Unpremeditated

By eyreendee

545 79 105

Zera shook the whole campus by confessing to Keon, their school's topnotcher and heartthrob in the school lob... More

Note
1: Gusto Kita
2: HEADLINE
2 (2): STEMS and Matches
3: Senior High School Medley
4: Emote
5: Good to See You?
5 (2): Mission Impossible
OWEMJI😭
6: Beyond School Hours
6 (2): What Matters Most
7: My Brain Is Not Braining
8: Bagsak na Naman
8 (2): Hindi ba Tayo?
9: City Meet
10: Friendly Match
10 (2): Nice Game
11: Rest Day?
11 (2): Double Trouble
12: Tulong
13: Break Time Mash-up
14: Heartbreak

12 (2): It's All About Me

6 2 0
By eyreendee

"I've been meaning to talk to you since that second article you wrote about me. Ayos lang sana kung once ka lang nagsulat kaso inaraw-araw niyo na yata ng editorial team niyo. Actually, I am flattered by the fact that I bring out some talent in writing for your team. Nakapag-back to back english and tagalog articles kayo because of me. Okay lang naman sila, by the way."

I was talking rapidly and gesturing my hand crazily after Krizty accepted my offer to take a seat and have a "little" chat. Wouldn't it be better if I go straight to the point?

"Pero have you ever thought of considering my private life and how much I would appreciate it if you were to ask permission about releasing another article about me and the other people involved? Bubukol ba sa katawan niyo na humingi man lang ng permiso namin?"

I just really couldn't get why I am being subjected to hot seat. 'Di ko naman pinangarap magawan ng issue at maipaskil ang mukha sa bulletin board na ang title ng article ay "ZERA MILLARTE, NAMAMANGKA SA DALAWANG ILOG".

"Maraming salamat sa magagandang litrato na nakasama ako sa bulletin board, but what I am asking is a little consideration for my life's privacy. I didn't want to be famous or popular just because I told Keon I liked him. I did it for my peace of mind, para hindi na ako nababagabag sa dinadamdam ko para sa kaniya. Kung gusto niya ako, edi kiligin. Kung hindi naman, edi bagong crush."

Hinampas ko ang lamesa upang mariing sabihin ang totoo.

"Sobrang gusto ko si Keon at hindi ko kayang manahimik! Mas ikapapanatag ng puso ko kung nalaman niya kaysa mabulok 'to."

Krizty's looking at me like she has seen a ghost. I didn't look back at the other table but the whole place went silent.

So, naging bida yata ako ng teleserye???

"Hello? Earth to Zera." Kumaway-kaway si Krizty sa harap ko.

"Ay, hello. Sorry, I spaced out. Ano 'yon?" Damn. I had such a nice and feisty monologue in my head for me to act like this.

"Nilipad 'to kanina eh. I believe this is yours."

Iniabot niya sa'kin ang sticky note ko.

"Yes, it's mine. Thank you."

"Alright. Balik na 'ko sa table."

"Sure. Thanks ulit."

I need to get out of here. I'm having bad thoughts. Hindi naman bad talaga pero naisip ko lahat ng sasabihin ko tapos magba-back out ako ngayon? It's okay to hold back sometimes.

Zera, ang gulo mo talaga.

"Salamat po! Magandang hapon po!" Bati ko habang naglalakad papuntang pinto.

"Salamat, ma'am! Balik po kayo!" Nginitian ko ang mga crew bago lumabas.

Tinanggal ko sa pagkakaboknay ang buhok ko at hinayaan itong lumaladlad. Kaunting suklay lang gamit ang mga daliri ay okay na. I need time management.

"PA'NO BA MAGING ORGANIZED?" Pasigaw na tanong ko habang nagalalakad sa street.

"Students my age are way better than me. Bakit naiiba ako?" I literally am struggling on my pace.

Krizty and company were really focused when they're working on something. Nanahimik ang table nila pagbalik niya eh. Unlike me, madali ako ma-distract.

"Totoong-totoo na ang inggit ko sa kanila at galit ko sa sarili ko kasi parang ako ang hindi makagawa ng tama. Kung ako si Keon, aba. Wala siguro akong problema ngayon."

"Diyan ka nagkakamali."

"Ako? Magkakamali? Eh, top one overall 'yon. Ibig sabihin responsable siya."

"Gano'n ba?"

"Wat da heal! Keon?!" Napahawak ako sa braso niya pagkatapos ko 'yong hampasin dahil sa gulat. Kaya pala naisip ko na wala naman akong maalalang may kausap ako.

"Anong ginagawa mo rito?"

"Pinabili ako ng cartolina ni leader."

"Ha? Hindi ikaw ang leader?"

"Sa chemistry lang."

Huminto kami sa paglalakad at gumilid upang mag-usap. "Anyway, bakit mo 'ko sinundan?"

"Hindi kita sinusundan." Sagot niya sa'kin at tumalikod. "Pabili po. Manila paper po, tatlo."

Assumera ka pa rin hanggang ngayon?

"Siya, mauna na 'ko." Paalam ko at kumaway habang naglalakad. Nakakainis. Gwapo pa rin talaga siya.

Natatawa pa rin ako kung gaano ako kaderetso magsalita no'ng tinanong niya ako ng "naisip mo ba na pwedeng maging tayo?", tapos ang sagot ko "ninety-five percent, hindi. Five percent, medyo."

Actually, parang baliktad nga eh.

Kinikilig pa rin ako kapag nagkakasama kami. Pinipigilan ko lang kasi kinukumbinsi ko ang sarili ko na hindi ko siya gusto. Kaso habang mas pinipilit kong kalimutan siya, mas lalo siyang tinatandaan ng puso ko.

WHAT IS THIS BEHAVIOR, MADAM?

Kung naging kami, hindi ko alam kung anong klaseng tao ako. Malambing kaya ako? Mainitin ang ulo? O kaya naman ganda lang ambag sa relasyon namin? Masungit ako sa bahay at sa tingin ko aayawan niya ang side kong gano'n dahil sanay siyang pinakikisamahan ko siya sa trainings.

Kung naging kami, may sweet side kaya siya? Ano kayang love language niya? Mato-tolerate niya kaya kung babagsakin ako? Kung puro remedial ako? Hindi na kaya siya magiging cold o man of few words?

These were just some of what I have thought when I considered Keon and I being together. 'Di ba? Childish pa. Ni hindi ko nga alam kung magkakaintindihan ba talaga kami dahil sa pagkakaiba namin.

I'm quick to voice out my thoughts and lets my emotions drive me, while he's direct but with a cool and calm pace.

That's too much of a difference, but I have what it takes to understand him.

Sige, magliliwaliw ako ngayon at bukas ipinapangako kong makakagawa ako ng kahit dalawang activities na naipon sa'kin dahil ayokong maiwanan kapag hell week.

Promise. I want to study just like them.

Bumalik ako sa coffee shop at bumili ng apat na red velvet crinkles na 25 pesos each na kakainin ko habang gumagala. Kaysa magmukmok ako sa bahay at tamarin, lalayas ako ngayon at focus na ako sa gawain ko bukas.

"Apat na red velvet crinkles po." Isusugal ko na ang 250 pesos ko today para sa ikasasaya ko.

"Napabalik po yata kayo, ma'am?" Sabi ni ate Sally habang tinutupi ang box na paglalagyan ng tinapay.

"Gagala po kasi ako ngayon, kasi bukas po busy na."

"Ay, tama 'yan, ma'am. Pakasaya ng kaunti tapos aral na ulit."

"Opo, hehe. Salamat po!"

Nakita kong kasunod ko pala sa pila sina Chandrie kaya nginitian ko sila at tinaasan ng kilay.

Umalis na si Keon???

"Sinong hinahanap mo?"

"Ian! Hello!" Bati ko at hinampas ang braso niya. "Wala. Paalis na kasi ako."

Nakita kong kasama niya ang mga groupmates niya kaya kinawayan ko na rin sila at binati. Umalis na sila patungo siguro sa bahay ng isa sa kanila at may project report sila sa 21st Lit dahil hindi sila nakapag-present kahapon.

Gwapo rin naman si Ian. Bakit hindi ko siya type?

With that thought I become occupied. The guys are both good looking and I look like the end of the humanity personified.

Pagkasakay ko ng tricycle para umalis, iniisip ko pa rin ang pinagkaiba nila.

No more acads today, yes to kalandian.

[Message] 05:34 PM
Ian:
Ingat ka, Zera!🥰

I now really am thinking why I've been crushing on the wrong guy for this school year. Ian's a match but I really don't see him more than a friend. That's the farthest we can be. Drawing the line would risk our friendship.

I got to SM. Went window shopping sa mga clothing brands, book searching sa NBS at booksale, and just walking around the mall.

Senior high pa lang 'to, parang pagod na 'ko. What more sa college?

Nope. We're not thinking of acads today. Alam kong medyo bobo ako, pero alam kong kaya ko pang magbago.

Nakakatamad lang talaga.

Hindi na ako kumain sa mall since nag sisig na ako kanina. Ikot-ikot lang ng ilang oras hanggang sa mapagod. Ang dami kong nakitang magagandang damit at sapatos na nagustuhan ko, kaso wala naman akong pera kaya tinandaan ko na lang ang itsura.

I stopped in front of Watsons at nakita kong sale ngayon. A liquid lipstick that was 295 before, 99 na lang. Pagkalapit ko sa item, may sumalubong agad na saleslady.

"Hello, ma'am. Anong pong hinahanap niyo?"

"Good afternoon po. Lipstick lang po." Panimula ko habang nakatingin sa salamin at may hawak na tatlong iba-ibang kulay.

Red, pink, at brown?

Red is too much for me, I think I can't pull that off. Pink on the other hand, is not a match. Hindi sila bagay sa'kin at hindi ko sila bet. Kaya naman napatingin ako sa shades na nasa pamilya ng brown.

Chestnut, coffee, cocoa, almond, caramel, mocha, and toffee.

I'm not comfortable on wearing dark lips everyday. I crossed out the first three that I looked into. Almond and Mocha are lighter browns, not sure about these. I battled it out whether I pick caramel or toffee.

"It's caramel!" Bulong ko sa sarili after mag-swatch.

After the Watson's budol, nagpunta ako sa restroom upang subukan ang binili ko. Shet. Hindi pala ako marunong mag-apply nito.

Sinimulan kong lagyan ang lower lip ko. "Wow! Owemji? The difference!" Bulalas ko pagkatapos ng isang swatch sa labi.

Hindi na ako mukhang maputla!

I carefully traced my cupid's bow from the center then to the left tapos center ulit and then right.

Owemji! I feel beautiful! Wtf?

Nakakatuwa na may nagawa ako para sa sarili ko upang sumaya at maramdaman ang kumpiyansa ngayong araw. This lipstick is so good that I can't take my eyes off of myself in the mirror.

The first time I felt empowered and beautiful.

Kung gusto kong mag-move on, I have to at least upgrade. Gusto ko rin pumasok ng school na hindi nababahala sa itsura ko. Tsaka, para naman ma-showcase ko ang ganda ko!

Chereret!

Umuwi ako ng bahay at ginulat silang lahat sa aking new lip look. Nagmano ako kay mama at papa, bago nilikot si ang mga kapatid ko.

"Wow! Nagdadalaga na si Zera!" Sambit ni mama at niyakap ako.

"Eksena mo? Gandang miss universe!" Kumento ni papa kaya kumaway-kaway ako na nagpatawa sa kanila.

"Ang ganda ng shade na 'yan, ate. Anong brand?" Tanong ni Nina ng kapatid kong sumunod sa'kin.

"Secret. Ayoko ng may kaparehas." Nginitian ko siya at tinaasan-baba ng kilay.

"Bagay sa'yo. Ganda mo diyan. May crush ka 'no?" Sabi ni ate Dani at hinawi ang buhok sa tenga.

"Luh? Nagpapaganda ka pala, ate?"

"Huy?! Ma, Pa, inaapi ako ni ate Dani tsaka ni Nina!" Nagtawanan kaming tatlo.

"Ano? Lipstick ko lang maganda, hindi ako?" Prankang tanong ko habang inaarko ang kilay.

"Gano'n talaga."

"Siyempre."

"Isusumbong ko kayo kay mama." Pabirong sabi ko bago nagtungong kuwarto at nagpalit ng damit.

"Halika nga rito, my baby Seb!" Buhat ko sa pusa kong lalaki na malaki, matakaw, pogi, at masungit.

"Meow!"

"Na-miss mo si mama? Nako! Mahal na mahal na mahal kita, Seb! Pogi-pogi!" Sabi ko habang hinehele siya papuntang kwarto.

"Meow! Meow!"

I'll enjoy my time with my family today. Bukas na lahat ng gawain ko.



°~~~°~~~°~~~°~~~°~~~°~~~°
June 18, 2023

@eyreendee: Hellooooo! I've been enjoying our vacation, and guess what? I passed all my subjects kaya naman magse-second year na ako! That's why I am back!

Anyway, this chapter is all about how someone handles the scattered thoughts they have inside. For Zera, or for me, it's taking time and having space. Whenever I feel pressured, I go to the mall to clear my mind and work on myself (kaya siya bumili ng lipstick for the first time sa watson).

We all have the tendency to overthink and overcomplicate things kaya we say "take some time off" or "take it easy". I suggest that you do what you want for a day, if that's what it takes to feel better.

This chapter in particular may not be as thrilling as the others, but I hope it will help you to know that it's okay to take your time and go easy on yourself.

I have said enough sooooo, have a good read!!! Thank you so much!!!

eyreendee
XOXO

Continue Reading

You'll Also Like

204K 9.9K 56
ငယ်ငယ်ကတည်းက ရင့်ကျက်ပြီး အတန်းခေါင်းဆောင်အမြဲလုပ်ရတဲ့ ကောင်လေး ကျော်နေမင်း ခြူခြာလွန်းလို့ ကျော်နေမင်းက ပိုးဟပ်ဖြူလို့ နာမည်ပေးခံရတဲ့ ကောင်မလေး နေခြ...
3.6M 107K 66
FOLLOW DULU BARU SECROL ! Sesama anak tunggal kaya raya yang di satukan dalam sebuah ikatan sakral? *** "Lo nyuruh gue buat berhenti ngerokok? Bera...
1.1M 60.8K 39
Millie Ripley has only ever known one player next door. Luke Dawson. But with only a couple months left before he graduates and a blackmailer on th...
730K 2.7K 66
lesbian oneshots !! includes smut and fluff, chapters near the beginning are AWFUL. enjoy!