Fire Burning

由 Blasti_

146K 6K 3.3K

Warning: R-18 Student-teacher relationship. 🥹 An ordinary student is having fun of her studies, her life w... 更多

Announcement
Synopsis
Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 36

2.3K 93 25
由 Blasti_

36

Inis na nilapag ko ang phone ko at hinarap ang laptop. Kanina pa ako basa ng basa sa mga comments. Ganon parin sa mga sumusunod na tatlong linggo. Pero this time, hindi na puro mga hateful comments. Social media is freaking crazy! Kung ano ang trend, makikisabay din sila sa pang babash o ano kung anu-ano pa d'yan. Mga bobo.

Hindi pa nakatulong ang ex ni Sir Wrath na puro post sa twitter, na hindi pa raw naka move on at pinagpalit daw sa bata. Inshort, sadgirl!

Kumakalat ang pictures namin ni Cruise dati noong senior high pa kami. 'Yong sa library na inabot n'ya sakin ang snacks na pinapabigay ni Sir Wrath. Jusko. Ginawa pa talaga akong malandi. Pinatos ko raw ang pinsan at kaibigan ni Ravis Ferwell. Mga gaga.

Sila Mama at Papa ay sobrang nag-aalala dahil sa nangyari pero sinabi ko nalang na huwag na magpakastress dahil nakakasama sa kalusugan iyon.

May mga kompanya na nag sesend ng email sakin na e model ko raw ang products nila. Wala po akong future sa pag momodel para alam n'yo. Modeling is not my thing.

May mga invitation din for interviews with Sir Wrath pero hindi namin inaunlakan iyon. It's just that things will get more complicated. Sobrang sikat ko na sa social media! Hanggang ngayon trending parin ang pangalan naming dalawa.

Buti nalang hindi nadamay ang mga kaibigan at parents ko dahil nakiusap ako kay Sir Wrath na kung maaari ay huwag silang e exposed baka madamay lang sila sa gulo.

May natatanggap din akong death threats pero hindi ko nalang sinabi kay Sir Wrath iyon dahil baka mag-aalala lang s'ya. Pinagkokompara nila ako kay Veronica Rodriguez, pinagpalit lang raw si Veronica sa isang katulad ko. Imbis na mainis ay natatawa ako. Idiots. Mga wala na ata talaga silang magawa sa buhay nila.

Wrena and I are having coffee in Wreck's condo. Dito kasi nakatuloy si Wrena. Alam ko ang dahilan, dahil nasa kabilang room ang manliligaw n'yang su Razrence Cansicio. May mapapagalitan talaga pag nagkataon pag mabuking.

Dito nalang namin naisipan mag bonding baka dumugin ako sa labas. Maraming paparazzi sa labas, kahit saan ako pumunta, sinusundan ako! Hindi naman ako celebrity eh! Pero magiging asawa ko naman ang isa sa pinakamayaman sa buong mundo. Kaya lang hindi ko inexpect na ganito ga grabe. Diyos ko baka masira kagandahan ko sa mga tanong nila. Puro mga katarantaduhan lang naman tinatanong nila.

Alam ni Sir Wrath na nandito ako sa ka condo ni Wreck kasama si Wrena. He is on his way here.

I know he is stressed because of the fake news spreading about us, kaya medyo busy s'ya pero he still manage to have time for his love of his life.

Napagkasunduan namin na after school ends na kami magpa-interview. Hindi ko alam na ganito pala ga hassle ma involved sa mga public figures person. Mommy Glenda and Mr. Aguas do the interview also, nabanggit n'ya ako doon kaya mas lalong umingay ang mga die hard fan ni Veronica Rodriguez.

Buti pa raw ako pinakilala hindi tulad sa mga dumaang babae sa buhay ni Sir Wrath. Ako lang 'to. Kinikilig ako doon ah. Nawala angas ko don.

"Grabe ang tawa ko mga one hundred times!"

