Project Ghost Hotline

Par VChesterG

16.1K 1.2K 200

Consists of three young paranormal experts, the Paranormal Club of St. Chesterino State University has to sol... Plus

Project Ghost Hotline
Blurb
The Uninvited Book
Prologue
Season 1: Episode 1
Season 1: Episode 2
Season 1: Episode 3
Season 1: Episode 4
Season 1: Episode 5
Season 1: Episode 6
Season 1: Episode 7
Season 1: Episode 8
Season 1: Episode 9
National Book Store Book Signing
Season 1: Episode 10
Season 1: Episode 12
Season 1: Episode 13
Season 1: Episode 14
Season 1: Episode 15
Season 1: Episode 16
Season 1: Episode 17
National Book Store Grand Pinoy Lit Fan Con

Season 1: Episode 11

486 44 9
Par VChesterG

Part I

Keira Cuenco

Kupas na pintura at kalawang na bubong ang unang bumungad sa mga mata ko. Pinagsisihan ko tuloy na sumilip ako mula sa lagusan ng tricycle. Na-disappoint lang ako.

I secretly heaved a deep sigh.

New beginning for our family is not a good idea at all. Una pa lang, mukhang gusto ko na lang bumalik sa dati naming bahay.

"Welcome to our new home, mga anak!" ang sabi ni Mama. Ngiting-ngiti siya habang tinutulungan kaming ibaba ang mga gamit namin mula sa tricycle.

"Ma, sigurado ka ba talaga rito?" Ate Kharise mumbled. Right now, she is staring at the house with squinted eyes. Just like me, she appeared to be unsure about the happiness that our mother promised for our new home.

"Ano ka ba," ipinulupot ni Mama ang kanyang braso kay Ate Kharise, "alam kong hindi pa kaaya-aya ang hitsura ng bago nating bahay sa ngayon. Ipapa-renovate pa natin iyan. Relax ka lang!"

Mama is always true to her words. Ilang linggo nga lang ay natapos rin ang pagpapa-renovate namin sa bahay. Doon ko lang ito na-aapreciate. Ngayon ay nagmukha itong mansion sa panahon ng mga kastila. The intricate patterns of every edge of this house screams the internal design that is obviously influenced by the spaniards.

That moment, I really thought that everything will be finally fine. Lumipat kasi kami ng bahay para iwan ang malungkot na alaala sa dating bahay namin. Una, ang pagkawala ng ate namin at pangalawa, ang pagkamatay ni Papa sa kamay ng kanyang kumpare.

Akala ko talaga, dito na magtatapos lahat ng masamang naranasan ng pamilya namin. Like, we will move on. We will forget every shit from the past. We will look forward to the better future.

Pero hindi pala . . .

This house.

This house seems . . . cursed.

Makalipas ang isang taon, nagpasya si Mama na lumuwas sa ibang bansa para makipagsapalaran. Wala na siyang choice, eh. Kailangan na niyang kumita ng malaking pera. Tatlo na kasi kaming pinapaaral niya sa College. Kaya kahit ayaw namin, wala rin kaming choice. Kailangan namin ang tulong ni Mama.

Matapos lumipad ni Mama papunta sa Saudi Arabia, kaming tatlo na lang ng mga ate ko ang natira dito sa bahay. At first, normal lang naman. Malungkot dahil wala ang presence ni Mama. But everything turns creepy after that one night.

"Heard it too?" Ate Kourine asked. Kaming tatlo ay nasa sala, abalang nanonood ng paborito naming Korean Drama.

"What?" Kumunot ang noo ko. Pinause ko muna ang TV.

"Someone's knocking at the front door—" natigilan si Ate Kourine.

Dalawang pagkatok ang narinig namin mula sa pinto. Mabilis pero may diin. Yeah, someone's really knocking at our door. Pero sino kaya 'yon? It's already 12 in the midnight.

"Tara nga, i-check natin," Ate Kourine stood up. May pagkairita na mababakas sa kanyang mukha.

But I was too quick to stop her. "Wait Ate, gisingin muna kaya natin si Ate Kharise? Masama ang kinukutob ko, eh. Nakapagtaka kasing may kakatok sa pinto natin ng dis-oras ng gabi. Lalong-lalo pa na malayo naman ang bahay natin mula sa kabihasnan? Hindi ka ba nagtataka?"

Tulog na tulog si Ate Kharise sa tabi ko. I was about to wake her up when Ate Kourine halt me. "Alam mo, ang overthinker mo. Hayaan mo nang matulog si Ate, puyat 'yan sa thesis nila ng partner niyang walang dulot."

Ate Kourine being the toughest one, hindi siya nagpapigil. Dire-diretso siyang naglakad. She left me with no choice but to follow her towards the main door. Noong una ay sumilip pa muna siya sa peephole.

"The fuck? Wala namang tao," aniya bago binuksan ang pinto. Sinalubong kami ng malamig na hangin. Napayapos tuloy ako sa mga braso ko.

