CHAPTER 9

10 1 0
                                    

"HEY! EARTH to Kia?"

Napapitlag ako nang magsalita si Raffy kasabay ng pag-wave niya ng kamay sa harap ko. I blinked for a couple of times. Alanganin akong ngumiti lalo nang mapansin ko ang naniningkit na mga mata ni Ellie sa tabi niya. We were currently at Raffy's house. Pinagpaplanuhan namin ang details sa gaganaping Senior's ball bilang parte ng eighty-fifth founding anniversary celebration ng Brentwood. The event was scheduled next month at "swerteng" kaming tatlo ang naatasang magplano para doon.

"Oh, sorry. Nasa'n na ulit tayo?" alanganin ang ngiting tanong ko. I also cleared my throat and sat up straight—umaasang sa pamamagitan no'n ay maco-compose ko ulit ang sarili mula sa biglaang pag-space out.

"Beshy, nakakahalata na talaga ako. Alam mo bang kanina ka pa natutulala? May problema ka ba, ha? Ang layo-layo ng mga tingin mo," nakataas ang kilay na sabi ni Ellie saka humalukipkip.

"Yeah. Pansin ko rin 'yon, pinsan. May nagyari bang hindi namin alam?" tanong naman ni Raffy.

"Wala. I'm completely fine, ano ba? Imagination n'yo lang 'yan." I let out a quite tensed laugh.

Paano ko ba kasi ipapaliwanag sa kanila na sobrang bothered ako ng thoughts tungkol kay Zeph—na hindi na yata napagod kakatakbo sa isip ko. Actually, sobra na akong naiinis kasi halos every minute ay naiisip ko siya. Hindi ko rin naman ma-explain kung bakit nangyayari iyon. Saka hindi na rin nawala ang kakaibang pakiramdam sa dibdib ko lalo na kapag naaalala ko siya sa halos lahat na yatang bagay or eksenang nakikita ko sa paligid.

At kani-kanina lang, si Zeph pa rin ang dahilan kung bakit bigla na lang akong nag-space out habang kasama ko ang mga kaibigan ko. Paulit-ulit kasing nagpi-play sa isip ko ang magandang ngiti niya nang makita ko siya kaninang umaga. Wala namang bago roon kasi puro pambubuwisit lang ang napala ko sa pesteng iyon nang makikain siya ng breakfast sa 'min. Pero bakit ayaw mawala ng lintik na image na iyon sa isip ko?

Gosh! I think I'm going nuts! Normal pa ba itong nararamdaman ko towards him?

"Naku, Kia, ah. Kapag kami may na-miss na ganap sa 'yo dahil mas pinili mong gawing top secret 'yan, lagot ka talaga sa 'min." Pinandilatan ako ni Ellie.

"Ano ka ba? Wala nga, promise!" Pilit kong pinagaan ang boses saka itinaas ang right hand ko para mag-pledge sa kaniya.

"Sabi mo 'yan, ah." May panunuri pa rin sa tingin ni Ellie. Tumango naman ako to assure her. "Okay, awat na muna tayo sa 'yo, Beshy. Ang mabuti pa pag-usapan natin ang ganap sa birthday mo today. O, don't tell me, nakalimutan mo na namang birthday mo ngayon?"

Natawa ako sa sinabi ng kaibigan ko. Almost three years ko na kasing nakakalimutan ang pagsapit ng mismong birthday ko—na madalas ipaalala nina Ellie at Raffy sa 'kin. For the past years lagi na lang kasing trabaho ang nasa isip ko at madalas sobrang busy ako kapag dumarating ang araw na ito.

But this year was different. Maaga pa lang ay may na-receive na akong birthday greeting galing kay Zeph. He texted me bago siya lumipat sa bahay kanina. At habang kumakain sila ng breakfast pinagplanuhan na nila ni Mommy ang mga pagkaing lulutuin.

O, si Zephyrus na naman. Girl, iba na talaga 'yan.

I knew but I couldn't really help it. Hindi ko alam kung paano palalayasin ang puneyamas na si Zeph sa isip ko. At kahit ayaw ko man tila binubuhay ng kakaibang damdaming hatid niya ang pamilyar na pakiramdam na dulot ng pangyayaring iyon, siyam na taon na ang nakararaan.

It was also the same day and I never thought I would feel these emotions just like the way I did nine years back...

It was supposed to be a special day pero bakit ganito? Bakit sobrang lungkot?

So, It's YouWhere stories live. Discover now