Update #1

194 11 8
                                    

My Angel In Disguise

Simple lang kung bakit nagpalit ng course si Ahra. Ayaw niyang makita ang hinayupak na ex niya na makapal ang mukha para sundan pa siya sa pinili nyang course noon. Hindi pa ito nakuntetnto at talagang humanap agad ng babaeng ididisplay sa kanya araw-araw kaya naimbyerna na siya at nagdesisyon na lumipat na sa Business admin course. Nakamove-on naman na siya pero ayaw lang niya na may umiistorbo pa din sa katahimikan niya.

Unang araw niya ngayon at medyo kinakabahan pa siya dahil wala na naman siyang kakilala sa mga kaklase niya. Hindi pa naman siya yung tipo na magaling makipag-usap. Napagsasabihan nga siya madalas na supladita dahil kung hindi talaga siya ang unang lalapitan, hindi siya kikibo.

Nagkakagulo ang mga estudyante sa loob ng classroom pagdating ni Ahra. Lalo siyang kinabahan dahil mukhang magkakasundo na ang mga ito at mukhang out-of-place siya. Hinagod niya ng tingin ang classroom nila at natuwa siya nang mapansin niya ang isang bakanteng upuan malapit sa isang lalaki na bukod tanging walang kausap. Tahimik ito na nakatutok sa pagbabasa ng manga at parang walang pakialam sa mundo.

Lumapit si Ahra at tinanong ang isang babae kung may nakaupo na sa bakanteng silya. Ayaw niya kasing maistorbo ang lalaki na nagbabasa. Nagkibit balikat lang ang babae kaya naupo na lang si Ahra.

Inilalapag niya ang dala niyang libro nang nagsalita ang lalaki na ngayon ay katabi na niya.

"Miss, bago ka?" Nahihiyang tanong nito.

Medyo natulala si Ahra nang makita niya ang mukha ng lalaki. Gwapo pala ito at ngayon lang niya napansin dahil nakayuko ito kanina. Maayos ang pagkakahugis ng jawline nito. Mahaba ang mga pilikmata ngunit may 'angas' ang tingin. Matangos ang ilong nito at mapupula ang mga labi. Parang nakakita si Ahra ng paborito niyang artista.

"H-ha? Ay, oo, nagshift kasi ako." Nauutal pa niyang sagot. Medyo yumuko siya at nagkunwaring inaayos ang bag para itago ang pagbablush ng pisngi niya.

'Ahra, unang araw landi agad?!' Pinagalitan niya ang sarili sa isipan. Bakit naman kasi ganito ang epekto sa kanya ng lalaki na ito! Sanay naman siyang nakakakita ng mga gwapo pero ngayon lang siya nakaramdam ng pagkailang. Bumilis ang tibok ng puso nya at biglang uminit ang pakiramdam niya.

"Anong course mo dati?" Tanong ulit ng lalaki.

"Com Sci." Matipid niyang sagot habang patuloy ang paghahalungkat niya sa bag niya kahit wala naman talaga siyang hinahanap.

"Wow medyo malayo sa nilipatan mo.. Ako nga pala si Kwangmin." Magalang na pakilala nito sabay abot ng kamay niya.

"Ahra." Walang nagawa si Ahra kundi kunin ang kamay nito. Medyo nahiya pa siya dahil malambot ang kamay ni Kwangmin at parang mas babae pa tuloy ito kesa sa kanya kung kamay ang pagbabatayan.

Parang bumagal ang takbo ng oras at may wind effect pa nang maghawak sila ng kamay pero biglang nawala ang 'moment' ni Ahra nang may narinig siyang boses ng lalaki.

"Miss, upuan ko yan." Pasimple pang umubo ang lalaki bago inistorbo ng tuluyan sina Ahra at Kwangmin.

Napatingin si Ahra sa bagong dating. Nakatayo ito sa harap niya. Matangkad, maputi, gwapo at may pagkakahawig kay Kwangmin ang lalaking nagsalita.

"Nako, sorry!" Nagmamadaling binitiwan ni Ahra ang kamay ni Kwangmin. Kinuha niya ang libro sa armchair at tatayo na sana nang tumawa ang lalaki sa harap niya.

"De, joke lang. Dun talaga ko sa likod mo. Bakante talaga yan, hehe." Sabi nito sabay pigil sa kanya.

Napatingin ng masama si Ahra sa lalaki. Ni hindi sila magkakilala pero pinagtripan agad siya!

My Angel In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon