Loving The Mobster Princess

By margarette_ace

52.4K 1.5K 186

Nicolette is not an ordinary girl. Lumaki at nagkaisip siya na pagtuntong niya sa edad na beinte ay siya na a... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
ANNOUNCEMENT!
SURVEY
Dyaran!!!!!
Chapter 6 (Part 1)
Chapter 6 (Part 2)
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Epilogue

Chapter 4

3.6K 123 5
By margarette_ace

ALAS-OTSO ng gabi nang makarating si Nicolette sa bar na pagdadausan ng birthday party ni Kurei. Mangilan-ngilan lamang ang mga imbitado. Ayon sa binata, gusto daw nitong maging private ang birthday party nito.

Present ang buong soccer team. Naroon din ang mga babaeng naging kaibigan na din niya. Nasa kasarapan na sila ng kuwentuhan ng mamataan niya ang pagdating ni Clarence. Gusto niyang mapatulala ng makita ang hitsura nito sa suot na blue long-sleeved polo na nakarolyo hanggang sa may siko nito. Kailan ba papangit ang lalaking ito?

Nanatiling na kay Clarence ang buong atensiyon niya. Pumuwesto ito sa may counter at nagsimula itong um-order ng alak. May naisip siyang gawin.

"Girls, excuse lang sandali. Pupuntahan ko lang ang irog ko." Nakakaunawang nginitian siya ng mga ito.

"Hello, my knight," bati niya dito ng umupo siya sa tabi nito. Nabitin sa ere ang hawak nitong baso at matalim siyang tiningnan. "What are you doing here?"

"In-invite ako ni Kurei. Masarap ba iyang iniinom mo?"

"No."

"Eh, bakit mo iniinom?"

"Wala ka na doon." Inisang lagok nito ang laman ng baso at muling humingi sa bartender.

Mataman niya itong pinagmasdan. Ano kaya ang nakain nito at nagsusungit na naman? Think, Nicolette, think!

"Ah... Teka may naisip ako. Bakit kaya hindi tayo magpustahan?"

Napakunot ang noo ni Clarence ng bumaling sa kanya. "Anong pustahan?"

"Inuman. Kung sino ang unang malalasing sa ating dalawa, ang talo. Kapag nanalo ka, lalayuan kita at hindi na kukulitin pa. Pero kapag ako ang nanalo," pilya niya itong nginitian. "magiging boyfriend kita for one month at gagawin mo ang lahat ng sasabihin ko."

Nahulog ito sa malalim na pag-iisip. Lihim niyang nahiling na sana ay kumagat ito sa sinabi niya. Iyon na lang kasi ang tanging paraan na naiisip niya para mapalapit dito. And she is running out of time. Kung hindi pa din niya mapapa-ibig si Clarence baka maubos na ang taning na ibinigay sa kanya ni LoloYvann.

"Okay call."

Napapalakpak siya sa sinabi nito "Yes! Wala ng bawian ˋyan ah." Humingi siya ng papel at ballpen sa bartender na nasa counter. Nang bigyan siya ay nagsimula na niyang isulat ang kasunduan nila ni Clarence. Mahirap na kasi at baka hindi nito tuparin ang usapan nila. Nang matapos ay pinirmahan niya iyon bago iabot kay Clarence.

"Sa loob ng isang buwan ay lagi tayong magkasama. At kung hindi ako tumupad sa usapan, ma-extend ang usapan natin," basa nito sa "kontrata" nila.

Tumango siya. "May idadagdag ka pa ba?"

"Wala na. Okay na ito."

Kinalabit niya ang dumaan na si Grey. "Witness ka, Grey. Kapag naunang malasing si Clarence magiging boyfriend ko siya."

Iiling-iling na natawa na lamang si Grey. "Sure." Ito pa mismo ang um-order ng isang bote ng alak sa counter.

Pumuwesto sila sa isang lamesa na napapalibutan ng upuan. Magkaharap naman sila ni Clarence. Nakuha na nila ang atensyon ng mga kasamahan nila. Nakapalibot sa kanila ang mga kasama.

