Calming The Wild Heart ✓

By Bubblemiiint

3.4K 162 0

[COMPLETED] Gallianna Navarro -a person hated by the world. Since childhood ,she has experienced living with... More

Calming The Wild Heart
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45

Epilogue

111 4 0
By Bubblemiiint

Epilogue

Simula nung bata ako ay nakaranas na ako ng malupit na buhay. Mahirap lang ako at walang maipagmamalaki. Isang Mananahi ang mama ko samantalang ang papa ko naman ay isang taxi driver. Simple lang ang buhay namin at hindi naman ako nagrereklamo doon.

Masaya kami kahit punong puno na kami ng problema sa buhay. Iniisip namin ang pang araw araw na gastos dahil hindi naman sapat ang kinikita ng mga magulang ko sa mga trabaho nila. Sa murang edad ko ,di ko na na-enjoy ang pagiging childhood ko dahil ramdam ko sa ganitong estado ng buhay namin ay kailangan kong umisip ng paraan para makatulong sa magulang ko.

"Bakit di ka naglalabas diyan anak?"lumapit sa akin si Mama na kagagaling lang sa kanyang trabaho ,"Dapat sa ganyang edad mo ay nililibang mo ang sarili mo sa labas. Dapat nakikipag kaibigan ka sa mga kapitbahay natin hindi yung nagmumukmok ka dito sa kwarto mo."

Ngumiti ako ,"Ayos lang po ako dito. Hindi ko po trip makipag kaibigan sa labas po. Mas gugustuhin ko pong mag isa dahil mas kumportable po ako."

Wala namang nagawa si Mama kundi hayaan ako sa mga desisyon ko. Mas nagfocus ako sa pag aaral ko dahil mas nalilibang ako. Masyado pa akong bata noon para isipin ang pag aaral ko. Pero ayos lang yon dahil ginusto ko naman ayon.

Palagi akong nagkakaroon ng award sa school kaya proud na proud sa akin ang magulang ko. Pinaparamdam nila sa akin na mahal ako at sobrang proud sila sa mga nakukuha kong achievement sa school.

"Anak ,ano ba gusto mo paglaki mo?"biglang tanong sa akin ni Mama kaya napatigil ako sa pagsusulat ng notes ko dahil sa tanong niya.

Nag isip ako ,"Hmm ,gusto ko po maging doctor po."

Kumunot ang noo niya ,"Bakit naman?"

"Gusto ko pong makatulong po sa kapwa tao ko." Yon ang dahilan ko noon pero nag iba ang pananaw ko nung dumating ang panahon na di ko inasahan.

Naaksidente si Papa gamit ang taxi na ginagamit niya sa pasada. Natagilid ang taxi na pinapasada niya dahil may kotse siyang nakasalubong at bigla na lang nawalan ng preno siya ang naaksidente. Mabuti na lang ay di umalis ang may ari ng kotse na nakasalubong ni Papa kaya nadala din agad sa ospital si Papa non.

Pumunta kami ni Mama sa ospital nang malaman ang kalagayan ni Papa. Grabe ang kabang naramdaman ko dahil di ko inaasahan na grabe ang natamong pinsala kay Papa. Naiyak na lang kaming dalawa ni Mama nang malaman ang naging kalagayan ni Papa. Ang sabi ng doktor samin ay di na muli pa makakalakad si Papa dahil sa aksidente niyang natamo.

"Pasensya po kung ano man po ang naging kalagayan ng asawa nyo po ,"yumuko ng mariin ang lalaking nakabungguan ni Papa.

Di na rin kami nagsalita sa lalaking nakabungguan ni Papa dahil siya naman ang nagbayad ng bill ni Papa sa ospital kaya tinanggap na lang namin ang nangyari dahil naging responsable naman siyang tao dahil di niya tinakbuhan ang papa ko.

Simula nang mangyari ang trahedyang yon ,doon nagbago ang buhay namin. Hirap na hirap na si Mama sa mga gastusin namin dahil siya na lang ang nagtatrabaho sa bahay. Si Papa di na muli nakabalik sa trabaho niya dahil di na siya makakalakad. Ramdam ko ang hirap dahil di na ako magawang bigyan ni Mama ng pambaon ko sa school dahil di sapat ang perang nasasahod niya sa kanyang trabaho.

Kahit wala akong baon ay nagtutuloy ako pumasok dahil wala akong choice kundi gawin ang bagay na yon. Mahirap kami at tangi ko lang magagawa ay mag aral ng mabuti dahil alam ko sa sarii ko na ang edukasyon ang susi para makaahon kami sa hirap.

Yon ang tinatak ko sa isipan ko.

"Sawang sawa na ako sayo Fredrick alam mo ba yon?"kadadating ko pa lang sa bahay ay naririnig ko na ang sigaw ni Mama ,"Pagod na ako sa pang araw araw na gastusin?! Tanginang buhay kasi 'to ,kung nag-iingat ka sana edi sana di nagiging bullshit buhay natin!"

Napapikit ako ng mariin. Araw araw na lang sila nag aaway tungkol sa gastos sa bahay. Gusto ko man sila pakalmahin pero di ko magawa dahi natatakot ako na......magalit sa akin si Mama..

