Forced to Conceal (COMPLETED)

By lauvende

96.9K 1.9K 7

[Bachelor's Club Series #2] A superstar and a provincial girl. Bound by a secret to conceal. Portia Solace... More

FORCED TO CONCEAL
DISCLAIMER
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
LAST CHAPTER
AUTHOR'S NOTE

CHAPTER 26

2.1K 48 0
By lauvende

Chapter 26: Running Away

YAZER ELDRICH MONTANO

Where am I? Ang dilim. 

I am standing in the middle of nowhere and it's so dark.

I tried closing my eyes and opening them again. Nothing has changed, it's still dark. 

"Khaki, Kaimeer? Where are you?" I start wondering. I don't know where I am, but it seems like an endless dark path. 

I ran while looking around trying to find something, an exit or just a light.

"Manang? Guys, where are you?" I shouted. I'm not afraid of darkness, but I'm starting to get frustrated and desperate to get out of here. 

I'm running, but I still can't see the end of this or even a small light. 

Where the fuck am I? 

I stopped running and just stood there. Maybe this is just a dream and my mission is to wake up. 

How did I even end up here?

Then I remember what happened last night. 

Is it true? Did something happen between us? Solace... She gave herself to me.

A smile crept on my face. My innocent baby. Mas sigurado na ako sa nararamdaman ko ngayon. 

I love her. I love Solace. 

"Love..." Nawala ang ngiti sa labi ko nang may marinig na mababang boses. 

Hindi ko alam kung tama ba ang narinig. 

"Who are you?" I asked in a stern voice. I moved my head trying to find where the voice came from, but all I can see is darkness.

"Love..." This time it's clearer. Is it you love? 

"Reveal yourself!" I shouted, sounding desperate. Please. 

"If it's you, love, let me see you... Let me see you... For the last time, please..." I pleaded. As time passes by, I'm getting more hopeless.

"I-I just want to see you... and p-promise. I-I'll let you g-go..." 

Then a faint light suddenly came in. I immediately ran towards it and it was getting bigger and brighter as I reached it.

I stopped when I saw a woman standing in the middle of the light. I tried squinting to see who she is but the light is binding me.

I closed my eyes to calm them and slowly opened them again to adjust my sight to the light. 

I can see better now. 

"L-Love..." I whispered. 

As if on cue, memories of us flooded in. A tear fell from my eyes as I remembered our happy moments. Our life together was nothing, but happiness. I'm content and couldn't ask for more, but then you can't do anything if it's God's plan. 

I tried my best not to close my eyes, as I walked slowly towards her, afraid that she'd disappear. 

She smiled at me, like how she always did. 

"W-Why are you only appearing n-now? I-I've waited f-for you. I w-waited," I muttered softly as my voice broke. The pain of yesterday is all coming back. 

"Shh... I wanted you to move on quickly. Kaya hindi ako nagpakita kahit sa panaginip. I want you to move on and move forward with your life." Her mouth isn't moving, but I can hear her thoughts talking to me. 

I went near her until we were now face-to-face. 

Nothing has changed in her. She's still my first love, the woman I've loved, the mother of my twins.

"Sana kahit isang beses nagpakita ka. Ang sakit. Akala ko galit ka sa akin," I said try to suppress my emotions. I don't want her to think that I hold a grudge on her. 

"Hindi ako kailanman magagalit. Hindi naman ako nawala. I'm always there. Lagi niyo akong kasama. Lagi ko kayong binabantayan. I witnessed it all. I saw everything you did for our kids. And I saw how you slowly fell for her..." I tried to hold back my tears on what she said. My heart clenched in pain.

It means... She witnessed it all.

"W-Why did you..." I can't form what I wanted to say. I can't imagine her seeing me become happy because of someone else. I can't imagine her seeing someone take care of our children, seeing someone fill the spaces you once in. It must have broken her heart. 

"I told you, I want you to find someone who can love not only you but also our kids as if it was her own... And you already found her. Masaya ako dahil alam kong nasa mabuting kamay na kayo. Masaya ako dahil alam kong masaya na kayo..." She smiled. There's no hint of sadness in her eyes. She said she was happy. And I can totally see it. How does she do it?

Then again, she smiled one last time while the light got stronger again. "Kaya ngayon, kailangan ko nang umalis. Mahal na mahal kita. Hanggang sa muli, mahal ko..." 

"Kaila... Love... Sandali," sigaw ko at hinabol siya pero para siyang nauupos na ilaw. Unti-unti siyang naglaho. 