"Puwede ka pang umatras," sabi ni Clarence. Mukhang buo ang kumpiyansa nito na matatalo siya.

"Baka ikaw ang gustong umatras. Okay lang sa akin." Mukhang nasaling niya ang ego nito dahil matalim siya nitong tiningnan. Si Kurei ang nagsilbing taga lagay ng vodka sa shot glass niya si Grey naman ang taga-abot kay Clarence.

"Go, Nicolette!" ani Armie. "Itayo mo ang bandera ng mga kababaihan."

Ngumisi siya at nag-"okay" sign. Hindi siya magpapatalo kay Clarence.

Sumenyas si Grey na umpisahan na ang laban.

NAPANGANGA ang lahat nang ibagsak ni Nicolette sa mesa ang walang lamang shot glass. Pinunasan niya ang tumulong alak sa baba gamit ang likod ng palad.

Napangisi siya nang makitang nakayukyok na sa mesa si Clarence. Isa lamang ang ibig sabihin niyon.

I won!

"Wow!" bulalas ni Grey.

"Paano mo napatumba si Clarence?" manghang tanong ni Kurei.

"Magaling ako, eh," pagmamayabang niya.

Pinagkaguluhan siya ng mga kaibigan. "Ang galing mo, Nicolette. Natalo mo si Clarence."

Hindi niya mapigilang mapangiti nang masulyapan ang natutulog na si Clarence. I will make you fall in love with me Clarence. Kaya humanda ka na.

ANG NAKANGITING mukha ni Nicolette ang bumungad kay Clarence paglabas niya sa locker room. Umalis ito mula sa pagkakasandal sa pader. Katatapos lamang ng training nila para sa sa araw na iyon."Ano ang ginagawa mo dito?"

"Hinihintay ka. Boyfriend na kita ngayon kaya dapat lang na lagi na tayong magkasabay pauwi." Magpo-protesta pa sana siya ng ipakita nito sa kanya ang isang bond paper. "Nakasaad sa kontrata natin na kapag natalo kita e magiging boyfriend kita. At kapag sinungitan mo ako o hindi mo ginawa ang gusto ko, ma-extend ang kontrata natin." Bahagya pa siya nitong tinapik sa pisngi. "Kaya be good."

Wala na siyang nagawa pa nang ibigay nito sa kanya ang dalang back pack. "Tungkulin ng boyfriend na buhatin ang mga gamit ng girlfriend niya." Umabrisete pa ito sa kanya. Nagpatianod na lamang siya sa mga gusto nitong mangyari. Useless din kasi na sungitan ito. Besides, mabilis lamang lilipas ang isang buwan, at pagkatapos niyon, hindi na siya nito kukulitin pa.

"By the way, may gagawin ka ba bukas ng gabi?" tanong nito ng makasakay na sila sa sasakyan niya.

He mentally checked his schedule. "Meron." Kahit ang totoo naman ay wala siyang gagawin.

"Okay. Paki-cancel ng lakad mo bukas. May date tayo."

He sighed. "Bakit pinangungunahan mo ako sa mga desisyon ko? Kahit si Monique ay hindi ganyan kung umasta."

Bahagyang tumalim ang tingin nito sa pagkakabanggit sa pangalan ng ex-girlfriend niya. "Unang-una sa lahat, kung hindi kita uunahan malamang na tubuan na ako ng ugat bago mo pa ako yayaing mag-date. Pangalawa hindi ako tulad ng ex-girlfriend mo kaya huwag mo kaming pagkumparahin. At pangatlo, girlfriend mo na ako, Clarence. Kahit na kasunduan lang iyon, girlfriend mo pa din ako."

Tinamaan siya sa mga sinabi nito. May punto nga ang mga sinabi nito. "Okay, I'm sorry."

Bumalik naman ang sigla nito. "You're forgiven."

Napailing na lamang siya. Ganoon na lamang ba kadali para dito ang patawarin siya?

NAPAKAMOT sa noo si Nicolette habang nakatingin sa mga damit na nakatambak sa kama niya. Halos itaob na niya ang laman ng aparador para humanap ng damit para sa date nila ni Clarence mamayang gabi. Pero ang naroon lang ay puro jeans at T-shirt.

