My Angel In Disguise

By AkoSeaGelai07

716 55 60

Mahirap talagang hanapin si Mr.Right. Ang mabuti pa, hayaan mo na lang siya ang makahanap sayo! More

Update #1
Update #2
Update #3
Update #3
Update #4
Update #5
Update #7

Update #6

74 6 8
By AkoSeaGelai07

Update #6

Bukas ang isang makapal na libro sa study table ni Ahra pero wala rito ang atensyon niya kundi nasa kausap nito sa cellphone niya. Kausap niya ang kaibigan niya na nasa ibang bansa.

"Hindi ko na nga alam kung anong nangyayari sakin." Nakasimangot at salo ni Ahra ang noo niya habang hawak naman ng isang kamay niya ang phone.

"Siguro nga inlove na ko kay Youngmin... Pero gusto ko din si Kwangmin! Ang arte ko na di ba?!" Nagaalala na natatakot si Ahra sa sitwasyon niya.

"Pwede ka naman magkagusto sa madaming tao.. At the end of the day, mangingibabaw kung sino ang mahal mo, hindi yung gusto mo lang." Sabi naman ng kaibigan niya sa kabilang linya.

"Natatakot akong mainlove ulit.. Mahirap masaktan." Halos bulong na jiya ito nasabi. Hindi pa man siya sigurado sa nararamdaman niya ay parang maiiyak na siya. Naiisip na kasi niya ang mga pwedeng mangyari na hindi niya ikatutuwa kung mainlove siya sa lalaking may mahal ng iba.

"Wag kang magpatalo sa takot mo. Kung lagi yan ang paiiralin mo, pinagkakaitan mo sarili mo na sumaya." Mahusay naman na payo ng kaibigan niya. Tama lang talaga na ito ang pinagsabihan niya ng bagay na gumugulo sa isip niya.

"Sabagay... O sya sige na at baka masyado ng mataas ang bill mo dyan. Salamat sa time ha.. Mag-iingat ka dyan, i miss you!" Minabuti niyang putulin na ang usapan para makapagreview na siya.

Ilang buwan na rin siyang hindi mapakali simula ng mapansin niya na unti unting nahuhulog ang loob niya kay Youngmin. Hindi niya matanggap na napamahal ito sa kanya. Hindi niya rin maipaliwanag kung paanong isang araw pag gising niya nasabi na lang niya sa sarili niya na mahal niya si Youngmin. Kahit nagfofocus sya kay Kwangmin na crush na nya noon pa man, hindi pa rin mawala sa isip niya si Youngmin.

Isang araw, umabsent si Youngmin sa dahilan na may sakit raw ito. Kahit panay ang biruan nina Ahra at Kwangmin, pakiramdam ni Ahra, hindi siya lubusang masaya dahil nag-aalala siya sa kalagayan ni Youngmin.

"Bakit kaya nagkasakit yon?" Tanong niya kay Kwangmin ng pauwi na sila.

"Hindi ko rin alam. Bihira naman kasi magkasakit yun at kahit may sakit yun hindi basta nag-aabsent." Nagtataka si Kwangmin.

"Wag naman sana malala yung sakit niya..kahapon lang ang sigla pa nya.." Napabulong na lang si Ahra pero narinig pa din ito ni Kwangmin.

"Wag kang mag-alala, pagkatapos ng meeting ko with prof pupuntahan ko si Youngmin at babalitaan kita. Sige na, una ka na umuwi ha. Ingat." Humiwalay na si Kwangmin sa kanya para makipagkita sa professor nila. May kailangan daw kasing linawin si Kwangmin sa nasubmit nitong research.

"Sige ingat ka din.." Nagpaalam na din si Ahra at dumiretso na sa gate ng school para mag-abang ng taxi.

Masyadong maraming estudyante ang nasa gate kaya lumakad si Ahra palayo para mas madali siyang makasakay. Kinabahan siya ng mapansin niyang may itim na kotseng sumusunod sa kanya sa gilid ng kalsada. Tatakbo na sana si Ahra sa pag-aakalang may balak itong masama ng bumukas ang bintana nito at tinawag siya.

"Hoy Ahra!" Sigurado si Ahra na boses ito ni Youngmin kaya tumigil siya at lumingon.

"O, akala ko may sakit ka?" Tanong niya. Mukha naman kasi itong okay at nakakapagdrive pa nga!