"Ano pa ba tweet n'ya? Hindi na ako nag oopen ng social media, I deactivated my social medias last week lang."

"Parang hindi beauty queen kasi napaka Nega ng caption, bitch, “ito ang sinayang mo” amputa. She's a clout chaser, matagal na silang wala ni Kuya."

"How come ngayon lang s'ya tumahol—" Napatigil kami sa pag-uusap dahil may nag doorbell. "Ako na! Baka Kuya mo na 'yan."

"What? Is he here? Why didn't you tell me? Baka mag-tanong iyon bakit dito ako tumuloy e meron namang bahay. Marami pa namang tanung ang abogadong 'yon."

Iniwan ko s'yang nagrarant doon at dahan-dahang binuksan ang pinto. I expected Sir Wrath pero isang babae ang sumalubong sakin. Napanganga ako sa ganda nya. Gosh. She's pretty, matangkad lang ng kunti sakin, morena, and petite just like me. She has a long curly hair. Pareha na perehas sakin! And, she looks so shy! I wanna pinch her pinky cheeks.

"H-hello po." Nahihiyang sabi n'ya. "Are you Wreck's g-girlfriend?" Kinakabahang tanong n'ya. Kahit pagsasalita n'ya ang sobrang hinhin.

Agad akong umiling at ngumiti. "Hindi beh, pero girlfriend ako ng kapatid n'ya. What are you doing here pala?"

"You're Mr. Wrath Grit Aguas' girlfriend? Then, why are you. . . here in Wreck's—"

"You're so cute! Nandito kasi ang kapatid nila na babae, nag bobond kami. Wanna join?"

"Huh? Sister? Ibig sabihin tatlo sila?" Natawa ako sobrang cute n'ya! Ang inosente.

Mukhang mapapasabak si Wreck dito pag nagkataon. Ito kaya ang palagi n'yang kaharap sa phone habang tumatawa?

"Why are laughing p-po?" Mukha na s'yang paiyak kaya nataranta ako!

Hala. "Ang cute mo kasi kaya naiiyak ako."

"Dahil lang po cute ako kaya po kayo naiiyak? Sorry po, hindi ko naman po kasalanan na cute ako. Sabi kasi ni Wreck sa sobrang cute ko raw po gusto n'ya akong hubaran." Sobrang inosente ng pagkakasabi n'ya non kaya humagalpak ako ng tawa. "Alam n'yo po ang ibig sabihin non? Hubaran like, my clothes? And dresses?"

Nanlaki ang ko at halos hampas-hampasin ko na ang pintuan. Gagong Wreck iyon. Sa ganito ka inosente pa talaga s'ya nag joke ng ganon. Hindi n'ya ba alam na hindi na gets ni ateng inosente ang pinagsasabi n'ya?

Pinaglalaruan n'ya ang kamay n'ya kaya napangiti ako. Kinakabahan sya ganon din kasi ako pag hindi mapakali o kinakabahan sa isang sitwasyon.

"Si Wreck nalang ang tanungin mo d'yan, bebe girl ha, hindi ko masasagot iyan." Nahihiyang ngumiti s'ya at tumango. Gosh. Ang inosente n'ya!

Kung s'ya pag-iisip at mukha ang inosente, ako mukha lang inosente ko pero demonyo ang laman ng isip.

"Ano palang ginagawa mo dito?"

"I'm here to have my phone back."

"Pumasok ka muna, dito tayo sa loob mag-usap."

Iwinagayway n'ya ang kamay n'ya sa harapan ko at umiling. "Huwag na po, ate, is he inside po?"

"Hoy, ate ka d'yan! Kaka-18 ko lang kaya. Mukha ba akong matanda, huh, sakit mo."

Kita ko ang taranta sa mukha n'ya. "Pasyensa po hindi ko po sinasadya na mapagkamalan kang old. It's just that I'm nasanay na to call someone I didn't know, ate. Actually, kaka-18 ko lang din po. We have the same age."

