CHAPTER 5

18 1 0
                                    

RAMDAM KO ang mahinang patak ng panaka-nakang ambon sa balat ko. Pero hindi ko iyon pinansin sa halip nagpatuloy lang ako sa parang walang direksiyong paglalakad. Six PM at madilim na madilim na ang paligid. Dapat nagmamadali na ang mga hakbang ko dahil ayaw na ayaw kong nababasa ng ulan—pero this time nawalan ako ng pakialam.

Ilang sandali pa sumabay ang pag-ihip ng panggabing hangin—na mas malamig kumpara noong nakaraang mga buwan dahil papasok na ang December—at nagdulot iyon ng bahagyang panginginig sa sistema ko. Wala sa loob na nayakap ko ang sarili. Napansin kong napapatingin na sa 'kin ang ilang mga residenteng kasabay kong naglalakad sa pamilyar na alley ng village. Ang iba napapatanong kung bakit wala raw akong dalang payong. Pero simpleng ngiti at tango lang ang isinagot ko habang deretso ang tingin sa basang kalsada.

Hindi ko magawang ituon sa kanila nang matagal ang pansin ko. Ayaw kong makita nilang maga ang mata ko dahil sa kanina pang pag-iyak. Actually, hinintay ko lang na makauwi halos lahat ng personnel sa Brentwood bago ako nagpasyang umalis sa classroom ko. I was still in denial. Hindi ko pa rin matanggap na kayang gawin iyon sa 'kin ni Jiro. Well, practically—and whether I wanted to admit it or not—he used me. At ang sakit. Sobrang sakit...

Okay pa sa 'king pinaasa niya lang ako. Pero ang siraan ako at pagmukhaing tanga sa harap ng co-teachers ko, iyon ang kailanman hindi ko matatanggap. At hindi ko lubos maisip bakit kailangan kaming humantong sa gano'n. Wala naman akong masamang nagawa sa kaniya. I trusted him at kahit kailan hindi ako nagkunwari sa totoong nararamdaman ko towards him.

But still nagawa ka pa rin niyang saktan...

Sa sinabing iyon ng isip ko, hindi ko napigilan ang muling paghapdi ng mga mata ko. Lalo akong napayuko nang ilang segundo pa'y ayaw nang paawat ng mga luha ko sa pag-agos. Malalaki na noon ang patak ng ulan at nababasa na ako. Pero wala pa ring pagmamadali sa mga hakbang ko. Instead, hinayaan ko lang ang sarili ko habang tuloy-tuloy nang dumadaloy kasama ng ulan ang mga luhang hindi ko na kayang pigilan. Umiyak ulit ako at kalauna'y naging hagulgol.

Nang mga oras na iyon tunog na ng malakas na ulan ang pumupuno sa buong paligid.At kasama ng pag-agos nito tuluyan kong pinalaya ang sakit at bigat na dumadagan sa dibdib ko. And no matter how hopeless I was at the moment—para akong basang tutang iyak lang nang iyak habang naglalakad sa gitna ng kalsada—nawalan ako ng pakialam.

Nasa ganoon pa rin akong estado nang madaanan ko ang bukas pang coffee shop ni Zeph—na hindi ko sana mapapansin kung hindi niya ako tinawag despite the hard pouring rain. Pasimple sanang lalampasan ko na lang ang L'espresso at magdadahilan na hindi ko siya narinig pero huli na dahil patakbo siyang lumapit sa kinatatayuan ko.

"Kia, what the hell are you doing?" may bahid ng inis na tanong niya nang makalapit siya sa 'kin.

Marahang hinawakan niya ako sa magkabilang mga balikat at pilit na pinaharap sa kaniya. Hindi ako umimik at nanatili lang nakatungo. Parehas na kaming nababasa kasi katulad ko sinuong din ng engot na si Zeph ang ulan ng wala man lang dalang payong.

"What's happening, huh?"

He forced me to look at him—saglit na nagtama ang tingin namin. Dumaan ang pag-aala sa mga mata ni Zeph nang matitigan akong mabuti. Iyon na rin ang naging cue para hilahin niya ang kamay ko at igiya ako papunta sa L'espresso.

Sa office niya na nasa likod lang ng coffee shop kami dumeretso. Nang marating namin iyon agad niya akong pinaupo sa sofa, kinuha ang bag na dala ko, at mabilis na pinatay ang air con. Katamtaman lang ang sukat ng opisina ni Zeph. Ang interior nito ay kaperehas ng interior ng buong L'espresso—it also had metal walls dahil gawa rin iyon sa remodeled na shipping container.

"Tell me, ano ba'ng pumasok sa isip mo at bakit nagpakabasa ka sa ulan? Hindi ka ba natatakot na baka magkasakit ka, ha?" sunod-sunod niyang tanong habang ibinabalot sa katawan ko ang tuwalyang hawak niya.

So, It's YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon