When Gangsters Meet the Sadis...

Por arkiSTEPH

932K 22.4K 6.8K

[ONGOING] READ FIRST WGMTS SEASON 1 ! thank you. Más

PROLOGUE
chapter 1
chapter 2
chapter 3
chapter 4
chapter 5
chapter 6
chapter 7
chapter 8
chapter 9
chapter 11
chapter 12
chapter 13
chapter 14
chapter 15
chapter 16
chapter 17
chapter 18.1
chapter 18.2
chapter 19
chapter 20
chapter 21
chapter 22
chapter 23
chapter 24
chapter 25
chapter 26
chapter 27
Love Letter
Chapter 28
chapter 29
chapter 30
chapter 31
chapter 32
chapter 33
chapter 34
chapter 35
chapter 36
chapter 37
chapter 38
chapter 39
chapter 40
chapter 41
chapter 42
chapter 43
chapter 44
chapter 45

chapter 10

28.3K 688 257
Por arkiSTEPH

THIRD PERSON'S P.O.V.


"Brad, may alam ka ba tungkol sa mga ahas." tanong ni Jonas sa katabi niya.


"Huh?" tanong ng katabi niya na halatang nagulat dahil 'yon ang kauna unahang beses na kinausap niya ito. "Wala.".


"Eh may alam ka bang may alagang ahas dito sa mga kaklase natin?" muling tanong ni Jonas.


Umiling lang ang lalaki at tinignan siya nito na para bang naweweirduhan ito sa kanya.


Tumango nalang si Jonas at binalik ang tuon sa cellphone niya.


'Patulong nalang ako kay Dude maghanap.'


"Pero may kilala kong may reptile shop. Pwede kitang ipakilala sa kanya. Marami 'yon alam tungkol sa mga reptiles."


Lumingon agad si Jonas sa katabi niya at halata sa mukha niya ang interes na makinig at makilala ang tinutukoy nito.


"Oh sige, after ng klase natin." tuwang tuwang sambit niya.


"Sige,"


"Pangalan mo pala Brad?"


"Kelvin." sabay abot ng kamay ng lalaki sa kanya.


"Jonas."


"Oo alam ko." sabay ngisi ni Kelvin. "Alam na lahat dito ang pangalan mo, halos dalawang buwan na tayong pumapasok."


Tumaas ang dalawang kilay ni Jonas at biglang nailang. Agad niyang pinilit ang sarili na umaktong cool lang siya. "Of course I know almost everyone here, I'm just really bad remembering names." panghihikayat ngiti niya ng alanganin."Mamaya ah."


After class...


"Hello, wag mo na ko hintayin umuwi... basta... gagabihin ako dito sa school! May gagawin kami. Mauna ka na umuwi. Di naman malalaman ni mom na di mo ko binabantayan ngayon kaya ayos lang yan! Tsaka sabihin mo kina Mars walang practice ngayon, next time nalang." tapang-tapangan na sabi ni Jonas habang kausap sa cellphone si Demi. "Sige na..." biglang humina at naging kalmado ang boses niya. "Ingat pag uwi." pagkatapos aya agad na binaba ang tawag.


Papasok na sana sila sa loob ng kotse niya nung maisip niyang hindi niya dapat 'yon dalhin.


"For sure ichecheck niya 'to kung nakaparada padin dito. Pag dinala ko 'to malalaman niyang umalis ako ng school." Napayuko nalang siya habang nilalaro ang susi sa kamay. "Mag taxi nalang tayo." aniya sa kasama.


"May kotse ako. 'Yon nalang gamitin natin." suwesyon ni Kelvin at lumakad papunta kung saan nakapark ang kanyang kotse.


"Salamat Brad. Mahirap kasi takasan ang babaeng 'yon."


"Nag gigirlfriend ka kasi. 'Yon 'yong nag aantay sayo madalas sa labas ng room?" aniya ni Kelvin habang pinapaandar ang sasakyan.


"Huh?" natigilan si Jonas nung marinig iyon. "Di ko pa 'yon girlfriend." sabay Isinandal niya ang siko sa may bintana ng kotse at tinakpan ang bibig ng kanyang mga daliri para itago ang ngiting di niya mapigilan.


Mga ilang minuto ang nakalipas ay agad din silang nakarating sa kanilang pupuntahan.


"Nag-aaral din siya sa school natin. Same course, kaso ibang block siya." Kelvin habang sila ay naglalakad. "Ito na 'yong shop."


Tinignan nang maigi ni Jonas ang harap ng shop. Agad na tumindig ang mga balahibo niya at agad na natahimik. Naalala niya bigla nung malingkis siya ng sawa noong bata pa siya sa kanilang probinsya habang namamasyal sa kagubatan.


'Takte, akala ko pa naman sa kakilala niya ko dadalhin hindi ko alam na dito mismo sa shop Nakakakilabot..' sa isip isip ni Jonas sabay tingin kay Kelvin. 'Takte mamaya mapagkamalan pa ko nitong bakla.' sabay ayos ng tayo at pinilit na maging normal. 'Tutal alam ko na 'yong shop alis na kaya kami. Tapos kay dude nalang ako magpapasama pumasok dito. Takte baka tumayo lahat ng pwedeng tumayo sakin.'


Humakbang na si Kelvin palapit sa shop at tila dumidilim naman ang paligid ni Jonas dahil sa kakaibang nararamdaman. Napalunok nalang siya at hindi na maibuka ang bibig.


"KELVIN!"


Natigilan silang pareho bago pa makapasok sa loob.


"She's here..." aniya ni Kelvin kay Jonas. Iniangat ni Kelvin ang kamay nung makita ang tinutukoy niya na naglalakad palapit sa kanila. "Chelsy."


Balisang nilingon ni Jonas ang babaeng tinutukoy ni Kelvin. Maamo ang mukha nito,petite, hindi katangkaran pero halatang maporma.


Agad na bumagal ang paglalakad ni Chelsy nung makita niyang nakatingin si Jonas sa kanya. Habang si Jonas ay parang di padin bumabalik sa sarili at nakatitig lang sa kanya.


Naisipan ni Jonas na kunin ang cellphone at magkunwaring may tumatawag sa kanya upang makaalis na sa lugar na 'yon. Mabilis niyang kinapa kapa ang cellphone sa pantalon.


"IKAW!" sigaw ni Chelsy at halata sa mukha niya ang inis at nanatili padin sa pwesto niya na ipinagtaka ni Kelvin.


Habang dinudukot ni Jonas ang cellphone ay nagulat nalang siya nung lumapat sa mukha niya na matigas na bagay. Sa sobrang lakas ay napatumba siya at napaupo sa lapag.


"TAKTENG..." inis niyang sambit at tila biglang nagising sa pagkabalisa.

Napakamot nalang ng di oras si Kelvin sa ulo.


Mabilis na lumakad palapit sa kanya si Chelsy at tumigil sa tapat niya. Kunot noong tiningala niya ito habang nanlilisik ang mga mata niya sa gulat at inis.


"Remember me?" Ngumisi si Chelsy at halata ang inis sa mukha nito habang siya ay walang ideya kung ano ang sinasabi nito sa kanya. "Coz I remember you..." sabay irap ng kilay nito sa kanya.

------


"Di ako pwede ngayon e. Hihintayin ko si young master umuwi."


"Di ba sabi niya mauna ka na umuwi? Keri na 'yan teh!" aniya ni Nicolo habang nginunguya ang ice cream na binili niya para kay Demi ngunit hindi kinain nito.

Tinignan lang siya ni Demi at tumingin ulit sa gate ng kanilang school.


"Wag ka na magtatlong isip demipots, 'di naman 'to ang first time na gagawin natin 'to." panghihikayat ni Nicolo habang ang tingin ay nakatuon sa mga lalaking lumalabas ng school. "Dami din pogi dito sa inyo ang sarap..."

naitikom niya ang bibig niya nung mapansin na nakatitig sa kanya si Demi. "Ng Ice cream... ang sarap talaga nito hahaha." sabay angat ng kinakain.


Dahil sa alam niyang inosente at slow si Demi ay iba ang paraan kung paano niya kausapin ito. Mas detalyado at mas maingat kumpara sa paraan ng pakikipag usap niya kina Chin.


"Tara na kasi, nagluto pa naman si manang birtud ng spicy noodles." mula sa gilid ng mga mata ni Nicolo ay tinitigan niya si Demi at base sa nakikita niya ay alam niyang nahook ito sa sinabi niya.


Tumingin lang sa paligid si Demi habang nag iisip. Habang si Nicolo ay tiwala na sasama na 'to sa kanya.


"Sige, saglit lang tayo?"


Nakangiting tumango tango si Nicolo at nagpacute sabay sandal sa balikat ni Demi. "Kaya mahal kita Demi e, di mo ko tinatanggihan."


"W-wait lang." agad na tumayo si Demi at tumakbong pumasok sa school ulit.


"Aray ah." sabay himas ni Nicolo sa ulo. "Saan punta 'yon? Baka drawing lang 'tong si Demi Indianin ako dito." nagpatuloy lang siya sa pagkain.


"Hi oppa! Pwede makipag kilala?" aniya ng magandang babae na biglang lumapit sa kanya na ikinagulat niya.


