Fire Burning

By Blasti_

146K 6K 3.3K

Warning: R-18 Student-teacher relationship. šŸ„¹ An ordinary student is having fun of her studies, her life w... More

Announcement
Synopsis
Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 24

1.8K 79 11
By Blasti_

24

"Happy birthday!" Sigaw ni Joseph.

"17 kana, bulbulin na, bulbol reveal!" Sigaw din ni Clifford.

Syempre unang dumating si Clifford kasunod si Joseph. Tinanggap ko naman ang dala nilang regalo. Pinaghandaan talaga sila ang pag punta.

I was wearing a white dress, medyo exposed and likuran ko dahil sa pa cross na design. Comfortable naman ako. Galing kay Wrena ang dress, mag-tatampo daw sya pag hindi ko sinout ang dress na binigay n'ya. Maganda naman kaya sinout ko, nevermind nalang sa presyo baka mahimatay pa ako.

Nag-mano sila kay Mama at Papa.

"Tita, ang ganda n'yo po!" Nang-uuto ni Clifford kay Mama. "Hindi man lang nag-mana sayo ang anak mo, joke lang, peace!"

"Hoy, birthday na birthday ko wala kaman lang considerations! Lagyan ko ng lason pagkain mo, tamo." Binelatan n'ya ako.

Paunti-unti ay dumarami na sila. Ang iba ku
Ong kaklase ay hindi makakapunta kaya sa chat nalang nila ako binabati. Inentertain ko ang mga kaklase ko at pinaupo sa living room. Ang dami ko nang natatanggap na gifts kaya nilagay ko nalang doon sa isang mesa.

Papunta narin mga pinsan ko saka sila Tita at Tito from both side. Si Wrena hinihintay ko pa, it's 6:35 pm pa naman, on the way daw. Duda ako sa on the way n'ya, baka maliligo pa 'yon. 7:00 ang kainan kaya okay lang, baka na traffic pa. Si Sir Wrath kaya? Makakapunta kaya s'ya?

Bukas narin birthday n'ya. May nabili na akong regalo para sakanya. Hindi ko pa alam kung anong gagawin n'ya sa birthday n'ya. Siguro party kasi ganon naman mga mayaman diba?

"Si Wrath ba, 'nak, hindi pupunta?" Tanong ni Papa.

"Hindi pa daw sya sure, Pa. May kaso ata, hindi pa naman sure." Hindi ko pinahalata ang pagka-dismaya sa boses ko.

I want to see him now. Gusto ko nandito s'ya. Kung tatanungin ako bakit nandito ang isang Wrath Grit Aguas ay pwede namang sabihin na magkakilala ang Papa ko ay s'ya hindi as manliligaw ko. Hindi naman 'yon dineny!

"Pinag-papawisan ka, upo muna doon. Kami nalang muna ng Mama mo dito, kanina kapa makatayo. Ang haggard mo na, hindi pa naman nag-sisimula." kinuha n'ya ang panyo sa bulsa at pinunasan noo ko.

"Papa naman, birthday na birthday ko oh," natawa kaming pareho. "Ano gift mo sakin?"

May pinakita syang sobre kaya nagwindang ang kalooban ko. "Hanggang pasko na 'yan, nak."

"Papa naman!"

"Joke lang eh." Tinanggap ko ang binigay n'ya tapos ay nilagay sa lagayan ng gifts. Punong-puno na ito.

Abot-langit ang ngisi ko habang nakatingin sa mga gifts. Omg, ano kaya ang mga laman nito. Ang mga lalaking kaklase ko ay binigyan ako ng bouquet flowers.

Sumali ako sa usapan ng mga kaklase ko at umupo sa tabi ni JC. Ang ingay ng grupo nila. May tao rin sa kusina at labas. May sa garden din. May tao rin ata sa terrace.

"Ang blooming ni birthday girl!"

"Pahingi link ng dress, teh!" Sabi ni Sandra.

"Beh, nasa birthdayhan tayo, wala sa live selling." Suyaw ni Clifford sa babae. Nagtawanan naman ang lahat.

Patuloy parin sila sa pag-tatawanan. Most of the time ako ang napag-isipan nilang tripan total birthday ko naman daw. Crazy.

"Ano work ni Tita at Tito, beh? Ang ganda ng house n'yo!" Tanong sakin ni Kaz.

"Teacher and engineer." Nakangiting sagot ko.

"Si Tito ang engineer?" I nodded. "Tapos si Tita ang teacher?" Tumango ulit ako. "Kaya pala ang ganda ng pagkakagawa ng bahay kasi engineer ba naman Tatay."

"Ang pogi pa ni Tito!" Napangiwi ako sa sinabi ni Joy. "Siguro maraming nagkakagusto sakanya noong kabataan pa sila."

"Huwag mong iparinig kay Papa, Joy, baka lumaki ulo." Sabi ko sabay tawa. Nakipag-apir pa ako sakanya.

"Narinig ko 'yon!" Nagtawanan ulit kami ni Joy sa sigaw ni Papa na ngayon ay kausap ang mga iba kong kaklase na mga lalaki.

"Pinsan mo 'yon? Ang pogi, shit!" Hinila ni Janela ang kamay ko at tinuro si Kuya Joshua.

Pinsan ko sa side ni Mama. Close rin kami n'yan. Binati nya ako pag-pasok nila tapos ay dumiritso sila sa kabilang side ng living room. Katabi n'ya si Jefferson, kapatid n'ya. Magkasing-edad lang kami ni Jefferson.

"May jowa na si Kuya Joshua, katabi n'yan single pa. Jefferson Frenz Hendoza. Add mo sa facebook." Sabi ko.

Tuwang-tuwa naman sya habang tinatype ang pangalan ng pinsan ko. Magaganda talaga ang mga lahi namin. Kanya-kanya ng chismisan ang mga tao sa loob. Ang ingay. Ang iba mukhang nag-kakamabutihan na, nagpalitan ng mga social media accounts.

Natanaw ko si Wrena sa labas ng bahay kay nagpaalam ako saglit sa mga kaklase ko para sunduin s'ya. Ang ganda n'ya! Parang sya pa ang may birthday kesa sa akin. Pero mas maganda parin ako.

Pinagtitinginan tuloy s'ya ng iilang tao sa labas. Ang iba ay napatulala pa at nagbubulungan.

"Wrena girl, dito!" Napalingon naman sya sakin at ngumiti. May sinabi pa sya sa mga bodyguards n'ya bago ito tumalikod at bumalik sa sasakyan na dala nila. Bitbit nya ang regalo nya. Tatlo iyon, ang dami.

"Happy birthday, gorgeous from above! Oh God, why the hell are you so pretty!" Nakaka-agaw pansin sya sa iba.

Tinaasan ko sya ng kilay. Himala ang hindi bitch ang tawag sakin!

"Pretty mo mukha mo, inuuto mo lang ako kasi birthday ko. Parang ikaw ang may birthday sa sout mo, nahiya kapa, sana nag long gown ka nalang, beh."

"Hindi ah, ang ganda kaya ng ayos mo today! Sa sobrang ganda mo mapapatulala ang kapatid ko. Speaking of kapatid, nandito naba si Wrath?" Umiling ako. "Ay, hindi sya pupunta?"

"Hindi ko pa alam, wala pang reply eh."

"Bawas pogi points! Hanap ka ibang chupapi, sis."

"Ayoko. Sa Kuya mo lang ako, bleh."

Umakto syang nasusuka. "Eww!"

"Ang OA parang hindi nagkagusto kay Razrence Cansicio." Ganti ko.

She rolled her eye. "By the way, here is my gift. Where's Tito and Tita? May gift din ako for them."

Ay taray, ako lang naman ang birthday, bakit pati Mama at Papa ko mayroon din?

"Nasa loob nakikipagdaldalan. Alam mo naman ang mga iyon, super talkative. Marami narin kasing tao sa loob."

"Yeah, I know. May pinag-manahan ka nga talaga. Sa daldal mo ba namang 'yan."

Aminado naman ako na madaldala ako kaya hindi ako nainsulto. Talent iyon. Gift from above ang pagiging madaldal, dapat proud tayo.

Hawak kamay kaming pumasok sa loob. Lumapit naman si Papa at Mama ng makita nila si Wrena. Pinagtitinginan si Wrena ng mga tao sa loob dahil talaga namang nakaka-agaw pansin ang dalagita.

"Hija, anak, buti nakapunta ka!" Tuwang-tuwa tuloy si Mama. "Thank you! Nako nag-abala kapa." Nahihiyang sabi ni Mama nang iabot na ni Wrena ang gift n'ya.

"Sus, hiya ka pa mahal-aray!" Nagtawanan kaming apat sa sinabi ni Papa. Talaga naman 'tong Tatay na ito. "Salamat dito, Wrena."

"Small thing, Tito." Maikling guton ni Wrena.

Ay sanaol small thing.