"Sabi ko lang yun. Wala kasi akong ganang pumasok ngayon.sobrang badtrip lang. Teka, si Kwangmin, nakita mo?" Tanong ni Youngmin. Hindi nito pinansin ang nakataas na kilay ni Ahra ng malaman na nag-alibi lang pala sya para hindi makapasok.

"Kausap ni prof tungkol sa business research." Sagot lang ni Ahra.

"Ah, kaya pala hindi sumasagot, kanina ko pa tinatawagan. Ikaw na nga lang!" Medyo naiinis na sabi ni Youngmin. Nagtaka naman si Ahra sa sinabi nito.

"Ha?" Tanong ni Ahra.

"Ang sabi ko, ikaw na nga lang! Inaaya ko kasi maglaro ng PS4 si Kwangmin kasi bored na ko at gusto ko mawala badtrip ko. Pero sabi mo nga may meeting pa sya kaya ikaw na lang, samahan mo ko." Paliwanag nito. Tatanggi pa sana si Ahra pero hindi na siya binigyan ng pagkakataon ni Youngmin.

"Ang bagal mo naman, sakay na!" Napabuntong hininga si Youngmin bago ito bumaba, binuksan ang kabilang pinto ng sasakyan at inalalayan si Ahra papasok dito.

Hindi alam ni Ahra kung ano ang nararamdaman niya. Gusto niyang batukan si Youngmin dahil hindi pa naman siya pumapayag pero inassume na nito na okay lang sa kanya na sumama. Sa kabilang banda, gusto niyang matuwa at kiligin dahil inalalayan pa siya nito at gusto siyang makasama kahit second option lang.

Tahimik ang naging byahe nila papunta sa bahay nila Youngmin. Nagulat pa si Ahra ng makita na malaki din ang bahay nila tulad nila Chelsea pero parang walang tao at masyadong tahimik.

"Walang tao?" Tanong niya agad kay Youngmin ng patuluyin siya nito sa bahay.

"Wala. Nasa abroad kasi parents ko. Ako lang mag-isa dito.." Paliwanag nito. Noon lang nalaman ni Ahra na mag-isa palang nabubuhay si Youngmin.

"Si manang kasama ko para tulungan ako pero sa hapon umuuwi din sa kanila kasi may maliit na apo." Dagdag ni Youngmin.

"Teka, kung ganon tayo lang dito? Ay! Wag na, nakakailang! Baka mamaya kung anong isipin ng mga tao nagdadala ka ng babae dito!" Bigla namang naalala ni Ahra.

"Ano naman masama don? Bahay ko naman 'to, maglalaro lang naman ng PS4, hindi naman tayo magsesex dito?" Dirediretsong depensa ni Youngmin sabay kuha sa kamay niya.

"Youngmin! Grabe ka, watch your words nga!" Halos masamid si Ahra sa narinig nyang sabi ni Youngmin.

"OA mo naman!" Nang-aasar na sabi ni Youngmin. Natatawa ito sa pagiging sensitive ni Ahra sa mga ganung klase ng salita.

"Kasi naman! Kahit naman lagi akong nakikipagbiruan sa inyo, wag nyong kakalimutan ni Kwangmin na babae pa din po ako!" Umirap pa si Ahra pero alam ni Youngmin na nagbibiro lang itong galit.

"Oo na po! Sige na tara na dun at tingnan natin kung matatalo mo ko. Kung sino ang matatalo, maglilibre ng lunch bukas." Sagot ni Youngmin na umiikot pa ang mata. Naiinip na kasi ito.

"Teka, ang awkward naman kasi! Pasunurin mo kaya si Kwangmin dito?" Nahihiyang sabi ni Ahra.

"Tsk! Kanina ko pa tinext si Kwangmin na sumunod sya pagkatapos ng meeting. Alam ko naman na gusto mo lang talagang kasama yung crush mo!" Pang-aasar ni Youngmin.

"Hmf! Ewan ko sayo! Sige na pag natalo kita lilibre mo ko ha!" Sinundan ni Ahra si Youngmin sa kwarto nito kung saan nakalagay ang PS4.

"Marunong ka pala maglinis ng kwarto." Komento ni Ahra. Maayos kasi ang mga gamit ni Youngmin. Kahit sa school naman nahahalata niya na maselan ito sa mga gamit.

"Syempre. Nakakahiya naman sayo." Pabirong tawa naman ni Youngmin habang sineset up ang PS4.