Tinignan niya ang dalawang babaeng mula ulo hanggang paa na halatang nagpapacute sa kanya.


Halos maibuga niya ang kinakaing ice cream sa pandidiri. "Oppa? Oppakan ko kayo!"


"Ay shet bakla!" sabay alis ng dalawa.


"Mas mukha kayong bakla! Kalurkey. Tse."


Makalipas ang ilang minuto ay agad ding bumalik si Demi, dahil sa balak pang bumalik ni Demi ng school pagkatapos ng gagawin nila ni Nicolo ay pumunta na sila sa kanilang pupuntahan.


"Salamat talaga demipots! Alam mo naman ikaw lang maaasahan ko e. Sila Chin kasi may mga lovelife kaya mahirap yayain. Tsaka ayoko dun ang arte nun e. Si Agatha naman laging busy nakow. Pag ako nagkalovelife who you sakin ang mga 'yon. "


"Okay lang."


"Niluluto na ni manang birtud yung pagkain natin."


"Saan ba tayo? dito ulit sa sala?"


"Hindi bekla, doon sa kwarto ko naman para mas komportable natin magawa 'yon. Baka makealam si Manang Birtud pag dito." sabay ngiti ng nakakaloko ni Nicolo.


Hinawakan niya sa kamay si Demi at hinila paakyat sa kanyang kwarto.


"Saglit lang tayo ah. Hindi alam ni young master na nagpupunta ko dito."


"Oo naman! Ayoko naman mabuko nila 'yong ginagawa ko sayo mamaya patayin ako nun e." binuksan na niya ang pintuan ng kwarto niya pero bago 'yon ay tumingin siya kay Demi at kinindatan ito at naging malalim ang boses.


"Wag kang mag-alala, hinanda ko na ang lahat. Saglit lang 'to."



Matapos ang pag uusap nila sa kung anong gagawin na diskarte ay sinet up na nila ang lahat ng gagamitin nila para sa gagawin nila.


"Oh my G, H, I K, L, M, N, O,P, pak na pak! Tamang tama sayo ang damit na 'yan. Lumalabas ang pagkababae mo, dapat ganyan lagi mong suot!"


Pilit na binabanat ni Demi ang suot pababa. "Makikita na 'yong panloob ko nito."


"Hay!" sabay tapik ni Nicolo sa balikat ni Demi. "Ayos lang yan bekla nahiya ka pa sakin. Tsaka hindi naman yan makikita ng iba, ako lang."


"Anong oras kaya uuwi si young master."


"Kahit 30 mins. lang tayo, maabutan mo pa 'yon sa school." sabay himas niya sa buhok ni Demi. "So... pwesto ka na?"


Tumango si Demi bilang tugon at matapos niyon ay agad na silang nagsimulang dalawa sa kanilang gawain.


"Itaas mo pa... ayan..." aniya ni Nicolo habang nakafocus sa kanyang ginagawa. Maya maya ay tinigil din niya ang ginagawa nung mapansing wala sa huwesyo si Demi. "Pag titignan kita dapat titignan mo din ako."


Tumingala si Demi at tinignan siya ng walang emosyon.


"Para parehas na tayong may pagtingin sa isat isa." seryosong sabi ni Nicolo sabay kindat.


Agad na napangiti si Demi sa kanyang narinig, agad na sinamantala ni Nicolo ang pagkakataon at bumalik sa kanyang ginagawa habang may ngiti pa sa labi ni Demi.


"Bekla, kailangan pa talaga kita sabihan ng mga banat para lang mapangiti ka. Mukhang worried na worried ka kay Papa J ah. Saglit nalang 'to."


"Nung nakaraang araw kasi... sumasakit yung ulo niya."


"Sabi ko naman sa kanya wag niya ko masyadong isipin e. Ayan tuloy." Aniya ni Nicolo habang patuloy sa kanyang ginagawa. Napatigil siya nung makitang nakatingin sa kanya si Demi. "HAHAHA! Ito naman ang OA, syempre kasama sa paglaki ang pag sakit ng ulo minsan."


"Talaga?"



"Oo naman yes! parang nainitan akesh bigla. Ay bekla, nagloko na naman aircon ng kwarto ko. Tsk! Chipipay talaga 'to mapalitan na nga mamaya." sabay paypay ng kamay sa sarili. "Ang init di ko keri, di ka ba naiinitan." binitawan niya ang hawak niya at agad na hinubad ang t-shirt na suot.


Habang si Demi ay nakatitig lang sa nakabalandra niyang magandang hubog ng katawan. Agad niyang tinakpan ang katawan gamit ang mga kamay.

"Hoy bekla wag ka manilip!"


Walang imik na nakatitig padin doon si Demi.