Pinaupo ko na si Wrena sa table, at dahil malapit lang sya sa mga kaklase ko ay sinali na rin s'ya sa usapan. Natuwa ako dahil mabuti ang pakikitungo n'ya sa iba. Maldita kasi sya! Baka magkaroon pa sya ng kaaway. Tuwang-tuwa tuloy ang mga kaklase kong lalaki tapos ang iba ay nagpapicture pa. Artista yarn.

Nagpaalam muna ako na pupunta muna sa kwarto para e chat si Sir Wrath.

Nag-online ako dahil buong araw rin akong hindi nakapag-open. Maraming tags at mention sa facebook pag open ko pero sa messenger ako dumiritso. Mamaya ko na sila replayan lahat.

Hinanap ko ang pangalan ng bebe ko dahil natatapakan na sa dami ng messages na puro greetings.

Sugarbunch:

Happiest birthday, to the prettiest woman alive. May this day be as sunny as your smile and as beautiful as you are. You deserve only the best, and I wish that for you. Best wishes, my love. I love you so much. Please grow faster, kidding. Stay safe. Have a great day ahead, my love!❤️

Sugarbunch:

My gift and flowers will arrive for you later at 7 in case I can't make it. By the way, good morning. I love you, baby.

Naiiyak ako pero hindi dapat ako umiyak kasi birthday ko. Dapat maganda parin ako hanggang matapos ang birthday ko baka asarin ako ni Wrena. Sabunutan pa ako non.

Tiningnan ko kung anong oras n'ya chinat iyon. Nanlaki ang mata ko dahil 12:00 AM n'ya iyon chinat. Ibig sabihin nag-hintay talaga syang mag 12:00 para batiin ako sa unang segundo ng kaarawan ko? Aw, ikikiss ko talaga s'ya.

Ako: Thankyousomuchhh! 🥺❤️

Ako: kahit wala pong gifts basta pupunta kalang dito, okay na okay na sakin iyon :<

Ako: busy ka parin ba?

Ako: take your time po, chat mo nalang ako pag makakapunta ka.

Tinawag na ako ni Mama dahil kainan nadaw. After ng kainan ay may garden party nagaganapin sa labas. Mga palaro lang, tapos may mga prizes din. Parang mga bata amputa. Tuwang-tuwa naman mga kaklase ko dahil mga mukha prize iyon. Sila Mama at Papa ang magpapalaro, goodluck nalang sa sasali dahil puro kalokohan pa naman alam ng dalawang 'yon.

"Alzera, anak, may dumating na delivery!" Napalingon ako sa tumawag sakin. Si Tito Janelo.

Lumabas ako saglit para tingnan. Tiningnan ko ang oras, 7:00 pm na. Mukhang ito na ata ang sinasabi ni Sir Wrath. So, ibig sabihin hindi sya makakapunta kasi may dumating? Kahit na may sama akong ng loob at todo ngiti parin ako sa mga bisita ko.

"Kanino daw po galing, Tito Janelo?"

Inabot n'ya sakin ang tatlong bouquet flowers na yellow, blue, and white. Ang ganda. Sa sobrang ganda ng flowers ay nakalimutan kong kay Sir Wrath pala galing ang mga 'to. May dalawang malalaking teddy bear din na magkasing-mukha ni Chowchow! Beige and white color, same size. Ang ganda! Tapos may malaking nakabalot na regalo rin.

Tinulungan ako ni Tito sa pag-pasok ng mga pinadala ni Sir Wrath.

"Kanino galing beh?!"

"Haba ng hair!"

"Oy, taray, lakas maka main character!"

"Nag-birthday din naman ako pero bakit wala akong natanggap na ganyan?"

"Ang cute ng teddy bear!"

"Ganda talaga ng bestfriend ko!" - Clifford.

"She's not your best friend!" - Wrena.

Nag-aaway na naman sila. Nako, baka sila talaga. The more you hate, the more you love. Sayang naman ang Razrence and Wrena ship.

"Reveal naman d'yan kung sino ang nag-bigay!"

"Iba talaga pag isang ano ang manliligaw. Kung ako 'yan, sasagutin ko na agad!" Pagpaparinig ni Clifford.

Kinukulit tuloy nila Sandra, JC, at Joseph si Clifford para sabihin kung sino kuno ang manliligaw ko. Pinanlakihan ko ng mata si Clifford. Pag talaga pinagkalat nya at may ma kakalbo talaga ako.

"Fake friend mo naman ayaw pa sabihin."

"Hashtag walang sekretong hindi mabubunyag." Pagpaparinig pa nila. Ang ingay ng mga kaklase ko!

Napansin ko si Meghan na nakikihalubelo narin sa iba pa naming kaklase bukod sa mga palagi n'yang kasama sa school.

