Project Ghost Hotline

By VChesterG

16.3K 1.2K 201

Consists of three young paranormal experts, the Paranormal Club of St. Chesterino State University has to sol... More

Project Ghost Hotline
Blurb
The Uninvited Book
Prologue
Season 1: Episode 1
Season 1: Episode 2
Season 1: Episode 3
Season 1: Episode 4
Season 1: Episode 5
Season 1: Episode 6
Season 1: Episode 7
Season 1: Episode 9
National Book Store Book Signing
Season 1: Episode 10
Season 1: Episode 11
Season 1: Episode 12
Season 1: Episode 13
Season 1: Episode 14
Season 1: Episode 15
Season 1: Episode 16
Season 1: Episode 17
National Book Store Grand Pinoy Lit Fan Con

Season 1: Episode 8

506 50 9
By VChesterG

Patuloy ang pagtayo ng mga balahibo ko nang maglutangan uli ang mga arm chair. Dumirekta na naman iyon sa direksyon namin ni Jether. Natataranta, hindi ko alam ang gagawin.

"We need to attack him now, bro!" yelled by Maru. At this point, hindi ko na talaga alam kung saan pa siya nakakahugot ng katapangan. We are practically on the verge of danger yet he is here, flashing his bravery without even trying!

Pero bago pa man kami makagawa ng pag-atake, tumama sa amin ang mga lumulutang na arm chair. Sinalag ko ito gamit ang braso ko. Hanggang sa napapangiwi akong natumba. Dama ang kirot na natamo, nakadagdag lang iyon sa kabang dinaranas ko.

"Bro, we really need to go now!" I yelled at Maru with my voice shaking in horror. "We are basically dealing with a poltergeist right now! We are fucking dead if we stay here!"

Poltergeists are the ghosts who can move things. Ito ang pinaka-peligrosong multo sa lahat. Kaya nitong gawin ang lahat . . . maski ang pumatay ng mortal. Kaya magmula nang mabuksan ang third eye ko, sila ang iniiwasan ko.

"Oo nga!" Codi yelled from afar. Nandiyan pa pala siya? "Maru, oo na! Matapang ka na! Alam na namin, so tara na! Uwi na tayo! Peste ka!"

Pero bilib na talaga ako kay Maru. Hindi niya kami pinansin. Bagkus, kunot-noo siyang tumakbo papalapit sa galit na kaluluwa. Tila bang mas galit ang kaibigan namin keysa sa kanya.

"Maru!" Napasigaw na lang ako nang makita kong umangat ang matalim na piraso ng upuan. Ngayon ay naka-direkta iyon kay Maru.

"Fuck! Jether, pigilan mo siya! Putangama naman! Akala ko ba ghost hunt ang ipinunta natin dito, hindi suicide?!" Codi yelled and it's not helping at all.

There, I ran towards Maru. Fucking quickly. Wala na akong ibang inisip pa kung hindi ang sagipin siya. Kasi kung hindi ko iyon gagawin, mapapahamak siya. Habang buhay kong pagbabayaran sakali mang may mangyaring masama sa kanya.

"Maru, sa likod mo!" Sukdulan ang kilabot ko nang magsimula nang gumalaw ang matalim na parte ng upuan. "Maru!"

Mabuti na lang at sa saktong paglingon ni Maru, nailagan niya iyon. Swear, halos maubusan ako ng hangin sa mga baga dahil sa lalim ng hininga na ginawa ko!

Fuck you, Maru!

I will really punch the hell out of you after this! Him playing with death is never a good thing! Lalo na kung may ibang madadamay!

"Guys, umalis na talaga tayo! Walang masama sa pagiging duwag, 'wag lang mamatay sa pagkatanga!" Codi continued to go hysterical.

But Maru is still firm on his war with the ghost. Instead of backing out, he ran towards him. This time, with the speed that will make the ninjas feel threatened. Iyong para bang gusto niyang talunin sa bilis sina Naruto!

"Maru, you are going to be the death of us! Umalis na tayo dito! H'wag mo na 'yang ituloy!" I yelled at him.

Maru being Maru, sarado ang kanyang mga tainga. Imbes na pakinggan ako ay tinuloy niya pa rin ang kanyang sariling plano. Napapikit na lang ako. Nagdasal. Pero dahil puro negatibo na ang pumapasok sa utak ko, namalayan ko na lang ang sarili na handa na sanang harapin ang masalimuot na kamatayan. Iyong parte kung saan ang multo sa aming harapan ang magiging sanhi ng kapahamakan namin.

Pero . . .

Pero natigilan ako nang marinig ang multo. Nakakapagtakang nag-sisigaw iyon. At ang nakakapagtaka rito ay para ba siyang nasasaktan. Para siyang pinapahirapan.

Doon na ako nagmulat ng mga mata.

And from there, I heaved my most relieved sigh. God knows how much I want to thank all of the Gods above from what I saw . . .

Tila bang nabaligtad ang mga pangyayari sa isang iglap lang. Ngayon ay sakal-sakal na ni Maru ang multo. Kumikislap ang kanyang singsing. Isang hudyat na nahuli na niya sa kanyang mga kamay ang galit na multo.

"Who are you?!" Full of angst, Maru yelled at the ghost.

Sa puntong iyon ay tumayo na sa tabi ko si Codi. May punto pang hinawakan ako ng gago sa braso. Nasiko ko nga.

"Marunong palang mag-english ang mga multo? Maiintindihan nila 'yung english na tanong ni Maru?" He asked.

I scowled at him while catching my breath. "Shut up."

"Si Franco!" Mangiyak-ngiyak na sambit ng multo. Ngayon ay nagliliyab ang kanyang leeg mula sa pagkakasakal ni Maru. Iba talaga ang kapangyarihang dulot ng kanyang mahiwagang singsing.

"Franco Balagtas! Iyong hinahanap ninyo—putangina! Ibaba mo ako! Parang awa mo na!" Pagpapatuloy ng multo. Nagpupumiglas siya pero tila ba unti-unting tinatanggap ng singsing ni Maru ang kanyang lakas.

"Maru, tapusin mo na 'yan! He is a fucking poltergeist! He is dangerous!" I yelled at them.

That moment, I know that it's now or never. That it's a do or die. Kapag pinatagal pa ito ni Maru ay tiyak na baka mabaligtad pa ang sitwasyon namin. Mabuti nang habang maaga pa ay tapusin na agad ang galit na kaluluwa na iyon.

Doon ay sumentro ang tingin ni Franco sa akin. Mula sa poot na nakita namin sa mga mata niya kanina ay napalitan ito ng labis na lungkot. "H'wag! Parang awa niyo na! H'wag!"

Nagsimula na siyang humagulgol nang itaas na ni Maru ang kanyang kamao. Kumislap nang malakas ang kanyang singsing.

"Gusto ko lang namang umuwi! Parang awa niyo na! Gusto ko lang umuwi!" Pagpapatuloy ng multo.

At doon, natigilan si Maru.

My jaw almost dropped to the floor when after a few seconds, nanatili lang siya sa ganoong pwesto.

"What the hell are you doing, bro? Just end him!" I pressured Maru. Pero patuloy lang siyang natigilan nang magpatuloy ang multo.

"Gusto ko lang namang umuwi para sa Graduation namin. Gusto ko lang naman makasama ang pamilya ko sa pinakamasaya kong araw," his voice is echoing the sadness within his heart. Natigilan na rin ako.

"Gusto ko lang namang i-celebrate ang Graduation ko bukas, parang awa niyo na. Pauwin niyo na ako . . ." Pagmamakaawa ng multo sa pagitan ng tila bang nakakamatay na kirot.

Doon ay para bang bigla akong nawalan ng balanse. Kamuntikan na akong matumba, mabuti na lang at nagawa kong maka-recover agad. Dito na bumigat ang pakiramdam ko. Nagsimula akong maramdaman ang hinagpis ng ligaw na kaluluwa. Namalayan ko na lang na tumutulo na pala ang luha sa mga mata ko.

Hanggang sa . . .

Wala akong makita. Hindi ako makagalaw. Ang sikip sa pakiramdam. Ngayon ay dama kong nakabaluktot ako. Parang nasa isang sako ako.

Lumakas ang pagtibok ng puso ko nang may bigla akong narinig.

"Magkita na lang tayo sa impyerno, Franco."

Bigla, naramdaman ko na para ba akong nahulog. Hanggang sa magsimula akong mahirapang huminga. Nadama ko ang tubig. Sobrang lamig nito.

Doon ay nagsimula akong mag-panic. Napasigaw na lang ako. "Tulong! Tulong! Putangina, tulungan niyo ako!"

Ngunit nag-echo lang ang boses ko sa lugar kung saan ako itinapon. Tila bang nasa lugar ako kung saan kulob. Kung saan sarili ko lang ang makakarinig sa akin.

Hindi na ako makahinga nang ayos. Nagpumiglas ako pero mahigpit ang pagkakakulong ko sa tila bang sako na ito.

Nanlaki na lang ang mga mata ko sa kilabot. Hanggang sa unti-unti nang nanghimasok sa ilong at bibig ko ang tubig. Ang mainit na kirot na gumuguhit sa aking dibdib ay hindi ko makayanan.

Putangina, malulunod ako—

"Hey, Jether?" Codi poked me. "What happened?"

Doon ay nagising ako sa realidad.

Hingal na hingal, pinukol ko lang ang pansin ay Franco. Napalunok ako habang hinahabol ang hininga.

Now, I know . . .

Naliligaw pa rin si Franco sa mismong araw na namatay siya. Hindi niya pa rin matanggap ang nangyari sa kanya . . . pero ang gusto niya lang talagang gawin magmula nang mamatay siya ay ang umuwi at makita ang kanyang pamilya.

Doon ay nagsimula akong humagulgol. Tila bang sa mga minutong iyon, kaisa ako ng kaluluwa ni Franco. Bagay na laging nangyayari sa tuwing may nakakasalubong akong kaluluwang hindi matanggap ang kanilang sinapit.

"Oh, bakit ka naman umiiyak, dahil?" Codi quizzically said, minabuti kong h'wag na lang siyang sagutin.

Pinunasan ko ang mga luha gamit ang likod ng mga palad ko. Para akong bata kung makahagulgol. "Maru . . . We have to help him reach his home."

I wiped my effin tears off. This is so gay.

"Let's help him see his loved ones before he finally rest in peace . . ."

When Maru pointed his gaze at me. He gave me an approving smile, "alright."

Continue Reading

You'll Also Like

2.6K 182 31
Between two different World a perfect love collide. She wish for it and he granted it. Will there love and affection can lead them through eternity o...
657 32 45
Sa mundong kinabibilangan ni Enney, hindi lamang ang mga tao ang may limitasyon sa buhay kung 'di maging ang mga namayapa na. Natuklasan ni Enney na...
99.9K 5.4K 26
C O M P L E T E D --- Hindi naniniwala sa multo si Hazel pero hindi niya maikaila na baka totoo nga ang mga ito nang magsimula siyang makaramdam ng k...
23:57 By RAYKOSEN

Paranormal

1.1M 48K 40
May urban legend na kumakalat online. May sumpa raw sa Shibuya na tuwing sasakay ka sa last train ride ng 23:57PM ay magsisimulang magbago ang buhay...