ULTERIOR MOTIVE (ONGOING)

By SweetKitkat

143K 3.1K 379

ONGOING | Y2014-present A billionaire lawyer. A poor girl. Secrets and ulterior motives kept Mirabella and Al... More

CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16 (18+)
CHAPTER 17
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25

CHAPTER 18

4.1K 162 32
By SweetKitkat

MIRABELLA

It's positive. I'm pregnant.

Hawak ko ang PT at matagal na nakatingin doon.

"Oh, no," ilang beses kong ulit.

Binitiwan ko ang PT sa upuan at tumayo. I paced back and forth. Hindi ako mapakali. Hindi ko matanggap na nangyayari ito. Sa sobrang busy ko sa trabaho, sa school ni Krome, at pati kay itay ay nawalan na ng puwang sa isip ko si Alesteir.

Dahil sa tuwing naiisip ko siya ay sumisikip lang ang aking dibdib lalo na kapag naaalala ko ang mga salitang binitiwan namin sa isa't-isa.

"Shit! God! Bakit mo ba ako pinaparusahan ng ganito?!" Frustrated kong sabi. "Hindi pa ba sapat ang lahat ng paghihirap ko kaya dinadagan Mo pa?!"

Ano na ang gagawin ko ngayon?

Another mouth to feed! Ano'ng buhay ang ibibigay ko sa bata na ito? Hindi ako nagtapos ng pag-aaral. Nag-struggle pa nga ako sa pag-iipon ng tuition fee para makalipat si Krome sa mas magandang skwelahan.

But no... I can't have this now. I'm sorry.

I'm so sorry.

Napaupo ako at humikbi. Ano ba ang iniisip ko?

No, I need to lose this. I have to get rid of this.

Pumunta ako sa pinakamalapit na pharmacy after ko mag-research ng mga gamot na maaaring makatulong sa akin.

Nasa likod ako ng mag-ina at buhat niya ang kanyang anak na lalaki. Namumula ang mga pisngi nito at hinahabol ang paghinga. Tila inaapoy ito ng lagnat.

"Hello," bati ng bata sa akin.

Napalingon sa akin ang ina nito. "Ay, sorry. Madaldal talaga itong anak ko lalo na kapag may sakit siya."

Tila bata pa ito at magkaedad lang kami.

"Okay lang. Bakit dinala mo siya sa pharmacy kahit may lagnat siya?"

Ngumiti ito. "Wala siyang kasama sa bahay, eh. Saka hindi ko alam kung ano ang gamot na para sa kanya."

"Ilang taon na siya?"

"2 years old. At huwag mo ng itanong kung nasaan ang ama niya." Ah, she's a single mom. Pero mukhang mas bata pa siya sa akin.

"Ako nga pala si Mirabella."

"Melissa. At ito si Reid. Ang makulit kong anak kaya may sakit."

"Nice to meet you, Reid."

Gumuhit ang matamis na ngiti sa labi ni Reid kahit na may butil ng luha sa mga mata nito dahil sa sakit. Muntik na akobg maluha nang masilayan ang kanyang anghel na mukha.

Napahawak ako sa aking sinapupunan.

"Ikaw? Ilang months na iyan?"

"H-Huh?"

"O-oh. Uhm, sorry, napansin ko lang kasi."

Napatingin ako sa ibaba. At ngayong alam ko na buntis ako, ay tila kapansin-pansin na ang umbok sa aking tiyan.

"Nandito ka para bumili ng PT para makasigurado?"

Natulala ako at nag-iwas ng tingin. "H-Hindi."

Tila nabasa ni Melissa ang nasa isipan ko. "I'm sorry. Kung ano man ang desisyon mo, hinding-hindi ako makikielam. Pero kung desisyon iyan ng partner mo, siguro ay pag-isipan mo muna."

Naputol ang pag-uusap namin dahil turn na niya na bumili ng gamot. Nagkaroon ako ng pagkakataon na pag-isipan ang mga sinabi niya.

Natapos na si Melissa at ngumiti lang ito sa akin bago umalis.

"Miss?"

Napakurap ako at tumingin sa pharmacist. "Uhm... sorry, nakalimutan ko iyong reseta."

Umalis ako at hinabol si Melissa. Naabutan ko ito na nag-aabang ng tricycle.

"Melissa," tawag ko sa kanya, "paano mo kinaya?"

"Ang maging ina ay hindi biro. Maraming paghihirap pero I'm sure worth it lahat. Nakakatakot, oo. Kasi hindi naman natin alam ang kinabukasan. Pero paano kung ang bata sa sinapupunan natin ay ang susunod na Mayor o kaya ay presidente ng Pilipinas? Hindi natin alam." Mahinang sambit nito upang hindi magising ang kanyang anak.

"Kung hindi kayang maging ama ng partners natin, hindi iyon dahilan para sumuko tayo. Tayong mga babae— we are the strongest."

Tila nagising ako nang makausap si Melissa. Nagkasabay kami sa tricycle dahil magkalapit lang ang baranggay namin. Ang dami kong nalaman tungkol sa kanya at marami rin akong nakuhang aral kahit na mas bata ito sa akin ng tatlong taon.

Bilang pasasalamat ay ako na ang nagbayad bg tricycle namin. Umuwi ako sa bahay at nagsimulang ayusin ang mga plano ko.

Umuwi si Krome galing skwelahan at pinaalam ko sa kanya na buntis ako.

"Magkakaroon ako ng kalaro, ate?!"

