So, It's You

By CalysLee

223 21 10

I'd been so fed up with my stressful life as a high school teacher. Paano kasi, favorite akong pagdiskitahan... More

So, It's You
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11

CHAPTER 8

10 1 0
By CalysLee


"ZEPHYRUS!" habol ang hiningang tawag ko nang madatnan ko siyang nakatayo sa bukana nang mahabang hanging bridge ng Zabali. Papalakas na noon ang patak ng ulan at kapwa na kami binabasa niyon—bagay na parehas naming inignora.

Hindi nga ako nagkamali na makikita ko siya rito. But unlike that scene nine years ago hindi ko siya naabutan sa gitna ng tulay. I saw him at the entrance, basang-basa na sa ulan at nakatanaw sa malayo. Four PM nang magsimulang umalan kanina, and I bet he stayed here for too long already dahil ilang minute na lang ay tuluyan nang kakainin ng dilim ang natitirang liwanang sa paligid. Parang na-imagine ko na ang itsura ni Zeph habang nakatanaw sa malawak at kalmadong ilog. Siguradong nasa mga mata niyang muli ang lungkot at labis na pangungulila.

At kahit pa alam kong wala na siyang balak tumalon this time kinabahan pa rin ako kaya mabilis kong inakyat ang sementadong hagdan palapit sa kaniya at hinila siya palayo sa tulay. Para akong napaso nang maramdaman ko ang kakaibang taas ng body temperature niya.

"Kia? What are you doing here?" mahina at bahagyang gulat na tanong niya nang makita ako. Sinalakay ako ng labis na kaba nang matitigan kong mabuti ang mukha niya. His face looked so pale. Namumula rin ang gilid ng ilong niya at bloodshot ang malalalim na mga mata.

"Umuwi na tayo, Zeph," nag-aalalang sabi ko instead na sagutin ang tanong niya. Hindi ko pa rin binibitawan ang kamay niya. Ayokong gawin iyon kasi natatakot akong bigla na lang ulit siyang mawala sa harap ko.

Tipid na ngumiti si Zeph—ngiting hindi umabot sa mga mata niya. Mayamaya muli siyang lumingon sa malawak na tanawin sa harap namin. Malakas na ang buhos ng ulan. Nanginginig na rin ako dahil sinasabayan iyon ng malamig na ihip ng hangin. I bet he also felt the same pero sadyang mas pinipili niyang i-ignore iyon.

Binalot kami ng ilang segundong katahimikan. Tanging ang patak ng ulan lang ang maririnig na ingay sa paligid.

"Just like that day nine years ago nahanap mo ulit ko..."

Hindi siya nakatingin sa 'kin but he surely has that pained look on his eyes right now. Tama ako nang makita ko ang lungkot na iyon sa Dicasalarin a few days ago. Hindi pa rin nakakalimutan ni Zeph ang masakit na memory na iyon—ang pag-iwan sa kaniya ng buong family niya.

And that explained ang bigla muling pag-alis niya. Bagay na hindi ko man lang napansin. Kasi mula nang umuwi siya two years ago, hindi ko na ulit nakita ang trace ng masakit na past niya. Zeph has always been smiling. There were no signs of him silently hurting...

"When you saved me from ending my life nine years ago, you gave me hope, Kia. Kaya sinubukan kong magpataloy kahit hindi ko alam kung paano ulit magsisimula. When I finally had the courage to go back, I thought I was doing okay. P-Pero kapag dumarating ang araw na ito... laging nawawalan ako ng lakas para umusad ulit," his voice cracked. "H-Hindi ko pa pala kayang humarap sa kanila. Kasi lagi pa rin akong hahabulin ng masakit na katotohanang wala na sila at kahit kailan hindi na muling babalik pa..."

Lumapit ako kay Zeph at marahan siyang hinila paharap sa 'kin. Nagtama ang mga mata namin. Gusto kong maiyak sa nakita kong lungkot doon pero pinigilan ko ang sarili. Kaya hindi na ako nag-isip, seconds later, mahigpit ko siyang ikinulong sa yakap ko.

"It's alright, Zeph..." I assured him.