Dahan dahang inialis ni Nicolo ang kamay sa katawan. "Di, keri lang pala. Kaw lang naman 'yan. Pero bekla makatitig ka naman. Ngayon ka lang ba nakakita ng baklang may abs?"


Agad na tumango si Demi. Napangiti naman si Nicolo at agad na bumalik sa ginagawa.


"Bekla, anong balita niyo sa... glefficial? nag eexist pa ba ang grupong 'yon?"


"Wala e,"


"Sana naman din a nag eexist ang grupong 'yon tutal tsugi naman na 'yong pinuno nila... ayoko na maulit 'yong dati nakakaloka. Pero di nga? Baka kasi isang araw magulat nalang tayo nasa tabi tabi lang pala sila nag hahantay ng tyempo para gumanti. Bekla mamaya rape in nila ko idamay pa ko. Grabe dati crush ko pa naman karamihan ng glefficial."


"Tingin ko hindi naman nila gagawin sayo 'yon."


"Minsan mas okay din pala kapag di ka umiimik. Oh siya pwesto! 'Wag kang masyadong malikot. Nahihirapan ako. Ayan... sige... ayan very good. Ah! Ayan." tuwang tuwang at halata sa boses niya ang satisfaction.


Tumagal pa ng ilang minuto ang kanilang ginagawa at halatang nasisiyahan si Nicolo sa kinalalabasan ng kanilang ginagawa.


"Saglit nalang 'to. Okay, one two three pose. Ayan ! betsung ko 'yan. Kunwari nakatingin ka naman sa labas... palit ka naman pose. Higa ka ulit. Top view na close up shot." utos ni Nicolo pagkatapos ay tumungtong din ng kama at tumayo sa may paanan ni Demi.


"Teka ayusin ko buhok mo kalerkey wag ka gagalaw. After nito kain na tayo ng spicy noodles." sabay luhod ni Nicolo sa kama, ipinatong niya sa side table ang camera at inilapit ang sarili kay Demi upang maabot nito ang buhok na kanyang aayusin.


Tahimik lang si Demi at nakaramdam ng pagbigat nang paghinga habang ang paningin niya ay natatabunan ng katawan ni Nicolo.


"Ewan ko ba sayo bakit trip na trip mo ang spicy noodles na 'yon..." aniya ni Nicolo habang hinahawi niya ang buhok ni Demi. "Last shot na 'to tapos... ay BAKLA!"


Agad na napatigil si Nicolo sa paghawi kay Demi, agad silang dalawang napatingin sa pintuang bumukas. Walang emosyong nakatitig lang doon si Demi habang si Nicolo ay banaad sa mukha ang sobrang gulat.


"Sinong nagsabing bakla?" matapang at matigas na tanong ng lalaking nagbukas ng pinto.


"Da...DAD!" lalaking lalaking sagot ni Nicolo sabay lunok. Mabilis na tumagaktak ang pawis niya sa kanyang katawan. "Paanong..." hindi niya maituloy ang sasabihin sa sobrang kaba. Agad siyang umalis sa kama nung mapansin niyang palipat lipat ang tingin ng ama sa kanilang dalawa.


Agad ding napatayo si Demi mula sa pagkakahiga.


Halos tumalon ang puso ni Nicolo na makita ang ama lalo na't seryoso ang mukha nitong nakatitig sa kanya.


'Shet, pakshet! I'm no longer serena, nakita na niya ang buntiot ko bye bye world. Patay na ko nito kay pudrakels Magiging daing na ko nito.' aniya ni Nicolo sa sarili.


Nag iwas saglit ng tingin ang kanyang ama sa kanila at umubo. "Next time mag sara kayo ng pinto."


Nagkatinginan lang si Demi at Nicolo sa isat isa.

Tumalikod ang kanyang ama at palihim na napangiti. "Be gentle to your girl son, wag kang manakit para di ka nasasabihang bakla."


Nanlaki ang mga mata ni Nicolo sa kanyang narinig. Sa sobrang gulat ay di niya magawang sumabat sa ama at itanong kung bakit ito biglaang umuwi ng kanilang bahay.


"Tapusin niyo na 'yang ginagawa niyo, we'll talk later. Introduce her to me... formally." seryosong sabi ng kanyang ama pagkatapos ay lumabas na ito ng kanyang kwarto. "Mukhang maaga akong magkakaapo, well not bad." aniya sa kanyang sarili.


Panandaliang natahimik ang dalawa sa loob ng kwarto, nakatitig lang si Demi kay Nicolo habang si Nicolo naman ay pinapakalma ang sarili.


Naipaypay ni Nicolo ang dalawang kamay sa sobrang pagkabigla at takot.


"Nakakaloka."bulong niya sabay hinga nang malalim.