"Pumasok ka muna, natutulog pa kasi si Wreck, gisingin mo sa loob."

Hinila ko na s'ya papasok at hinatid sa kwarto ni Wreck. Mukhang first time n'ya dito kasi todo tingin s'ya sa mga kagamitan sa loob. Sakto din namang lumabas si Wrena galing sa kusina.

"Si Kuya 'yon? Bakit mo hinayaang pumasok baka may patayang magaganap ngayon."

"Bakit?"

"Pinaka-ayaw ni Wreck ay 'yong may papasok sa kwarto n'ya at didisturbuhin ang tulog. My brothers and I gets easily irritates when someone enters our room without our permission."

"Hindi mo Kuya ang pumasok sa loob."

"Sino?"

"Babae."

"Babae na naman?" Para bang hindi na bago.

"Mukhang iba 'to sa mga sinasabi mong malalandi, beh, ang inosente jusko."

"Are you sure?" Panigurado n'ya.

Hinila ko s'ya papalapit sa kwarto ni Wreck at sumulip kami doon. Tamang-tama dahil hindi naka lock ang pinto. Para kaming mga baliw na nakadungaw mula sa pintuan.

"Mag damit ka nga!"

"Are you distracted?"

"N-no. Ofcourse not. Bakit naman po ako distracted." Saka n'ya nilibot ang paningin sa buong kwarto. "Parang gusto ko tumira dito, ang ganda ng house mo po. Ang ganda ng view!"

"Ang nakatira ba? Gusto mo?" May malaking ngisi sa labi si Wreck. "Gusto ko tuloy maging condo."

Namula ang babae. Si ano. Shuta nakalimutan kong itanong ang pangalan! Kinurot ko sa balikat si Wrena dahil sa kilig. Tinanggal ni Wreck ang kumot sa katawan n'ya kaya dali-daling tumalikod ang babae.

"Ano ba?! Sabi ni Daddy, bawal daw ako makakita ng katawan hanggat hindi pa ako married! Wear some clothes po."

"Do you want us to get married so you can see my naked body everyday, want that?"

"May katawan po ako, itong akin nalang ang titingnan ko hehe. By the way, I'm here to get my phone po."

"Kiss muna."

"Saan po ba kita ikikiss?"

"Here, on my lips."

Nanlaki ang mata ko dahil dahan-dahang lumakad ang babae at binigyan ng halik si Wreck sa labi.

"What the fuck?" Sabay naming sabi ni Wrena at nagkatinginan. "Beh, alam kong inosente si ate girl pero hindi ko alam na ganito ka, jusko, Lord." Sabi ko at napatingin ulit sa dalawa.

"Done na po."

Nagdilim ang mukha ni Wreck at mariing tiningnan ang babae na inosenteng nakatingin sa lalaking walang pang-itaas na damit. "Don't let another man kiss you like this, understand?"

"Bakit po? Alam ko naman po 'yan dahil palagi mo nang sinasabi iyan."

"Because, you are mine. I am the only man who is allowed to kiss you. Are we clear, Kaia?"

Inosenteng tumango at ngumiti ang babae. God, she is so innocent. Natatakot tuloy ako na baka pagsamantalahan s'ya ng iba. Wala syang alam sa ginagawa n'ya! Hinalikan n'ya lang naman si Wreck sa labi tapos parang wala lang sakanya iyon! Jusko naman. Saan ba 'to napulot ni Wreck?

Aba ang swerte ng gagong 'to.

"Good girl, Kaia."

"Thank you, po."

"You deserve a book, let's go to the national books store. When are you free?"

"Really po?! I'll ask Daddy's permission first, maybe after school? Hanggang alas tres lang ata klase ko."

"Yeah, right. Hanggang alas dos lang klase mo bukas, I memorized your schedule. I'll wait for you outside your classroom tomorrow."

"Huh? Where did you have it? I mean, hindi po kita binigyan ng schedule ko."