"Hindi ko ginusto ang buhay na 'to Clara ,walang may gustong ito! Gusto man kita tulungan pero di ko magawa dahil hindi ako makalakad!"mahinahong sabi ni Papa ,"Wala akong magawa kundi tingnan kita and I'm sorry kung wala ng kwenta ang asawa mo dahil wala na akong silbi."

Yon ang masakit na narinig ko galing kay Papa. Wala na siyang magagawa para tulungan si Mama sa mga gastusin namin sa bahay.

Nang makatungtong na ako sa high school doon na tuluyan nagkahiwalay ang mga magulang ko. Di na nakayanan ni Mama na makapiling pa si Papa dahil wala na siyang silbi. Lumipad na siya ng ibang bansa para doon magtrabaho. Nagpapadala naman si Mama ng pera para sa panggastos dito sa bahay pero sa mga gamot ni Papa ay di ko siya maaasahan dahil ni katiting wala siyang pinapadalang pera para kay Papa.

Mabuti na lang ay nagpakita si Tito Gilbert-ang taong nagbayad ng bill ni Papa sa hospital. Palagi siyang dumadalaw sa bahay kapag may free time siya. Naging magkaibigan sila ni Papa at minsan pa ay inaabutan pa ako ng pera ni Tito Gilbert para sa mga gamot at check up ni Papa.

Gustuhin ko mang di tanggapin yon pero wala na akong choice dahil wala naman akong trabaho.

"May anak po ba kayo Tito Gilbert?"tanong ko sa kanya.

Nandito ulit s'ya sa bahay para bumisita. Nagpapahinga ngayon si Papa sa kanyang kwarto kaya ako na lang ang kinausap ni Tito Gilbert.

Tumingin siya sa kanya saka ngumiti ,"Oo.".

Curious ako sa sinabi niya. May anak pala siya? Di ko alam yon ah?!

"Ka-edad mo lang din yung anak ko Bryle ,"he smiled ,"Mahal na mahal ko ang anak ko na yon. Kapag natatapos ako sa trabaho ko ay napapawi yung pagod ko kapag nakikita ko yung anak ko. Prinsesa ang turing ko doon dahil siya ang nag iisa kong anak."

Habang sinasabi niya yon ay nakikita ko sa kanyang mga mata ang lungkot at pagdudusa.

"Bakit nakikita ko sa iyong mata na malungkot ka po?"I asked softly.

Tipid siyang ngumiti ,"Sinaktan ko siya."

Nagulat ako sa sinabi. Ramdam ko ang sakit sa kanyang mata habang sinasabi niyang katagang yon para sa kanyang anak.

Ano ba ang ginawa niya?

"Iniwan ko ang mag iina ko para sa kapakanan nila ,"he chuckled softly ,"May nagbabanta sa buhay ko kaya nagsakripisyo ko para sa kanila. Ginawa ko lahat ang makakaya ko para bitawan na nila ako. Desperado na ako para iwan sila dahil yon ang naiisip kong paraan para di sila madamay."

Sinabi niya sa akin na nagawa niyang gamitin ang kaibigan ng asawa niya para palabasin na may ibang babae na siya. Nalaman ng asawa niya yon kaya kahit papaano ay nasusunod naman daw ang plano.

"I'm such a bad person to do that to my own family. I hurt my wife and my child just because someone threatened my life. Even though it hurt, I did everything to leave them because I think that's the right thing to do."he said ,sadly.

"It's been seven years but I still regret the wrong decisions I made. The two most important people in my life, Bryle,"he bit his lips," Are gone-and I don't have the strength to show them because I know for myself that they won't accept me."

Nang malaman ko ang kwento niya ay nagkaroon ako ng awa sa kanya. Siguro kung ako ang anak niya magagalit ako sa kanya dahil iniwan akong mag isa. At alam kong ganun din mararamdaman ang anak niya.

Akala ko walang problema si Tito Gilbert pero doon ako nagkakamali. Sa likod ng masaya niyang mukha.....nakatago pala ang lungkot ng buhay niya sa pamilyang naiwan niya.

Naglilinis kaming dalawa ni Lucio dito malapit sa faculty room dahil bigla kaming nagka-minor offense ni Lucio dahil nahuli kami ng guard na nagcu-cutting classes. Nadamay lang talaga ako sa gagong 'to kaya ang ending pinaglinis kami ng kalat ng mga ibang estudyante.

Habang naglilinis ako dito malapit sa faculty room ay di ko mapigilan tumingin sa babaeng nakaupo doon sa bench at mukhang may kinakausap pa sa cellphone niya.

Napatitig ako ng matagal sa kanya. Mestisa ,dark brown ang kulay ng kanyang buhok ,ang buhok niya hanggang balikat lang ,parang nasa 5'5 ang height at sobrang ganda niyang tingnan na parang dyosa lang.

Parang ngayon ko lang siya napansin..

Curious ako sa kanyang pangalan kaya di ko na napigilan tanungin ang kasama kong naglilinis dito.

