Update #5

68 5 11
                                    

Update #5

"Ano daw nangyari sa bestfriend mong lukis?" Sabay na naglulunch sina Ahra at Kwangmin ng mabanggit ulit ni Ahra ang tungkol sa mga galos at pasa ni Youngmin. Hindi nila ito kasama dahil sasabay daw kay Chelsea kumain.

"May pumoporma kasi kay Chelsea sa kabilang department kahit alam nila na may boyfriend na si Chelsea. Medyo mayabang kasi, tinatakot si Chelsea na may gagawin daw pag di siya pinansin. Minsan pinipilit nila si Chelsea na sumama sa kanya sa sasakyan. Naulit na naman kaya kahapon, sinugod ni Youngmin yung lalake kaya lang kasama yung barkada nya kaya napuruhan din si Youngmin. Pero nabugbog naman nya lahat." Kwento ni Kwangmin habang pinagmamasdan niyang kumain si Ahra. Para kasi itong bata na walang pakialam sa poise nya pag masarap ang pagkain.

"Nakaya nya yun? Akalain mo, patpatin lang si Youngmin malakas din pala.." Napalakas ng sabi si Ahra. Natawa naman si Kwangmin sa sinabi niya.

"Black belter ng taekwondo yun! Nung high school nga pinanlalaban namin siya sa national competition. Ayaw lang nya talaga nagtratravel kaya hindi na sumali sa international." Pagyayabang naman ni Kwangmin. Proud sya sa bestfriend niya.

"Protective pala si Youngmin sa girlfriend... Para naman kasing hindi marunong magseryoso sa babae yun.. Naguilty tuloy ako sa sinabi ko..." Medyo napahiya na sabi ni Ahra.

"Bakit ka naguilty?" Nagtatakang tanong ni Kwangmin.

"Kagabi kasi sa fb, sabi ko sa kanya malas si Chelsea sa kanya, pero hindi naman pala kasi mukhang mahal na mahal niya." Napag-isip-isip ni Ahra.

"Oo.. Mahal na mahal ni Youngmin si Chelsea.." Mahinang sabi ni Kwangmin at napayuko ito.

Napansin ni Ahra na nag-iba ang ekspresyon ni Kwangmin. Tumahimik na din ito at itinuloy na lang ubusin ang kinakain. Dahil sa pagkailang, nagtanong ulit si Ahra.

"Kasing possessive ka ba ni Youngmin pagdating sa girlfriend?" Tanong ni Ahra. Nagsisi naman agad siya na naitanong ito bigla.

"Ahm..naitanong ko lang..sensya." Bawi niya agad. Baka kung ano ang isipin ni Kwangmin sa pagtatanong niya.

"Hindi. Gusto ko kasi yung magiging girlfriend ko sigurado na mahal ako at hindi ako ipagpapalit sa iba.. Kaya walang rason para maging possessive ako." Sinagot naman naman siya ni Kwangmin. Mukhang malalim ang iniisip nito.

"Magkaiba talaga kayo no.. Pano kayo nagkakasundo?" Umiral na ang pagiging mausisa ni Ahra.

"Magkababata kami. Marami din kaming pinagkakasunduan.. Hindi lang alam ng marami." Depensa naman ni Kwangmin.

"Lagi pa din kayo magkasama kahit nung parehas kayong may girlfriend?" Sa wakas nailusot din ni Ahra ang matagal na niyang gustong malaman, kung may girlfriend o nagkagirlfriend na ba si Kwangmin.

"H-hindi pa kasi ako nagkagirlfriend." Nahihiyang sagot ni Kwangmin. Alam niyang sa panahon ngayon, parang nakakabawas na ng pagkalalaki kung hindi pa nagkagirlfriend ang isang katulad niya.

"Talaga? Bakit naman?" Kunwaring hindi apektado pero sa isip ni Ahra gusto niyang magtatalon sa tuwa. Pangarap niya ang isang lalaking siya lang ang una at huling magiging kapareha. Dagdag pogi points na naman sa kanya si Kwangmin.

"Ayaw ko pa. Mahirap din kasi ma-in love. Mas mahirap pag nasaktan ka pa kaya hindi ako basta na lang papasok sa isang relasyon. Ang OA ko no?" Natawa si Kwangmin pero hindi siya nagbibiro. Tinignan niya si Ahra direkta sa mga nito.

"Maswerte talaga yung babae na magugustuhan mo." Parang nangangarap na sabi ni Ahra.

"Sana.." Nagkibit balikat na lang si Kwangmin.

My Angel In DisguiseWhere stories live. Discover now