"I asked my brother about it."

"Okay po. Thank you agad hehe."

"God. You're so innocent. Can I keep you forever?"

Napaigtad ako dahil may biglang humawak sa bewang ko. Na amoy ko agad ang pabango n'ya. "Hey, what are you guys doing?"

"Shhh." Suyaw ni Wrena at tinuro ang sa loob.

Natawa ako dahil nakisali s'ya sa pagsilip. Chismoso era ni Sir Wrath. "Who's that girl?" Tanong n'ya.

Umiling ako dahil hindi ko kilala. "Kaia pangalan. Kilala mo?"

"Kaia Swivel?"

"Siguro, hindi ako sure. Tingnan mo baka kilala mo."

Pinasilip ko s'ya. "Yeah, she's Kaia Swivel. She's the daughter my father's business partner, our business partner as well."

Ay yamanin pala. "She's adopted. And Mr. Swivel's wife died years ago. I don't know if it is true. I didn't confirm it."

"Ay chismoso din."

Iniwan namin si Wrena doon naka dungaw parin at pumunta na sa kusina. Niyakap ko s'ya sa giliran at sabay na pumunta sa coffee maker at ginawan s'ya ng coffee. Syempre kiss ang bayad.

Hindi mawawala ang laplapan sa bonding namin.

"Get a room you two! Mga peste, saan nalang ako lulugar nito?! Payagan n'yo na kasi ako mag jowa!"

"Gala tayo?" Pang-aaya ko. Nandito kami sa isang kwarto nagkakandong ako sakanya. Nasa mag-kabila ang binti ko habang hawak hawak n'ya ang bewang ko.

Napatigil s'ya sa pag halik sa leeg ko at nag-angat ang tingin. "Saan mo gusto?"

"'Yong mga walang makakakita satin."

"Give me a week to take down all the issues that are spreading. I'm so worried about you and for your safety. Just tell me if they harrass you, I'll fucking kill them with my bare hands."

Napayakap ako sakanya nang mahigpit. Nakakatakot s'ya, hindi ko alam kung ano na ang mga iniisip n'ya. Hindi ko s'ya nabasa minsan.

"Gagawin mo 'yon para sakin?"

"I'll do everything just to protect you even if it means losing my own sanity and to go hell. I would gladly swim the lake of fire just to see your smile and for your safety. So, don't ever think leaving me, okay? Sa mental ako pupulutin pag nagkataon."

Gusto kong maiyak dahil sa sinabi n'ya. Hinarap ko s'ya at hinalikan s'ya sa labi. Pinahid nya ang mga luhang tumulo galing sa mata ko.

Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako.

"Fuck. Why are you crying? Are you alright, love?"

"I love you so much." Madamdaming sabi ko. "Ako dapat ang mag-sabi ng ganyan, baka mag-sawa ka sakin! Hindi ako papayag!"

Mas hinigpitan ko ang yakap ko sakanya.

"Leaving you is not part of the option, so, you'll end up with me wether you like it or not. Hindi sapat ang salitang mahal kita para malaman mo ang nararamdaman ko sayo."

"Ipapakulam kita, gusto mo 'yon?"

"Hindi mangyayari 'yan. Let's be optimistic here, baby, alright? I love you, gorgeous. Give your boyfriend a long kiss."

Magkahawak kami ni Sir Wrath ng kamay patungo sa rooftop ng mansion ng mga Aguas. Pero bago pa kami maka tungtong sa unang palapag ng hagdanan ay dumating ang parents ni Sir Wrath.

"Anak! Alzera! Nandito pala kayo? Bakit hindi mo sinabi? Mag-tatampo na talaga ako sayo, hindi kana naka bisita sakin."

Dali-dali kumawala si Mommy Glenda sa bisig ni Mr. Aguas at tumakbo papalapit samin. Inalis ko rin ang kamay ni Sir Wrath sa bewang ko at sinalubong ng ngiti si Mommy.

