Unpremeditated

By eyreendee

556 79 105

Zera shook the whole campus by confessing to Keon, their school's topnotcher and heartthrob in the school lob... More

Note
1: Gusto Kita
2: HEADLINE
2 (2): STEMS and Matches
3: Senior High School Medley
4: Emote
5: Good to See You?
5 (2): Mission Impossible
OWEMJI๐Ÿ˜ญ
6: Beyond School Hours
6 (2): What Matters Most
7: My Brain Is Not Braining
8: Bagsak na Naman
8 (2): Hindi ba Tayo?
9: City Meet
10: Friendly Match
10 (2): Nice Game
11: Rest Day?
11 (2): Double Trouble
12: Tulong
12 (2): It's All About Me
13: Break Time Mash-up

14: Heartbreak

23 2 0
By eyreendee

Grace:
Huyyy? Sa'n ka na? Mag-start na card showing.

Zera:
Eto naaaaa. Otw. Owemj

Zera:
Beat ko na record ko of eight minutessssss.

Muntik ko na makalimutan ang card showing! Grabe. Kung ano na nga lang ang sinuot kong damit kakamadali at kumaripas na ng takbo palabas.

"Minute to win it time." Dere-deretso lang ako sa pagtakbo sa sidewalk.

ANG LAPIT NA NGA LANG NG BAHAY KO, NA-LATE PA AKO???

Pagdating ko sa driveway ng school namin, sinubukan ko pang bilisan ang takbo ko dahil baka hindi ako makaabot sa attendance.

AAAAAAH! NAKITA KO NA ADVISER NAMIN PUMARADA!

Tumawid ako nang makitang walang sasakyan at tuloy-tuloy ang takbo papunta sa room. Pagkadating ko, hinihingal akong bumati sa kanila.

"Good morning!"

"Habulin mo muna hininga mo, girl. Anyway, may improvement! Seven minutes lang nandito ka na!"

Dahil hindi pa nagsisimula ang card showing, may 30 minute break muna kami. Nagdaldalan kami ni Grace sa canteen at kung anu-ano ang pinag-usapan.

"Kinakabahan ako. Baka mag-75 ako sa em tech, huhu."

"Hindi 'yan, girl. Ano ka ba."

"Nag-rem classes ako last quarter. Kinakabahan talaga ako, owemji." Inayos ko ang pagkakahawak ko sa hot choco mula sa vendo. "Nagmadali pa akong pumasok, magkaka-30 minute break din pala."

"At least nakapag-attendance ka na, 'no."

May nahulog mula sa bulsa ko pagkatapos ko ilagay ang sukli.

"Please open after exams! Goodluck!" Basa niya sa napulot.

"Oh, sa'yo 'to. May pa lucky charm ka yata?"

"Huy, 'di sakin galing 'yan. Nakalagay na 'yan sa table sa library. Muntik ko na makalimutan 'to, so super thanks."

Dahan-dahan kong sinilip ang envelope na iniwan para sa'kin sa library last last week.

"Grace! Owemji! Excuse me, ha. I need to confirm something!"

My heart started to beat faster at the sight of the picture. I pulled out the polaroid shot completely at nakita kong natutulog ako...

Katapat si Keon na natutulog din!

I fell asleep right after he left! Bumalik pala siya?

"Keon!" Today, I decided to confront him kung gusto ba niya ako dahil hindi ko na kayang itago ang katotohanang hindi ko naman talaga siya kinalimutan.

Crush ko pa rin siya.

"Hi! Good morning! Nandiyan ba si Keon?"

"Nandito. Ayun oh." Sabay turo sa fourth row. Napapasama din kaya siya sa 'boys at the back' na linya ng nga teacher?

Focus, Zera! Focus! Makikituloy po, E1!

"Keon! I have something to ask. Dali!" Hinigit ko ang kamay niya pero nanlaban siya.

"Ano ba? Anong kailangan mo?" Tanong niya at salubong ang kilay habang kinakausap ako.

Sungit!

"Ikaw. Sino pa ba? Bilis!" Inirapan niya ako at tumayo. Kinaladkad ko lang naman siya papunta sa gym. Alam kong walang tao dito dahil sarado siya para sa event mamayang hapon.

"Tsk." Sambit niya at tinabig ang kamay ko. Tiningnan ko siya ng masama at hinila na lang siya braso.

Oh, 'di na siya nanlaban.

"Bakit ba tayo nandito?"

Iritang tanong niya kaya hindi na ako nagpaliguy-ligoy pa.

"Keon, I know that you're already aware that I liked you before, right?"

"If I'm not mistaken, you still like me, right?"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Excuse me?" Well, hindi naman siya mali.

"Dadaan ka ba?"

"Keon naman. Kung two weeks ago gusto ko ng silent treatment, today I want clarity. Para sa peace of mind ko."

"So? Anong meron? Why am I involved in your so-called peace of mind?"

I looked straight to his eyes and asked,

"Do you like me?"

I heard nothing but the sound of the birds playing at the window. The handsome man I liked for an entire school year is stunned by my question. Wala nang mas nakasakit pa sa'kin ngayon kundi ang katahimikan.

Ayos lang naman kung hindi niya ako gusto eh. I can take it. We've been here. He's just looking down at the floor with a hand on his pocket.

"O—kay, since mukhang nahirapan ka, dinala ko na 'to. Wala akong ibang iisipin kundi gusto mo 'ko, dahil diyan ka pa rin sa table ko nanatili at nakitulog."

Binigay ko ang picture sa kaniya and he stared at it as if he's thinking critically.

"Do you seriously think I chose to be on the same table as you? Hindi ba pwedeng wala talagang vacant katulad ng sinabi ko sa'yo dati?"

"It could be that! Pero nakitulog ka sa table ko! When you told me na hindi ito tulugan." I mocked his tone as I restate what he said.

"Baka crush mo talaga ako? Ayaw mo lang umamin. Sige na, 'di kita pipilitin." Natatawang sabi ko.

"Ano bang sinasabi mo, Zera? Pambihira naman, oh. Naki-share lang ng lamesa, crush ka na?"

He clicked his tongue then smugly smiled before saying,

"Paano ako magkakagusto sa hindi makapagbasa ng tuluy-tuloy sa calculus, stat, at chem?"

Oh, I'm very sorry Mr. Topnotcher. Eto lang ako eh.

"Tsk. Just tell me, Keon. It's a yes or no question. I can take it."

"Ayoko. Ini-istorbo mo lang ako, Zera. Balik na lang ako sa room."

Iniharang ko ang kamay ko para hindi siya makadaan.

"Bilis na. Para naman kapag ni-reject mo ako, pagtutuunan ko na ng pansin ang iba kong crush."

"I guess I'm required to answer para pakawalan mo. Mapilit ka talaga, 'no? Ang kulit mo."

"Kakalimutan na kita, promise. Hindi na kita guguluhin. Sabihin mo lang na hindi mo ako gusto, ako na ang lalayo para sa katahimikan mo." Kinindatan ko siya pagkatapos kong itaas-baba ang kilay.

"Zera." He said and sighed deeply.

"Why are you doing this?"

"Tapusin na natin 'to. Ano ba naman 'yan, oo o hindi lang, eh. Tagalugin ko na nga, sir Keon." I fixed my composure and asked him once more.

"Gusto mo ba 'ko?"

Ang cute natin do'n sa polaroid.

He smiled as he shook his head. My heart didn't break this time. But at least I knew how he felt. Again. I laughed loudly and nodded my head.

Sakit naman no'n, idol.

"Salamat sa oras mo."

I happily marched away from the gymnasium. I guess I have no luck in my first year of senior high. Akala ko ito na 'yon kaya naman desido akong komprontahin siya.

What can I say? It is what it is and what's done is done.

"Zera! Anong nangyari?! Bakit ka umiiyak?" Tarantang tanong sa'kin ni ma'am Berly nang magkasalubong kami sa lobby.

Kinapa ko ang pisngi at basa pala ang mga iyon. Hindi ko napansin.

Ako? Iiyak? Hello? 

"Ma'am napuwing po ako, eh. Maghihilamos na po sana ako sa cr. Hindi ko po kasi matanggal 'yong maliit na bato."

"Oh, siya sige. Mag-ingat ka, ha. 'Wag mo na lang kusutin ang mata mo."

"Opo, ma'am. Thank you po!"

I quickly traced the cr to calm my sniffle. My heart is not broken, yet she's sad. Dahil ba hindi na-reciprocate feelings ko? Prepared ako for this, ah?

So, bakit ako nage-emote?

"Come on, heart. It's not that painful. May mas gwapings pa naman sa kaniya, for sure." Sabi ko at tinapik ang bandang puso upang pakalmahin 'yon.

Napatitig ako sa polaroid shot na nakuha ko sa library kung saan parehas kaming nakatungo sa lamesa at natutulog. Nakapatong pa ang braso niya sa biology book.

"Gagawin kitang bookmark." Pinunasan ko ang luha at naghilamos. Binuksan ko ang pinto ng cr at lumabas. Nakita ko si Keon na nakasandal pader.

"Zera, okay ka lang?"

"Tsk." Inirapan ko siya at binilisan ang lakad.

"Zera."

"Ayos lang ako, Keon. I understand and respect your feelings. 'Wag kang mag-alala."

Pagkadating ko sa room, pumunta ako sa unahan upang kuhanin ang card ko.

General Average for the Semester: 88.75

Yes! Lampas 85! Finally! Something to be genuinely happy about!

But it's not enough to keep me engaged for a long time. Medyo nawalan ako ng gana makipag-usap ngayong araw kaya nanahimik ako sandali at tumungo. Hindi ko na namalayang lumipas na ang oras.

"Zera! Congrats!" Napamulat na lang ako sa bati ni pres at tumabi sa'kin ng upo.

"Thanks."

"Walang blowout? 100 ka sa PE sa fourth quarter?" Nagtawanan kami ng slight sa sinabi niya.

82 naman ako sa em-tech.

"Dahil break naman, kain tayo sa labas. May dalawang pisong takoyaki sila do'n."

Hinila naman ako ni pres Ian hanggang makarating kami sa mga tricycle ng street foods. Wala na akong gana tumanggi.

"Bakit mo ba 'ko kinukulit ngayon?"

"Hindi ako sanay na tahimik ka eh."

"Okay, my savior. Salamat."

Binigyan kami ni ate ng paper bowl dahil 20 pesos plus ang bibilhin namin. Kumuha ako ng pitong kwek-kwek na buong pugo, walong veggie balls, dalawang squid ball, at tsaka tatlong pancake na may margarine at asukal sa taas.

Why do I feel like I needed pres para lang makakain ako ngayong araw?

"Ano? Feel better?"

"Definitely."

"Miss, bayaran ko na rin po 'yong kaniya." Inilabas ko ang wallet pero pinigilan ako ni pres.

"Ako na. I was joking kanina." Pumikit ako at nginitian siya. Hindi mo ba alam kung gaano kahalaga para sa'kin 'to?

"I'm really thankful to you, so ako na."

He let me do what I wanted dahil hindi ako papayag na siya ang magbayad.

Dalawang stick ang nabunot ko. Nakakadiri naman kung ibabalik ko pa. Tinikman ko ang squidball pero hindi ko nagustuhan. Naglakad na kami pabalik sa campus.

"Pres, oh. Tikman mo."

Ginamit ko ang isa pang stick na nakuha ko at ibinigay 'yon kay pres. Kaso dahil may hawak siya sa parehong kamay, kinagat niya 'yon ng nakatusok sa stick.

"Trip mo?"

Umiling siya, "Hindi eh. Ubusin ko na rin dahil sayang."

Natawa ako sa kaniyan dahil akong-ako ang personality. Ayaw magsayang ng pagkain. Hinawakan ko ang nakatusok na squidball malapit sa bibig niya.