"Gusto mo pala ng merienda? May cake sa ref. okaya magluluto ako." Alok ni Youngmin.

"Marunong ka talaga magluto?" May duda pa si Ahra kahit alam nitong nagluluto talaga si Youngmin.

"Oo kaya! Naglalaba din ako, naglilinis! Kala nyo lang tamad ako pero masipag ako no! Di lang halata kasi yung kgwapuhan ko pang prinsipe!" Sabi nito sabay taas-baba pa ng kilay niya pagtingin ni Ahra.

"Hay nako bakit may aircon pa sa kwarto mo eh ang hangin mo na!" Ganti naman ni Ahra sa pagyayabang ni Youngmin. Sa loob niya, totoo naman na mala-prinsipe nga ang aura nito.

"Ok lang ako. Nagmerienda kami ni Kwangmin kanina." Tanggi ni Ahra.

"Yun naman pala. Busog na busog na naman mata mo kakatitig kay Kwangmin no?" Pang-aasar na naman ni Youngmin pero hindi na ito pinansin ni Ahra.

"Bakit pala hindi na lang si Chelsea inaya mo maglaro?" Naitanong niya ng maalala niyang wala rin namang klase si Chelsea pag ganitong oras na.

"Ayan, start na!" Hindi siya sinagot ni Youngmin. Binigay lang nito nito sakanya ang isang controller.

Simula ng maitanong niya si Chelsea, napansin ni Ahra na tahimik na si Youngmin at nakakunot ang noo na parang ang sungit tingnan. Pinakikiramdaman niya kung ayos lang kaya na itanong niya kung bakit biglang nagbago ang mood nito.

"Shit!" Napamura ng malutong si Youngmin ng matalo siya ni Ahra sa unang race.

"Wow! First time ko maglaro nito ah! Ang galing ko!" Tuwang tuwa naman si Ahr na medyo sumasayaw sayaw pa habang nakaindian seat sila sa carpeted na sahi at nakaharap sa screen.

"Natyambahan mo lang! Next lap, game!" Kontra ni Youngmin.

"Argh!" Napasigaw na naman ng may inis si Youngmin ng matalo ulit siya sa sumunod na race. Napansin ni Ahra na parang napipikon ito kaya hindi na siya nagsalita.

"Malay mo next matalo naman ako." Sabi na lang niya dahil nakakuno noo pa din si Youngmin.

"Game na ulit!" Naiinis naman sagot ni Youngmin.

Napansin ni Ahra na gigil na gigil sa controller si Youngmin. Nasa kalahati na sila ng lap ng bigla na lang nitong ihagis ang controller na hawak sabay sipa dito palayo. Automatic na nagpause ang laro nila. Tahimik naman si Ahra na medyo nashock sa naging reaction ni Youngmin. Parang napakababaw naman nito kung mapipikon ng dahil lang sa race.

Yumuko si Youngmin at itinakip ang mga kamay sa ulo niya para hagurin ang buhok nito papunta sa likod na para bang sumasakit ang ulo.

"M-may problema ba?" Tanong ni Ahra sa pinakamahinahon niyang boses dahil natatakot siya sa ekspresyon ni Youngmin kanina.

Umiling lang si Youngmin sabay buntong hininga habang nakayuko pa rin.

"Ok... Ulitin na lang kaya natin yung game? Okaya time out muna kas-" nagsasalita pa si Ahra ng biglang nagtaas ng tingin si Youngmin at nagsalita.

"Break na kami ni Chelsea." May halong inis at lungkot sa boses ni Youngmin.

Hindi nakakibo si Ahra. Ngumiti ng malungkot si Youngmin at umatras ng kaunti sa pagkakaupo para makasandal sa dulo ng kama na nasa likod nila.

"Kelan pa?" Matamos maabsorb ang sinabi ni Youngmin, nagtanong si Ahra. Umatras din ito at sumandal sa likuran nila para makinig kung sakaling gustong magkwento ni Youngmin.

"Kahapon lang. Kaya nga wala akong ganang pumasok kanina. Baka magkita kami sa school." Sagot ni Youngmin. Blangko ang ekspresyon nito kaya hindi alam ni Ahra kung malungkot ba ito o galit dahil sa nangyari.

"Alam ni Kwangmin?" Tanong ulit niya.

"Sasabihin ko pa lang ngayon kaya inaya ko maglaro.. Kaya lang busy pa sya." Napailing na lang si Youngmin.

