Update #6

74 6 8
                                    

Update #6

Bukas ang isang makapal na libro sa study table ni Ahra pero wala rito ang atensyon niya kundi nasa kausap nito sa cellphone niya. Kausap niya ang kaibigan niya na nasa ibang bansa.

"Hindi ko na nga alam kung anong nangyayari sakin." Nakasimangot at salo ni Ahra ang noo niya habang hawak naman ng isang kamay niya ang phone.

"Siguro nga inlove na ko kay Youngmin... Pero gusto ko din si Kwangmin! Ang arte ko na di ba?!" Nagaalala na natatakot si Ahra sa sitwasyon niya.

"Pwede ka naman magkagusto sa madaming tao.. At the end of the day, mangingibabaw kung sino ang mahal mo, hindi yung gusto mo lang." Sabi naman ng kaibigan niya sa kabilang linya.

"Natatakot akong mainlove ulit.. Mahirap masaktan." Halos bulong na jiya ito nasabi. Hindi pa man siya sigurado sa nararamdaman niya ay parang maiiyak na siya. Naiisip na kasi niya ang mga pwedeng mangyari na hindi niya ikatutuwa kung mainlove siya sa lalaking may mahal ng iba.

"Wag kang magpatalo sa takot mo. Kung lagi yan ang paiiralin mo, pinagkakaitan mo sarili mo na sumaya." Mahusay naman na payo ng kaibigan niya. Tama lang talaga na ito ang pinagsabihan niya ng bagay na gumugulo sa isip niya.

"Sabagay... O sya sige na at baka masyado ng mataas ang bill mo dyan. Salamat sa time ha.. Mag-iingat ka dyan, i miss you!" Minabuti niyang putulin na ang usapan para makapagreview na siya.

Ilang buwan na rin siyang hindi mapakali simula ng mapansin niya na unti unting nahuhulog ang loob niya kay Youngmin. Hindi niya matanggap na napamahal ito sa kanya. Hindi niya rin maipaliwanag kung paanong isang araw pag gising niya nasabi na lang niya sa sarili niya na mahal niya si Youngmin. Kahit nagfofocus sya kay Kwangmin na crush na nya noon pa man, hindi pa rin mawala sa isip niya si Youngmin.

Isang araw, umabsent si Youngmin sa dahilan na may sakit raw ito. Kahit panay ang biruan nina Ahra at Kwangmin, pakiramdam ni Ahra, hindi siya lubusang masaya dahil nag-aalala siya sa kalagayan ni Youngmin.

"Bakit kaya nagkasakit yon?" Tanong niya kay Kwangmin ng pauwi na sila.

"Hindi ko rin alam. Bihira naman kasi magkasakit yun at kahit may sakit yun hindi basta nag-aabsent." Nagtataka si Kwangmin.

"Wag naman sana malala yung sakit niya..kahapon lang ang sigla pa nya.." Napabulong na lang si Ahra pero narinig pa din ito ni Kwangmin.

"Wag kang mag-alala, pagkatapos ng meeting ko with prof pupuntahan ko si Youngmin at babalitaan kita. Sige na, una ka na umuwi ha. Ingat." Humiwalay na si Kwangmin sa kanya para makipagkita sa professor nila. May kailangan daw kasing linawin si Kwangmin sa nasubmit nitong research.

"Sige ingat ka din.." Nagpaalam na din si Ahra at dumiretso na sa gate ng school para mag-abang ng taxi.

Masyadong maraming estudyante ang nasa gate kaya lumakad si Ahra palayo para mas madali siyang makasakay. Kinabahan siya ng mapansin niyang may itim na kotseng sumusunod sa kanya sa gilid ng kalsada. Tatakbo na sana si Ahra sa pag-aakalang may balak itong masama ng bumukas ang bintana nito at tinawag siya.

"Hoy Ahra!" Sigurado si Ahra na boses ito ni Youngmin kaya tumigil siya at lumingon.

"O, akala ko may sakit ka?" Tanong niya. Mukha naman kasi itong okay at nakakapagdrive pa nga!

"Sabi ko lang yun. Wala kasi akong ganang pumasok ngayon.sobrang badtrip lang. Teka, si Kwangmin, nakita mo?" Tanong ni Youngmin. Hindi nito pinansin ang nakataas na kilay ni Ahra ng malaman na nag-alibi lang pala sya para hindi makapasok.

"Kausap ni prof tungkol sa business research." Sagot lang ni Ahra.

"Ah, kaya pala hindi sumasagot, kanina ko pa tinatawagan. Ikaw na nga lang!" Medyo naiinis na sabi ni Youngmin. Nagtaka naman si Ahra sa sinabi nito.

My Angel In DisguiseTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang