SA1: She Captured My Heart (G...

By letmebed1

225K 8K 561

[Completed] Mature Content | SPG | R-18 | GL Story 🔞 Amber Paige a.k.a Agent Reign the cold hearted "Team Le... More

Introduction
CAST
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6 ⚠️
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9 ⚠️
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33 ⚠️
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39 🩷
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Epilogue

Chapter 40

2.6K 117 2
By letmebed1

Amber Paige a.k.a. Agent Reign

Three years and six months ago

"Laura, Laura! Stay with me. Malapit na tayo sa hospital." Lulan kami ng private car, nagmagandang loob ang driver para dalhin kami sa pinakamalapit na hospital. Nakaupo kami rito sa backseat ni Laura habang nakasubsob ang mukha niya sa leeg ko. "...Sir, pakibilisan po."saad ko sa nagmamaneho.

Nang magmulat si Laura ng mga mata ay nabuhayan ako ng loob.

"Hey, kaya mo 'to, lumaban ka huwag mo akong iiwan." Ang mga luha sa mga mata ko ay nag-uunahang malaglag, alam kong hindi ako mabuting tao but this time nagawa kong manalangin para sa buhay ng babaeng mahal ko, na sana malagpasan niya ang panganib na kinakaharap niya ngayon. Kahit nanghihina na siya ay nagawa pa niyang pisilin ang palad ko.

"Am....ber, h-huwag mo a-akong ka-kalimutan."

"No, don't say that. Malalagpasan mo 'to."

"Am...ber...."pinipilit niyang ngumiti. Halos hindi niya magawang sambitin ang pangalan ko. May tama siya ng bala sa likod dahil sinangga niya ito na dapat ay para sa akin. Kinuha ko ang kamay niya at inilagay sa pisngi ko.

"Huwag kang bibitaw. Mahal na mahal kita...."bulong ko sa kanya. Tumutulo ang mga luha sa mga mata niya kaya pinahid ko.

"M-mahal na mahal kita A-Amber...."

"Mahal na mahal din kita, Laura...."

Hanggang sa mapansin kong kusang bumitaw ang kamay niya na nakahawak sa pisngi ko.

"Laura! Laura!"sigaw ko. Pinakinggan ko ang tibok ng puso niya. Tumigil ang pagpintig ng puso niya. Niyugyog ko siya pero wala na siyang response. "...no!!!!"

Nagsimulang manlamig ang buong katawan ko. Ilang sandali pa ay nandito na kami sa hospital. Sinalubong kami ng mga nurse at doctor dito sa Emergency Room.

"Doc, gawin niyo po ang lahat nang makakaya niyo para ma-revive siya."paki-usap ko. Nagmamadali silang gawin ang procedure para marevive si Laura. Hindi ako mapakali. Ang mga kamay at damit ko ay punong puno ng dugo niya.

Tulala at halos wala na akong maiiyak dahil sa matinding pag-aalala. Hanggang sa narinig ko na para bang tumahimik ang buong paligid.  Ang tibok ng puso ko at paghinga ko ang siyang tanging naririnig ko.

Humarap sa akin ang doktora, sa mga mata niya ay nasasalamin ko na ang hindi magandang nangyari.

"I’m sorry we did everything we could but she didn’t make it."

Para na rin akong namatay nang marinig ko ang salitang iyon. Ilang sandali ring tumigil ang pagikot ng mundo ko. Wala akong ibang magawa kundi ang humagulgol ng iyak. Sinisisi ko ang sarili ko sa nangyari. Kung hindi dahil sa akin ay hindi siya hahantong sa ganitong sitwasyon.

Wala na siya! Wala na ang mahal ko!Nagluluksa ako sa pagkawala niya. Sobrang sakit na mawalan ng taong mahal. Hanggang sa huling hantungan ni Laura ay wala akong maramdaman kundi puot at galit sa mga taong pumaslang sa kanya.

Ilang araw na ang lumipas, nakatayo ako rito sa puntod niya at nangako na ipaghihiganti ko siya.

