SA1: She Captured My Heart (G...

Від letmebed1

225K 8K 561

[Completed] Mature Content | SPG | R-18 | GL Story 🔞 Amber Paige a.k.a Agent Reign the cold hearted "Team Le... Більше

Introduction
CAST
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6 ⚠️
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9 ⚠️
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33 ⚠️
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39 🩷
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52

Epilogue

5.1K 176 38
Від letmebed1

Amber Paige a.k.a. Agent Reign

Six months Later....

22:42:07

Inutusan ko si Agent Royce na maunang pumunta sa location nang next target namin para magsurvey. Isa 'yong lumang factory ng mga sako at iba pang gamit sa palayan, may ililigtas kaming kidnap victim na anak ng magasawang politician at businesswoman. Ang hinihinging ransom money ay one hundred million pesos.

Mamayang alas onse ng gabi kami sasalakay.

Makakasama ko ang lahat ng Agents na hawak ko, sina Heart, Rio, Cyborge, Night, Seya, tsaka si Agent Royce na nasa Location na. Pito kaming sasabak sa panibagong misyon.

Habang naghihintay ako ng oras ay nandito ako sa sasakyan hawak ko ang digital tablet at biglang may pumasok na coded message na galing kay Boss, binuksan ko ito at binasa ang message.

Isa itong panibagong misyon. Ang subject ay si Sabrina Montaniel heiress ng multimillion La' Roza Business Conglomerates. Nag-iisang anak ni Mr. Peter Montaniel at kailangan nito ng personal bodyguard.

Pagkatapos ko itong basahin ay ibinaba ko ang hawak kong device dahil oras na para sumalakay.

"Team, get ready!"

Bumaba na kami ng sasakyan, maliban kay Agent Heart, naiwan siya roon.

Tinahak namin ang matataas na damo dito sa likod ng factory, napapalibutan ito ng palayan. Nagtago kami pansamantala saka ko pinindot ang earpiece ko.

"Agent Royce, Report!"

"This is Agent Royce, About thirty people were inside the old factory. Pabalat lang ang pabrika na nakikita niyo. Nasa underground ang totoong pasilidad. Copy?"

"Copy."sagot ko.

Nakatago pa rin kami rito sa mga damuhan at nasa likod kami ng pabrika. According to Agent Royce ang operation ng mga kalaban ay nangyayari sa underground facility ng pabrika, at maaring doon nakatago ang bihag na kailangan naming iligtas.

"Team makinig kayong lahat, ang una nating gagawin ay harangan ang paningin ng mga kalaban. Papatayin natin ang electrical source, tatlong minuto lang ay automatic na bubukas ang generator kaya habang madilim ay gagamit tayo ng night vision goggles at pababagsakin ang mga kalaban sa loob ng tatlong minuto."

Hinanda na namin ang mga armas.

"Cyborge magconduct ka ng perimeter sa parking lot. Mag-report ka kung may mga kakaibang kilos kang makikita."

"Roger!"

"Agent Heart, report!"

Nasa loob siya ng van, naririnig niya ako mula sa earpiece.

"Two heat signatures of enemies has been detected at gate B, copy?"

"Copy, patayin mo ang communication line sa buong area para walang makalabas at makapasok na tawag."

"Copy that!"

"Agent Rio, keep guard."

"Roger!"

"Sniper in position!"

"Roger!"si Seya.

"Makinig ka Seya, pumunta ka sa pinakamataas na lugar. Babantayan mo ang mga pangunahing daan at kapag may nagtangkang tumakas ay pabagsakin mo."

"Copy that!"si Seya.

"Agent Night, pumunta ka sa gate B Pabagsakin mo ang dalawang bantay."

"Roger!" kumilos na si Night at naghintay kami ng ilang sandali hanggang sa mag-radyo siya.

"This is Agent Night, man down at gate B."

Hudyat na ito para lumusob.

"Let's move!"

Kasama ko si Rio at sinundan namin si Night, nakita ko na rin ang presensya ni Agent Royce.

Pagdating namin ng control room ay pinatay namin ang main switch ng electricity saka sinuot ang night vision goggles at saka pinagbabaril ang mga bantay na nagsulputan.

Nagkalat ang mga basyo ng bala. Wala silang laban dahil madilim, advantage sa amin ang pagsuot ng night vision goggles.

Sa loob ng tatlong minuto ay napabagsak namin ang halos twenty na katao at bumukas na ang generator kaya nagtanggal na ako ng goggles.

Sumenyas ako na pasukin na nila ang underground facility, sumunod agad sina Rio, Royce at Night sa utos ko.

Sa hindi inaasahan ay may lumitaw na kalaban sa likod ko, paglingon ko at nasipa niya ang baril na hawak ko kaya nabitawan ko ito.

Mukhang marunong siya sa martial arts, the way na kumilos ang mga paa at kamay niya ay aakalain mong estudyante ito ni Bruce Lee.

"Hyah!!"sigaw niya saka niya ako sinipa pero mabilis kong naiharang ang kaliwang braso ko sa ulo ko saka ko sinuntok ang tuhod niya.

Sandali kaming nagpambuno, at nagawa niya akong ihagis sa mga nakasalansan na karton.

Pagbangon ko ay para itong sumasayaw at handa na naman siyang umatake. Mabilis siyang kumilos, magkasunod na sipa ang pinakawalan niya sa mga balikat ko at nahila niya ang tali ng buhok ko.

Walanghiya!

Nang lumugay ito ay napahawi ako pataas ng buhok.

"Nakikipaglaro lang ako sayo."saad ako.

Nang susugod ulit siya ay yumuko ako nang bahagya at sinuntok nang malakas ang lalamunan niya nagkaroon ako ng pagkakataon na mahawakan ang baba at batok niya saka pwersahang inikot ang ulo niya. Bumagsak siya sa sahig na wala nang malay.

"Reign, negative wala rito sa underground ang kidnap victim. Naitumba namin ang ilan sa mga kalaban dito."boses ni Rio ang narinig ko sa earpiece.

"Hanapin niyo!"

"Roger!"

Hanggang sa may napansin ako na lumabas ng hallway kaya nagtago ako. Kaya pala wala sa underground ang dalaga ay dahil nandito malapit lang sa akin.

"Walang magpapaputok kundi babarilin ko ang babaeng ito!"saad ng kalaban habang hostage niya ang dalaga na nasa edad eighteen. Siya mismo ang pakay namin.

Si Rio, Royce at Night ay nasa underground facility pa.

"Sniper, do you copy?"saad ko.

"Copy."boses ni Seya.

"Visible ba ang hostage at kidnaper sayo?"

"Yes."

"Nakatago ang kidnapper sa likod ng hostage. I'll draw his attention and then take the shot."

"Roger!"

Magaling bumasa si Seya ng body language alam niya kung kelan lalabas ang katawan ng suspect sa likod ng hostage.

"Huwag kang magpapaputok! Lalabas ako at ihahagis ko ang baril ko, mag usap tayo!"saad ko sa kalaban.

Itinaas ko ang mga kamay ko saka dahan-dahang ibinaba ang baril na hawak ko, saka ko sinipa palayo sa akin.

Itinutok naman ng kalaban ang hawak niyang baril sa akin. Maya-maya lang ay itinutok ulit niya ang baril sa ulo ng hostage niya.

"Huwag kang lalapit!"sigaw niya.

"Hindi ako lalapit. Kailangan ko lang makuha yang babaeng hawak mo at malaya kang makakalis dito."

"Sinong ginago mo! Pinatay niyo na lahat ng mga kasamahan ko! Kapag binitawan ko 'to malamang papatayin niyo rin ako!"

"Pangako hindi ko gagawin iyon. Basta ibigay mo sa akin ang hostage mo, iyan lang ang pakay namin dito."

"Hindi!"pagmamatigas niya.

Idiniin niya ang baril sa ulo ng dalaga. Halatang takot na takot ang hostage.

"Kapag hindi mo siya pinakawalan mam*matay ka ngayong gabing ito."

Hindi siya lumalabas sa likod ng hostage mukhang aware siya na may sniper kami, kaya gagawa na ako ng hakbang para makuha ang atensyon niya.

Naglakad ako para pulutin ang baril ko.

"Subukan mong kunin yang baril mo, pap*tayin ko 'to!"

"Kapag ginawa mo yan siguradong m*mamatay ka rin!"sagot ko.

"Papatayin na lang muna kita!"sigaw niya.

Nang itutok niya ang baril niya sa akin ay lumabas ang kalahati ng katawan niya sa likod ng hostage.

"Sniper take the shot!"sigaw ko.

'Wob!'

Biglang bumulagta ang lalake. Naiwang nanginginig ang dalaga habang umiiyak. Pinulot ko ang baril ko saka ko siya nilapitan.

"Shh tahan na, it's over, you're safe now."

Halatang natrauma ang babae. Nakabalik na rito sina Rio, Royce at Night at sinamahan ang dalaga na pumunta sa sasakyan.

Pinindot ko ang earpiece ko.

"....good job, Seya."

"Thank you Reign! Yong premyo ko!"

