(Spence's PoV)
Buti na lang nakatakas ako agad bago pa man ako magulpi ni Irish! Pero lagot ako pagkatapos ng party na 'to.
Lagot talaga ako kay I. Masakit pa man din ang suntok niya.
Napaisip ako. Pagkatapos ay bigla na lang akong napangiti!
Naglalakad ako ngayon papunta sa buffet. Bigla akong ginutom eh! Napa-tingin ako sa aking relo. 7:30 na. Ang tagal namang magsimula ng program.
Sa ngayon, ganito ang kaganapan. May mga sumasayaw sa gitna ng hall. May mga kumakain.
At ako?
Kakain na rin.
Kumuha ako ng makakain! Vegetable salad na lang. Healthy lifestyle.
Pangatlo ako sa pila.
Mayamaya pa ay tumunog ang aking cellphone.
Narinig kong may tumunog. Chineck ko ang phone ko! Hindi pala sa 'kin 'yun.
Nakita ko ang nakapila sa aking harap Kinuha niya ang cellphone niya. May nagtext sa kaniya.
T-teka!! Familiar sa 'kin ang nasa harapan ko.
Siya 'yung...
'Yung dating Presidente ng Hotel Park. Ang rival ng President ngayon. Kung hindi ako nagkakamali, siya si Mr. Rodriguez. Kung ganoon, inimbitahan nga talaga siya. Pero bakit inimbitahan pa siya? Kung ako ang president ng hotel at alam kong rival ko siya, hinding-hindi ko siya i-imbitahin. Pero bakit siya in-imbitahan?
Nakita kong ibinalik niya sa bulsa niya ang kaniyang phone at kukuha na siya ng vegetable salad.
Hmmmm!
Kakaiba!!
Base sa obserbasyon ko sa kaniya, parang nalilito siya. Tila ba hindi siya sigurado sa kukunin niya. Minsan, kukuha dapat siya ng tomato pero biglang magbabago ang isip niya. Ino-obserbahan ko lang siya nang bigla siyang mapa-tingin sa 'kin.
Pinilit niya akong ngitian.
"Ikaw na!"
Tumango lang ako sa kaniya at nagsimula na rin akong kumuha.
"Red wine sir!"
Napatingin ako sa nagsalita. Isang waiter.
Nakita kong tumango si Mr. Rod.
"Yes, please!"
Ako naman, itinuloy ko ang pagkuha ko ng vegetable salad.
"Sir baka gusto niyo pong tikman ang bestseller wine sa hotel na 'to."
Napalingon ako sa waiter. Ako na pala ang ina-alok. Dumampot ako ng isang baso ng wine. Siguro nga masarap. Bestseller eh!
Nang maka-kuha ako, nagtungo ako sa isang vacant table at nagsimulang kumain.
(Irish's PoV)
Ang boring na! Kasi naman 'yang Spence na 'yan eh!
May bago na akong kaibigan kanina pero pinalabas niyang hinahanap na ako ni Lolo. Tapos ngayon iniwan niya ako.
Pero asan na kaya si Carl? Ikinalat ko ang aking paningin para hanapin siya. Tinignan ko 'yung table kung saan kami umupo kanina.
T-teka! Si Spence 'yun ah! Siya ang naka-pwesto do'n ngayon.
Humanda ka sa 'kin!
"Uhmm, Lolo excuse me lang ah!"
"Sa'n ka pupunta apo?"
"May aasikasuhin lang ako," sagot ko kay Lolo habang pinagmamasdan si Spence.
"Oh, sige!"
At dahil pinayagan na ako ni Lolo, humanda ka talaga sa 'kin!
(Spence's PoV)
Ang sarap talaga ng vegetable salad. Ine-enjoy ko ang pagkain nito nang mapalingon ako at makita ko si Irish papalapit sa 'kin at halatang inis na inis pa rin sa ginawa ko. Napatigil tuloy ako sa pag-nguya.
Naku lagot na! Siguradong hindi niya palalampasin ang ginawa ko!
Mukhang kailangan ko nang tumakbo!
BLAAAG!
Napatigil kaming lahat, pati si Irish na susugod dapat sa 'kin nang biglang may marinig kaming kalabog.
Napalingon kami sa gitna at nakita namin ang isang lalaking bumubula ang bibig at naka-dapa.
Napa-tayo ako sa nakita ko at agad akong tumakbo. Si Irish naman, na-sulyapan kong nanlaki ang kaniyang mata at napatakip ng bibig sa gulat.
Nagsimulang mag-panic ang mga tao sa nangyari pero hindi sila pwedeng paalisin ng mga pulis dahil maaari silang kailanganin sa imbestigasyon sa nangyari. Kaya dinala na lang sila sa kabilang hall.
