Update #7

98 7 6
                                    

Update #7

"Pwede ba tayo mag-usap?" Bungad ni Ahra ng magkasabay sila ni Youngmin sa pinto ng classroom.

Narinig ni Kwangmin ang sinabi ni Ahra at napangiti ito. Halos dalawang linggo na kasing hindi nagpapansinan ang dalawa simula ng mapikon si Ahra ng magpunta ito sa bahay nila Youngmin. Halos araw-araw din na kinukulit ni Kwangmin ang dalawa na mag-usap. Nahihirapan na din kasi siya sa sitwasyon nila.

"Sige.. Ngayon na ba?" Tanong ni Youngmin. Pormal ang pakikitungo niya kay Ahra.

"Hanap tayo ng lugar na hindi masyadong matao." Napatingin si Ahra sa paligid. Ayaw naman niyang makichismis pa ang mga kaklase nila.

"Ok." Sabi naman ni Youngmin.

"Kung ganon, una na ko sa inyo ha. Ayusin nyo na yan please." Nagpaalam na si Kwangmin para makapag-usap ng maayos ang dalawa. Ang alam nya kasi nagbibiro daw si Youngmin na halikan si Ahra at napikon si Ahra kaya ayaw na siyang pansinin hanggang sa nagkailangan na sila at tumagal na ang di nila pagkakaintindihan.

"Bakit mo ba talaga ko hinalikan?" Diretsong tanong ni Ahra pagdating nila sa lobby. Wala kasing masyadong tao dito dahil karamihan sa mga estudyante ay naguwian na.

"Ako lang ba? Di ba gumanti ka din ng halik?" Tanong naman ni Youngmin na parang naninisi pa.

"Kasi nga.." Hindi na maituloy ni Ahra ang sasabihin niya dahil sumagot ulit si Youngmin.

"Nadala lang ako.. Ahra, ang mabuti pa, kalimutan na lang natin na nangyari yon. Mas mainam nga dumistansya na lang tayo sa isat isa." Pakiusap ni Youngmin. Para namang kinukurot ang puso ni Ahra sa mga narinig niya.

"Pero bakit iba yung naramdaman ko nung hinalikan mo ko.." Tandang tanda pa niya ang lahat. Hindi man niya maipaliwanag pero alam nyang may ibang nararamdaman para sa kanya si Youngmin. Hindi niya kayang paniwalaan na nadala lang ito. Ayaw nyang paniwalaan.

"Walang ibang ibig sabihin yon." Nilinaw ni Youngmin pero nag-iwas ito ng tingin dahil nangigilid na ang luha ni Ahra at halata na rin sa boses niya na mapapaiyak nanaman ito.

"Mahal kita, Youngmin..." Nasabi rin ni Ahra sa wakas.

Nagulat naman si Youngmin sa biglaang pagtatapat ni Ahra ng damdamin nya. Hindi nya inaasahang marinig ito.

"Wag ako, Ahra. May Chelsea na sa buhay ko." Napayuko naman si Youngmin. Ayaw nyang makitang umiiyak si Ahra dahil nasasaktan nya ito.

"Pero break na kayo.." Napahikbi na si Ahra. Naaawa sya sa sarili nya dahil nagpapakababa na sya para kay Youngmin pero hindi nya mapigil ang sarili na wag itong gawin. Hindi nya kayang tanggapin na wala lang ang lahat para kay Youngmin.

"Hinihintay mo ba na magbreak kami?!" Naiinis na tanong ni Youngmin. Nakakunot noo na naman ito at nakakatakot na naman ang matalim na tingin nito.

"H-hindi sa ganon.." Depensa ni Ahra. Hindi naman talaga nya inaasahan na maghihiwalay sila ni Chelsea.

"Gumagawa ako ng paraan para magkabalikan kami... Please wag mong dagdagan problema ko. Kung anuman yung naging dating sayo nung nahalikan kita kalimutan mo na. Hindi tayo pwede Ahra. Kahit hindi bumalik sakin si Chelsea, hindi tayo pwede at wag ka ng magtanong kasi hindi mo naman ako maiintindihan." Dirediretsong sabi ni Youngmin.

Napatango na lang si Ahra at napayuko habang humihikbi. Hindi na yata nya kayang magsalita. Masakit na ang lalamunan nya sa pagpipigil ng iyak na pilit naman kumakawala sa kanya.

"Sorry. Ayoko na ganyan ka.. Sorry kung nasasaktan kita ngayon Ahra." Sinubukan siyang pakalmahin ni Youngmin.

Bumunting hininga naman si Ahra at nagtaas ng tingin. Kahit tuloy lang ang pagpatak ng luha, nakuha pa rin niyang ngumiti.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 06, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Angel In DisguiseWhere stories live. Discover now