I'm His Accidental Wife

By keilyn3029

392K 10.8K 2.6K

I only have one dream "To marry the man of my dreams, the man I truly love and to spend my entire life with h... More

Prologue
CHAPTER ONE. (THE ENGAGEMENT)
CHAPTER THREE (THE WEDDING)
CHAPTER FOUR (THE WEDDING PART 2)
CHAPTER FIVE (I DO)
CHAPTER SIX (NEWLY WED??)
CHAPTER SEVEN (REALITY)
CHAPTER EIGHT (SABINA MEETS PAUL )
CHAPTER NINE (HONEYMOON?!)
CHAPTER TEN (NEW DAY)
CHAPTER ELEVEN (WITHOUT YOU)
CHAPTER TWELVE (LOVE AND DRESS)
CHAPTER THIRTEEN (INTRODUCING ME)
CHAPTER FOURTEEN (QUESTION??)
CHAPTER FIFTEEN (MEMORY)
CHAPTER SIXTEEN (PRESENCE)
CHAPTER SEVENTEEN (AFFECTION)
CHAPTER EIGHTEEN (CRAZY)
CHAPTER NINETEEN (HER REASON)
CHAPTER TWENTY (FROM YOU)
CHAPTER TWENTY ONE (DRUNK)
CHAPTER TWENTY TWO (MRS. CERVANTES??!)
CHAPTER TWENTY THREE (CLOSER)
CHAPTER TWENTY FOUR (BACK)
CHAPTER TWENTY FIVE (HATE)
CHAPTER TWENTY SIX (HONESTY)
CHAPTER TWENTY SEVEN (FITS PERFECTLY)
CHAPTER TWENTY EIGHT (DANCE)
CHAPTER TWENTY NINE (SORRY)
CHAPTER THIRTY (PAPERS)
CHAPTER THIRTY ONE (REGRET)
CHAPTER THIRTY TWO (GIVING IN)
CHAPTER THIRTY THREE (DARE)
CHAPTER THIRTY FOUR (MOMENT)
CHAPTER THIRTY FIVE (ENOUGH)
CHAPTER THIRTY SIX (FALLING)
CHAPTER THIRTY SEVEN (CATCH ME)
CHAPTER THIRTY EIGHT (PRESENTATION)
CHAPTER THIRTY NINE (US)
CHAPTER FORTY (MINE)
CHAPTER FORTY ONE (CLOSURE)
CHAPTER FORTY TWO (START)
CHAPTER FORTY THREE (CHANGES)
CHAPTER FORTY FOUR (REVEAL)
CHATER FORTY FIVE (SURPRISE)
CHAPTET FORTY SIX (SIDE)
CHAPTER FORTY SEVEN (BEG)
CHAPTER FORTY EIGHT (TWISTED TRUTH)
Keilyn's Note
CHAPTER FORTY NINE (HOPE)

CHAPTER TWO. (THE PREPARATION)

9.8K 170 2
By keilyn3029

After the night that they got engaged, hindi na sila nag aksaya ng panahon para mag prepare para sa kasal nila. From invitation, pre nuptial photos, catering, mga sponsors, mga bisita, the venue hanggang sa wedding gown na susuotin ni Sabina.


"Mare, naeexcite ako" kinikilig na sabi ni Rowena.


Kasalukuyang nasa isang boutique sila ngayon at nagsusukat ng mga gowns na kakailanganin para sa kasal.


"Muka nga!" tatawa-tawang sagot ni Sabina sa kaibigan. "Mas excited ka pa sakin e". kinukuha na ngayon ang sukat ng katawan nya para sa wedding gown nya.


"Panu ba naming hindi, e finally nag propose din ng kasal, akala ko walang balak magpatali yung jowaers mung yun e" sarkastikong sagot nito. "Tyka tama kutob ko. Haha" tyka ito tumawa ng malakas.


"Pano magkukulam ka talaga, minsan nga natatakot na ko sayo sa dami ng alam at kutob mu" sagot ni Sabina. "Sang lapalop ka ba ng mundo galling?"


"Galing akong Pluto Mare" pairap na sagot ni Rowena.