Pero nanlaki talaga ang mga mata ko nang lumabas si Ate Kourine mula sa pintuan. Gusto ko sana siyang pigilan pero alam ko namang wala rin akong magagawa sa katigasan ng ulo niya. Sumunod na lang ako sa kanya.

"Hey, fucker! Kung nagpa-prank ka lang, mukha kang tanga!" She suddenly yelled infront of the darkness. "Tantanan mo kami, ulol!"

Umirap pa muna siya bago pasinghal na hinila ako sa loob ng bahay. Doon ay ini-lock niya itong muli. This time, she gestured me to stay silent. Parehong nakalapat ang mga braso namin sa pinto. Tila ba kaming mga batang hinihintay kung may kakatatok bang muli.

And to my surprise, dalawang mabilis na pagkatok na naman ang tumunog mula sa pinto.

"Tangina mo, ah! Nang-ti-trip ka talagang gago ka—" binuksan ni Ate Kourine ang pinto.

Walang tao.

Walang bumungad sa amin kung hindi ang kadiliman at ang lamig ng simoy ng hangin. Nagsimulang tumayo ang mga balahibo ko. Noong mga oras na iyon, pakiramdam ko ay may kung sino ang nagmamasid sa amin mula sa kadiliman. Para bang may nakatingin pero wala namang tao.

"Ang bilis ng gago," Ate Kourine mumbled. Hinila niya akong muli papasok. Siniguro niyang naka-lock ang pinto bago kami nagtungo sa sala.

Hindi pa rin maalis sa akin ang nangyari kanina. Sigurado ako, may kumatok. Rinig na rinig iyon ng dalawang tainga ko.

Pero . . .

Pero bakit walang tao sa labas?

Hindi ako tanga. Kung may kumatok man talaga, makikita namin iyon sa bilis ng pagbukas ni Ate Kourine sa pinto. Makikita namin iyon kahit na tumakbo pa ito palayo. Pero bakit wala kaming nakita? Bakit parang bigla na lang naglaho na para bang isang bula ang kumatok na iyon?

"Oh, Ate? Matutulog ka na sa kwarto mo?" Nawala ako sa malalim kong iniisip nang biglang tumayo si Ate Kharise mula sa sofa. Hindi siya sumagot. Ngayon ay diretso siyang naglakad pataas ng hagdan.

"Ate," ang pag-ulit ni Ate Kourine pero wala pa rin imik si Ate Kharise. Tila bang wala siyang naririnig.

"Anyare d'on?" Ate Kourine asked me. "Baka bad mood lang." She shrugged then sat on the sofa again. Pinindot na niya ang play button ng remote. Prente siyang nanood na tila ba walang nangyari kanina lang.

I am blinking as I sat beside her. Sinundan ko ng tingin si Ate Kharise hanggang sa mawala na siya sa paningin ko. Bakit hindi man lang siya nag-good night sa amin katulad ng lagi niyang ginagagawa? She is always the sweetest pero bakit parang ang cold niya bigla?

Ang weird talaga ng gabing 'to . . .

* * *

Kinabukasan, dahil alas-tres na ng madaling araw nang magpasya kaming matulog ni Ate Kourine, tanghali na ako nagising. Nagising lang ako dahil sa sinag ng araw mula sa bintana ko. Pero agad akong napabalikwas mula sa kama nang marinig ko ang malakas na pag-sigaw ni Ate Kourine.

Agad akong tumakbo palabas ng kwarto. Nakita kong nakabukas ang pinto ng kwarto ni Ate Kharise kaya minabuti kong doon magpunta.

And from there, I saw Ate Kourine. Napakurap ako nang makita ang kilabot sa kanyang mga mata habang tinatakpan niya ang kanyang bibig. Wala na akong hinintay pang sandali. Tiningnan ko na rin kung saan nakadako ang kanyang mga mata.

At . . .

At napalunok ako sa nakita ko.

Tila bang nanghina ang mga tuhod ko sa sobrang kilabot, naparalisado ako mula sa pagkakatayo.

Paanong nangyari 'to?

Paano?

Ngayon, lumulutang si Ate Kharise mula sa kanyang kama. Nakapikit siya at tila ba nahihimbing sa pagtulog. Hanggang sa unti-unting bumaling ang kanyang ulo sa direksyon namin. At halos mawalan talaga ako ng hangin sa mga baga nang bigla, bumukas ang kanyang mga mata matapos ay nginitian niya kami nang malawak.

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

89 11 11
Two people with different beliefs are destined to meet, their destinies are intertwined. and with every question that arises in their mind they are a...
232K 6.6K 40
Madami tayong bagay na nagagawa sa ating buhay na kung maibabalik lang natin ay gusto nating baguhin, isa na dito si Leonard Charles Aguilar na gagaw...
1K 140 5
Seraphic Whisper #3 It was written in the stars that they're fated to meet... But are they fated to stay? Infernal Fate Written by Herroivasfur ©All...
116K 6.3K 23
"A life for a life, A soul for a soul" Are you ready to face death? What will you do if it suddenly comes to you? They say when you're dead, you're...