"Ipaghihiganti kita, hindi ako titigil hanggat hindi nila mapagdusahan ang pagkamatay mo."

Nagpahid ako ng luha, dahil pakiramdam ko ay may nagmamasid sa akin.

"...sino ka?! Lumabas ka diyan!"sigaw ko.

Ganon na lang ang pagtataka ko nang lumabas ang isang pamilyar na mukha.

"Ako 'to, yong doctor na humarap sa inyo noon sa emergency room." Natigilan ako, bakit nandito ang doktora na ito?

"Bakit ka naririto? Anong pakay mo?" Lumapit siya at naglapag ng bulaklak sa puntod ni Laura.  Pareho kaming napatingin sa lapida na nasa harap namin.

"Nong nasa hospital ka, kitang kita ko ang galit sa mga mata mo. Nakakuyom ang mga kamay mo at parang handa ka nang sumabak sa gyera para makapaghiganti."

Napakuyom ako at hindi ko na naman mapigil ang emosyon ko.

"Tatapusin ko silang lahat...." nagngangalit na saad ko.

"Magagawa mo ba yan ng mag-isa?"

Hindi ako umimik. Hindi man ako lubos na malakas pero gagawin ko ang lahat para ipaghiganti si Laura.

"...nandito ako para tulungan ka."

Napakunot noo ako.

"Sino ka ba?"

"Ako si Grace Lyne, isa akong tunay na doctor. Nagtatrabaho ako sa hospital na pinuntahan niyo sa Makati at nagseserbisyo rin ako sa isang Secret Intelligence Agency bilang isang doctor. Gusto kitang i-recruit dahil nakikitaan kita ng potensyal."

"I-recruit?" may pagtatakang tanong ko.

"Yeah, bilang isang Secret Agent. Ang misyon ng organisasyon ay para protektahan ang mga buhay ng mga mayayamang negosyante at ang kanilang pamilya dahil sila ang nagbibigay ng pondo sa organisasyon. Sa kabilang banda, nakakatulong din tayo sa bansa para sugpuin ang mga krimen lalo na ang mga high-end criminals."

"Hindi ako interesado."sagot ko. Wala akong ibang gustong gawin ngayon kundi ang gumanti.

"Isa kang mountain climber, Muay Thai champion pero nagtatrabaho ka lang bilang asset ng mga pulis, barya lang ang kinikita mo. Bakit hindi ka na lang magtrabaho bilang Secret Agent?"

Napakagaling din naman niya para ma-profile agad ako.

"...mas malaki ang kikitain mo sa pagiging Agent."

"Sinabi ko na sayo na hindi ako interesado, makaka-alis ka na." pagmamatigas ko. Tumango siya at isang pilit na ngiti ang ibinigay niya sa akin. Umiwas na ako ng tingin sa kanya.

"Pero pag-isipan mo pa ring mabuti, kapag nagbago ang isip mo tawagan mo ang numero na ito at sabihin ang passcode na 'Elite' at kapag tinanong ka kung sino ang kailangan mo banggitin mo ang code name na Bright."

Inaabot niya sa akin ang calling card, sinulyapan ko lang ito pero hindi ko ito kinuha. Wala siyang nagawa kundi ang umalis.

Gabi-gabi akong umiinom ng alak. Nagpapakalasing.

Sa kabilang banda, nakulong na ang bumaril kay Laura. Kapatid siya ng itinuro kong dr*g lord na nag-ooperate sa Southern Luzon, nalaman nila na ako ang asset ng mga pulis kaya pinuntirya nila ako.

Hindi ko alam na ang paglabas namin ni Laura para i-celebrate ang mahalagang okasyon ay iyon na rin ang huling araw na makakasama ko siya ng buhay.

Pero dahil walang hustisya para sa katulad naming ordinaryong nilalang ay nakalaya rin ang bumaril kay Laura. Napapanood ko ngayon sa balita na napawalang bisa ang kasong murder laban sa taong iyon. Napakawalang kwentang hustisya! Para lang iyan sa mga makapangyarihan!