Ako naman, tumakbo ako palapit do'n. Sakto ring makalapit ang ibang mga detective kasama si Inspector Alvarez nang makalapit ako sa biktima.
Nakita naming bumubula ang bibig niya at kulay puti na ang mata niya.
"Tumawag kayo ng ambulansya," utos ni Inspector Jorge.
Nakita kong may isang detective na tumawag ng ambulansya!
"No wonder isa itong poisoning!" sambit ni Inspector Alvarez.
Wala nga talagang duda!
Pero t-teka!
Kanina pa ako dito pero ngayon ko lang napansin kung sino ang nalason. Siguro dahil na rin mas nagfocus ako sa kondisyon niyax
Siya 'yung lalaking nakasabay kong kumuha ng vegetable salad kanina. Ang rival ng President ng Hotel Park. Siya si Mr. Rod. Si Mr. Rod ang nalason!
Napa-tingin ako sa aking relo. 7: 47 ang oras!
Mayamaya pa, nawalan na siya ng malay. Pinulsuhan ko siya at nakakalungkot!
"Wala na siya."
Natahimik ang lahat. Dahil do'n, tinawagan ni Inspector Jorge ang mga forensic.
Pagkatapos ng ilang minuto ay dumating na ang ambulansya. At sumunod naman ang forensic. Kailangan nilang i-biopsy ang biktima para alamin kung anong klaseng lason ang nainom niya.
Minarkahan ang pwesto ng biktima saka nila binuhat.
(Carl's PoV)
"Ano!? Tignan mo nga naman ang Rodriguez na 'yan! Kahit against sa kaniya ang nangyayari, nadadamay pa rin niya ang kompanya. Sinira niya ang ball."
Galit na galit si Tito sa isang room nang mabalitaan niya ang tungkol sa nangyari kay Mr. Rod.
"Tito relax. Hindi na nga maganda ang nangyari kay Mr. Rod, 'yung ball pa rin ang iniisip mo. Hindi ba pwedeng maging concern ka naman sa kaniya kahit ngayon lang?"
Close kami ni Tito pero for now, naaawa ako kay Mr. Rod.
"You're asking me to be concerned of him? No way! I don't care about him."
Hay naku, ang galit talaga!
Hindi na lang ako umimik! Hindi ako natutuwa sa reaksyon ni Tito.
Pinag-aralan ko ang itsura ni Tito..
Sa ikinikilos mo, ma-swerte ka kung hindi ka pagsu-suspetsahan ng mga investigators.
"Ba't ganyan ka makatingin?" tanong ni tito Richard.
"Hindi ka ba magpapakita do'n?" tanong ko.
"Siguradong pag-iinitan lang ako ng mga reporter! Lalabas ako 'pag umalis ang mga reporter," sagot niya.
Sa sinabi ni Tito, malinaw na gusto niyang paalisin ang mga reporter. Kaya lumabas ako para utusan ang mga guard na paalisin sila sa hotel.
(Spence's PoV)
Nakasandal ako sa pader habang pinag-iisipang mabuti ang nangyari tungkol sa biktima.
Walang dudang poisoning ang nangyari base sa nakitang ikinilos niya at ang pinakamalaking tanong ngayon, saan siya nalason? Masyadong mabilis ang epekto ng gamot. Ano'ng klaseng lason ito? Isa kaya itong aksidente? O sinadya? Kung aksidente, paano? At kung sinadya, sino?
Naka-concentrate ako sa pag-iisip nang biglang tumunog ang phone ko! Agad ko itong kinuha sa bulsa ko at sinagot.
"Hello Pa?"
"Anak! It's good to know that you attend the ball," confident na sabi ni Papa.
"How did you know?"
Hindi ko pa naman siya in-inform ah!
"I'm actually making a research on my investigation here in Laguna nang makita ko sa news over the internet about the poisoning. May nag-blog kasi and in the picture, I saw you running towards the victim."
Ah, gano'n pala!
"Ang bilis talaga ng balita. It's the former president who died."
"Tsk! Kawawa!"
Sa boses ni Papa, mapapansin na naaawa nga talaga siya.
"Questions are now in my head about what happened," sambit ko.
Narinig ko sa kabilang linya ang pagtawa ni Papa dahil sa sinabi ko. It's a sign that he's happy for me, I guess.
"That's good to know son! Remember, the more the questions, the better because that means more answers that leads to solving the mystery! Good luck!"
"P-pero--"
Hindi ko na naituloy dahil binabaan na niya ako! Hindi ba naisip ni Papa na hindi magandang babaan ang taong nagsasalita pa lang, tsk!