"B-bakit daw siya nakipagbreak?" Pag-uusisa ni Ahra.ala na din siyang maisip na sabihin kaya kung ano na lang ang unang pumasok sa isip niya ang sasabihin niya.

"Nagseselos daw sya." Sarkastikong natawa si Youngmin.

"Kanino?" Nagtatakang tanong ni Ahra. Sa pagkakaalam niya wala naman siyang natatandaang may ibang kasamang babae si Youngmin maliban kay Chelsea.

"Sayo." Sagot ni Youngmin sabay tingin sa kanya na parang tinitingnan kung ano ang magiging reaksyon niya.

"Youngmin ha,, ayan ka na naman, pinagtritripan mo na naman yata ako!" May dudang tingin ni Ahra. Naalala niya kasi na minsan ng ganito ang umpisa ng pangtritrip sa kanya ni Youngmin.

"Maganda nga sana kung trip ko lang to..kasi hindi. Seryoso 'to." Malungkot ulit na ngumiti si Youngmin.

"Bakit naman kasi ako, wala naman siyang dapat ipagselos sakin.. Kausapin ko kaya?" Alok ni Hara. Ayaw niyang makita na malungkot si Youngmin. Hindi siya sanay. Mas gugustuhin pa niyang makita si Youngmin na pinagtatawanan at inaasar siya kesa ganito.

"Wag na.. Pang-apat na beses na 'tong nagbreak kami pero nagkakabalikan naman kami. Siguro naman parehas lang din ng dati..sana..magkakabalikan din siguro kami.." Alanganin namang sagot ni Youngmin.

"Dapat pala hindi na lang ako isinama mo dito. Baka lalo lang magselos si Chelsea nyan." Napabuntong hininga si Ahra at akmang tatayo para umalis pero nahawakan ni Youngmin ang kamay niya at hinatak siya pabalik.

"Teka lang, hindi naman kita sinisisi!" Bawi agad ni Youngmin sabay hatak kay Ahra pabalik sa pagkakaupo nito. Mabilis na napaatras ang paa ni Ahra at nawalan siya ng balanse. Napaupo siya sa tabi ni Youngmin at napakapit sa balikat niya.

Napasigaw si Ahra sa gulat at napahawak naman agad si Youngmin para alalayan siya. Parehas silang napahinto ng magtaas sila ng tingin. Wala pang 1 inch ang layo ng mukha nila sa isat isa at halos magkayakap na sila.

Bumilis ang tibok ng puso ni Ahra na para bang lalabas na sa dibdib niya. Bigla siyang kinabahan pero hindi niya maalis ang mga mata niya sa mata ni Youngmin na nakatitig din sa kanya.

Pumikit si Ahra para maalis ang eye contact nila pero bago pa man siya magmulat ng mga mata niya, naramdaman na niya ang malambot na labi ni Youngmin na dumampi sa labi niya. Para siyang nakuryente nang idiin ni Youngmin ang labi nito sa kanya at nangahas na ipasok ang dila nito sa bibig niya. Parang nahihibang naman na napasunod si Ahra at hinayaan niyang ilead ni Youngmin ang halik na namamagitan sa kanila.

Pakiramdam niya, huminto ang oras at paligid nila. Ang tanging alam lang niya, hinahalikan na siya ni Youngmin at humihigpit ang pagkakayakap nila sa isat isa. Para siyang nanghihina. Parang nahihigop ang enerhiya niya sa bawat galaw ng mga labi nila na lalong nagpapahigpit sa kapit nila sa isat isa. Pigil ang hininga na ninamnam nila ang mahiwagang sandali hanggang sa kinailangan nilang maghiwalay para makahinga ng maayos.

Nang makahing ng maluwag, natauhan si Ahra at naisip niyang mali ang nangyari kanina. Hindi siya dapat pumayag na halikan ni Youngmin. Malungkot lang ito dahil sa break up nila ni Chelsea pero natatandaan niyang sinabi ni Kwangmin na mahal na mahal ni Youngmin ang gf nya. Lalo lang niyang inilagay ang sarili niya sa alanganin. Pag hindi siya tumigil, masasaktan lang siya.

Litong napapaisip si Ahra ng yumakap ulit si Youngmin sa kanya at muli siyang hinalikan. Hindi na naman niya nagawang tumanggi rito. Lumilipad na naman ang isip niya dahil sa nangyayari. Naramdaman na lang niya na naihiga siya ni Youngmin sa sahig habang hinahalikan pa rin siya nito. Dahan dahan na ring humahaplos ang mga kamay nito malapit sa maselang parte niya.