"Alam mo bang sobra ko na silang nami-miss, Kia? Everyday lagi kong hinihiling na sana masamang prank lang ito. Na isang araw magigising na lang akong nasa tabi ko na ulit sina Mommy at Daddy. Na makikita ko ulit si Zia. P-Pero nine years na akong naghihintay, wala pa ring nagsasabi sa 'king malaking biro lang lahat..."

Tumulo ang mga luha ko at hinayaan kong umagos iyon kasama ng malakas na buhos ng ulan. Naramdaman kong humigpit ang yakap sa 'kin ni Zeph. Nagpaubaya ako.

I let him clung into me, hoping that by doing that, the pain in him will subside...

Lalong tumaas ang lagnat ni Zeph pagkalipas lang ng ilang oras mula nang makauwi kami. After staying there for a very long time napilit ko rin siyang umuwi. Hinayaan ko na siyang matulog at magpahinga though constant ko siyang chinecheck dahil tuloy-tuloy ang pagtaas ng body temperature niya.

Habang nakaupo ako sa tabi ng kama ni Zeph, hindi ko magawang alisin ang tingin sa kaniya. After nine years, ngayon ko lang ulit siya nakita sa ganitong ka-vulnerable na estado. Malayong-malayo siya sa Zeph na kilala ng lahat. Ang Zeph na laging nakatawa, nakangiti at often times kinaiinisan ko kasi sobrang mapang-asar. What am I seeing at the moment was someone who has hid his pains and suffering for a very long time.

And how I wish hindi na lang nangyari ang aksidenteng kumuha sa buong family niya. If that didn't happen nine years back, I wouldn't probably see Zeph in this situation. Never kong makikita ang sobrang lungkot at pangungulila niya sa pamilya. Instead, mananatili siya sa masayahing Zeph na nakilala ko thirteen years ago.

"K-Kia..."

Bumaling ang tingin ko kay Zeph nang sambitin niya ang pangalan ko kasabay ng unti-unting pagmulat ng mga mata niya. May ilang minuto palang nang maidlip siya kanina. Lumapit ako sa kaniya at dinama ang noo niya. Mainit na mainit pa rin siya I reached for the thermal scanner on the bedside table and checked his temperature. Nagbuga ako ng hangin nang hindi pa rin 'yon bumababa.

"Should I call Kuya Kade para dalhin ka na niya sa hospital?" nag-aalalang tanong ko.

Mahina siyang naubo. "No. Dito na lang ako."

"Okay, 'tulog ka na ulit. You should rest para bumaba ang lagnat mo." I leaned closer para iayos ang makapal na kumot na nakabalot sa kaniya.

Akma na akong lalayo nang hawakan niya ang kamay ko. I stared at him. His eyes looked too tired powerless. Mayamaya binalot ako ng kakaibang pakiramdam na hindi ko alam kung dahil ba sa pagkakadikit ng mainit na balat niya sa akin.

"Kia, don't go..." he said, almost pleading.

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Parang may kung anong mainit na humaplos sa puso ko lalo na nang mas higpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko.

"Don't worry 'dito lang ako. I'm not going to leave you." Tipid na ngumiti ako sa kaniya.

"Salamat," mahinang saad niya saka muling pumikit.

Malalim na ang paghinga ni Zeph pero hindi pa rin niya nagawang bitawan ang kamay ko.

NAGISING ako sa pagtama ng kung anong mainit sa mukha ko. Iminulat ko ang mga mata para mapapikit ulit nang salubungin ako ng liwanang mula sa sikat ng araw na tumagos sa katapat kong bintana.

Umayos ako ng upo mula sa pagkakasubsob sa gilid ng kama ni Zeph. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako roon last night. Unang napansin ko ang kamay kong hawak pa rin niya. For a moment tahimik lang na nakatitig ako roon habang sinasalakay ako ng halo-halong emosyon. At for some unknown reason, biglang bumilis ang heartbeat ko. Nanlaki ang mga mata ko. Mayamaya wala sa loob na hinatak ko ang kamay ko para bumitaw mula sa hawak niya. Pero mukhang masyado yatang malakas iyon kasi gumalaw si Zeph at biglang nagising.

I saw him open his eyes. Seconds later nasa akin na ang tingin niya.

I cleared my throat at ibinaling sa ibang direction ang tingin ko. Good thing nahagip ng mga mata ko ang thermometer sa bedside table. Dinampot ko iyon.