Ayan, ang lakas ng loob na mag-aya ng date. Wala naman palang damit na isusuot.

Napagpasyahan niyang magpunta ng mall para bumili ng damit. Nakuha ng isang black knee-length dress na naka-display sa isang boutique ang atensiyon niya. Napangiti siya. This is the first time she's going out on a date, so she wanted it to be perfect.

Nang makauwi ay dali-dali siyang pumanhik sa kuwarto upang isukat ang damit. Humarap siya sa isang full length mirror. The dress was perfect. Sukat na sukat iyon sa kanya. It was as if the dress was simply meant for her. Umabot iyon hanggang sa tuhod niya. The thin straps emphasize her creamy shoulders. Mabuti na lamang pala at lagi siyang nag-exercise kaya nanatiling flat ang kanyang tiyan.

Umikot siya sa harap ng salamin upang mabistahang mabuti ang damit. Hindi pa nakuntento ay kinunan niya ng litrato ang sarili gamit ang cellphone. Nakaka-ilang shots na siya ng tumunog ang cellphone. Her heart went wild when she saw who the caller was.

Huminga siya ng malalim at tumikhim bago sagutin ang tawag. "Hello, my knight. Magkasama pa lang tayo kahapon na-miss mo na agad ako?"

"Nicolette..."

"Yes?" Bakit may pakiramdam siyang hindi maganda ang sasabihin nito? "You're not going to cancel our date, aren't you?"

"I'm sorry."

She bit her lower lip. Pinilit niyang pinasigla ang boses. "It's okay. Mukhang importante naman ang gagawin mo." Mas importante pa sa date natin, gusto sana niyang idagdag.

Narinig niya ang pagbuntong hininga nito. "I'm really really sorry."

"Sus, wala iyon. Sige na, I've got to hang up. Tinatawag na ako ng Tito ko." Hindi na niya hinintay pa ang sagot nito.

Nanghihina ang mga tuhod na napaupo siya sa may gilid ng kama at tuluyan ng nahiga.

She heave a sigh. Ipinatong niya ang braso sa mata. Date na naging bato pa. Muli siyang bumangon at nagpalit ng damit.

MAGKAKASUNOD na sipa ang suntok ang pinakawalan ni Nicolette sa punching bag. Kung nagkataon siguro na tao iyon ay kanina pa iyon nagreklamo. Kailangan niyang ilabas ang inis na nararamdaman sa pagkakaudlot ng date nila ni Clarence. Kaya naman sa gym na nasa loob ng apartment nila siya nagpalipas ng oras. Hindi iyon kasinglaki ng gym nila sa mansiyon ay kumpleto din naman iyon sa gamit.

Kasabay ng paglipat niya sa St. Rudolph ay ang paglipat din niya ng apartment. Mariin iyong tinutulan ng lolo at lola niya pero sa huli ay napapayag din niya ang mga ito. She just want to do things on her own, away from her grandparents influence.

Isang sipa ulit ang ginawa niya. Wala na siyang pakialam kung puro pawis na siya.

Pagod na siya pero hindi pa din siya tumitigil sa pagsuntok at pagsipa. Hindi na niya alam kung ilang oras na siyang naroon. Bahagya siyang tumigil para punasan ang pawis sa noo gamit ang likod ng palad.

"B-Boss..."

Matalim niyang nilingon ang umistorbo sa kanya. Nakita niya ang pamumutla ni Seth. Mahigpit niyang ipinagbilin dito na huwag siyang guguluhin. "Hindi ba sinabi ko sa inyo na ayaw kong maistorbo?"

"May tawag po kasi kayo, galing kay Clarence." Tsaka lang niya napansin na hawak nito ang cellphone niya at nakatakip ang isang kamay nito sa mounthpiece.

Nagbago kaagad ang mood niya pagkarinig sa pangalan ni Clarence. Excited na kinuha niya ang cellphone mula kay Seth. "Clarence?"

"Hi! Gusto ko ulit humingi ng dispensa sa nangyari kahapon."

Biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Alam niyang hindi iyon dahil sa pagod kundi dahil narinig niya ang boses nito. "Naku okay lang iyon."

"At para sana makabawi ako sa iyo. Gusto mo bang lumabas mamaya?"

Nakagat niya ang ibabang labi upang pigilan ang sarili na mapatili. For the first time, si Clarence mismo ang nag-aya sa kanya na magdate. "Sure."

"Okay. Susunduin na lang kita mamaya?"

"No. Magkita na lang tayo sa restaurant." Sinabi nito ang isang sikat na restaurant.

Hindi maalis-alis ang ngiti sa mga labi niya. Sulit naman pala ang hindi natuloy na date nila kagabi.

Ang saya! Parang may pakpak ang mga paa niya habang naglalakad palabas ng gym nila. May date ako! Inaya ako ni Clarence!

MASAYA si Nicolette nang pumasok kina-Lunes-an. Naging successful kasi ang first date nila ni Clarence noong nakaraang gabi. He was a perfect gentleman. Sayang nga lang at hindi niya ito nanakawan ng halik. Mahina siyang napahagikgik. Kung puwede nga lang siguro na gabi-gabi silang mag-date ay okay lang sa kanya.

Naabutan niya si Armie sa paborito nilang puwesto sa may grandstand. She was unusually quiet. Sanay kasi siya na lagi itong nakangiti at laging may kuwento, pero ngayon ay nakakunot ang noo nito at tila may malalim itong iniisip.

"May problema ba kayo ni Shin, Armie?" hindi mapigilang tanong niya. Nalaman niyang may nakaraan pala ang dalawa. Kaya pala ganoon na lang ang inis ni Armie kay Shin. Hindi na lang niya maitanong dito ang dahilan ng paghihiwalay ng mga ito dahil mukhang masakit pa din iyon para kay Armie.

Nilingon siya nito. "Kami? Wala naman. Sanay na ako sa kalokohan ni Shin. May bigla lang akong naisip." Mukhang hindi ito mapakali. Natutok ang atensyon niya sa may soccer field. Nagwa-warm up pa lang ang mga players. Pero nabaling ang atensiyon niya sa isang grupo ng babae na nasa may harapan nila. Ang lakas naman kasi ng mga boses nito. Hindi na sana niya papansinin pa ang mga ito kung hindi lamang niya narinig na si Clarence ang topic ng mga higad.

"OMG! You mean bumalik na sa bansa si Monique Sanchez?"

"Ay, trulalu sisterette. Na-sighting ko sila noong isang gabi sa airport."

"Grabe nga e. Sobrang sweet ng dalawang iyon. Imagine si Clarence pa mismo ang sumundo kay Monique."

Nanlamig siya sa mga narinig. Bumalik na si Monique? Kung totoo ang sinasabi ng mga ito, ang importanteng bagay na ginawa ni Clarence noong hindi matuloy ang date nila ay ang pagsundo nito kay... Monique? Mahigpit niyang naikuyom ang mga palad.

Naramdaman niya ang paghawak ni Armie sa kamay niya. "Nicolette, huwag mo na lang silang pansinin." Ang tinutukoy nito ay ang mga narinig niya.

"Totoo ba? Bumalik na si Monique?" Tumango ito. "Pero huwag ka na munang magalit kay Kuya. Wala lang kasing susundo kay Monique kaya siya ang nautusan ni Tita. Alam mo naman, nasa ibang bansa na ang mga magulang ni Monique. Inaanak din kasi ni Tita si Monique kaya sa bahay na siya pinatuloy."

Pinilit niya itong nginitian. "Hindi mo na kailangang magpaliwanag pa, Armie. Okay lang ako."

Mataman siya nitong tinitigan. Mukhang hindi ito kumbinsido sa mga sinabi niya. Bago pa man ito muling makapagtanong ay tumunog na ang cellphone nito. Base sa narinig niyang pakikipag-usap nito ay mga kaklase nito ang tumawag. "Okay sige, papunta na ako diyan. Bye." Bumaling ito sa kanya. "Nicolette, mauna na ako sa iyo. Nagkaroon ng biglaang meeting para sa thesis namin."