Agad siyang tumakbo palapit kay Demi at hinawakan ito sa balikat.


"Bekla, magulat ka naman. Tatay ko 'yon. General... you know!"


"Nagulat ako." walang emosyong sagot ni Demi.


Napapikit nalang si Nicolo at di makapaniwala.


"Wow... mas matindi ka pa kay papa E. Nagets mo ba yung nangyari kanina? Yung sinasabi ng dad ko?"


"Na tapusin na daw natin 'yong photoshoot?"


Napabuntong hininga at biglang nanlumo si Nicolo. "Hindi 'yon ang akala niyang ginagawa natin Demi! Akala niya... akala niya ewwww!" aniya at biglang kinilabutan. Napalinga siya sa pintuan sa takot na baka bumalik ang kanyang ama.


Naisara ni Demi ang mga palad sa pagkabigla nung mas lumapit pa siya dito.


"Nahuli tayo ng tatay ko, kailangan mo kong panagutan!" mahinahon niyang paliwanag. Napalunok siya at natahimik saglit habang titig na titig siya dito.


"Demi..." sabay hinga niya ng malalim.






"Be my girlfriend!" dagdag niya habang hawak ang mga pisngi ni Demi. "PLEASE."



----


" Di kaya magkaroon na ng diabetes si babe kakakain nito?" aniya ni Mars sa sarili habang nakatitig sa binili niyang chocolates. "Prutas nalang kaya sa susunod? Kaso di naman siya sasaya pag 'yon ang binigay sa kanya."


Panandalian siyang tumingin sa rear view mirror upang suriin ang sarili. "Gwapo ko talaga." aniya habang tinitignan ang sarili sa ibat ibang anggulo. Lalabas sila ngayon dahil busy si Jonas at hindi nila kailangang mag ensayong bumaril ngayong gabi.


Nakangiti siyang bumaba ng kanyang kotse, masaya siya't nagkaayos na sila ni Chin at di lumala ang kanilang di pagkakaintindihan nung mga nakaraang araw.


Agad niyang pinatawad si Chin nung humingi ito ng tawad sa kanya tungkol sa di nito pagsabing pupunta ito kina Jonas at di pagsabing wala 'tong pasok ng araw na 'yon. Pinaliwanag ni Chin sa kanya na nagtext ito sa kanya ngunit nung icheck niya yung ang cellphone kinagabihan ay hindi ito nasend sa kanya.


"BABE!" masiglang bati niya nung pagbuksan siya ni Chin sabay halik sa pinsgi nito.


"Wait lang ah, di pa ko nakakapagbihis."


Sabay titig niya sa katawan ni Chin, "Bakit? Nakahubad ka ba?" sabay ngiti ng nakakaloko.


"Letse." aniya ni Chin at napangiti ng kaunti.


"Halika tulungan na kita magbihis para makaalis na tayo." nang aasar niyang sabi.


Siniko siya ni Chin kaya ipinikit niya ang isang mata at humawak sa kanyang katawan tsaka umaktong nasaktan.


"Psh!" reklamo ni Chin at halatang nagpipigil ng ngiti. Agad naman iniabot ni Mars sa kanya ang chocolate na dala. Tuluyan nang napangiti si Chin nung matanggap iyon. "Thank you!"


"Psh, parang mas masaya ka pa na makita 'yong chocolate kesa sakin." galit galitan na sambit ni Mars pero ngumiti din agad.


"Ui Mars. Andyan ka pala!" bati ni Jonas nung makalabas ng banyo.

Agad na nawala ang ngiti ni Mars nung makita ang kaibigan. Hindi niya akalaing andoon din 'yon.


"Opo ka na dito." aniya ni Chin kay Jonas. Agad na binitawan ni Chin ang chocolate na bigay sa kanya sa mesang katapat ni Mars. Napatitig saglit doon si Mars at tsaka tumingin kay Chin ulit. Kita niya 'tong aligaga at may hinahanap sa kusina.


"Aish. Ang sakit talaga." reklamo ni Jonas habang hawak hawak ang noo. Tahimik na tinignan lang din siya ni Mars.


"Saan si Demi? Kala ko busy ka. Di mo ata dala kotse mo." malamig na tanong ni Mars.


"Ah, umuwi na. Oo nga kaso umuwi na ko, e medyo malapit dito yung pinuntahan ko dito muna ko dumaan. 'Yong kotse ko nasa school pa. Mukha kang kotse... di mo man lang muna kinamusta kung anong nangyari sakin."


"Ano ba nangyari sayo?"


"Takteng babae 'yon, binato ko ng pagkalakas lakas sa ulo!"


