Project Ghost Hotline

De VChesterG

16.3K 1.2K 201

Consists of three young paranormal experts, the Paranormal Club of St. Chesterino State University has to sol... Mais

Project Ghost Hotline
Blurb
The Uninvited Book
Prologue
Season 1: Episode 1
Season 1: Episode 2
Season 1: Episode 3
Season 1: Episode 4
Season 1: Episode 5
Season 1: Episode 6
Season 1: Episode 7
Season 1: Episode 8
Season 1: Episode 9
National Book Store Book Signing
Season 1: Episode 10
Season 1: Episode 11
Season 1: Episode 12
Season 1: Episode 13
Season 1: Episode 14
Season 1: Episode 15
Season 1: Episode 16
National Book Store Grand Pinoy Lit Fan Con

Season 1: Episode 17

568 37 6
De VChesterG

Sa mga nalaman ko ay agad akong nagpunta kina Maru at Codi. Nakaupo ang dalawa sa puting monoblocs na nakaharap sa kabaong. Humahangos ang mga paa kong tumabi sa kanila.

"Hey, may nalaman ako," bulong ko kay Maru.

Ang tarantadong si Codi naman ay biglang sumabat, "pare, anong latest?!"

Hindi ko pinansin ang gago. Bagkus ay mas pinagtuunan ko ng pansin si Maru na seryosong naghihintay sa susunod kong sasabihin.

"Remember the girlfriend of Franco Balagtas?"

"Yes, what's with her?"

"One of the family of the Cuenco sisters are connected with Franco."

Kumunot ang noo ni Maru. Tila bang bigla siyang nalito, "what do you mean?"

"Hoy, hot issue 'yan 'tol ha! Bawal mag-imbento ng kwento! 'Di ka troll na mahilig mag-revise ng history!" Ang dagdag naman ni Codi na sinamaan ko ng tingin. Kahit kailan talaga, panira ng moment ang isang 'to!

Huminga na lang ako ng malalim bago lumunok. I made sure that I am taking my time wisely in order for me to deliver the most crucial revelation that I have received today.

"Ate nina Kourine at Keira si Karina Cuenco," panimula ko. Natigilan ang dalawa sa mga sinabi ko. "Siya ang unang anak ng parents nila."

"Whuuut?"

"Teka, paano mo naman nalaman?"

Ang sabay na bulong naman sa akin ng dalawa. Dito ay minabuti ko na lang na dalhin sila sa mga pictures kung saan ako tumingin kanina. At kasama si Keira ay pinaliwanag niya sa dalawa na talagang totoo ang mga nasambit ko.

This sudden revelation really blew their minds. Maru blinked for a couple of times while Codi's nose is scrunching. Tila bang hindi kaya ng maliit na kapasidad ng kanyang utak ang mga nalaman niya ngayon.

"And you know what's more?" I told them again after Keira went to the kitchen with her sister.

"What? Meron pa?" Bulalas ni Codi. "Give na give naman tayo ngayon!"

Tinuro ko ang multo na nasa hagdanan. Pareho silang napatingin doon. Oo, tumingin rin si Codi doon kahit na hindi naman siya nakakakita ng multo. "That ghost . . . she is Karina Cuenco."

Parehong nanlaki ang mga mata nila. Si Codi nga ay ngumanga pa sa pagkagulat. Muntik na tuloy pasukan ng langaw ang bibig ng animal.

"Nakakabaliw . . ." Mabagal na nagkisap-mata si Maru. Ganoon din naman ang ginawa ni Codi.

That moment really created a chaos on our minds. Marahil ay kagaya ko, 'di rin ito inakala ng dalawa. Na katulad ko, 'di nila ito inasahan.

But I know, on that specific moment . . . kahit na hindi kami mag-usap-usap ay mukhang alam na namin ang naiisip ng isa't isa.

That Karina Cuenco is our next client . . .

A long moment of silence came and we are just staring at the ghost on that stairs. Hanggang sa basagin na nga ni Codi ang katahimikan-just like what he is always fond of doing.

"So, ano nang next move natin?"

Huminga ako nang malalim. Matapos ay tumikhim ako, "guess I have no choice now but to interact with that ghost. Mukhang wala na naman iyong kaso kasi siya lang naman ang multo sa bahay na ito, hindi ako gagambalain ng ibang multo sakali mang malaman nila na may kakayahan akong makipag-usap sa kanila."