"Walangya kayo! Ako ang pap*tay sa inyong lahat!" sigaw ko saka ko hinagis ang hawak kong bote. Hinihingal ako dahil sa matinding galit.

Kinuha ko ang cellphone ko at nagdial ng land line number 632809259*4.

Oo, tanda ko ang lahat ng numero sa card na iyon kahit saglit ko lang nasulyapan, dahil lahat ng detalye ay kaya kong tandaan.

Nag-ring ang kabilang linya.

"Thank you for calling Lazo's drugstore, I'm Rebecca, ano pong maipaglilingkod ko sa inyo?"

"Huh?"

Biglang nawala ang kalasingan ko. Drugstore?!

Saglit, hindi ako magkakamali sa numero na nakita ko sa calling card. Tandang tanda ko ang eksaktong mga numero na nakalagay roon. Niloloko ata ako nong doctor na iyon! Bwisit!

"Hello? May kailangan ba kayong gamot?"

"Wala, akala ko kasi ito yong Elite pero mukhang naloko lang ako ng bwisit na doctor na 'yon."

"Sino ang kailangan mong makausap?"

Napakunot noo ako, bakit biglang sumeryoso ang tono ng boses nong nasa kabilang linya?

"Ahh si Bright..."nag-aalinlangang sagot ko.

"Maaring maghintay lang kayo ng ilang sandali."

Ibig sabihin totoo nga?! Narinig kong inangat muli ang phone sa kabilang linya.

"Alam kong tatawag ka anytime, Amber Paige." Boses nga nong doktora! At alam niyang ako 'to? Ang buong pangalan ko ay alam din niya?! Sekreto ko yon, ah!

Napapailing na lang ako.

"Tumawag ako dahil buo na ang isip ko. Tatanggapin ko ang alok mo."

"That's good. Get ready, susunduin kita in two hours."

"Uh saglit saan mo ako susunduin?"

"Saan pa, eh di diyan sa bahay mo."

"What? Alam mo agad kung nasaan ang bahay ko?! Walangya ka! Kahit sino hindi alam 'to!"

"Well, lahat ng tungkol sayo ay alam ko na. At alam kong nakalaya na ang taong pumatay sa taong mahal mo."

Shit! Pati yon alam niya? Na mahal ko sa Laura! Naiinis akong pinatay ang tawag.

Hinanda ko ang mga gamit na dadalhin ko at bago ako umalis ay inayos ko ang picture frame dito sa cabinet. Magkasama kami ni Laura sa larawan, pareho pa kaming nakangiti. Nanginginig ang mga kamay ko, pilit kong pinipigil ang iyak ko pero natalo ako ng emosyon ko. Para akong bata na humihikbi.

"Aalis ako, pagbalik ko ipaghihiganti kita. Pangako ko yan sayo, Laura."

Iniwan ko ang picture frame sa glass cabinet at lumabas na ako ng bahay. Saktong two hours may pumaradang sasakyan dito sa harap.

"Get in. We're leaving."si Grace Lyne.

Sumakay na ako dito sa passenger seat.

"Saan mo ako dadalhin?"

"Sa headquarters, para sa gagawing mga test, kapag naipasa mo ang lahat ay magiging opisyal ka ng Agent."

"Ikaw ba si Bright?"

"Yes ako si Agent Bright."

"Bakit hindi mo sinabi agad na may mga test sana hindi na ako sumali kung ganon."

"Kayang kaya mo yon."

Nanahimik ako ng ilang saglit. Bigla bigla kasing pumapasok sa isip ko si Laura. Ang eksena kung saan nagkalat ang mga dugo at basyo ng bala sa sahig, hanggang sa makasakay kami para dalhin siya sa hospital. Ang huling ngiti na nasulyapan ko sa kanya....

Sobrang sakit ng nararamdaman ko, after all the happy times na pagsasama namin ay hahantong ang lahat sa malagim na trahedya. Sana panaginip na lang lahat ng ito. Gusto ko pang magising at makitang buhay si Laura. Pero pagpisil ko ng braso ko ay masakit. Totoo talaga ang mga nangyayari.

"Na-profile mo na ako, di ba? Ano pa ang mga natuklasan mo tungkol sa akin?"

Tutok ang mga mata niya sa daan.

"Hmm bawal sabihin, pero ito lang ang masasabi ko, talent ko ang bumasa ng emosyon ng tao kaya alam ko agad ang nararamdaman mo nong una kitang makita."

Wala pala akong maitatago sa kanila kung ganon.

"...we're here."

Napatingin ako sa kabuuan ng gusali.

"Akala ko ba Secret Intellegence Agency ito bakit hindi nakatago sa underground ang opisina niyo?"

Natatawa siya.

"Syempre front lang ito. At huwag ka mag alala totoong may underground facility rito. Once na pumasok ka sa building na ito ay isa ka ng renter. Nakarehistro ang building na ito bilang paupahan. Isang beses kada taon lang naman nagchi-check ang mga taga munisipyo kaya wala tayong problema."

Pumasok kami rito sa gusali, pasikot sikot ang dinadaanan namin. Hanggang sa pumasok kami dito sa isang silid at itinulak niya ang isang cabinet, patungo pala ito sa underground.

"Welcome to Elite! Dito sa underground facility ginagawa ang ibang training at test. Ang combat training ay sa gubat ginaganap."

Tumango ako.

.....

SINANAY ako kasama ang ibang recruit na Agents sa loob ng anim na buwan at binansagan ako na hottest shooter ng Elite. Nakakatawa pero wala naman akong paki.

Pagkatapos ng pagsasanay ay humarap kami kay Boss. Isang may edad na lalake na malaki ang pangangatawan at singkitin ang mga mata. Ipagkakaloob na niya sa amin ang baril na opisyal na magiging kasama namin sa mga misyon.

"Ikaw na ngayon si Agent Cloud."

Humakbang ng isa si Agent Cloud na nasa tabi ko, maayos ang tindig niya at tinanggap niya ang baril na nakalagay sa itim na box.

"Thank you, Boss!"

At humarap naman sa akin si Boss. Maayos ang tindig ko.

"Humahanga ako sa husay at galing mo Amber. Ikaw ang nangunguna sa lahat, tanggapin mo ang pinakamataas na parangal ngayong araw na ito, at dahil diyan ibibigay ko rin sayo ang pinakamataas na alyas, mula ngayon tatawagin kang Agent Reign."

"Thank you, Boss!"

Ipinagkaloob niya sa akin ang baril. Tinitigan ko itong mabuti, napakaganda. Hindi ko akalain, sa pagsasara ng libro namin ni Laura ang daan para makapasok ako sa organisasyon na ito.

At mula ngayon ako na si Agent Reign!

____________________________________

Lauruce Lazares a.k.a. Agent Seya

Present day

"You mean hindi talaga kayo magkasintahan ni Rio?"si Royce. Nandito kami sa kusina naghahanda ako ng mailuluto para sa breakfast nang lapitan niya ako.

"Hindi. Ikaw lang naman ang assumera na nag-iisip niyan."saad ko saka ko kinuha ang kaldero at nagsalin ng bigas. Kahoy ang gamit naming pangluto basta nasa bundok kami o mga isla. Hindi pa rin siya umaalis dito sa tabi ko. Trip na naman nitong mangulit.

"My bad, ang sweet niyo kasi nong nakaraan kaya akala ko kayo talaga."

"He! Sweet ka diyan!"singhal ko sa kanya.

Tatawa-tawa siya.

At the back  of my mind may katuturan din ang false information ni Royce at mukhang nadeceived nito si Reign, bigla tuloy siyang napaamin sa akin. Kinikilig na naman ako!
Kapag naiisip ko kasi na kami na ay masaya ako. Hindi ko tuloy malaman saang parte ng katawan ko ang nakikiliti.

"Kung ganon, tama ba na si Reign ang gusto mo?"

Saglit akong natigilan at di naglaon ay hinarap ko siya.

"At sino namang madaldal ang nagsabi sayo?!"

Hindi ko lang gusto si Reign, mahal ko siya at kami na!

"Wala, napansin ko lang. Lagi kang nakatingin sa kanya, eh."

"Huh?! Ako nakatingin lagi sa kanya?"

"Oo, huwag ka na mag-deny. Huli ka na nga, eh."

Napapansin pala niya 'yon?

"...so gusto mo nga siya?"

"Tigilan mo nga ako Royce, puntahan mo si Rio at samahan mo siyang maghanap ng makakain. Hindi yong nang-i-storbo ka rito sa tabi ko.

"Wala ka talagang taste Seya. Ang weirdo kaya ni Reign-----aray!" Dinagukan ko nga siya.

"Sira-ulo ka!" Talagang weirdo si Reign pero mahal ko ang taong iyon.  "...umalis ka na nga rito magluluto pa ako."

"Napaka-ano mo Seya, sinusubukan ko lang maging friendly sayo." Umalis na siya habang napapakamot sa ulo.

Nagluto muna ako ng agahan. Abala ako nang lapitan naman ako ni Rio.

"Uy, ano yan? Para kang tanga Seya. Ngumingiti ka mag isa."

"Paki mo."sagot ko. Isa pa 'to eh. Pagkatapos akong guluhin ni Royce ito naman si Rio ngayon. Favorite talaga ako ng mga 'to, eh.

"...di nga, bakit ka masaya?"

"Masaya ako kasi happy ako."

"Bakit nga? Dahil ba kay Ulan? Tell me, may good news ka ba? Dahil nahihiwagahan ako sayo. Di ka naman ganyan na mukhang timang. I mean minsan mukha kang timang pero mas malala ngayon."

"Ah ganon?! Alam mo nakakainis ka. Pero sige sasabihin ko sayo ang totoo."

"Talaga? Ano?"

"Magluto ka muna, tsaka ikaw ang maghugas mamaya ng mga plato at pinaglutuan tapos sasabihin ko sayo kung bakit ako masaya."

Mukhang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.

"Sersyoso ka ba Seya? Huy! Huwag mo akong iwanan dito!" Iniwan ko sa kanya yong sandok, siya na bahalang magluto ng agahan. Tutal puro naman sila pang i-storbo. Hinanap ko si Reign. Wala kasi siya sa site. Nagpunta ako rito sa tabing dagat pero wala rin siya. Naglakad pa ako hanggang sa makarating ako sa bandang dulo, medyo napapalayo na ako at hindi ko na matanaw ang site namin dahil natakpan na ang bahagi na ito ng mga puno.

"Reign! Ah! There you are!" Nakita ko siyang nanghuhuli ng isda gamit ang pana at mukhang may nahuli siya. "...Reign andito ako!" sigaw ko habang kumakaway.

Nilingon niya ako at saka siya umahon. Lumapit siya sa akin at dala-dala niya ang isang isda na doble ang size sa palad ko.

"Seya, kanina ka pa?"

"Hindi naman, babes."sagot ko.

Napangiti siya.

"Babes, huh?"

"Ayaw mo bang tawagin kitang babes?"

"Mhmm it's fine with me. Pero kapag nasa trabaho, huwag mo akong tatawagin niyan."

Ang hirap naman magpakasweet sa taong 'to.

"Ibig sabihin, kapag solo natin ang isa't-isa pwede?"

"If that's what you want and makes you happy, why not."

"How about kiss? Pwede ba? Tayo lang ang nandito." Ngumiti siya at ibinaba ang isda na nahuli niya.

"Teka lang, hindi ko akalain na demanding ka bilang girlfriend, Agent Seya?" Napangiti rin ako. Naglalambing lang naman ako sa kanya.

"Kasi alam kong akin ka na, wala naman sigurong masama kung magdemand ako sayo, di ba?" Binigyan niya ako ng matipid na ngiti.

"All right. Close your eyes."