"Love, careful."

"Careful, wife." Sabi naman ni Mr. Aguas.

Mag-ama nga sila.

"Don't snatch her again this time, Mom. We're flying to Paris right now."

Hinila ako ni Mommy Glenda at niyakap. Kiniss n'ya pa ako sa pisngi kaya ganon din ang ginawa. Gosh, she's so pretty! "Namiss po kita Mommy, busy po kasi ako sa school. I'm sorry po, babawi po ako."

"At dahil sobrang ganda mo, apology accepted but we'll shopping next week, okay? Samahan mo ako. Wrena is kinda busy nowadays. Anyway, Paris kayo?"

Tumango ako. "Sama n'yo kami ng Daddy n'yo. Let's have a double date there! Omg, I'm so excited. Right, Alzera?"

"We might disturb them, let them have their own date, honey."

Nalungkot ang ginang sa sinabi ni Mr. Aguas. Sinimangutan n'ya ang asawa at nagpapaawa. Ganyan na ganyan din ako kay Sir Wrath pag may gusto ako tas hindi n'ya ako pinagbibigyan! Ang cute nila. They're so inlove.

"That's right, Dad. Take Mom away from here before she snatches my baby again. Let me have my alone time with the love of my life in Paris."

"You're so whipped, son."

Sir Wrath throw a smirked on his Dad. "Proud and loud. You as well, Dad."

"I'm proud and loud either."

Ang ending sumama ang mag-asawa papuntang Paris. Pinag-agawan ako ng mag-ina kung saan ako uupo. Natawa ako dahil kahit labag sa loob n'yang ibigay ako sa Mama n'ya.

Hindi ko tuloy magawang e appreciate ang ganda ng private jet nila dahil sa ingay ng dalawa. Jusko. Si Mr. Aguas ay napailing at binasa ang dala n'yang newspaper.

Ang laki ng private jet nila. I can't believe makakasakay na ako ng ganitong nakikita ko lang dati sa internet o tv. Mas maganda pa nga ito sa nakikita ko sa palabas eh!

Ay nakalimutan kong mayaman pala ang boyfriend ko.

"Sit beside Dad instead, Mom."

"Nakakasawa na ang mukha ng Daddy mo. Tumabi kana sa Daddy mo, umalis kana kaya d'yan."

"Wife! You're hurting me!" Ganti ng asawa n'ya sa kabilang upuan. Nakabusangot na tuloy ngayon.

Emotional damage.

"Mom, you can't do this to me!"

"Well, I can. Now, go to your, Dad. Palagi na kayong magkasama ni Alzera, ako naman. Huwag madamot, ihulog kita d'yan eh. Tamo."

"Baby, come here."

"She's sitting beside me, Wrath Grit."

"Whatever. Dad," padabog na umupo ang lalaki sa tabi ng ama. "Mommy is getting bully."

"Wala na tayong magagawa d'yan," tiklop talaga sa asawa. Nakakatuwa naman. "Hindi ka pa naman mamamatay pag hindi mo nakatabi si Alzera."

Kinikilig ako sa Daddy ni Sir Wrath! Ang sarap sa ears nang pagkakasambit n'ya sa pangalan ko. Mas lalo silang magkakamukha pag nakakunot ang noo nila. Feeling ko walang namana si Sir Wrath sa Ina n'ya, kahit mata lang sana o di kaya ang kutis pero wala ni isa. Ganon pala siguro ata ka lakas ang dugo ni Mr. Aguas.

May dumating na dalawang private flight attendant na may dalang foods, natakam ako bigla. Hindi nalamapasan ng mata ko ang pagpapabebe nila kay Sir Wrath. Halos lumuwa na ang dibdib nila.

Hello, nandito po ako! Nandito po ang girlfriend!

"Enjoy the foods, Sirs!" Sabay nilang sabi dalawa.

"Okay. You can leave now." Malamig na sabi ni Sir Wrath.

"Hey, 'nak, Alzera, are you okay? You look like you're going to eat them alive."

Mukhang napansin ng katabi ko.

Peke akong tumawa. "Hindi naman po, Mommy. Gutom lang siguro ito. Tama, gutom na ako."

"Let's eat! Kumain na din kayo d'yan, mahal, anak. Malayo-layo pa ang byahe."

Sinubuan ako ng sinubuan ni Mommy Glends kaya medyo nahiya na ako. Kahit may laman pa ang bibig ko ay panay parin ang subo n'ya! Masarap naman ang foods kaya okay lang.

"Ako na po," at pilit inabot ang spoon sakanya.

"Ako na. Let me take care of my son's girlfriend. I really like you for my son. Don't leave him, okay? Do you really love my son?"

Nagulat ako sa tanong nito. "Are you doubting my love for him?"

Medyo na offend ako doon ah.

"I mean you're too good for my son, Alzera. I know my son too well. Marami s'yang naging babae dati, hindi nag seseryoso. Ikaw palang ang babaeng pinakilala n'ya kahit hindi pa man kayo official noon. Which is new. . ."

". . . He is genuinely happy these past years, and I know it's because of you. As a mother, I only want what's the best for them, I want them to be happy. Your existence brings happiness to my son's life, Alzera. Dati puro trabaho lang s'ya kasi gusto n'yang may matunayan sa ama n'ya at sa mga taong nakapalibot samin. . . But he is not happy working in our company, hindi n'ya kasi passion ang pag nenegosyo kahit marunong s'ya at alam n'ya sa sarili n'yang mapapatakbo n'ya ng maayos. Hindi n'ya gusto any magpatakbo ng kompanya. Bata paman s'ya ay gusto n'yang mag-turo at maging abogado."

"That's why, Wrath and his Dad made a deal, his will only agree that Wrath will take an education if he pass his bar exam and be on the list of topnotchers, and my son made it. . . He is working while studying abroad for education. He loves teaching kids, nakapag-turo na s'ya sa dati ng mga bata, elementarya at sekondarya. Nakalimutan ko anong pangalan ng paaralang iyon dahil ayaw n'yang mag-turo sa paaralan namin ng wala pang experience."

"Hindi naman kasi daw porket anak s'ya ng may-ari ay basta nalang s'ya mag-tuturo. When he is reviewing for his board exam, nagtuturo na s'ya sa isang private school, tapos abogado pa s'ya. Nakaka-proud maging anak ang mga anak ko."

Akalain mo nga naman may mga nalalaman na naman akong bago sakanya. Napatingin ako sa lalaking nasa kabilang upuan na nakatingin na pala sakin. I smiled at him.

I'm so proud of you, my love.

Natawa ako dahil kinindatan n'ya pa ako. Napatakip ako sa mukha ko dahil sa kilig. Mukhang namumula ata ako ngayon. Hindi nawala ang ngisi sa labi ko dahil sa pang-lalandi sakin ni Sir Wrath kahit may kalayuan kami.

He even gave a flying kiss! Gago talaga.

Nagpatuloy kami sa pag-kain at puro kwentuhan lang ang nagaganap. Hindi kami nauubusan ng pag-uusapan! Kaya hindi ako dinala ng antok. Nakatulog ang dalawang lalaki dahil siguro sa bagot.

Nakarating kami sa Paris pasado ala una ng hapon. I can't believe it, this is my first time here! At unang bansa na napuntahan ko! Medyo nahiya ako sa sout ko dahil hindi man lang ako nakapaghanda.

Palinga-linga ako sa kapaligiran, jusko, andaming pogi, char. Pero mas pogi parin ang nasa tabi ko. Kahit pala dito, marami paring tumitingin sakanya.

Pang international ang kagwapuhan. Ako pang barangay lang sta

"Let's take a rest first." Sumang-ayon kaming lahat sa sinabi ni Mommy Glenda.