"K-Kumusta na'ng pakiramdam mo?" agad na tanong ko para pagtakpan ang pagkagulat at pagkalitong nararamdaman ko.

Pinindot ko ang thermal scanner at inilapit iyon sa kaniya. Gano'n na lang ang relief na sumalakay sa 'kin nang makitang normal na ang body temperature niya.

"I'm feeling better," mas magaan na ang boses na sabi niya. Bumangon si Zeph at sumandal sa headboard. Compared kagabi, mas kalmado at maaliwalas na ang bukas ng mukha niya ngayon.

"'Buti kong gano'n. Pinakaba mo ako. Akala ko 'di na bababa ang lagnat mo."

Hindi sumagot si Zeph, instead ilang segundong tumitig lang siya sa 'kin. Hanggang sa unti-unti siyang ngumiti This time, it was his normal smile.

And I was not prepared for it. For seconds tumigil yata ang heartbeat ko dahil sa ngiti niya.

Shit! What the hell was happening? Bakit ganito ang effect ng smile ng Zephyrus sa 'kin?

Kia, pull yourself together! Kulang ka lang sa tulog, girl! malakas namang sigaw ng inner self ko.

"Sorry kong 'pinag-aalala kita. By the way, thanks for staying, Kia," nakangiti pa ring sabi niya.

Mahina akong bumuntong-hininga. Mabuti na lang at unti-unti nang nagno-normalize ang heartbeat ko.

"Yeah, pasalamat ka't mabait ako. Saka 'di rin kaya ng konsensya kong iwan kang inaapoy ng lagnat," pabirong sabi ko.

Mahinang natawa si Zeph. "Ramdam ko nga, eh. You know what, I even dreamt about you..."

"O, at ano namang ginagawa ko sa panaginip mo?" nangingiti at curious na tanong ko.

Pero hindi nagsalita si Zeph. Instead, he leaned closer towards me. Titig na titig siya sa mga mata ko. In there I was seeing some kind of emotion na hindi ko ma-determine ang pangalan. Kumabog ulit ang dibdib ko. This time mas malakas iyon. Para din akong masu-suffocate lalo nang lumapit pa si Zeph nang huso sa 'kin. Nanlaki ang mga mata ko lalo nang ilapit niya sa mukha ko ang mainit na palad niya.

What the hell are you doing, Zephyrus?

"Sinasakal mo ako, Kia! Hanggang sa panaginip ko tinatalakan mo rin ako!" amused at tumatawang sabi niya saka ginulo ang buhok ko.

Sa ginawa niya na-confirm kong magaling na siya. Ang lakas na naman kasi ng trip niyang mang-asar! B'wisit talaga!

Nahampas ko tuloy siya nang wala sa oras.

"Aray!" nagrereklamong daing niya pero tawa naman nang tawa. "Ano ba naman 'yan? Hindi pa nga ako magaling sinasaktan mo na naman ako."

"Punyemas ka kasi! Deserve mo 'yan!" Inirapan ko siya.

Pero mayamaya sumeryoso ang expression ng mukha ni Zeph.

"Kung hindi mo ako nahanap kahapon I might have endured the pain alone again. Salamat, kasi this time naramdaman kong may kahati ako sa bigat ng nararamdaman ko."

Tiningnan niya ako deretso sa mga mata. At parang hinaplos ang puso ko because in there, I was also able to see hope.

"I was not actually expecting to see you there, pero dinala ako ro'n ng mga paa ko, and I did find you. I hope you're really good now, Zeph. I hope you were able to let go. And if hindi pa rin completely, always I remember that I'm always here. Lagi akong ready para makihati sa pain na nararamdaman mo," I sincerely assured him.

"Thanks, Kia..." nakangiting sambit ni Zeph bago siya lumapit at ikulong ako sa mga bisig niya.

A week later fully recovered na ang kaibigan ko. Bumalik na ulit siya sa L'espresso and this time mas maingay at mas makulit pa. Pero masaya akong makita siya as he finally learned to let go. Three days after ng incident na iyon sa Zabali hanging bridge, he asked me to go with him at the cemetery. For the first time after nine long years he finally visited his family. Isang beses ko pa siyang nakitang mag-break down pero pagkatapos no'n mas naging maayos na siya.