"Huh? Uh Okay." Pagpikit ko naramdaman ko ang labi niya sa talukap ng mata ko. Pagmulat ko ng mga mata sumimangot ako. Yon lang?! Wala na siyang balak halikan ako sa labi? "...kung makahalik ka naman akala mo matutulog na ako."reklamo ko.

"Bakit kasi nagdilat ka agad ng mga mata? Hindi pa ako tapos, pikit!"

Pagpikit ko itong tip ng ilong ko naman ang hinalikan niya. Naghintay pa ako. Pagmulat ko handa na niyang pulutin ang isda na nahuli niya.

"Reign ang damot mo, siguro sa Ex-gf mo, hindi ka ganito. Lagi kang sweet sa kanya, tapos sa akin para lang akong ewan."

Iniwan ko siya. Nauna na akong maglakad pabalik sa site.

"Seya!"sigaw niya. Naabutan niya ako at hinila.

"Reign, ang unfair mo. Doon ka na lang sa ex mo na lagi mong iniisip."

"Hay naku. Alam mo, Seya....you shouldn't be looking at my past. Magseselos ka lang."

"Oo, inaamin ko nagseselos ako. Masama ba iyon? Kapag hindi na ako nagselos hindi na kita mahal."

Natatawa siya.

"Seya, please lang huwag mo akong subukang i-under. Hindi ako kagaya ng iniisip mo."

"Mukha ba kitang ina-under? Fine! From now on hindi na ako magseselos, hindi ako magdedemand ng kahit ano mula sayo, at uumpisahan ko na agad na mawalan ng paki sayo. Diyan ka na nga!"

Naglakad ulit ako palayo sa kanya.

"Seya! Naaasar ka ba sa akin?" Naramdaman ko ang paghatak niya sa braso ko. "...eto ka na naman, pinapairal mo na naman yang katigasan ng ulo mo. Okay ano bang gusto mo?"

"Wala."sagot ko. Nakatingin ako sa ibang direksyon.

"Okay sige na, sige na, talo na ako. Come here." Hinila niya ako palapit sa kanya, ayoko siyang titigan kasi naiinis ako sa kaartehan niya. "...hey, iiwas ka lang ba ng tingin? Napakahirap mo namang paamuin. Huwag kang ganyan."

Pagyakap niya sa akin hinalikan niya ako sa pisngi. Ramdam na ramdam ko yong labi niya na bumaon sa pisngi ko saka niya ako dinampihan ng halik sa labi ko. Kusa na lang akong napapikit at gumanti ng halik sa kanya. Nang hawakan niya ang bewang ko ay saka ko naman iniyakap ang mga kamay ko sa batok niya. Nagiging malalim ang mga halikan naming dalawa. At nagsimula siyang maging mapusok. "Mmm....."ungol ko nang laruin niya ang dila ko sa loob ng bibig ko.

Ang gusto ko lang naman, kapag ako ang humiling hindi niya ako tatanggihan. Gusto pa niyang maasar ako bago niya ibigay ang gusto ko.

Mas lumalalim ang halik na pinagsasaluhan namin. Parang may gusto siyang patunayan. Nadagdagan pa ang intensity ng halik dahil sa paghapit niya ng bewang ko. Gusto ata niya akong lunurin sa mainit pero masuyo niyang halik. Sa mga sandaling ito ay gumanti ako ng kaparehong intensidad at unti-unti niya nang nabura ang ano mang negatibong nararamdaman ko kanina.

Pareho kaming hinihingal nang matapos ang halik. Tila nakikipagkarera ang puso ko sa bilis ng pintig nito.

"Masyado ka naman atang matampuhin, Seya, at pwede bang huwag ka masyadong demanding baka mahirapan akong tanggihan ka, hmm?"

Nagsimula siyang titigan ako and she smiled na para bang hindi siya ang Reign na nakilala ko na sisindakin ka, at para bang isinuko niya ang pagiging dominante niya sa mga oras na ito. Hinawakan niya ang palad ko at hinila para umupo dito sa may buhanginan.