Bigla akong napangiti. Masaya na naman si Seya. May premyo kasi siya sa akin pagkatapos nitong misyon.

"Later, bumaba ka na diyan."

"Okay, ang taas nitong puno na inakyat ko."

"Mag-iingat ka sa pagbaba."

"Sure, thanks!"

Nagkita kita kami rito sa sasakyan, isang van ang dala namin at sumakay na kaming lahat. Si Night ang driver, katabi niya sa harap si Cyborge.

Nagbyahe kami papunta sa safehouse, doon namin dadalhin ang dalaga. Naghihintay doon ang pamilya niya.

Katabi ko si Seya dito sa sasakyan, humahanga ako dahil mas lalo siyang gumagaling sa pag-asinta.

"Are you all right?"tanong ko sa kanya. Dahil madilim naman dito sa pwesto namin ay nagawa kong hawakan ang kamay niya.

"Okay lang ako, Reign. Kaso ang taas nang inakyat kong puno kanina. Gusto mo talaga yong nahihirapan ako, 'no?! Bakit ko ba tinanggap 'tong trabahong 'to nakakawalang poise umakyat ng puno!"

Hindi ko mapigilang matawa sa loob-loob ko. Mas lalong humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay niya.

Nang makarating kami rito sa safehouse ay sinamahan ko ang dalaga dito sa loob ng bahay para makita niya ang kanyang pamilya.

"You'll be all right, now. Makakasama mo na ulit ang pamilya mo."

"Thank you, po."

"Walang ano man. Trabaho namin ang iligtas ka."

Umiiyak na tumango ang dalaga. Pagpasok namin ng sala ay nandito ang parents niya. Hinayaan ko na silang magkasama-sama.
Isang gabi kaming magbabantay rito dahil bukas pa dadating ang ibang team na hahawak sa kaso nila.

May panahon kami para magpahinga rito.

Kanya-kanya kaming pwesto. Si Heart ay nasa loob ng Van, kasama niya sina Royce at Rio, doon na sila magpapahinga. Si Night at Cyborge ay nakabantay naman sa likod ng safehouse.

Kami ni Seya ay nandito sa balcony dito sa second floor. Nakaupo kaming dalawa rito at liwanag lang ng buwan ang nagsisilbing ilaw namin. Maliwanag kahit papaano.

"Seya, naaalala mo ba yong unang beses na may namagitan sa atin sa backseat ng kotse?"

Napangiti siya.

"Makakalimutan ko ba yon? Kahit ata high na high ako dahil sa na-take kong ecst*cy ay kaya kong tandaan ang mga nangyari between us."

"Talaga?"

Tumango siya.

"Doon kita naging crush. Ewan, baka epekto lang nang nainom kong ecst*cy yon kaya feeling ko ang galing-galing mo mang-romansa sa mga oras na iyon."

Natatawa ako sa revelation niya.

Hinawakan ko ang kamay niya at tinitigan ko siya and let her know kung gaano na kalalim ang nararamdaman ko para sa kanya.

"Hindi ko akalain na ikaw lang ang makakahila sa akin sa madilim kong kahapon. Sorry kung nasasaktan kita noon, at salamat hindi mo sinukuan ang ugali ko."

"Muntik lang, pero hindi pa rin kita nagawang sukuan dahil mahal na kita noon at wala akong ibang ginusto kundi manatili sa tabi mo, Reign."

"Hindi ko rin gugustuhing malayo ka pa sa akin. Ngayon alam mo na kung gaano kita kamahal..."

Tumango siya at napangiti nang matamis.

"Hanggang dulo, Reign?"

"Yes, hanggang dulo Seya..."

Akala ko noon kaya kong mabuhay nang mag-isa, dahil hindi ko magawang bitawan ang nakaraan. Pero hinila niya ako sa madilim na bahagi ng buhay ko at ngayon lubusan ko na siyang minamahal.

••THE END••



SECRET AGENT 2: GUARDIAN OF HEART Agent Royce and Sabrina Montaniel "The Sole heiress"

Продовжити читання

Вам також сподобається

660K 19.4K 47
"I-I'm the first lieutenant of the Air Force and you should obey me whether you like it or not!" - Lacey Halverson "Well I'm the first daughter of m...
1.1M 36.2K 37
"Marry my daughter or I will kill you." pagbabanta ng matipunong lalaki na may hawak na baril habang nakatutok sa makinis kong noo. Napapitlag ako s...
683K 15.9K 40
Akala nila Nica at Bianca dumating na ang kuya Drew nila, kaya pa simple silang pumunta ni Bianca sa bahay nito, nag silbing look-out si Bianca para...