"Ay, iyan ang bet ko! For da fighter ang ferzowns!" Pumalakpak pa si Codi.

Natawa na lang naman ako sa kanya bago ko piniling lumapit sa multo. Sinundan nila akong dalawa hanggang sa tumabi na ako kay Karina . . . na ngayon ay umaalingasaw ang bulok na amoy. Parehong hindi na maipinta ang mukha namin ni Maru. Sana all na lang talaga kay Codi na walang kalbaryong dinaranas ngayon.

"Just go, bro. Bago pa ako masuka dito." Sambit ni Maru na nakaupo sa harap namin ng multo.

Ako naman ay nagpipigil ng duwal, hinawakan ko ang balikat ng multo . . . and that was the moment where everything came crashing on my mind . . .

Wala akong makita kung hindi kadiliman.

"Nasaan ako?" Ang bulalas ko sa sarili habang nagpapalinga-linga. Wala na talaga akong makita kung hindi puro kadiliman na lang.

Pero bigla akong napangiwi nang mapansin ang kakaibang amoy ng lugar kung nasaan ako. Masangsang ang amoy nito. Nanunuot ito sa ilong. Para bang ako ngayon ay nasa isang loob ng maduming banyo na isang dekada nang hindi nalilinis.

Huminga ako nang malalim. I tried to calm down. Nang sumandal ako sa tila ba malamig na tiles ay bigla akong nakarinig ng mga hakbang. Papalapit iyon nang papalapit sa akin.

And the moment a sound of an opening door came, I was welcomed by the lights that blinded my vision. Seriously, how long did I stay on the darkness for me to be blinded by this mild light?!

"Na-miss mo ba ako?" Ang sambit ng boses ng isang lalaki.

I froze on my seat. Hindi maisip ang dapat na gawin, bigla akong natigilan nang muling marinig ang boses ng lalaki.

"Kasi ako? Miss na miss na kita. Ilang oras pa lang akong nalayo sa iyo pero para bang pilit na akong hinihila ng mga paa ko papunta dito . . . sa piling mo."

Unti-unti siyang naglakad papalapit sa akin.

"Hindi ko na nga natapos ang graduation ceremony natin. Dumiretso na ako sa 'yo dito matapos kong makuha ang diploma ko sa stage."

Pero . . . teka.

Bakit parang pamilyar ang boses na iyon sa akin? Bakit parang narinig ko na iyon nitong nakaraan lang? Bakit parang . . . kakilala ko lang ang nagmamay-ari ng boses na iyon?

Unti-unti ay nasanay ang paningin ko sa liwanag. Unti-unti rin ay nasilayan ko na ang anyo ng lalaking nakatayo sa harapan ko ngayon.

Mahahaba ang kanyang mga hita. Malaki ang pangangatawan. Nakasuot siya ng uniform ng university namin. Nang umupo siya sa gilid ko ay doon lang dinapuan ng liwanag ang katawan ko. Dito ko napansin na malaki at bilugan na ang aking dibdib . . . pero bakit wala akong suot na kahit anong pang-ibaba?

"Kahit hindi mo pa aminin, alam kong na-miss mo rin ako Karina." Sambit muli ng lalaki. Sapilitan niyang iniharap ang mukha ko sa kanya mula sa paghawak niya sa aking mga pisngi gamit lang ang isang kamay.

Dito ay unti-unting dinaga ang dibdib ko. Pero ang kaba na iyon ay unti-unti rin namang napalitan ng pagkalito nang masilayan ko na ang mukha ng lalaki dahil sa liwanag.

Chinito.

Makinis at maputi ang balat.

Matangos na ilong. Maganda ang hugis ng labi. Pati na rin ang kanyang panga.

S-Sir Pochollo?!

Hindi ako makapagsalita . . . hindi ko magawang i-proseso sa utak ko ang mga nakikita. Hanggang sa unti-unti ay namalayan ko na lang ang sarili na inboluntaryong napapatili. Nagsimula akong molestyahin ni Sir Pochollo!

At huli na talaga ang lahat nang bigla, sapilitan niya akong inihiga sa maduming sahig. At hindi ko talaga kinaya nang manghimasok siya sa akin. Matindi ang kirot sa dibdib, napaluha na lang ako nang napaluha. Nanginig ang buong katawan ko sa takot.