"May jowa naka pala, Alzera?" Tanong ni Tita Fiona na asawa ng kapatid ni Papa.

Nandito kami sa bandang kusina, mga pinsan ko lang din ang nandito. Ang iba kong pinsan ay nasa guess rooms.

Hindi kami masyadong close kasi hindi ko feel ang aura ka. Plastic kasi ng pakikitungo n'ya. Saka matapobre din s'ya. Nalaman lang namin last year na pilit n'yang pinapahiwalay ang lalaki kong pinsan sa girlfriend nito kasi mahirap lang daw ang babae.

Nagalit si Papa syempre, ganon sila dati eh. Maraming pagsubok na pinagdaraanan ang magulang ko saka ako niluwal dito sa mundo. Hindi naging perpekto ang pagsasama nila noon hanggang ngayon. Nagmula sa marangyang buhay si Mama tapos si Papa ay sakto lang. Basta may makakain tatlong beses sa isang araw, okay na okay na daw iyon.

"Manliligaw palang po, Tita Fiona." Kita ko ang pag-taas ng kilay nya.

"May manliligaw bang ganon karami ang binibigay? Ilang taon naba? Hindi kaba nahihiya sa manliligaw mo? Baka mamaya estudyante pa 'yan, tapos nagpapabili ka ng kung anu-anong mga bagay-bagay."

Hindi ko alam kung ano ang pinupunto n'ya pero naiirita ako! "Hindi naman po sa ganoon-"

"Mukhang mayaman ang lalaki mo," nakangising sabi ni Tita.

Nag-iinit na ang ulo ko sa pinagsasabi n'ya. Ano bang pinagsasabi ng retokadang 'to? "May kaya lang po siguro sa buhay, Tita. Bakit po?"

"Your suitor is probably rich, who can afford a flower from a known flower shop? Giant teddy bears, and a gift. . ." Hinawakan n'ya ang baba tila ba nag-iisip. "Mind telling me his name?"

Umiling naman agad ako. "Ayoko po." Matigas kong sabi. "Kung ano man ang gusto mong sabihin, sabihin mo na kasi marami pang bisita sa labas."

Tumango naman s'ya.

"Buti hindi mo naisipan perahan ang manliligaw mo, hija, you have this innocent look, you deceive an old rich man. Para man lang may maimbag ka sa pamilya mo, Alzera-"

"I cannot never do that, Tita. Hindi naman po ako mukhang pera kagaya mo. . ." Nananaliksik ang mata nya sa galit at napatingin sa mga taong dumadaan. Hindi maririnig ang boses namin dahil medyo nasa malayo kami.

". . . Bilang respeto nalang din po sakin at sa pamamahay ng magulang ko, umalis ka nalang bago kita kaladkarin palabas ng bahay sa ito. . ." Mariing wika ko. "Wala akong pakialam kung maraming makakakita sayo sa labas. Wala kang karapatan pag-salitaan ako ng ganyan, huwag mo akong itulad sayo!"

"Ungrateful child! Walang respeto!"

"Respect be gets, respect. Wala akong pakialam kahit asawa ka pa ni Tito Curlew. Pinakasalan ka lang naman kasi nabuntis ka ni Tito, pero hindi ka n'ya mahal."

Iniwan ko syang nangangalabit sa galit doon. Ayokong siraan ang gabing ito dahil lang sa impaktang tulad n'ya. Grabe, sinasabihan ba naman ako na perahan si Sir Wrath para may maging ambag ako dito sa bahay. Tangina n'ya ah.

Talagang sa birthday ko pa! Hindi man lang marunong itago ang kasamaan ng ugali. Tanginang 'yan. Sana mabilaukan sya habang kumakain tapos mamatay. Huwag n'ya talaga ako kinakalaban dahil ipagdadarasal ko ang talaga ang kamatayan n'ya!

Continue Reading

You'll Also Like

738K 67.3K 36
She is shy He is outspoken She is clumsy He is graceful She is innocent He is cunning She is broken He is perfect or is he? . . . . . . . . JI...
895K 50.5K 66
A sweet boy with a dark past, Kim Taehyung, goes to the university and meets Jeon Jungkook, an outrageous, rich and mysterious boy. Taehyung gets inv...
2M 119K 43
"You all must have heard that a ray of light is definitely visible in the darkness which takes us towards light. But what if instead of light the dev...
6.6K 302 45
( DAWN SERIES#1) Nagising man ng walang kahit na anong memorya, hindi iyon naging hadlang kay Freialyn upang mamuhay ng normal gaya nang iba. Naging...