"Psst Lucio!"tawag ko sa kanya saka siya lumingon sa akin na nagtataka. Sinenyasan ko siya na lumapit dito kaya sumunod naman agad siya.

"Ano ba yon?"kunot ang kanyang noo na lumapit siya sa akin.

"Itatanong ko lang kung kilala mo ba yung babaeng nakaupo doon sa bench?"nguso ko habang di ko pa inaalis ang tingin ko sa magandang babae.

"Ah yan ba?"he asked then I nodded ,"Si Gallianna Navarro. Taga section B yan."

Navarro?

"Gallianna name niya?"tanong ko ulit sa kanya saka siya tumango. Maya't maya nakita ko siyang ngumisi na parang tanga ,"Bakit ganyan itsura mo?"

"Type mo siguro yan noh?"tanong niya sa akin kaya di ako nakasagot doon. Ano naman kung type ko ,"Sus Bryle ,wag ka ng umasa diyan kay Gallianna. Balita ko pag may nanliligaw sa kanya nirereject niya din agad."

Napaawang ang labi ko. Ganon?

"Wag mo ng subukan kapatid masasaktan ka lang ,"he chuckled then patted my shoulder before returning to his cleaning.

Napailing ako. Malay natin baka mainlove siya.

Di na naalis sa isipan ko ang babaeng nakakuha ng atensyon sa akin. Kapag nag aaral ako tuwing gabi kinikilig na lang ako na parang tanga kapag naaalala ko ang kanyang mukha. Unang kita ko pa lang nagandahan at nagustuhan ko na siya.

Swerte naman niya kung sakali dahil siya pa lang ang unang babaeng nagustuhan ko pa lang!

"Uy pre ,gusto mo ba mag apply ng trabaho?"napatigil ako sa pagsusulat ko ng bigla akong lapitan ni Jonas.

Kumunot bahagya ang noo ko ,"Anong klaseng trabaho?"

Curious ako di ko naman alam kung yang inaalok niyang trabaho ay masama. Mabuti nang masiguro! kung iaalok niya ako ng maduming trabaho ,di bale na lang!

"Part time job lang ,"maayos na sagot niya ,"Sa coffee shop. Naghahanap kasi sila ng working student eh nangangailangan rin ako ng pwedeng pagkakitaan tapos naisip kong pwede ko sabihin sayo since noon pa man gusto mo mag apply ng trabaho diba?"

Napaisip ako bigla doon. Biglang nagkainteresado ako sa sinabi ni Jonas pero sinabi ko sa kanya na sasabihin ko muna kay Papa para wala na maging problema.

"Ano! gusto mo mag apply ng trabaho ,"nakita ko ang gulat sa mga mata ni Papa nang sabihin ko ang bagay na yon ,"Sigurado ka ba sa gagawin mo?"

Tumango ako ,"Sigurado po ako Papa. Ayoko namang maging pabigat na lang dito sa bahay. Tsaka...gusto kong may mapagkakitaan ako para ako na ang sasagot sa mga check up at mga gamot mo."

Nahihiya na kasi ako kay Tito Gilbert dahil siya ang madalas sumasagot sa mga pangangailangan ni Papa na dapat di naman niya kailangan gawin yon. Di ko na rin talaga mapipilit si Mama kung ayaw niyang bigyan ng budget si Papa tungkol sa mga pangangailangan niya.

Kahit di sang ayon si Papa sa naging desisyon ko ay pinayagan na niya. Sinuguro ko naman sa kanya na di ko pababayaan ang pag aaral ko kapag nagtrabaho na ako.

Pag aaral pa rin ang focus ko.

Nag-apply nga kaming dalawa ni Jonas sa coffee shop na tinutukoy niya and thankfully ,natanggap naman kami dahil yung may ari ng coffee shop na yon ay mabait. Kaya nung first day namin ay marami na kaming nakasundong mga kasamahan dahil mga approachable at mga mababait naman.

Nang nagtatrabaho na ako sa coffee shop na yon ay mas lalo ginaganahan akong magtrabaho dahil madalas nakikita ko si Gallianna na tumatambay doon-kasama ang mga kaibigan niya. Pasimple akong sumusulyap sa kanya dahil nakikita ko na naman ang sungit niyang mukha.

Kahit masungit ang ganda niya pa rin.

Di nakakasawa.

Nang tumungtong na ako ng Grade 9 ay ganon pa rin ang buhay ko. Trabaho ,aral ,trabaho ,aral. Paulit ulit lang pero ayos lang sa akin. Dahil sa pagiging ultimate crush ko kay Gallianna ay nagiging stalker na niya ako. Kahit saan siya magpunta sa campus ay pasimple ko siyang sinusundan-mukhang di naman niya ako napapansin kaya mas tinutuloy ko na.

Minsan pa nga ay nagpapadala ako sa kanya ng love letter at nilalagay ko yon sa kanyang locker. Gumagawa ako ng paraan para mabuksan ko lang ang locker niya dahil para doon ilagay ang mga love letter na ginagawa ko sa kanya. Mukha naman akong creepy dahil sa ginagawa ko pero eto lang ang tangi kong paraan para mapansin man niya ako.

Binabasa naman niya yung mga love letter na nakikita niya sa locker niya at ni minsan di niya tinatapon yon. Bagkus ,nilalagay niya lang yon sa locker at wala siyang pakialam kung sobrang dami na ng love letter yon.

Pero nung nahuli ako ni Lucio dahil sa pagiging stalker ko kay Gallianna ay pinagsabihan niya ako na di ko dapat ginagawa yon. Di daw ganon ang paraan para mapansin man ako ni Gallianna.

"Di nakakapogi points ang pagiging stalker pre ,"pangaral niya sa akin ,"Kung gusto mo ang isang tao dapat idirekta mo mismo sa kanya. Ang creepy ang ginagawa mo! Sobrang mali.."

Kaya simula nun ay tinigil ko na ang pagiging stalker ko kay Gallianna. Kuntento na ako sa pasulyap sulyap ko sa kanya at napapangiti ako kapag nakikita kong nag eenjoy siya sa kanyang ginagawa.

Nabalitaan ko rin sa ibang classmate ko na bully si Gallianna dito pero parang wala akong narinig sa nagiging issue niya dito sa school. Parang nagiging bulag ako kapag nakakagawa siya ng hindi maganda dito sa MSU.

Nakakaloko talaga ang pag ibig.

Nang mag grade 10 na ako ay doon nagsimula na naging seryoso ako sa pag aaral. Di ko muna inisip si Gallianna nung panahon yon dahil iniisip ko muna ang pag aaral ko dahil gusto ko maging highest honor pa rin ako bago ako mag moving up. Puro Gallianna na kasi ang nasa utak ko kaya para ma-reach ko ang goal na yon ay pansamantala ko muna siya kakalimutan.

Napag alaman ko na anak pala ni Gallianna si Tito Gilbert. Paano ko nalaman? tinanong sa akin ni Tito Gilbert kung sino daw ba yung babaeng nakita niya sa picture doon sa camera ko at sinabi ko naman ang pangalan-nagulat siya at sinabi niya sa akin ay yun daw ang anak niya na tinutukoy niya sa akin.

Nagulat ako dahil ang naging crush ko yung anak niya. Pinagsabihan niya ako na bantayan ko daw maiigi ang anak niya dahil wala na talaga siya naging balita simula nung iwan niya iyon kaya pumayag na ako.

Simple lang naman ang hinihiling niya eh.

"Bakit ka nandito Patricia?"kunot na tanong ko sa kanya. Nagulat na lang ako na katabi ko na siya sa desk na inuupuan ko. Taga kabilang section kasi siya kaya alam ko kapag dumadayo siya sa room ay alam kong may kailangan na naman 'to.

Kilalang kilala ko na si Patricia. Buong buhay ay alam ko na dahil bestfriend ko siya simula nung elementary.

"Sumali ka sa partylist namin ,"nagulantang ako sa biglang pagsabi ni Patricia sa akin. Chill na chill pa siya nung sinabi niya sa akin yon ,"Kulang kami."

"W-what?"hanggang ngayon di pa ako maka get over. Bakit ako?

"Bakit? may angal ka?"sigang sabi niya di ako makasagot sa kanya ,"Sumali ka na please? Sumali kaya si Lucio sa amin alam mo ba yon?"

Huh? sumali yong gago? Ano namang alam yon? Eh siya nga una't unang pasimuno dito sa school na 'to!

"Auditor ang napiling takbuhan ng bestfriend mo ,kulang kami ng treasurer kaya napag isip kong ikaw na lang!"naningkit ang kanyang mata.

"Bakit ako? Wala naman akong alam diyan! saka.....wala akong experience sa ganyan!"

Naging class president ako pero iba ang class officer sa room sa partylist sa school na 'to! Wala akong experience at takot nga ako na may tumitingin sa akin e!

"Wag ka ngang maraming dahilan dyan! Alam kong kayang kaya mo yan! Ikaw pa ,ikaw kaya ang palaging pambato ng MSU kapag may mga events sila like quiz bee ,spelling bee ,poster and slogan!"singhal niya pa ,"Kaya dali na sumali ka na! Subukan mo lang kung matalo ka atleast nasubukan mo diba?"

Marami pang pambobolang ginawa si Patricia bago niya ako mapapayag. Dami dami ko na ngang responsibilidad sa buhay may dadagdag pa?! Grabeng buhay naman 'to!

Nanalo ako bilang treasurer sa partylist namin kaya si Patricia tuwang tuwa dahil nanalo ako. Sa sobrang tuwa nasampal niya ako ng malakas sa pisngi kaya nagulat at nagsorry siya sa akin!

Grabe talaga 'tong matuwa ,nananakit na lang siya na di niya namamalayan!

Nagsisi ako na kumagat ako sa pambobola sa akin ni Patricia dahil wala na ako nagiging pahinga simula na maging treasurer ako. Ako ang madalas nangongolekta ng mga gastusin lalo na't sa mga paparating event. Nagmumukha na akong pagod dahil sa daming ginagawa.