"Sino ba kasi 'yon? Ano bang binato sayo at grabe 'yang bukol mo.Baka naman kasi pinopormahan mo!" pagalit na tanong ni Chin. Inilapag niya sa mesa ang pang gamot at tsaka umupo. "May sugat ba 'yang ulo mo?"alalang alalang niyang tanong.


Umiling lang si Jonas. "Wala naman, tsaka di ko pinopormahan 'yon di ko nga kilala 'yong baliw na 'yon."


Kinuha ni Chin ang ice bag at agad na ipinatong 'yon sa bukol sa noo ni Jonas. Habang si Mars ay tahimik lang habang tinitignan silang dalawa.


"Ako na Dude," sabay kuha ni Jonas ng ice bag sa kamay ni Chin.


"Sino ba 'yon, ang angas naman ng babaeng 'yon. Dapat dun ginagantihan e." inis na inis na sabi ni Chin.


"Siya pala yung nabato ko nung nakatambay kami nila Uriah sa park. Nag sorry ako sa kanya nun bago umalis. Bingi lang talaga siya. Sabi niya kasi di daw ako nagsorry. Tsaka malay ko bang babae siya. Kala ko spy ng glefficial e. "


Habang patuloy sa pagpapaliwanag si Jonas ay nanatiling nakatingin sa kanya si Chin.


"Masakit ba ulo mo? Gusto mong gamot?"

" Hindi na dude, okay na 'tong yelo. Buti nalang may bangs ako natatakpan 'tong bukol ko. Hahaha! Kundi yari ako kay Demi. Baka mag report 'yon kay mom."


Tumingin ng masama si Chin sa kanya at tsaka ngumiti.


"Siraulo, nakuha mo pang tumawa." aniya ni Chin habang nakatitig na nakangiti kay Jonas.


Agad na napaiwas si Mars nang tingin sa dalawa ng makita 'tong masayang nagtatawanan. Napahinga siya ng malalim at hindi na niya napigilan na maisara ang palad sa pang gigil.


"Para ka talagang bakla." seryosong sabi ni Mars, agad na napatingin ang dalawa sa kanya dahil sa pagiging seryoso nito. Napatingin din siya sa dalawa at ilang segundo bago niya napilit ang sarili na ngitian ang mga 'to.


Natawa nalang ulit si Jonas sa kanya, "Lagi mo 'yan sinasabi sakin pero ngayon ko lang narinig 'yan ng seryosohan hahaha takte ka."


"Hindi ba bagay sakin mag seryoso?" nakangising tanong ni Mars at pilit na umaaktong ayos lang siya.


"Oo di bagay." nakangiting sabat ni Chin.


"Nababakla talaga ko pag dating kay mom tsaka Demi e. Wala e, alam mo naman magalit si mom. Ni ayaw nga n'yon na nasusugatan ako takteng 'yan. Feeling niya kasi baby pa ko haha."


"Mama's boy ka kasi." dagdag ni Mars na hindi naman sineryoso ni Jonas dahil hindi na 'yon bago para sa kanya. Madalas sabihin 'to noon sa kanya ng mga kaibigan niya na sa una ay kinaiinisan niya ngunit kinasanayahan na niya.


Inilabas ni Mars ang cellphone at doon nalang itinuon ang atensyon. Ngunit kahit ginagamit niya ito ay ang isip niya ay nasa dalawa.


"Kaya wag mo hayaang masugatan ka o mabukulan ulit, kundi ako magsusumbong sa mom mo." sabay kurot ni Chin sa pisngi ni Jonas. "Okay?"

Napatigil agad si Mars nung maaninag ang ginawa ni Chin kay Jonas. Agad naman tinanggal ni Jonas ang pagkakurot sa kanya at siningkitan ng mata si Chin. Habang si Mars ay nagkunwaring hindi 'yon napansin at wala lang sa kanya ang nangyari.


Lalong humigpit ang hawak niya sa kanyang cellphone at hindi na niya alam kung ano ang pinag pipindot niya dito. Sa sobrang inis ay di niya magawang tumingin sa dalawa. Dahil sa inis ay di niya din makuhang magsalita at makipag biruan.


Napayuko siya saglit at napapikit upang pigilan ang sarili. Pakiramdam niya ay hangin lang siya para sa mata ni Chin ngayon.Bago siya tuluyan mawalan ng control sa sarili at magpadaig sa selos ay agad niyang ipinaintindi sa sarili na kaibigan niya si Jonas at bestfriend ng kanyang kasintahan.


"Magbihis ka na, diba may date pa kayo. Alis nadin ako balik pa ko school andun kotse ko."


"Hindi pa nga masyadong maliit yang bukol mo e. Maya maya na, tsaka sobrang pula pa." tumingin si Chin kay Mars upang tanungin ito. "Okay lang naman maya maya na tayo umalis di ba? Hintayin nadin natin si Ethan para may maiwan na tao dito."