Since 1st year college magkakilala na si Rowena at Sabina, kaya naman kilalang kilala na nila ang isa't isa. Mula sa toothpaste na gamit hanggang sa bra size nila ay alam ng bawat isa.


Matapos nilang magpasukat para kanilang gown ay dumiretso sila sa isang coffee shop para pag usapan pa ang mga kailangan gawin sa kasal.


"Rowena, may sasabihin pala ko sayo" panimula ni Sabina habang nag hihintay ng kanilang inorder.


"Ano naman un?" balewalang sagot ni Rowena habang nakakatutok sa cellphone.


"Tuloy pa din yung application ni Victor sa Singapore" malungkot niyang balita.


Agad na napatingin si Rowena sa kaibigan. "Ano?!"


"Sabi ko gusto pa ding magwork ni Victor sa Singapore" ulit niya.


"Ay Mare!! Hindi naman sa tinatakot kita pero mahirap yan. Alam mo naman kung anong pwedeng mangyari db?"


Tumango nalang si Sabina sa sinabi ng kaibigan.


Maya maya ay dumating na din ang inorder nilang kape.


"Mare, 'wag kang malungkot jan, dapat happy ka, sige ka mamaya panget ka sa kasal mo kakaisip sa SG na yan." pang aalo ng kaibigan.


"HIndi lang kasi maalis sa isip ko mare, alam mo naman kung anong pinagdaanan ko iba."


"Hay nako!, just trust Victor, not all stories are the same." hinawakan nila ang kanyang kamay. "Alam mo namang mahal ka niya di ba?.


Tumango lang siya.


"Then you need to trust him, hindi naman lahat ng LDR, palpak. HIndi lahat ng storya ng LDR katulad ng sa mga magulang mo. Isa pa, ikakasal na kayo, yun palang ibang iba na,"


5 years old si Sabina ng magpunta ng Saudi ang papa niya para makapagtrabaho. Every 3 years ito kung umuuwi. Naging maayos naman ang buhay nila habang nasa abroad ang papa niya. Nakapag aral siya nung maayos sa private school at natutugunan ang lahat ng pangagailangan nilang mag ina.


Pero dahil lumalaki na siya at mas lumalaki ang gastos sa pag aaral nag abroad din ang mama niya sa Macau nung 12 years old siya. Naiwan siya sa pangangalaga ng Tita Lucy niya kapatid ng nanay niya.


Minsang umuwi ang kanyang papa at mama noong 14 years old siya.

Masayang masaya siya dahil buo na ulit ang pamilya niya, pero may napansin siyang kakaiba sa papa niya, kung dati sobrang lambing nito sa kanyang mama sa tuwing umuuwi ngayon ay halos hindi na ito mag usap. May pagkakataon pang naririnig niyang nag aaway ang dalawa.


Sa tuwing magtatanong siya kung anong problema at nag aaway sila, lagi lang sagot ng mama niya "Maiintidihan mo din pag laki mo Sabina"


Yoon ang huling pagkakataon na magkakasama at buo silang pamilya.


When she turned 17, she found out na may iba ng pamilya ang papa niya sa Saudi. 3 years na palang hiwalay ang mama at papa niya.


Nalaman niya iyon ng minsang galing siya sa eskwela ay narinig niya ang pag uusap ang Tita Lucy at Mama niya nung umuwi ito sa kanila.


May nabuntis daw ang Papa niya sa Saudi at kailangan niya iyong pakasalan.


Doon din niya nalaman na hindi pala kasal ang Papa and Mama niya. Halos sumabog ang puso niya habang pinagmamasdan ang kanyang Mama habang naglalabas ng sama ng loob.


She's miserable. Who would it be? Ang pamilyang iningatan at tinaguyod mo ang ilang taon mawawala nalang sa isang iglap at ang masakit hindi naman pala talaga sayo.


Magmula noon bihira ng umuwi ang kanyang Papa. Tumatawag na lamang ito para kamustahin siya at itanong kung anong mga kailangan niya sa eskwela.


Nakapangasawa na din ng iba ang Mama niya sa Macau. At meron na din siyang dalawang kapatid doon. Mahirap man sa simula natutunan na din niyang tanggapin ang nangyari sa pamilya niya.


