi lagi ka na lang nagagalit sa akin. Para din naman sa iyo at sa mga anak mo ang ginagawa ko. Habang hindi pa nakakapangasawa ng mayaman si Laurel, dito muna ako kakapit para lumago ang pera natin."

Sige ang hagikgik ni Nanay na alam kong lumipas na ang galit kay Tito Rey. Kinilig ako sa pandidiri nang maisip kung ano ang ginagawa nilang dalawa. Ano ba naman 'tong dalawang ito? Si Nanay, may-edad na ayaw pang umayos. Baka makita pa sila ni Lawrence at ma-trauma pa ang kapatid ko. Ang malala pa, baka mabuntis pa ang Nanay ko. Late forties na siya at alam ko nasa menopausal stage na. Delikado nang magbuntis. Malaking problema pa iyon kapag nagkataon. Si Tito Rey naman kasi ay bata pa at sampung taon ang tanda ni Nanay sa kanya. Kayang-kaya pang gumawa kahit sandosenang bata. Sa totoo lang, nang sabihin noon ni Nanay na may boyfriend siya at nakilala kong si Tito Rey iyon, ako talaga ang unang-unang kumontra. Wala pang isang taon na namamatay ang tatay ko pero may boyfriend na siya agad tapos itinira pa niya dito. Ang tagal din na pulutan ng mga tsismosa ang nanay ko noon. Usap-usapan na buhay pa ang tatay ko, may relasyon na si Nanay at si Tito Rey.

Doon na ako pumasok sa bahay para matigil na ang paglalampungan ng mga ito. Agad na naghiwalay ang dalawa nang makita akong pumasok. Nakalislis pa ang duster na suot ni Nanay habang nakapasok ang kamay ni Tito Rey sa ilalim noon. Nasa loob ng panty. Napaikot ang mata ko at dumeretso sa kusina.

"Bakit ka ginabi?" Si Nanay iyon ay agad na sumunod sa akin habang inaayos ang duster na suot. Sa likod ni Nanay ay naroon din si Tito Rey na halatang gusto ring malaman kung bakit late ako naka-uwi.

"Nag-exam pa ho kasi kami sa Anatomy. Nag-extend 'yong professor ko. Tapos mahirap hong sumakay. Walang jeep." Katwiran ko at binuksan ang ang plato na nakataob sa mesa. May tirang afritada kaya agad na kumalam ang tiyan ko.

"Baka naman nakipaglandian ka lang sa poreyner na hilaw na sunod nang sunod sa iyo," nakataas ang kilay na sabi ni Nanay. Alam na alam kasi niyang lagi akong kinukulit ni Arcus.

Napahalakhak nang malakas si Tito Rey nang marinig ang sinabi ni Nanay.

"Alam mo bang nagrambulan ang mga babae ng kuya noon sa bahay nila. Muntik pang magiba ang bahay na pinagtagpi-tagpi. Yariin ba naman ni MVP ang mga babaeng haliparot dito sa Bayagbayag. Ayon lahat naghahabol," tumatawang sabi ni Tito Rey at may dinukot sa bulsa. Nakita kong sigarilyo iyon at nagsindi.

"Baka puwedeng doon na kayo manigarilyo sa labas, Tito Rey? Bumabaho ang bahay. Nahihirapan akong maglinis." Pigil na pigil ko ang inis ko.

Halatang nainis si Tito Rey sa sinabi ko kaya lalong sinadya na magbuga ng usok doon.

"Lagring, 'yang anak mo pagsabihan mo 'yan. Baka isang araw bumigay iyan sa kakasunod ni Arcus. Guwapo pa naman ang batang iyon. Aminin na natin, ang magkapatid na MVP at Arcus, talagang pinagnanasaan ng mga babae ito. Isama mo na ang mga bakla at matrona na patay na patay sa mga iyon." Sige pa rin sa pagbubuga ng usok si Tito Rey.

"May pili naman ho ako sa lalaki. At may pangarap ako kaya hindi ako papatol sa tambay tulad ng Nanay ko."

Kahit ako ay nagulat sa nasabi ko kaya mabilis kong naitakip ang kamay sa bibig. Kita ko ang pagkagulat sa mukha ni Nanay at ganoon din si Tito Rey. Totoo naman kasi ang sinabi ko. Katulad ni Arcus, tambay lang din sa harap ng tindahan noon si Tito Rey. Tagabuhat ng tela sa tindahan at minsan assistant ni Tatay kapag umaalis. Si Tatay ang nagbigay ng trabaho sa tindahan ng tela hanggang sa maging boyfriend na ni Nanay nang mamatay si Tatay.

"'Tangina, Lagring. Hindi maganda ang lumalabas sa bibig niyang si Laurel. Pagsabihan mo 'yan." Inis na sabi ni Tito Rey at padabog na umalis doon. Napairap na lang ako nang marinig kong lumagabog pa ang pinto nang lumabas iyon.

"Anong kabastusan ang lumalabas sa bibig mo, Laurel? Hindi mo na iginalang si Rey? Tatay mo na 'yon." Inis na sabi ni Nanay sa akin.

"Hindi ko ho tatay si Tito Rey." Katwiran ko at naghain ng pagkain para sa sarili ko. "Kumain na ho ba si Lawrence?"

"Nag-aaral." Napahinga ng malalim si Nanay. "Iyang si Arcus ba sunod pa rin ng sunod sa iyo?"

"Hindi ko naman ho pinapansin." Sagot ko at nagsimula nang kumain.

"Aba dapat lang. Hindi kita iginagapang na pag-aralin ng Nursing para lang mauwi ka sa isang tambay. Wala kang kinabukasan sa lalaking iyon. Guwapo lang pero walang pera. Mahirap pa sa daga. Doctor ang dapat na mapangasawa mo. Iyong may-ari ng ospital. Ang mga ganoon ang dikitan mo hindi ang mga isang kahig isang tuka dito sa Bayagbayag."

Napapailing na lang ako at hindi na pinapansin ang mga sinasabi ng nanay ko. Sige na lang ako sa pagkain.

Kahit naman hindi sabihin ni Nanay, may sarili naman akong isip at hinding-hindi ko talaga papatulan si Arcus.

Hindi ako papatol sa isang tambay tulad ng ginawa ng Nanay ko. 

---------

This story is already complete and ready to binge read on PATREON and VIP. You can slide a message to Helene Mendoza's Stories FB page to know how to subscribe and read the exclusive stories. 

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

11.8M 475K 65
(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karapatang magreklamo-pasalamat pa nga raw si...
367K 18.6K 42
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...
25.6M 910K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...
17.1K 216 5
Teaser When love is not madness, it is not love - Pedro Calderon de la Barca JAS My friends knew me as the bubbly, loud-mouth Jasmine Riverte. I...