Lumingon si Mars nung marinig niyang tinatanong siya ni Chin. Ngumiti lang siya at tumango.


"Kung gusto mo next time nalang, tinext ako sa talyer. Kailangan daw nila ko ngayon doon."


'May problema daw ba?" tanong ni Jonas.


Umiling lang si Mars at tsaka tumayo. Lumapit siya kay Chin para magpaalam dito.


"Sigurado ka?" tanong ni Chin matapos siyang halikan ni Mars sa pisngi. Tumango lang sa kanya ito bilang tugon. "Sige ingat ka." sabay himas niya sa likod nito.


Tumingin saglit si Mars kay Chin na para bang may hinihinitay na marinig.

'Please tell me na magtext pag nakauwi na. Gaya ng sinasabi mo lagi...dati.' sa isip isip ni Mars.


Tinignan lang din siya ni Chin na may pagtataka. Ngumiti nalang siya dahil sa panlulumo at tsaka lumakad na palabas.


"Ingat ka men." paalam ni Jonas. Tinanguan lang di siya ni Mars bago ito tuluyan lumabas. "Di kaya may nangyari sa talyer?" tanong niya kay Chin. "Mukhang nagmamadali umalis e."


Agad na nagmaneho nang mabilis si Mars palayo sa bahay nila Chin. Hindi siya makapag isip nang mabuti at hindi niya din alam kung saan ba dapat pumunta upang magpalipas ng galit.


Ginawa niyang dahilan na kunwaring tinext siya at pinapabalik sa talyer upang hindi makagawa ng gulo at palamigin ang ulo. Habang nag mamaneho ay hindi na niya mapigilan ang magduda.


Ayaw niyang isipin na mayroong malisya sa pagitan ng dalawa ngunit unti unti na siyang nilalamon ng pagdududa.


Kahit masakit para sa kanya na aminin na nag iiba at nagiging malamig ang pakikitungo ni Chin sa kanya ay di na niya maitago pa sa sarili ang katotohanang iyon.


'Hindi ko alam kung ako lang ba ang nagbibigay ng malisya sa kanilang dalawa o kung meron ba talaga. Hindi ko alam kung naiisip ko lang ba 'yon dahil nagbabago ang pakikitungo sakin ni Chin.'


Hindi niya magawang basta basta magtanong at iconfront si Chin dahil natatakot siyang baka mali ang kanyang hinala at 'yon pa ang maging dahilan ng kanilang matinding pag aaway.


Hanggang ngayon ay di padin mapakalma ni Mars ang sarili at lalong bumibilis ang kanyang pagpapatakbo, gusto niyang ilabas ang kanyang galit ngunit hindi niya basta basta pwedeng kausapin ang kanilang mga kaibigan tungkol sa mga hinala niya. Itinabi niya ang sasakyan upang mapahinahon ang sarili at upang maiwasan na makaaksidente. Dahil sa nararamdaman niya ay di niya maiwasang magmaneho ng sobrang bilis.


Isinandal niya ang ulo at natulala habang nag iisip. Hanggang sa may naisip siyang pakiramdam niya ay pwede niyang gawin ang gusto niya na makakapag pakalma sa kanya. Ngunit nag aalala siyang baka malaman ito ni Chin dahil matagal na siyang pinagbabawalan na sumali ulit sa ganoon.


"Ngayon lang... ngayon lang talaga. Hindi na mauulit pagkatapos nito. Argh!" pagkukumbinse niya sa kanyang sarili. "Bahala na!" sabay hinga niya ng malalim at agad na nagmaneho papunta sa lugar na 'yon.


"Woah! Look who's here!" agad na bungad sa kanya nung pagkababa niya ng kotse.


"Long time no see Mars!" masayang lumapit sa kanya ang mga ito at isa isa siyang binati.


"Anong ginagawa mo dito! Pota pare tagal mo di nagpakita ah."


"Kailangan kong mag giveway para sa tulad niyo." nakangiting sagot ni Mars.


"HAHAHA! fck you! Mayabang ka padin haha."


Iginala ni Mars ang paningin at gaya ng inaasahan niya ay walang pagbabago doon, maingay, masaya maliban sa madaming bagong mukha.


"Why are you here?" tanong ng malamig na boses na nagmula sa likuran ni Mars. Napalingon siya dito pati ang kanyang mga kausap.


Nginitian lang ni Mars ang babae ngunit hindi siya lumapit dito na ipinagtaka ng dalaga. Kaya siya na ang lumapit kay Mars at tinitigan ito ng kakaiba. Habang si Mars ay di nagpatinag, nanatili siya sa kanyang pwesto at ang mga kamay ay nanatiling nakapasok sa dalawang bulsa.