Natanggap na din niyang may ibang pamilya na ang mga magulang niya. At natanggap na niyang hindi na siya bahagi noon.


"May naghahanap sayo sa lobby Sabina" sabi ng isa niyang kaempleyado.

Nagtatrabaho siya sa isang Accounting Firm bilang isang Accounting Administrator. Dito na siyang nagsimulang magtrabaho after graduation.


Isang bouquet of red roses at nakangiting Victor ang sumalubong sa kanya pagbaba niya sa lobby.


"Anong kasalanan mo?" nangingiting sabi habang tinatanggap ang bulalak.


"Bakit? Dapat ba may kasalanan pag nagbibigay ng bulaklak?" nakataas ng kilay nitong sagot. "Hindi ko alam yun ahh. Now I know."


Hinampas niya ditto ang hawak niyang bulalak.


"Aray! Ito naman hindi na mabiro. War freak ka talaga kahit kelan. Battered husband ata labas ko nito." Pabulong nitong dagdag.


"Ano?!"


"Wala Honey! I love you so much" tyaka ngumiti ng pakatamis at hinalikan siya sa pisngi.


"I love you too! Thank you sa flowers"


"Minsan talaga bipolar ka noh?" biro ni Victor.


"Mahal mo naman"


"Sabi ko nga." Kamot ulong sagot ni Victor.


Nagpunta sila sa canteen ng building at doon nag usap.


"Bakit napadalaw ka?" bungad na tanong ni Sabina.


"Na-miss kita e." wala sa loob nitong sagot.


Napangiti nalang si Sabina sa sagot ng boyfriend niya. Very vocal ito pagdating sa nararamdaman para sa kanya at wala itong pakialam kahit sino ang makarinig ang mahalaga ay masabi nito iyon sa kanya.


"Kinikilig naman ako. Sana ganyan ka pa din kapag kasal na tayo"


"Don't worry, mas pakikiligin pa kita pag mag asawa na tao." Pataas taas kilay na sagot nito.


"By the way, kausap ko lang kanina si Mrs. Suarez about sa flower arrangement sa church and venue. Pwede na daw tayong magpunta sa kanya para mamili ng mga designs."


"That's great! Naipa-reserve ko na din yoong church. June 14 ung date gaya ng gusto mo my lovely June Bride" sabay haplos nito sa baba niya.


"Na -excite na ko honey! Finally one of my dreams will come true."


"Mas excited ako sa honeymoon." Sabay kindat nito sa kanya.


"Unggoy ka talaga." Nanlilisik na matang sagot niya.


"Buti alam mong unggoy ako. Sumasabit sabit ako sa puso mo."


"Corny mu!" hampas niya dito.


"Kinilig ka naman, kunwari ka pa" Matamis na sabi ni Victor.


"Oo na magtigil ka lang." nailing na sagot ni Sabina.


Pinag usapan pa nila ang ibang detalye para sa kanilang kasal. Ang schedule ang food tasting para sa reception pati na din and seminar at ensayo sa simbahan.


Matapos nilang mag usap ay agad ding nag paalam si Victor dahil kailangan nitong bumalik sa trabaho.


Hanggang sa pag uwi sa apartment ay ang kasal pa din ang nasa isipan ni Sabina. Finally, she's getiing married. Hindi man ito engrande at mamahaling kasal ang mahalaga ay si Victor ang papakasalan at makakasama niya habang buhay.


Simple lang naman ang pangarap niya ang makasal sa lalaking pinangarap niya. And it's happening right now. In three weeks' time she'll marry the man of her dreams and will start the happily ever after.




What else could go wrong?.

Continue Reading

You'll Also Like

280K 15.4K 38
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...
32.1M 1M 48
(Game Series # 1) For as long as Katherine could remember, Juan Alexandro Yuchengco has always been her dream guy. He's smart, kind, and could be fun...
1.5M 52.5K 43
(Game Series # 9) Mauro Eugenio dela Rama's life revolved around school and work. At times, he felt like drowning pero hindi siya pwedeng magreklamo...
2.9M 104K 72
She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance t...