Tinulak ko siya, kusang lumabas sa bibig ko ang katagang, "ano ba?! Hindi pa ba sapat na pinatay mo si Franco?! Kailangan mo ba talagang babuyin ang katawan ko?!"

"Oo, Karina!" Ang sambit ni Sir Pochollo habang dire-diretso ang ginagawa niyang panghihimasok. "Ito ang kabayaran ng hindi mo pagpayag na maging akin! Dahil kung hindi ka mapapasa 'kin, pwes hindi ka rin pwedeng angkinin ng iba!"

"Ang sama mo!" Hiyaw ko sa sakit. Pinaghahampas ko ang lalaki sa dibdib. "Napakasama mo, Raul!"

Raul?

I thought it is Sir Pochollo-oh, fuck. The Chanchellor? Si Chanchellor Ong? Ang ama ni Sir Pochollo?!

Kahit na binabagyo ng kalituhan ang isip ay kusa na lang talagang gumalaw ang katawan ko. Bigla ay kinalmot ko siya sa mukha. Doon ay nakita ko ang paglinya ng dugo mula sa kanyang noo pababa sa kanyang kanang pisngi.

Sa ginawa kong iyon ay natigilan si Chanchellor Ong. Hinugot niya ang pagkalalaki sa akin at saka hinawakan ang mahaba kong buhok. And before I can even ready myself for it, he is now bumping the back of my head towards the dirty floor. It was non-stop. Mukhang wala siyang balak na tumigil. Sinabayan niya iyon nang muling paglabas-pasok sa akin.

He is now looking like a real devil.

Nakangiti siya nang malawak habang ginagawa ang malademonyong kababuyan sa akin.

Umirit ako sa sakit. Humingi ng saklolo. Pilit na pinigilan ang paghampas niya ng ulo ko sa sahig. Pero wala akong nagawa. Unti-unti akong nanghina. Unti-unting dumilim ang lahat sa akin.

Hanggang sa namalayan ko na lang na inuumpog niya na rin ang kalahati ng mukha ko sa pader malapit sa aming pwesto. Ramdam ko ang pagdugo ng parteng ito ng mukha ko.

Tanging pag-iyak na lang ang nagawa ko-pero bigla rin naman akong napamulat ng mga mata. Napatalon ako sa kinauupuan ko nang may tumapik sa aking balikat.

"Bro, kanina pa tayo pinagtitinginan ng mga tao." It was the voice of Maru. "Hindi pa ba tapos 'yan?"

Habol-hininga akong nagpalinga-linga sa aking harapan. Dito ay nakita kong nakatingin sa akin ang lahat ng mga nakikiramay. Sina Keira at Kourine ay halata ang labis na pag-aalala sa akin.

"Okay ka lang ba?" Sambit ni Kourine.

Isang malalim na hininga lang naman ang ginawa ko. Lumunok ako ng laway bago tumango nang mabagal . . .

Mabagal na tumingin ako kina Codi at Maru. Kusa ang pagtulo ng luha mula sa akin mga mata.

Sa mga rebelasyong nalaman ko ngayong gabi, mukhang ang mapahiya ay wala akong panahon. All I want right now is to just focus with this case of Karina. I want to unravel everything behind her death.

Bakit nga kaya iyon nagawa ni Chanchellor Ong?

But moreover, ano ba ang koneksyon niya kay Karina?

Ano ang nagawa sa kanya ni Karina para humantong siya sa parte kung saan napatay niya ito?

Continue lendo

Você também vai gostar

39.7K 3.5K 69
Cursed Stories #2 | Mistakes are unintentional, but you pay for it. *** An epistolary, short story. "Order now, die later." When a stranger was added...
23:57 De RAYKOSEN

Paranormal

1.1M 48K 40
May urban legend na kumakalat online. May sumpa raw sa Shibuya na tuwing sasakay ka sa last train ride ng 23:57PM ay magsisimulang magbago ang buhay...
38.7K 2.4K 50
A group of students, worked together to tackle different paranormal mysteries and entities and solving them, to this journey they have formed a bond...
111 11 10
A COLLABORATIVE WORK WITH @darkchives "The university? Check! The course to take? Check! The things to bring? Check! The place to stay? Um... not sur...