I could say everything went back to normal—well except this one thing. Ang pasaway at hindi normal na heartbeat ko kapag ngumingiti or nasa malapit siya. Hindi ko alam kung ano'ng spell ang ginawa ng lokong Zephyrus na 'yon at bakit bigla na lang naging aware ako sa mga gestures niya!

Imagination mo lang 'yan, girl! Kulang ka lang sa tulog kaya gan'yan na ang nangyayari sa 'yo! madalas na litanya ng inner self ko, bagay na pinaniniwalaan ko as valid explanation ng unnamed emotions na nararamdaman ko.

Kaso ilang araw na akong nagbibilang hindi pa rin maalis-alis ang nakaka-stress na pakiramdam na iyon! Sa isiping iyon marahas akong napabuntong-hininga.

"Beshy, look!" malakas na sabi ni Ellie sabay tapik sa balikat ko.

Napapitlag ako kaya nilingon ko siya. Three PM no'n at nasa cafeteria kami na kasalukuyang kumakain ng snacks.

"Ano?"

Hindi siya sumagot sa halip inginuso ni Ellie ang direction ng dalawang taong nahagip ng mata niya. I saw Camille and Jiro. As usual, nakakapit ulit si Camille sa braso ni Jiro na para bang any moment ay maglalaho ang jowa niya. Tinaasan ako lang ng kilay ang dalawa. Wala ako sa mood na maging bitter ngayon. At kahit maglambitin pa si Camille na parang unggoy sa leeg ni Jiro, wala na akong pakialam.

"Grabe naman kung makadikit itong babaeng 'to! May lahing linta yarn?" naniningkit ang mga matang puna ni Ellie.

"Let them be. In love, eh," naiiling na sabi ko.

"Wow! Coming from you, Kia? Hmm. Bago 'yan." Pinangkitan niya ako ng mga mata.

"What?" natatawang tanong ko.

"Naka-move on ka na?"

"Yeah. I guess matagal na," kalmadong sabi ko saka ibinalik ulit ang tingin sa dalawang subject ng usapan namin.

Nagtagal ang titog ko kay Jiro. Kung dati sobrang nag-iinit ang ulo ko kapag nakikita ko siya, lalo na kapag naaalala ko ang ginawa niyang pangagamit sa 'kin, now wala na akong maramdamang kahit anong indifference. Awa na lang siguro kasi halatang hindi siya masaya sa relasyon nila ni Camille. Lagi na kasing nakasimangot ang mukha ni Jiro, ibang iba na compared sa laging nakangiting appearance niya noon.

Also, I realized hindi ko pala siya sobrang gusto. He was not the most perfect guy I've known. Ni hindi nga siya sobrang g'wapo. I also realized totoo ngang mas g'wapo ng mga sampong paligo si Zeph sa kaniya.

Natigilan ako at the thought of Zeph. Napasinghap ako at natutop ang bibig. Oh my gosh! What am I thinking?

"Hoy, 'te, ano'ng meron? Bakit namumula ka d'yan? Don't tell me bumalik ang pagka-beast mode mo sa dalawang 'yon?" taking-takang tanong ni Ellie.

"Huh? Wala!" defensive na sagot ko. Napalakas yata 'yon kasi napatingin pa ang mga estudyante sa katabi naming table.

"Ay grabe! Nagtatanong lang ako, Kia. Wait, bakit parang pakiramdam ko may hindi ka sinasabi sa 'kin, ha?" Ellie leaned over at pinakatitigan ako.

Tensed na natawa ako. "Imagination mo lang 'yan, besh."

"Imagination? 'Te, hindi makakapagsinungaling sa 'kin 'yang namumulang pisngi mo. Saka 'yang kakaibang ningning ng eyes? Kia, 'wag ako." Pinandilatan ako ni Ellie.

"Ellie, nagsasabi ako'ng totoo. Wala lang 'to, promise!"

Pero at the back of my mind sinasampal ko na ng mga one thousand times ang sarili ko. Ano ba 'tong nangyayari sa 'kin? Bakit ayaw tumigil ng isip ko kakaisip kay Zeph?

Continue Reading

You'll Also Like

10.4M 565K 22
[PUBLISHED under LIB] #1. "If pleading guilty means protecting you, I will."
7.5M 211K 46
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
135M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
450K 1.3K 3
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022