I slowly kneeled while sobbing. She's always been there. 

"I'm sorry... Love, I'm sorry. Sorry... Love... Kaila..."

******

PORTIA SOLACE SEVIERRA

Pinag-isipan kong mabuti kung ano bang dapat kong gawin, kung ano bang tamang gawin. At sa tingin ko ito 'yon.

Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga bago kumatok sa kwarto niya. Kailangan kong gawin 'to ngayon dahil kung hindi, baka mawalan na ako ng lakas ng loob.

Bumukas ang pinto at bumungad siya sa akin. Nakangiti ang mukha.

"Hi, Sol! Come in," he exclaimed which is unusual, dahil lagi siyang masungit.

Hindi ko pinansin ang bati niya at tahimik na pumasok sa loob. Mahigpit ang hawak ko sa papel na dala at tinatatagan ang loob.

Hindi ka pwedeng manghina, Portia.

"I was wondering where are you because when I woke up, wala ka na." Hindi ko siya sinagot at nanatili ang seryosong mukha habang nakatingin sa kaniya.

"Ah, did I do something wrong? W-Why are you so serious?" tanong niya na tila ninenerbyos. Tinitigan ko siya mata sa mata at inabot sa kaniya ang papel na hawak.

"What is this?" Takot. Iyan ang nakikita ko sa mga mata niya.

"Basahin mo," walang emosyon kong wika. Labag sa loob niya itong kinuha sa kamay ko at binasa. Kita ko ang pagsalubong ng kaniyang kilay at ang unti-unting paglukot ng papel.

"W-Why? Is it..." Pinikit niya ang mga mata. "Is it because of what happened last night?"

Huminga ako nang malalim bago binalik ang tingin sa kaniya.

"Hindi po, Sir. Hindi naman po ako ganun kababaw. At iyong nangyari kagabi, ginusto ko po 'yon," sagot ko na parang wala lang. Nakatingin siya sa akin na parang tinatanya at pinag-aaralan ang emosyon ko.

"Then why? What's the problem, Sol?" ang boses ay nagmamakaawa, nakikiusap.

"Ako. Ako ang problema," ngumiti ako ng bahagya at iniwas ang tingin sa kaniya.

"Hindi ko kasi maiwasang umasa. Kahit alam kong malabo. Kaya sana respetuhin niyo ang desisyon ko. Hindi naging madali ang desisyong ito. Napalapit na rin sa akin ang mga bata pati sila Manang, Kuya Kian, Kuya Amer," bumuntong hininga ako at pinigilan ang sariling umiyak. Hindi ako iyaking tao, e. Pero nitong mga nagdaang araw wala na akong ginawa kundi umiyak.

"Solace, I—"

"Wala po kayong dapat sabihin. Hindi niyo naman po kasalanan na minahal ko kayo at naging kamukha ko 'yung dati niyong asawa." Tumawa ako. "Sa dinami-dami ng pwedeng maging kamukha, asawa niyo pa ano?"

Tinitigan ko sa mga mata at pinilit kong bigyan siya ng tunay na ngiti.

"Sana po, matuto na kayong i-let go ang asawa niyo. Letting go doesn't mean forgetting that person. It means cherishing that person in the deepest part of your heart because you accepted the part na hindi na siya parte ng buhay mo. And no one can ever claim that... Kaya sana, sa susunod po n-na may magmamahal sa inyo... Hindi na masaktan ng ganito. Kasi you've learned to let go. Mahirap po kasing makipaglaban sa taong wala na."

Hindi ko natupad ang pangakong hindi na ulit ako iiyak dahil naramdaman ko na lang na may tumulo sa pisngi ko. Agad kong pinalis ito at pinanatili ang ngiti.

"At hindi ako nagsisising minahal kita. Ikaw ang unang lalaking minahal ko at ito rin ang unang beses na nasaktan ako ng ganito. Iyon nga lang hindi ako ganun kalakas para ipagpatuloy 'tong nararamdaman ko." Pagkatapos kong sabihin 'yon ay tinalikuran ko na siya at lumabas na ng kwarto.

Huminga ako ng malalim at pinigilan ang emosyong gustong kumawala.

Dumiretso ako ng kwarto namin ni Manang at inilabas ang maleta ko sa ilalim ng kama. Binuksan ko ang maliit na cabinet at kinuha ang mga damit. Pinaglalagay ko lang lahat ng mga damit at iba pang gamit doon bago ito isarado.

Inilagay ko ito sa gilid ng kama ko. Nakapag-booked na ako ng flight pauwi sa amin. Sa makalawa na ang uwi ko. Ang mahal nga ng ticket dahil early flight ang kinuha ko.

Pagkatapos kong ayusin ang mga gamit ay lumabas ako at hinanap ang mga bata.

Maiintindihan naman siguro nila.

Una kong nakita si Manang na may kinakalikot na naman sa kusina kaya naman lumapit ako sa kaniya at niyakap siya mula sa likod.

"Mariasantisima!" gulat na sigaw nito at nilingon ako.

"Oh, Shang! Ikaw na bata ka, nanggugulat ka naman. May kailangan ka ba?" Napangiti ako sa sinabi ng ginang at umiling lang. Nakayakap pa rin ako sa likod niya.

"Para kang 'yung apo kong si Dominic. Ang hilig mangyakap sa likod." Kailangan ko nga rin pa lang magpaalam doon. Nasaan kaya siya?

"Manang, nasaan po pala ang apo niyo?" tanong ko.

"Aba'y malay ko sa batang 'yon. Ang sabi niya pupunta siya rito ngayon pero bigla niyang sinabi na may pupuntahan daw siya kaya sa susunod na araw na lang." Napatango ako sa sinabi ni Manang. Bumitaw na ako sa pagkakayakap at pinagmasdan siyang gumalaw.

Ang medyo kulubot na balat ang siyang patunay na may katandaan na siya. Kita na rin ang lalim ng mga mata. Nagsisimula na ring lamunin ng kulay puti ang kaniyang buhok.

"Manang, wala po ba kayong balak na magpahinga na lang?" tanong ko na biglang nagpalingon sa kaniya.

"Kaya ko pa naman. Wala rin akong alam na ibang gawin kapag huminto ako. Nasanay na sa ganitong gawain ang katawan ko kaya kapag huminto ako, baka magkasakit lang ako," nakangiting sagot nito.

Nakakabilib talaga ang mga taong may edad na pero go pa rin sa pagtatrabaho.

"Pero lagi po kayong mag-da-dahan-dahan, ha? Baka rayumahin po kayo," paalala ko rito.

"Para ka talagang si Dominic." Napangiti na lang ako at nagpaalam na.

Lumabas ako at dumiretso ng sala. Nandoon ang mga bata. Nakaupo sila sa lapag habang nakapatong ang ulo sa mga palad at tahimik na nanonood sa iPad ni Kaimeer.

Napangiti naman ako ng malungkot. Sana ang susunod na mag-aalaga sa kanila ay mahalin din sila ng totoo. Alagaan sana sila ng mabuti.

Isinawalang bahala ko ang lungkot na naramdaman at naglakad papalapit sa kanila.

"Anong pinapanood niyo? Sali ako." Napalingon naman sila sa akin at binigyan ako ng space kaya umupo ako ro'n at tumingin sa pinapanood nila.

Pinapanood nila ang Daddy nilang kumakanta. Ito ang latest music video niya.

Tungkol ito sa paghihiwalay nila ng babae dahil sa isang trahedya. Trahedyang biglaang binawi ang sayang sobra nilang tinatamasa.

"Dad sings so well," rinig kong komento ni Khaki.

"He's a good actor too," dagdag pa ni Kaimeer.

Hindi ko maiwasang matuwa sa kambal dahil kahit na itinatago sila ng Daddy nila sa mga tao ay hindi kailanman sumama ang loob nila dito. Bagkus sinsusuportahan pa nila ito.

Lord, kung ano man pong plano niyo sa kanilang pamilya, isa lang po ang hiling ko. Sana ay masaya sila.

Continue Reading

You'll Also Like

3.8M 161K 62
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...
10.9M 252K 60
𝐅𝐫𝐨𝐦 π„π§πžπ¦π’πžπ¬ 𝐭𝐨 π‹π¨π―πžπ«π¬ Enzo Mariano is known for being nothing but ruthless. He is feared by all in the Italian mafia. He kills on...
314K 8.4K 42
"I'm here, I'm alive and I love you, dad," π…π«πžπ π–πžπšπ¬π₯𝐞𝐲 𝐱 𝐨𝐜 π‡πšπ«π«π² 𝐏𝐨𝐭𝐭𝐞𝐫 𝐀𝐔 (π‘“π‘–π‘›π‘–π‘ β„Žπ‘’π‘‘)
19.6K 1K 15
Grumpy x Sunshine Just a small town baker in love with her small town grumpy firefighter. - This is a anthology, meaning all chapters can be read a...