"Ayaw pa kasing kainin ng buo. Tinitipid pa."

"Ay, sorry naman, madam Zera. Tinitiis ko pa kasi 'yong lasa eh."

Nagtawanan kami habang naglalakad at kinain na nga niya ng buo ang squidball.

We passed by some schoolmates tapos muntik matapon 'yong pagkain ko dahil may naghaharutan sa daan. Medyo sumama ang timpla ko at inubos ang pagkain bago tuluyang nanahimik.

"I guess, your socializing energy is low bat na. I'll let you have your space."

"Pres, maraming salamat."

I didn't talk as much as I normally do for the rest of the day. Well, I didn't think I'd be this affected when I really thought I'm ready for my feelings to either be accepted or rejected.

My adviser held a recognition before uwian for those who acquired 90% and above for their average. I was proud of my bestie being there in front.

"Congrats, Grace!"

Niyakap niya ako. I hugged her back tightly. "Congrats din! Hindi ko alam bakit ang tahimik mo today pero pwede ka namang magkwento kung handa ka na."

"Hmm. Mauna na 'ko." Kumaway ako at bumeso sa kaniya.

"Sir, maraming salamat po!"

"Congrats, Ms. Millarte! Ingat sa pag-uwi."

Nakarating na ako sa lobby at may pagtitipong naganap sa harap ng bulletin board. Nagbabalik na ang mahiwagang breaking news sticker at poster size picture namin ni Keon.

'FLAME OF LOVE BURSTS AS THE SEMESTER ENDS!'

The campus' presumed couple, Zera Millarte and Keon Lasistona, were seen sleeping together in the library while facing each other on a table.

Although students have said that Keon left the table after having a tiny squabble with Zera, he still went back to read even when she fell asleep. It's like what others say, "opposites attract".

Because not long after reading a biology book, Keon also fell asleep! Giving us a shot of 'kilig' with the library's scenery!

"Ayan si Zera, oh. Nakikibasa rin."

"Hanggang ngayon naman wala pa siyang pinipili kay Ian tsaka Keon, 'di ba?"

"Yup. Well, buhay naman niya 'yan. Let's wish for her happiness na lang."

"True. Might as well wish her for health. Athlete natin siya sa school eh."

Wow, that's great to hear. Thanks.

"Mm-hm. Maraming salamat for wishing that for me." Since I overheard the convo, I replied and they smiled at me then walked away.

Flame of love bursts? Rejected ako.

Dating gawi, inipit ko sa notebook ang flyer na babasahin saka itinago sa bag. Gusto ko na talagang umuwi.

Lakad-takbo na ang ginawa ko upang makalayo sa campus. I don't wanna see anyone anymore today. Affected talaga ako at alam kong lilipas din 'to. Bakasyon na bukas at ito ang huli naming pagkikita ni topnotcher.

Mabuti naman.

Continue Reading

You'll Also Like

44.6K 2.6K 39
Javaid
126K 3.1K 84
- ๐™„๐™‰ ๐˜ฝ๐™€๐™๐™’๐™€๐™€๐™‰ - started: 12/29/23 finished #1 | 2009 #1 | diorgoodjohn #2 | jessicaalba #3 | vancouver #3 | stuckinthemiddle #3 | diorgoodjo...
2.9M 243K 53
๐™๐™ช๐™ฃ๐™š ๐™ ๐™ฎ๐™– ๐™ ๐™–๐™ง ๐™™๐™–๐™ก๐™– , ๐™ˆ๐™–๐™ง ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž ๐™ข๐™ž๐™ฉ ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž ๐™ƒ๐™ค ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž...... โ™ก ๐™๐™€๐™๐™„ ๐˜ฟ๐™€๐™€๐™’๐˜ผ๐™‰๐™„ โ™ก Shashwat Rajva...
1M 3.6K 72
lesbian oneshots !! includes smut and fluff, chapters near the beginning are AWFUL. enjoy!