Akala ko pa-easy easy lang ,doon ako nagkakamali.

Nang magkaroon ng JS prom ay nagkaroon ako ng kaba sa dibdib dahil alam kong makikita ko na naman si Gallianna dito. Kaya umattend ako sa JS prom na 'to dahil sa kanya-aayain ko kasi siyang sumayaw mamaya dahil ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob para lapitan at kausapin siya.

Nakakaba dahil di ko naman alam ang magiging sagot niya kung irereject man ako o hindi.

Pero napawi ang naging ngiti ko dahil sa mga sinagot niya

"I'm sorry ,I don't dance someone like you ,"malamig na sabi niya ,"Just find someone you can dance with tonight. I think we can't dance because it's obvious from your clothes that you won't be suitable for me."

Tumingin ako sa clothes at wala namang mali dahil parang katulad din naman 'to sa mga estudyanteng nandito sa sa JS Prom. Pinahiram ko pa nga lang ito sa kapatid ni Lucio eh!

"I think-"di ko na natuloy ang dapat kong sasabihin na bigla na lang niya ako talikuran.

Grabe ,emotional damage pala yon!

Grabe naman pala si crush ,simple lang ang sinabi pero ang sakit sa puso.

"Ayos ka lang ,"napalingon ako na biglang magsalita si Lucio sa tabi ko ,"Di ka pa lang nanliligaw pero nireject ka na agad."

Ngumiti ako ,"Okay lang ako."

Pero deep inside masakit... first time ko lang pero napahiya na ako.

Kaya nung gabing yon ay kumain na ang ako ng kumain dahil wala naman gustong ayain ako sumayaw. Si Lucio iniwan na rin niya ako dahil may nakita siyang magandang dilag dito at inaya niyang sumayaw di ko alam kung ano na nangyari don dahil di na siya bumalik dito sa table na pinagpepwestuhan ko.

Kumain lang ako ng kumain hanggang di pa ako nabubusog dito.

Nanalo bilang Prom King and Queen sina Dennis at Gallianna. Tanging nagawa ko na lang pumalakpak ng pumalakpak dahil nakikisabay ako sa mga palakpakan ng mga estudyante dito.

Boring pala ng JS prom.

Nang makagraduate na ako sa Grade 10 naging highest honor nga ako kaya sobrang proud na proud na naman si Papa sa akin dahil sa natanggap ko. Nakatanggap din ako ng greetings kay Mama dahil nang malaman niya ang outstanding ko sa school ay agad siya nakipag videocall sa akin para i-congrats niya ako. Umiiyak pa nga siya nung makausap ko siya dahil swerte daw siya na nagkaroon daw siya ng anak na matalino at masipag.

Mga magulang ko talaga ang dahilan kung bakit nagpupursigi ako na mag aral ng maayos. Sila ang dahilan kung bakit hanggang ngayon di ako nawawala sa ranking.

My chosen strand in Grade 11 is Science, Technology, Engineering and Mathematics or STEM because the course I will take in college is aligned with it. Lucio became my classmate again so I almost gasped because he was going to be with me again? I'm getting tired of his face?!

"Sumali ka sa SSG ,"I barely closed the book I was reading when I heard Patricia's voice beside me ,"Tumakbo kang Vice President."

Na naman?

Tumingin ako sa kanya ,"Nung dati treasurer ngayon naman Vice President ,bakit ako lagi trip mo ha?"

Natawa siya ng mahina. Nakuha niya pang tumawa sa lagay na yan?!

"Dahil bagay sayo kaya ikaw ang pinagdidiskitahan ko?"she bit her lips ,"Tatakbo akong president kaya gusto ko ikaw ang maging bise presidente ko dahil may kakayahan kang gawin ang trabaho ng isang vice president."

Nakakasawa na talaga siyang maging kaibigan.

"At nakikita ko noon sa performance mo na responsable kang officer Bryle Nero Zendrano ,"she said my full name ,"At gusto ko ikaw ang maging katulong ko."

Lakas talaga ng trip nito ni Patricia ,buti na lang nasasabayan ko mga trip nito.

"Matagal tagal pa naman ang eleksyon kaya sana pag isipan mo ang sinabi ko ,"she playfully smile before suddenly leave me.

Di na muli akong ginulo ni Patricia pagkatapos nun kaya tumahimik ulit ang buhay ko. Pag nakikita ko kasi yon talagang may kailangan siyang sabihin sa akin o may hinihingi siyang pabor-pero kapag wala siyang kailangan sa akin di naman siya nagpapakita.

May lahi lang talagang kabute si Patricia dahil palaging sumusulpot sa harapan ko.

Pero kalaunan ay tinanggap ko na rin nang muli na naman siyang magpakita sa harapan ko. Para matigil na siya sa katangahan na ginagawa niya dahil naiirita lang ako. Naging madali naman ang pangangampanya namin dahil ginawa namin ang lahat para ang mag estudyante ay bumoto sa amin. Naglilibot kami sa buong strand para maengganyo sila para kami ang botohin nila.