Gumaan ang pakiramdam ko nang makita ang matamis na ngiti nito. Ang murang edad niya ay hindi maiintindihan ang kalagayan namin.

Dumalaw ako kay itay at ibinalita sa kanya ang sitwasyon ko. Humikbi ito habang hawak ang kamay ko na nasa ibabaw ng mesa.

"Sino ang may gawa sa iyo nito, anak? Kasalanan ko ito, wala ako sa tabi mo para protektahan ka."

"Itay, huwag ka ng mag-alala. Matuwa ka na magkakaapo ka na."

"Pero, anak, sino ang ama ng dinadala mo?"

"Hindi na ma—"

"Ang abogado ba na iyon?" Putol niya sa sasabihin ko. "Ano ang ginawa mo, Mira? Ano ang tumatakbo sa isip mo, anak?"

"Tatay, kaya natin ito, ha? Kakayanin natin."

Tumango ito at tinuyo ang luha. "Oo, anak. Hindi naman ako nawawalan ng pag-asa. May ibabalita nga pala ako sa iyo."

Kumunot ang aking noo. "Ano po iyon?"

"Naaprubahan na ang paglipat ko. Ililipat daw nila ako sa Malolos."

"T-Talaga? Kailan?"

"Sa susunod na buwan na anak. Inaayos nalang daw nila ang mga dokumento at makakalipat na ako."

Tumango ako at ngumiti. "Itay, tatapusin lang ni Krome ang school year na ito at pagkatapos ay lilipat na rin kami sa Bulacan. Siguro ay para ito ikabubuti ng lahat, chance na makapagsimula muli."

"Tama, anak. Hihintayin ko kayo roon ni Krome. Narinig ko na mas tahimik doon kumpara rito sa Maynila."

Mahaba ang naging kwentuhan namin ni Itay at bumalik na siya selda nang matapos ang oras ng bisita.

Humawak ako sa aking sinapupunan at iniisip na baka ang bata na ito ang nagdala ng swerte para malipat si itay.

Mabilis na lumipas ang araw. Nag-resign ako sa trabaho ko bilang call centre at nag-pursue ng virtual assitant na career. Nagkaroon ako ng mga high paying clients at dahil naka- work from home ako ay mas nakaganda iyon sa kalusugan ko. Malaki rin ang naipon ko at isang buwan nalang ay matatapos na ang school year ni Krome.

At tatlong buwan nalang ay due date ko na. Nakapagtabi rin ako ng pera sakaling ma-caesarean ako. Everything seems so light when I decided to keep Donut.

Donut.

Si Krome ang nag-isip ng nickname sa anak ko dahil hindi hindi pa kami nakakapag-decide sa kung ano ang pangalan niya.

"Krome, mag-almusal ka na! Male-late ka na sa school. Exam mo ngayon."

"Sandali lang, ate. Nagsusuklay pa ako."

"Dalian mo na."

Lumabas na ng silid si Krome at tumabi na ito sa akin sa dining table. Kumuha ito ng sinangag at hotdog. Nagmamadali siya na makatapos dahil alam niyang mahuhuli na siya.

"Iyong bag mo ay baka makalimutan mo na naman. Mahihirapan akong lumabas at maglakad, ah."

"Opo."

Natapos siyang kumain at tumayo na. Hinalikan niya ako sa pisngi.

"Bye, ate. Bye, Donut!"

Nagligpit na ako nang mawala na ito sa aking paningin. Naglinis lang ako ng kaunti at pati ang wfh setup ko ay inayos ko rin. Nagluto na rin ako ng meals ko para hindi na ako maabala sa trabaho.

Napatingin akonsa may pintuan nang may kumatok doon. Sumilip muna ako sa bintana at nanigas nang makita si Astrah na nakatayo sa harap ng pintuan.

Tumingin ako sa sinapupunan ko at huminga ng malalim. Inalis ko ang lock at binuksan iyon.

"Hi, Astrah."

Bumaba ang tingin nito at kunot ang noo na tumingin sa mga mata ko. "What the fuck happened to you?"

"Well—"

"So, Alesteir was right," wala na ang lambing sa boses nito pati na rin ang pakikitungo niya sa akin ay nag-iba na.

Nanigas ako nang banggitin nito ang pangalan ng lalaki na pinipilit kong kalimutan.

"That you are a slut."

"I'm sorry?"

"You gave your body to him to get what you want."

Wait, alam ba niya na anak ito ni Alesteir?

"And now you are pregnant after you had a meeting with the jail operators kasi hindi binigay sa iyo ni Alesteir ang gusto mo. My God, Mira, giving your body just to transfer your father to another jail? Hindi ko alam na ganyan ka ka-cheap."

Napahinto ang naglalakad sa paligid at dahil sa lakas ng boses ni Astrah ay tiyak na naririnig din iyon ng mga kapitbahay namin.

"Astrah, sa loob tayo mag-usap."

"Huwag na. Baka saktan mo pa ako dahil nasa dugo mo ang pagiging kriminal," malamig niyang sabi. "You are disgusting. Hindi ko matanggap na naging kaibigan ko ang tulad mo."

"Kung pumunta ka lang dito para insultuhin ako, makakaalis ka na."

Sinara ko na ang pinto upang tapusin na ang pag-uusap namin. Isang buwan nalang, Mira, isang buwan nalang ay makakaalis ka na sa lugar na ito.

***
Hanggang sa susunod na update.
Sweetkitkat ❤️

Continue Reading

You'll Also Like

19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...