"Seya, babes...."seryosong saad niya.

"Ang husay mo palang mang inis, Reign."

"Oh bakit?"

"Wala namang kalambing-lambing ang pagtawag mo sakin ng babes, eh."

"Ahhh, ganon ba? Well, mas maganda ka kasi kapag naiinis ka."

"Ows."sagot ko, halatang natatawa siya. Maganda raw ako? Sa bibig niya mismo nanggaling 'yon ah. Hinawakan niya ang buhok ko saka niya ito ginulo. Mas lalo tuloy akong napapamahal sa taong ito. Sa mga munting kilos na ginagawa niya ay natutuwa ang puso ko.

"Reign, mahal mo ba ako?"

Tinitigan niya ako.

"Iyan ang isang bagay na hindi ko na kayang itanggi pa Seya at mahalaga ka sa akin."

Hindi man niya direktang sabihin sa akin na mahal niya ako the fact na nandito siya sa tabi ko at hindi niya ako itinataboy ay masasabi kong may konti na siyang pagmamahal sa akin.

"...sa susunod na misyon natin pakiusap ko lang sayo na huwag kang gagawa ng kahit anong kalokohan na ikakapahamak mo dahil hindi ko kakayaning mawala ka, naiintindihan mo ba?"

Tumango ako. Para naman akong bata na pinagsasabihan ng jowa ko. Pero in fairness, gusto ko rin namang ganyan siya sa akin.

"Makikinig ako sayo Reign pero kapag nasa bingit ka ng kamatayan, gagawin ko ang lahat para tulungan ka."

"Ikaw ang kailangan kong protektahan Seya, dahil simula ngayon ikaw na ang magiging buhay ko."

Sa sinabi niyang iyon ay lalong tumaba ang puso ko. Mas lalo akong sumasaya. Sapat na sa akin na magkatabi kami. Pumulot ako ng stick at isinulat sa buhangin ang initials namin.

R heart S

"Reign love Seya...."saad ko.

"Pang elementary naman yang ginawa mo."

Sumimangot ako saka ako tumingin sa kanya.

"Ano ba dapat? Ahh siguro Reign lust Seya ang nasa isip mo? Baka mamaya hindi mo ako love. Baka gusto mo lang ma-secure ang par*usan mo kaya pinilit mo ako na maging tayo?"

Tinuktok ko sa kanya itong hawak kong stick.

"Aray ko, Seya! Ano bang ginagawa mo? Syempre mahal kita..."

Natigilan ako.

"Talaga?" Bigla kong nakagat ang lower lip ko sa sinabi niya. Masaya akong marinig ang salitang iyon mula sa kanya. Kusa siyang kumilos para hawakan ang bewang ko at idinikit niya ang mga labi niya sa sintido ko, napakainit nito.

"Yeah------hmm, ano kaya kung huwag ka nang sumama sa misyon? Baka pasakitin mo na naman ang ulo ko."

"Ayan ka na naman eh. Mag-aalala rin ako kapag wala ako sa tabi mo, at paano kapag nakaramdam ka ng init sa katawan tapos wala ako sa tabi mo, sige nga?"

Natatawa siyang humalik sa balikat ko.

"Hindi kailangan yon kapag nasa misyon ako."

"Sinungaling."saad ko at lalo siyang natawa.

Tumatawa na siya? Totoo ba 'to?

Hindi naman ako papayag na magkalayo kami ni Reign. Kung nasaan siya gusto ko naruroon din ako.

......

Continue Reading

You'll Also Like

117K 3.9K 49
[Completed] Mature content | SPG | R-18 | Girl Love BOOK 2 Jean Kaye Emerson & Mira Jane Garcia
3.8K 602 33
Aviana Nicole Montero a simple girl who dream to be a Flight Attendant and Jake Smith a boy who love's and drive airplane since childhood.
1M 36.1K 59
GRAY AUSVEN isang general surgeon sa kanyang sariling hospital.isang kalmado,mabait,at mapagmahal at higit sa lahat isa syang intersex.kahit maraming...