Napako pa nga ang atensyon ko na nakatitig sa akin si Gallianna habang may lollipop sa kanyang bibig. Naiilang pa nga ako dahil ako yung nagsasalita sa harapan. Thankfully ,natapos rin kaya nakahinga rin ako ng maluwag.

Nang makatungtong na ako ng Grade 12 ay naging Vice President na ako ng SSG kaya mas naging responsable na ako sa nangyayari sa mga estudyante. Di naging madali ang pagiging SSG officer dahil tinutulungan ko palagi si Patricia kapag may di siya tinatapos na gawain.

Lahat kami pagod dahil sa mga paparating na event ng mga ibang strand ,ramdam ko na rin kay Patricia na pagod siya kaya nagbabayanihan kami para matapos yung mga dapat naming tapusin dito sa mga event na ihahanda namin.

Nakakapagod pero sulit kapag na-appreciate ng iba ang mga effort ng mga SSG officer.

Naging successful ang event na yon kaya nagkaroon kami ng kaonting selebrasyon pagkatapos nun. Naging mas close kami ni Patricia kaya marami sa mga kasamahan namin doon na shiniship kami dahil bagay daw kami.

Ngumingiti lang si Patricia doon dahil parang ayaw niyang sagutin ang bagay na yon. Ayos na rin sa akin yon dahil kahit ako din naman ngingiti lang ako dahil di ko alam ang magiging sagot ko.

Bestfriend kami kaya normal samin na mas maging close kami.

Nagmamadali akong pumasok ng MSU dahil kanina pa nagchachat si Patricia tungkol sa napag usapan namin. Didiretso na sana ako ng SSG office pero yung atensyon ko napatingin sa isang babaeng pamilyar sa akin.

Mukhang.....nakikipag away pa.

Yah ,si Gallianna nga tong nakikita ko.

"Ako papatol sayo sa itsurang mong yan? kahit ibang babae di papatol sayo eh."napaawang ang labi ko dahil sa tinuran niya.

Wow ,emotional damage.

Nakatingin pa rin ako sa kanilang dalawa dahil may mga estudyante napapatingin na sa kanila. Kahit ayokong sumali sa gulo ay nagawa kong lumapit sa banda nila dahil malay mo baka patulan pa ni Chevy si Gallianna. SSG officer ako kaya may karapatan ako na mapigilan sila kung mag aaway sila ng tuluyan.

"Ni minsan nga di kita nilalapitan dito tapos sasabihin ng girlfriend mo nilalandi kita. Like what the fuck? kung papatol man ako sa isang lalaki yung may itsura naman at may pangarap sa buhay."she said seriously ,"Hindi katulad mo na mukhang walang pangarap sa buhay at puro papogi lang ang alam."

more emotional damage.

Grabe naman pala 'tong mang trashtalk crush ,sapol na sapol na kay Chevy.

"Fucking bitch!"sigaw ni Chevy na mapipikon na. Na-alarma na ako dahil akmang sasampalin na niya si Gallianna-pero good thing napigilan ko ang pananampal niya sa crush ko dahil nahawakan ko na kamay niya..

"Stop it ,Chevy! kalalaki mong tao pumapatol ka sa babae."malamig na sabi ko kaya biglang napatingin sa akin si Chevy na masama ang tingin.

Wala ba 'tong nanay? Walang respeto sa babae!

"Wag kang mangialam dito ,Bryle kung ayaw mong ikaw ang isunod ko!"galit na sabi niya kaya di ko mapigilan paningkitan siya ng mata.

Really? as if!

"Makikialam ako dahil SSG vice president ako."seryosong sabi ko sa kanya.

Ano pang silbi na naging Vice president ako kung hindi ko gagamitin ang kapangyarihan ko?

Dami pang sinasabi si Chevy sa akin pero di ako nagpatalo sa kanya. Kalalaking tao pati babae pinapatulan ,kung patulan ko kaya tong lalaki na 'to mawawala kaya siguro ang angas nito?

Nang makaalis na si Chevy ay bumaling agad ang tingin ko kay Gallianna na di maipinta ang kanyang mukha. Kawawa naman crush ko! Sarap siya halikan!

Haynako Bryle ,ang aga aga landi na inaatupag mo.

"Are you okay?"tanong ko sa kanya at marahan ko siyang hinawakan ang balikat niya.

She rolled my eyes. Suplada na naman niya.

"Hindi ako okay ,Bryle."padarag niyang inalis ang kamay ko sa kanyang balikat ,"Alam mo namang pinagbuhatan na ako ng kamay ng gagong yun ,nagtatanong ka pa kung okay lang ako? Are you stupid?"

Sakit na naman niya ulit magsalita. Nagtatanong lang naman e.

Umalis na siya sa harapan mo kaya napaawang ang labi ko. Di man lang ba siya magpapasalamat sa akin? Wala talaga? Final answer?

Okay! Madali naman akong kausap!

Umalis na rin ako dahil hinihintay pa ako ni Patpat don sa SSG office. Sandali lang naman kami nag usap dahil nagring na ang bell na hudyat na magsisimula na ang klase ,kaya umalis na kami sa SSG office para pumunta na sa mga room building namin. Di ko na nagawang samahin si Patpat dahil wala ng oras dahil magsisimula na ang klase.

Nang matapos ang klase ay pumunta ako sa ABM building para makita si Gallianna. Gusto ko siyang samahan na sa clinic para gamutin yung pisngi niya dahil alam kong sobrang lakas ng pagkakasampal ni Chevy sa kanya dahil sobrang pamumula yung ng pisngi niya kanina.

Thankfully ,di naman siya naging sakit sa ulo dahil sumama naman siya sa akin kahit nakabusangot ang kanyang mukha. Nagkaroon pa kami ng pagtatalo nung ginagamot ko na siya. Nagfeeling masungit ako sa kanya dahil kanina pa niya ako tinatalak dahil di ko naman daw responsibilidad na gawin yon dahil di naman daw kami magkaibigan.

Responsibilidad ko yon dahil crush ko siya! At ayoko namang kinakawawa ang crush ko noh!

Akala ko yun na ang huling araw na magkikita kami ng crush ko-pero nagkamali ako dahil nagtagpo na naman ang landas namin sa Guidance office. Sumasakit na ang ulo ni Mrs. Zamora kina Chevy at Gallianna dahil na-guidance office silang dalawa dahil nag away na naman. Inaawat na rin namin ni Patricia ang dalawa dahil nagsisigawan na sila dito sa loob ng guidance office.

Bakit naman kasi tinapunan ng pagkain? Yan tuloy nadamay na naman crush ko?!

Nang dumating ang Mommy ni Gallianna ay doon nagtapos ang lahat. Walang batian na naganap dahil ang dalawa ay mataas ang pride. Dahil sumasakit na nga ang ulo mi Mrs. Zamora ay tinapos na niya ang pag uusap.

Kinabukasan ay nakita ko na naman si Gallianna na nakatambay na naman sa rooftop. I sighed ,sinabihan ko na siya nung nakaraan na wag na siyang pumunta dito dahil restricted area ang lugar na 'to pero talagang ang tigas ng ulo niya at pumunta na naman siya dito.

Di ko na magawang sawayin siya ngayon dahil nung nakita ko ang mukha niya ay bigla akong naawa dahil kita ko sa mga mukha niya ang lungkot. Kahit di niya sabihin ay alam ko na-tungkol ito sa nangyari kahapon at panigurado akong pinagalitan siya ng Mommy niya.

At yon ,totoo nga! Nadissapoint ang Mommy niya sa nangyari kahapon. Wala naman ako magawa kundi kausapin siya at pakinggan mga hinaing niya. Sinasabi pa niya sa akin kung sawang sawa na ba kami sa kanya dahil takaw siya ng gulo ng MSU.

Takaw siya sa gulo pero tingnan mo naman di pa siya nakikick out dito sa school. Balita ko rin kaya di rin talaga siya maalis dito sa school kahit ang dami na niyang ginawang kasalanan dahil palagi siyang nagiging top 1 sa klase. Palaging mataas ang nagiging grade niya kahit nasasali siya sa gulo.

Para mabawasan kahit papano ang bigat ng nararamdaman niya ay inaya ko siya mag ice cream. Sabi kasi ng mga kaklase ko ,kapag malungkot sila o may problema silang dinadala ay bumibili sila ng ice cream para mabawasan kahit papaano ang kanilang nararamdaman.

Kaya ngayon malungkot si Gallianna gusto ko siyang ilibre dahil afford ko naman siyang libre ng ganong pagkain. Di naman ako masyadong magastos kaya may pera ako sa wallet ko just in case na may gusto akong bilhin.

Pinagmamasdan ko lang siya habang kumakain siya ng ice cream. Alam kong naiilang na siya dahil halata sa mukha niya na ayaw niya akong tignan pero kalaunan ay sinaway na niya ako dahil sobrang ilang na ilang na talaga siya sa akin.

Hinatid ko na rin siya pauwi pagtapos non dahil mag aalas otso na ng gabi yon. Nagpasalamat siya dahil doon kaya ngumiti ako. Pinigilan ko ang kilig dahil nakakahiya naman kung makita niya ako kung paano kiligin.

Saka ,di niya alam na crush ko siya!

Kaya nang makauwi na ako ng bahay ay di nawawala ang ngiti sa mga labi ko-na kahit si Papa ay nagtataka na dahil kahit kumakain ako ay nakangiti pa rin ako. Ganon siguro ang feeling kapag nakasama mo ng kahit sandali ang crush mo noh?

"Ang lala mo na nak ,di na kita kilala ,"natatawang sabi niya ,"Siya pa rin ba? Kaya ganyan ka makangiti ng wagas?"

Tumingin ako kay Papa at dahan dahan akong tumango ,"Opo Pa ,siya pa rin po hanggang ngayon."

Siya pa rin ang crush ko kahit ni-reject niya ko nung JS Prom.

Kaya pagtapos kong kumain ay dumiretso na ako sa kwarto para sana humiga na. Pero naramdaman ko na tumunog ang cellphone ko kaya tinignan ko yon halos di ako makagalaw sa kinatatayuan ko na dahil sa nakikita ko sa screen ng cellphone.

