CHAPTER 2

25 3 2
                                    

"MA'AM KIARA GUANZON? Ito na po'ng order n'yo."

Nag-angat ako ng tingin mula sa full focused na pagta-type sa keyboard nang may magsalita sa tabi ko. Nakasimangot na mukha ni Zeph habang hawak sa isang kamay ang platter ng order kong strawberry cream slushy at chicken pesto pasta ang bumungad sa akin.

Inayos ko ang suot na reading glasses at sinuri siya ng tingin. He was wearing his signature barista uniform—a black snapback and a linen waist apron. Underneath it was his black trousers and short sleeved white button down shirt—na tinaasan ko ng kilay kasi nakabukas ang tatlong butones no'n, revealing a part of his chest.

Pagkalapag ni Zeph ng order ko, kunot-noong umupo siya sa tabi ko at nakisilip sa screen ng laptop. Humarap naman ako sa kaniya and leaned closer to close a button of his shirt.

"Kaunting ka-wholesome-an lang po, sir," nakataas pa rin ang kilay na sabi ko nang mag-angat ako ng mukha. Pero wala yatang kaso iyon kay Zeph kasi hindi nagbago ang expression ng medyo singkit na mga mata niya.

"I've told you a million times before na ban ang pagtatrabaho sa shop ko kapag weekend, 'di ba?" This time salubong na ang may katamtamang kapal na mga kilay niya. "I want to remind you that today's a Saturday."

"Pass muna tayo d'yan, p'wede? Don't worry, next time tatambay na talaga ako dito para lumamon lang. Need ko lang talagang tapusin 'to," magaang sabi ko. "Saka you should be happy. At least kikita ka pa rin kasi for sure marami akong pagkaing io-order today."

Nginitian ko siya nang pagkatamis-tamis.

But still hindi convincing ang palusot ko kay Zeph. Nakatitig pa rin kasi siya sa 'kin with that serious look on his face. Though nagtagal lang iyon ng ilang segundo kasi mayamaya ginulo niya ang buhok ko—particularly my newly cut bangs! Mahina ko siyang minura sa ginawa niya. Tawa lang ang naging response ng loko saka bumalik na sa counter.

Seconds passed na-conscious na nilibot ko ng tingin ang paligid ng L'espresso. Mahirap nang marinig ako ng costumers niya. Nakahinga ako nang maluwag nang wala naman palang nakatingin sa 'min. Busy pa rin ang diners ni Zeph sa kani-kanilang ganap. Plus, nagpi-play sa background ang Photograph ni Ed Sheeran kaya siguradong safe ang bad words ko from leaking out.

Napapairap na inayos ko ang buhok ko. Hindi talaga nagbibiro si Zeph no'ng sinabi niyang bubulabugin niya ulit ako. Heto at sinisimulan na niya. Pasalamat siya at na-miss ko siya kundi makakatikim talaga siya sa akin dahil ginugulo lang naman niya ang pananahimik ko rito.

However, may point din naman siya. Kung may choice lang din ako mas pipiliin kong humilata na lang buong araw sa bahay kapag ganitong weekend at 'wag nang mag-work. Pero dahil ayaw kong abutan ng deadline, I decided to just finish this task kahit pa off ko today. Packed na kasi ang schedule ko sa susunod na apat na linggo. I would be needing to prepare for review materials because of my upcoming international Math competition.

"You should've ask that guy, who looked like a body builder, to finish that work instead. Surely, relax 'yon ngayon, while you, nandito ka sa shop ko at nagpapakahirap tapusin 'yan."

Nakataas ng kilay na nilingon ko si Zeph sa sinabi niya. He had that annoyed look on his face while he was busy listing something at the counter. Malapit lang ang puwesto ko sa kaniya kaya malinaw kong narinig iyon. Inirapan ko siya lalo nang ma-realize kong si Jiro ang tinutukoy niya. Na-meet na ni Zeph ng isang beses si Jiro sa L'espresso nang umuwi siya last year. Hindi ko alam na natatandaan pa pala niya ito.

"Don't worry, I'm not doing this alone. He also has his part and he's probably working on it now. By the way his name's Jiro Elizalde and he's not a body builder. Kamukha niya kaya si Captain America, duh?" I rolled my eyes at him.

So, It's YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon