The Moon And The Star. Book 1

By annneo6

21.6K 255 6

She is scarlet and she loves calex so much, she almost chases him and begs him not to leave her. But how long... More

The Moon And The Star
Chapter 1: Drunk
Chapter 2: Good Night
Chapter 3: Alpha hospital
Chapter 4: Friends
Chapter 5: Letter
Chapter 6: Gerald
Chapter 7: Isla
Chapter 8: Awake
Chapter 10: Picture
Chapter 11: My Star
Chapter 12: The memories is back
Epilogue
Author's Note

Chapter 9: Stock Room

948 11 0
By annneo6

"Kian, masarap ito" inabot ko kay kian ang grapes at apple.

"I know" ngumiwi ako at binigay ng tuluyan iyon sa kaniya.

"Pilosopo" tinaasan niya ako ng kilay.

"You don't remember anything, pero kahit pala wala ka pa lang maalala, eh. Natatawag mo pa din ako ng ganiyan"

"Hindi na ako magtataka kung bakit ko sayo palaging nasasabi iyon noon hanggang ngayon" ngumiwi na lang siya at kinain ang grapes.

"Ilang taon lang akong hindi nagising kung sino-sino na agad umaaligid sayo" seryoso siyang tumingin sa akin. "Mahal mo pa ba si calex?" Hindi ako naka-sagot sa kaniya. Oo, kian. Mahal ko pa din si calex. "Silence means yes"

"Kian.."

"I understand, scar. Sabagay, ilang taon akong nawala. Hindi malabong magkagusto ka sa kaniya" napabuga ako ng hangin.

"Kumain ka na, kung ano-ano sinasabi mo"

"Scar, mahal kita. Sana naman kilalanin mo ulit ako bilang boyfriend mo" past is past, kian.

"Kukuha lang ako ng gamot sa pharmacy" tumayo ako at iniwan na siya doon.

Umupo ako sa bench at napatingala, hays. Ang hirap nito! Kung hindi ako nawalan ng alaala hindi mangyayari ito. Naglakad na ulit ako at napadaan ako sa room ni angel, sumilip ako sa loob at nakita ko si calex at angel na masayang nag-uusap. Still napaka-sakit pero wala naman akong magawa.

Pumunta ako sa pharmacy at kumuha ako ng gamot na kakailanganin ni kian. Pabalik na sana ako sa room ni kian ng masabat ko si calex, tinignan niya ang hawak ko kaya agad ko itong tinago.

"Kamusta si kian?" Tanong niya, napayuko ako at napatango.

"Bumubuti na ang kalagayan niya"

"Mm, that's good to know"

"Ahm, calex. Pwede ba tayong mag-usap?" Dahan-dahan siyang tumango kaya nauna na akong pumunta sa rooftop at agad naman siyang sumunod sa akin.

"Anong pag-uusapan natin?" Tumingin ako sa kaniya at napatango ako.

"Calex, sino si gerald? Bakit ginugulo niya ako?" Napatigil siya at seryosong tumingin sa akin.

"May ginawa ba siya sayo?"

"Wala calex, gusto ko lang malaman kung anong parte niya sa buhay ko?"

"Actually, wala. Nadamay ka lang sa gulo namin" napakunot noo ako. "Kaaway namin si gerald simula college hanggang ngayon" now, I understand everything. "Please, stay away from gerald" tumango-tango ako.

Tumingin ako sa mga building at napangiti, it's been so long since nag-usap kami ni calex ng matino.

"Scar"

"Mm?"

"Tungkol doon sa tanong mo" napatingin ako sa kaniya at napakunot noo. "Nung tinanong mo ako kung pwedeng next month na ang kasal natin" napatigil ako at napatingin sa kaniya.

"Huwag mo ng sagutin yun, I know the answer already" hinawakan ko ang pisngi niya at ngumiti. "Just take care always, calex" nagtitigan kami at habang patagal ng patagal ay mas lalo akong nahuhulog sa kaniya. I need to stop now. "Calex---" nagulat ako ng halikan niya ako, hindi agad ako nakapalag dahil nanghihina ako sa malambot niyang labi.

Dahan-dahan kong naipikit ang mata ko at sinabayan ko si calex sa bawat paggalaw ng labi niya. Hinawakan niya ang batok ko upang mas mahalikan pa ako kaya nilagay ko ang dalawang braso ko sa balikat niya

Dahan-dahan kaming pumasok sa isang stock room at sinara niya ang pinto. I moaned when he start kissing my neck, with every touch of his lips I got weaker and weaker. I was so crazy about each of his kisses that I didn't realize that he had already removed my clothes. When he touched my chest, I seemed to weaken even more.

"Let's stop, baka kung ano pang magawa ko" natawa ako sa dibdib niya kaya natawa din siya.

"Really, calex?" Sinuot niya sa akin ang damit ko kaya napapailing na lamang ako sa kaniya.

"Sige na, baka hinahanap ka na ni kian" tumango ako at lumabas na kami sa stock room. "Sa akin ka pa ba uuwi o kay kian na?"