Pilit na nilabanan ni Ahra ang nararamdaman ng puso niya hanggang sa muli ng gumana ang utak niya. Itinulak niya si Youngmin palayo sa kanya at nang makawala na siya sa yakap nito, sinampal niya ito ng malakas.

"Ano bang gusto mong sabihin? Bakit mo ba ginawa yon?! Nililito mo ko sa mga ginagawa mo!" Hindi na napigil ni Ahra ang luha niya.

"S-sorry... Nadala lang ako.." Paumanhin naman ni Youngmin.

Mas malakas na sampal naman ito para kay Ahra. May bahagi ng puso nya na umaasang may nararamdaman din para sa kanya si Youngmin kaya naging mapusok ito kanina pero ngayon, nilinaw nito na nadala lang siya. Walang dapat asahan sa kanya si Ahra.

"Kaibigan mo ko Youngmin! Hindi ako laruan!" Napaiyak ng tuluyan si Ahra at nagtatakbo palabas ng kwarto.

"Ahra, sandali!" Sinundan naman siya ni Youngmin pero mabilis na nakarating si Ahra sa pinto palabas ng bahay.

Pipigilan na sana siya ni Youngmin pero bumukas ang pinto at nakita ni Ahra si Kwangmin na nakangiti pa.

"I'm here!" Masayang sigaw pa nito.

Napahinto si Ahra ng makaharap si Kwangmin. Yumakap siya rito at isinubsob ang mukha sa dibdib ni Kwangmin saka umiyak at ibinuhos lahat ng sakit sa paghikbi niya.

"O, bakit?" Nagtatakang tanong ni Kwangmin habang naiilang na hinimas ang likod ni Ahra para kalmahin ito.

"Uuwi na ko.." Sabi ni Ahra ng makabawi ito sa pagiyak.

"Ha? Kadarating ko lang.. Ano ba nangyari? Bakit ka umiiyak?" Mahinahon na tanong ni Kwangmin. Napatingin siya kay Youngmin na tahimik lang na nakatingin sa kanila ni Ahra.

"W-wala! Ito kasing bestfriend mo pinagtripan na naman ako! Napikon ako.. Wala talaga ko sa mood kaya naiyak ako sa inis... Sige na, uuwi na ko!" Hindi makatingin si Ahra kay Kwangmin. Nagmamadali itong naglakad palayo.

"Wait! Ihahatid ka na namin!" Tawag ni Kwangmin.

"Kwangmin, gamitin mo yung sasakyan ko, ihatid mo na si Ahra." Sabi naman ni Youngmin sabay hagis ng susi kay Kwangmin.

Mabilis na hinabol ni Kwangmin si Ahra. Sa huli, pumayag na din ito na ihatid siya ni Kwangmin pero tahimik lang si Ahra hanggang sa makauwi.

"Kwangmin, salamat ha." Sabi ni Ahra pagbaba nya ng kotse.

"Pasensya na kay Youngmin. Minsan talaga sobra na magbiro. Hayaan mo na lang.. Sana maging ok ka na.." Paumanhin naman ni Kwangmin.

"Ok na ko.. Salamat talaga.. Para kitang angel... Lagi kang dumadating pag hindi ako ok.." Ngumiti si Ahra kahit hindi pa din siya ayos. Ayaw niyang mag-alala si Kwangmin.

"Sige na.. Pahinga ka na ha.." Paalam ni Kwangmin.

~~~*~~~*~~~*~~~

Pasensya na kung medyo may steamy scene hehe.. At sorry kung medyo korni yung pagkakasulat hindi ako comfortable magsulat ng tagalog pag gnung moment >.< pls bear with me... I need your comments. Thnx!

Continue Reading

You'll Also Like

138K 5.3K 50
"I like the feeling of having a crush on someone... but going beyond that feeling is a no." - Riley [TAGLISH] Most Impressive Ranking #675 lesbian ou...
805K 30.3K 54
Status: UNDER REVISION Tahimik. Payapa. Walang gulo. Ganiyan maituturing ang buhay ni Niana Jillian "Naji" Alcayde; bantering with her older brother...
295K 2.1K 22
Ako si Paolo, 29 years old may asawa at isang anak. 3 years na kaming kasal ng aking asawa. I work as a programmer sa isang IT Company sa may Mandalu...
101K 3.6K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...