"Okay lang ako dito. Sige na, puntahan mo na ang mga kaklase mo."

Napabuntong hininga siya ng makaalis ito. Malungkot niyang tiningnan mula sa kinaroroonan niya si Clarence.

Ano na ngayon ang gagawin mo, Nicolette? Bumalik na ang karibal mo sa puso ni Clarence. Kung noong wala pa siya ay hindi mo na makuha ang puso ni Clarence. Ngayon pa kaya na nagbalik na ang babaeng dahilan kung bakit patuloy na hindi mo matibag ang pader na inilagay niya sa puso niya?

ILANG araw nang napapansin ni Nicolette ang pananahimik ni Clarence. Hindi na siya nito masyadong sinusungitan tulad ng dati. Hindi man ito magsalita ay alam niya na may bumabagabag dito. At alam na niya kung ano iyon-ang pagbabalik ni Monique.

Marami siyang gustong itanong dito. Gusto niyang malaman kung may nararamdaman pa din ito kay Monique? Kung nagkabalikan na ba ang mga ito? At kung tatapusin na ba nito ang kasunduan nila. Pero sa huli ay pinigilan niya ang sarili. Dahil alam niya sa bandang huli ay siya din ang masasaktan sa sagot nito.

Ilang araw na lang naman ang natitira sa kasunduan nila. Kakaunti na lang ang mga araw na maaari niya itong makasama. At mas mabuti pang sulitin niya ang mga araw na nalalabi.

"Clarence, mag-date naman tayo bukas ng gabi," paglalambing niya ng puntahan niya ito matapos ng practice ng mga ito. "May bagong bukas na restaurant akong alam. Gusto mo?"

"Okay," tila wala sa sariling sagot nito.

Nakita niya ang mga nakikisimpatyang tingin ng mga teammates nito. Hindi niya napigilang mapabuntong hininga. Kailan mo ba mapapansin na narito lang ako sa tabi mo, Clarence?

EXCITED na nagbihis si Nicolette para sa date nila ni Clarence mamayang gabi. Isang pink mini dress ang suot niya. "Okay lang ba ang suot ko?" tanong niya sa mga tauhan. Umikot pa siya sa harap ng mga ito.

"Okay na okay, Bossing," ani Seth, na sinang-ayunan naman ni Rolando.

She grinned. "Iyan ang gusto ko sa inyo. Lagi ninyong binibilog ang ulo ko."

Hindi niya maipaliwanag ang kabang nararamdaman habang lulan ng sasakyan. Nagpaiwan siya sa may labas ng restaurant kung saan sila magkikita ni Clarence. Alas-otso ang usapan nila. Pasado alas-otso na ng makarating siya sa tapat ng restaurant ngunit wala pa si Clarence doon. Muli niyang tiningnan ang suot na wrist watch. Dalawampung minuto na pala ang nakakalipas ngunit ni anino ni Clarence ay hindi niya mamataan.

Bigla ang pagsalakay ng kaba sa dibdib niya. Posible kayang may nangyaring masama dito kaya wala pa din ito? Tinawagan niya ito pero naka-off ang cell phone nito. Clarence, nasaan ka na ba?

Natakpan niya ang magkabilang tainga ng marinig ang malakas na kulog. Tumingala siya sa kalangitan. Mukhang uulan pa yata. "No, darating si Clarence. Darating siya," kausap niya sa sarili.

As if on cue, bumuhos ang malakas na ulan.

Continue Reading

You'll Also Like

110K 2.9K 32
"May hiwagang dala ang bracelet. Sa oras na natagpuan mo na ang true love mo ay kusa itong matatanggal sa kamay mo." iyon ang eksaktong sinabi kay Ch...
181K 2.6K 13
Published. Copies are available (ebook and physical book) Note: This is just a WATTPAD VERSION. Unedited copy.
4.3M 246K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...
58.1K 1.1K 28
This is a fanmade story inspired by Stallion Riding Club Series of Ms. Sonia Francesca and Ms. Sofia. Places and some of the characters are from the...