"Sayo pa din syempre"

"Good, hihintayin kita sa bahay" tumango ako at pumunta na ako sa kwarto ni kian.

"Akala ko tulog ka na" saad ko ng makita ko siyang nanood ng TV.

"Hinihintay kita"

"Ganun ba? Ito nga pala yung mga gamot mo" nilagay ko sa mesa ang mga gamot at tumingin ako sa kaniya.

"Salamat"

"Walang anuman, at isa pa si xander na pala ang magche-check sayo. Siya kasi ang doctor mo at hindi ko dapat pinapakialaman ang mga pasyente niya" napakagat labi ako. "Kung may kailangan ka pa, si xander na lang ang tawagin mo"

"Stay" sambit niya ng akma na akong aalis.

"Mm? May kailangan ka pa?"

"Oo, I need you scar" napatigil ako at hindi agad ako nakapag-salita. "Bakit umaaligid ka pa din kay calex?"

"Kian, he's my fiance"

"And I'm your boyfriend, ako ang nauna sayo"

"Pero, break na tayo kian. Bakit ang hirap mong tanggapin iyon?"

"Kasi mahal kita"

"Hindi na ako ang scarlet na kilala mo noon, hindi ba't pinagplanuhan niyo kung paano patayin ang scarlet noon? Then, nagtagumpay kayo. Napatay niyo si scar dahil sa galit niyo"

"No, please. Don't say that"

"No, kian. Kailangan mo na ding magising sa katotohanan na wala ng tayo"

"Don't do this, please" umiling ako kay kian.

"I'm sorry, I know hindi ganoon kadali pero humihingi pa din ako ng tawad sa nangyari noon"

"Scar, hindi ka pwedeng umalis. Hindi mo ko pwedeng iwan"

"Break na tayo, kian. Kahit umalis ako wala ka ng magagawa doon" napatingin na muna ako sa kaniya bago ako umalis doon.

Habang naglalakad ako sa hallway, nasabat ko si dark na kausap si angel. Pareho silang napatigil at napatingin sa akin.

"Scarlet, right?" Nakangiting sambit ni angel, tumango naman ako. "Anyway, I'm angel yu"

"I know, you're an actress"

"Mm, anyway. Did you see calex?" Bigla kong naalala na umuwi na nga pala si calex at hinihintay na niya ako.

"No. Ahm, sorry but I need to go" nagmadali na akong umalis doon dahil baka masipa ko pa ang mukha ni dark. Nakakasira ng gabi.

"Scar?" Boses agad ni calex ang narinig ko ng buksan ko ang pinto ng bahay namin.

"I'm home, calex" pumunta ako sa sala at nakita ko siya doon na nanonood ng TV. Lumapit siya sa akin at hinalikan ako ng smack sa labi, nagdalawang isip tuloy akong sabihin sa kaniya ang usapan namin kanina ni angel.

"May sasabihin ka ba?"

"Ah, oo. K-Kumain ka na ba?" Ngumiti siya at umiling.

"Hindi, hinintay kitang dumating para sabay na tayong kumain" tumango ako at sinabi kong magbibihis lang ako.

Pumunta ako sa taas at nagbihis, bababa na sana ako ng maisip ko ang engagement ring namin ni calex. Kinuha ko ang engagement ring sa cabinet ko at sinuot ko ulit iyon. Now, everything's perfect.

Masaya akong pumunta sa dinning table at nakita ko si calex na nagpre-prepared na ng pagkain namin.

"Sit down, I'm almost done" nilapag niya ang mga pagkain sa mesa kaya tinulungan ko na siya. "Thank you" tumango ako at nagsimula na kaming kumain.

Habang kumakain kami biglang nag-ring ang cellphone niya, kinuha niya ito at sinagot ang tawag. I know na si angel ang tumatawag dahil nakita ko agad ang pagngiti niya. Nginuya ko ang pagkaing nasa bunganga ko at uminom ng tubig.

"Scar, kailangan kong pumunta sa hospital. Hinahanap ako ni angel" tumango ako kaya mabilis niya akong hinalikan sa pisngi at umalis na siya.

Ngayon mag-isa na naman akong kumakain sa hapag, napabuntong hininga ako at niligpit na ang lahat ng hinanda niyang pagkain. Para bang sanay na ako at hindi na ako umiiyak sa tuwing aalis siya.

Pumunta ako sa sala at nanood ako ng TV ngunit habang nanonood ako biglang nag-ring ang cellphone ko at napakunot noo ako ng unknown number na naman ang tumatawag. Napabuntong hininga ako at sinagot ang tawag.

"Hello?"

"Scar! Finally you answer my calls!" Sambit ng babae.

"You are?"

"I'm krisha, your friend" napatango ako at napatingin ulit sa TV. "Yah, hindi mo pa din ba kami naaalala?"

"May kaunti akong naaalala sa inyo ni dino"

"Good to hear. Anyway, where are you?"

"House"

"Ow, it's seems like you don't have a mood. Anyway, kamusta na kayo ni calex?" Agad akong ngumiwi.