"Wanna play?" mapang akit na tanong ng babae.


Ngumisi lang sa kanya si Mars, dahil alam niya kung ano ang sabihin ng tanong na 'yon.


"Stop it Princess, may girlfriend na 'yan!" aniya ng isang lalaki na kausap ni Mars.


"So what? Ang playboy forever ng playboy 'yan. Natural na sa kanya 'yon." sagot ng babae at mas lalong inilapit ang katawan kay Mars.


Sa pagkakataon na 'to ay hinawakan na sia ni Mars sa dalawang balikat na ikinasaya ng babae, sa pag aakalang pumapayag na ito sa kanyang gusto.

Ngunit nagulat nalang siya ng inilayo siya ni Mars sa sarili nito.


"Sorry Princess..." sabay bigay ni Mars ng apologetic smile. Ngumuso lang ang babae at umalis.


"Aba! Ikaw ba 'yan pre! hahaha. Tumatanggi sa babae. Woah!" sabay tapik ng lalaki kay Mars.


" 'Di 'yon ang habol ko dito. Lalaban ka ba ngayon?" aniya ni Mars habang nakatingin sa mga kotse.


"Oo, sunod na ko dyan."


"Gusto ko sumali ngayon, ipasa mo na muna 'yong laban mo sakin."


Napandilatan siya ng kanyang kausap at tsaka umiling iling. "Ayoko gag*. Kung gusto mo next time nalang."


"Ngayon na pre."


"Hindi! Ang tagal mo ng di ginagawa 'to tapos bigla kang sasali. Kung gusto mo mag insayo ka muna at sa susunod na araw ka na.Tsaka ikondisyon mo muna 'yang kotse mo. Di kita papayagan, madumi maglaro yung makakalaban ko. Di mo siya gamay baka mapahamak ka lang."


"Kaya ko 'yon." pamimilit ni Mars,


"Okay ka lang ba? Mukhang badtrip ka ah."


"Alam mong kapag badtrip ako mas gumagaling ako. Kaya pagbigyan mo na ko. Ngayon lang."


"Ang hangin mo padin."


"Sige na, sayo ko ibibigay yung premyo." dagdag ni Mars.


"Tarantado! trade ng car 'to."


"Edi mas maganda,"


"Bahala ka nga! Pag ikaw napahamak gag* wag ka papakita sakin. 'Yong kotse ko ang gamitin mo, nakakondisyon na 'yon. Pero pag natalo ka kotse mo ang ipampalit mo."


"HAHAHAH! oo naman... " nakangiting sagot niya habang pinapanuod ang mga humaharurot na sasakyan na nagbibigay sa kanya ng di maipalawanag na excitement. "Sino bang kalaban mo?"


"Ayun oh, 'yong nakaupo doon mag isa." sabay nguso ng kaibigan niya sakabilang kalsada. "Bago lang din 'yan dito pero kilala na madumi siyang maglaro..."


Habang nakikinig si Mars ay nakatitig siya lalaking tinutukoy ng kanyang kaibigan. Hanggang sa mapansin niyang nakatingin nadin pala ito sa kanya. Mas tinitigan niya ito ng mabuti na dahilan upang mapalunok siya at makaramdam agad ng kaba.


'Paanong andito siya...di kaya nagsisimula na silang kumilos...'


Nung mapagtanto ng kalaban na nakilala siya ni Mars ay agad nitong nginisian at tinignan ng may pagbabanta si Mars.


"Pre," tawag ni Mars sa kanyang kaibigan ngunit nanatiling nakatitig doon sa kanyang makakalaban. Lalo naman napansin ng kanyang kaibigan ang pagiging seryoso. "Kung maospital man ako ngayon... 'wag mong sasabihin sa mga kaibigan ko na naglaro ako... lalo na sa girlfriend ko. Gumawa ka ng ibang dahilan." aniya sabay lunok.


"Gag* ang drama mo di bagay sayo magseryoso." nakangiting sabat ng kanyang kaibigan sa pag aakalang nag bibiro lamang siya.


"Hinahanap ba niya ako sa inyo?"


"Huh? Di nga yan nakikipag usap samin. Bakit ka hahanapin niyan kilala mo ba siya?"


Tumango lang si Mars bilang tugon. "Kasamahan ko dati."


"Saan?"







Napahinga siya ng malalim bago tuluyang sumagot.

"Sa Glefficial."

Seguir leyendo

También te gustarán

1.2M 130K 34
What Sidra Everleigh wants, Sidra Everleigh gets-or at least that was the rule before she found herself trapped and alone with a shy Japanese guy in...