Buti nalang dahil pagod rin ako.

May sumundo saming limousine kaya nagulat ako. Grabe naman. Dahan-dahan lang! Palagi nalang akong nagugulat sa mga yamaning ito.

Pag-pasok namin sa loob at tumabi agad sakin si Sir Wrath. "There you go, finally, magkatabi narin tayo."

Saka s'ya sumiksik sakin nang sumiksik. Nilagay n'ya ang baba n'ya sa balikat ko at parang tuko na nakakapit sakin sa bewang.

Nasa harapan ang mag-asawa habang nandito naman kasi sa likuran.

Ang ganda sa loob. Nilibot ko ang paningin ko at nang mag-sawa na ako ay sa labas naman. Sobrang ganda ng view sa labas! Paris! I'm here, finally!

"Thank you for bringing me here. It's a dream come true." Malambing kong sabi.

Napangiti naman s'ya. "It's my pleasure, baby. Where else would you like to go?"

"Switzerland, Greece, Spain, basta madami. Pero number one dream destination ko talaga ang Paris. Gusto makapunta sa Eiffel Tower, sa Cathedral of Notre Dame, at 'yong sa Palace of Versailles."

"What about Louvre Museum and Champs Elysees?"

"Sige ba, kung may oras pa. Napuntahan mo na ba ang lugar na nabanggit ko?"

"Yes."

"Wow!"

"But, I like it more right now, because, I have you here with me traveling the city of love."

I kissed his kissable lips dahil sa gigil. Ngumuso pa s'ya at gusto pang umisa. Kaya yumuko ulit ako para ikiss s'ya. Puro kilig nalang talaga ang nararamdaman ko. Natatakot ako na baka masasaktan ako ng todo sa mga susunod na araw. Huwag naman sana!

I took a picture with him. Umayos s'ya ng ulo para maganda daw ang pagkakakuha ng picture. Phone n'ya ang ginamit namin. May magka-holding hands, kiss sa cheeks, wacky, at anu-ano pa. I took a lot of pictures narin sa labas. Ang ganda ng view, sayang naman. Minsan lang 'to.

Tapos pinost ko sa social media accounts ni Sir Wrath lahat pati 'yong kaming upat kasama ang parents ni Sir Wrath. Para mamatay na ang mga inggiterang tao sa Pilipinas. I even tagged my account.

Dinagsa iyon ng comments sa Instagram. I saw Cliff's comment.

Cliffy04:

Nagkakagulo na dito sa Pilipinas tapos nandiyan lang pala kayo sa Paris, mga malalandi nga naman. Stay unbothered! Take care, sis! Don't forget my pasalubong. 😋

Madami pang ibang comments doon pero hindi ko na binasa baka masira lang ang araw ko. Dapat happy lang. Tiningnan ko ang lalaking nasa tabi ko. Nakangiti habang nakatingin sa mga pictures namin at halatang kinikilig. Mas babae pa s'ya umasta kesa sakin.

___________________

Note: Bakit maraming nag fofollow sakin may issue ba ako? Joke HAHAHAHAHAH anyway, thank you! Sana ma crushback na kayo ng mga crushiecakes po ninyo.

Congrats din po sa mga graduating studs! Make your parents proud. 💗

继续阅读

You'll Also Like

79.6K 3K 36
Bucky Barnes served in World War Two. Sadly, he fell to his death. He was recovered and revived by HYDRA. On the run, scared, and ready to break at...
87.7K 4K 50
She is the first daughter of the president of North Korea while he is the nephew of the president of South Korea.
31.3K 392 27
After Travis died he met a God who gave him Saitamas powers from One Punch Man. He will get the ability to go to any anime World as he pleases.He wil...
6.6K 304 45
( DAWN SERIES#1) Nagising man ng walang kahit na anong memorya, hindi iyon naging hadlang kay Freialyn upang mamuhay ng normal gaya nang iba. Naging...