"We're good"

"I see. Ahm---let me go!" Agad akong napa-ayos ng upo ng marinig ko siyang sumigaw.

"Hello, krisha?!"

"Ah! Let me go---" then, bigla ng naputol ang linya. Napatingin ako sa notification ng may mag-text, it was her.

From: Krisha

If you want to see her alive. Then, you must be go here at the abandoned mall.

Kaasar! Kinuha ko ang jacket ko at sumbrero bago ako lumabas sa bahay. Malapit lang naman iyon kaya nilakad ko na lang.

Nang malapit na ako agad akong nagtago ng may mga armadong nagroronda, dahan-dahan akong naglakad sa masikip na daan at mas binilisan ko pa ang lakad ko dahil madilim dito. Kapag hindi ako pumunta, tiyak na magkakasala ako dahil ako ang huling tinawagan ni krisha.

Nang makalabas ako sa masikip na daan, agad akong nagtago dahil may mga armadong papunta dito. Kumuha ako ng kahoy at dahan-dahan akong naglakad papunta sa bukana ng mall at agad kong hinampas ang lalaking nagbabantay dito. Nagulat pa ako ng mawalan ito ng malay, shemay! Did I really do that?!

Mabilis akong tumakbo dahil papunta na sila dito, argh! Nasaan na ba iyon?

"Pakawalan niyo ko!" Sigaw ng babae, it must be her. Pumunta ako sa pinaggagalingan ng ingay at doon ko nakita si krisha na hawak ng dalawang lalaki.

"Itali iyan!" Utos ng isa kaya mabilis akong kumuha ng bato at binato ang yero upang maglikha ng ingay.

Mukhang tagumpay ako dahil naagaw ko nga ang atensyon nila, mabilis akong pumunta sa dalawang lalaki at agad ko silang hinampas ng kahoy dahilan upang mawalan sila ng malay.

"Scar?" Kinakabahang sabi ni krisha na kinatango ko.

"We need to go" mabilis kong inalis ang tali sa kamay niya at agad na kaming tumakbo papalabas ng abandonadong mall.

Habang tumatakbo kami nakarinig kami ng putok ng baril kaya napayuko kami.

"You must go now, scar. Save yourself!" Umiling ako sa kaniya.

"No! We must go together"

"Scar!!" Agad niya akong niyakap kaya siya ang natamaan ng bala.

"Krisha?!" Dahan-dahan napahiga si krisha kaya agad akong kinabahan.

"Leave me alone, scar. S-Save yourself"

"No, just stay like that. Huwag kang gagalaw para hindi lalong lumala" kinuha ko ang cellphone ko at tumawag agad ako ng ambulance.

Maya-maya dumating na ang ambulance at nang makarating ay agad na naming sinakay si krisha sa loob. Nilagyan ko agad ng oxygen si krisha upang hindi lalong lumala.

"Malapit na tayo sa hospital, just keep holding" tumango siya kaya napatango din ako.

Nang makarating na kami sa alpha hospital agad na naming binaba si krisha sa ambulance at pinasok siya sa loob.

"Doc, nawawala ang pulson niya" tumango ako at agad C-niPR si krisha.

Habang Cni-CPR ko si krisha ay nadaanan namin sila calex, nakakunot noo sila sa akin dahil sa ginagawa ko. Hindi ko na muna sila pinansin dahil kailangan ko munang unahin ang nagligtas sa buhay ko. Kung hindi niya ako niyakap, tiyak na ako mismo ang nag-aagaw buhay ngayon.

Tumigil ako sa pag-CPR at chineck ang pulse ni krisha ngunit mahina pa din ito.

"Dalhin siya sa OR!" Utos ko sa mga nurse na agad sumunod sa akin.

"Ako na ang mag-oopera sa kaniya" sambit ni xander kaya napakunot noo ako.

"I can handle this--"

"No, look at you!" Puno ako ng dugo kaya inis akong tumango sa kaniya.

"Scar, what happen?" Tanong ni Jake, ngumiwi ako at tumingin kay xander na naglalakad na papuntang OR.

"Kinidnap, then niligtas ko. Binaril, then sinalo niya ang balang papunta sa akin. That's what happen"

"Are you okay?" Tanong ni calex at nasa tabi niya si angel. Dahan-dahan akong tumango.

"Of course, I'm always okay" tinalikuran ko na sila at naglakad na ako papalabas ng hospital.

I hate seeing them together, I wish I was her.

Continue Reading

You'll Also Like

27.3K 123 8
Dalawang lalaki ang makikipag agawan sa dalagang kanilang inalagaan. Si Arthur, ay ang Ama ni Celia. Minahal at inaruga niya ang dalaga hanggang sa t...
7.3M 302K 38
~ AVAILABLE ON AMAZON: https://www.amazon.com/dp/164434193X ~ She hated riding the subway. It was cramped, smelled, and the seats were extremely unc...
92.7K 4.6K 29
Porcia Era Hart x Chrisen