Totoo ba 'to? In-accept na niya? Real ba?!

Yung crush ko nagchat na sa akin!

Gallianna Navarro:

Hi ,thank u for add me in my facebook account.

Bryle ,salamat ulit dahil kahit paano nabawasan ang bigat kong nararamdaman. Naappreciate ko :))

By the way ,ice cream is my comfort food. Kaya kung sakaling makita mo akong malungkot dalhan mo lang ako ng ice cream okay?

Napahawak na lang ako sa dibdib ko dahil sa sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko. Eto na ba ang simula ng love story namin? parang mamamatay na ako dahil sa ginagawa sa akin ni Gallianna.

Di ko na magawang replyan siya dahil gusto kong sabihin kay Lucio na yung crush ko nagchat na sa akin! Thankfully ,nakabukas si gago kaya agad ko siyang chinat-sineen naman niya agad ako kaya sinabi ko na sa kanya yung tungkol sa pag-accept sa akin ni Gallianna kanina!

Para akong babae kung kiligin dito dahil pati pag accept sa akin ay binibig-deal ko pa!

Lucio Nuñez:

Chinat ka lang sa tingin mo gusto ka ni Gallianna🤣

Napasimangot ako dahil sa sinabi niya. Lakas talaga ng trip nito ni Lucio! Lahat na lang kasiyahan ko gusto niyang sirain!

Bryle Zendrano:

Shut up ,ah basta masaya ako na friend na kami sa facebook!

Lucio Nuñez:

Haha. Magsaya ka lang pre dahil hanggang friends lang naman kayo ,wag ka ng umasa na aabot pa kayo sa more than friends🤣🤣

Dahil sa sobrang inis ko sa kanya ay pinatay ko na yung cellphone ko. Lakas talaga mang asar! Who you siya sa akin kapag mapasagot ko yang crush ko! Konting panahon lang naman hihintayin ko liligawan ko din siya kapag naging mas close na kami!

Pero akala ko magtutuloy tuloy ang unting unti pagkilala ko kay Gallianna pero doon ako nagkakamali. Bigla na lang siya nagsungit sa akin at tinataboy na naman niya ako. Kumukunot palagi ang noo ko dahil wala naman akong ginawang masama kaya di ko alam bakit bumalik na naman siya sa pagiging masungit!

Ano kayang nagawa kong kasalanan para bumalik na naman siya sa pagiging masungit?

Para matapos na 'tong kahibangan ko ay chinat ko siya sa messenger para humingi ng tawad kung ano man ang naging kasalanan ko kung bakit siya nagkakaganito. Sinabi ko rin sa kanya na gusto ko siyang kaibiganin parang mas lalo ko pa siyang makilala ng lubusan.

At sana pumayag siya...

Pero nagulat ako na sumugod siya sa SSG office dahil sinisigawan niya ang walang ka-malay malay na Lucio. Bigla na lang niya akong pinagsisigaw sa harapan ko at hindi ko talaga alam kung ano na naman ang nagawa kong kasalanan para magalit na naman siya.

Mas lalo siyang nagalit.

Kaya ginawa ko ang lahat para magka-ayos kami. Ako ang naatasan mag announce para sa foundation day na paparating. Mabuti at sa akin yon naatasan dahil desperado na talaga akong makausap ng masinsinan si Gallianna. Pero nang mag announce ako sa room niya yung mga kaklase niya ay parang mga showbiz reporter dahil pati ba naman rumored tungkol sa amin ni Patricia ay gusto pang itanong.

Walang namamagitan saming dalawa ni Patricia. Di ko talaga alam ang mga tao simple pag-care o pagtulong ko kay Patricia ay binibigyan nila agad ng meaning.

Nang sumapit ang foundation day ay talagang umasa ako na aattend si Gallianna ngayon. Dahil last year di siya umattend sa ganitong event ng school dahil di siguro talaga siya nag eenjoy kaya buong linggo nun hindi ko makita ang anino niya. But thankfully ,nakita ko siya at kausap naman niya si Chevy.

Pero bago pa magkainitan silang dalawa ay pumagitna na ako. Sinaway ko si Chevy na kahit sa foundation day ay tumigil na siya sa kakabully. Buti naman at nakinig siya dahil kung hindi masasapak ko na to ng wala sa oras!

Malaki ang ngiti sa mga labi ko na pumayag si Gallianna na subukan ang activities dito sa foundation day. Ginawa ko lahat ang best ko para maging memorable ang foundation day na kasama niya ako. Nakikita ko naman sa kanyang mukha na nag-eenjoy naman siya kahit di man niya aminin yon sa sarili niya.

Nang sumunod na araw wala akong oras para makipagkita o abalahin siya dahil inatasan ako ni Patricia na ihandle muna ang mga sasali sa paligsahan para sa huling araw ng foundation day. Naistress pa nga ako dahil ang gugulo pa ng mga gustong sumali pero kalaunan ay natapos din bandang hapon. Di ko na nahagilap pang muli si Gallianna dahil ni anino niya ay di ko na makita.

Napadpad ang mga paa ko sa bagong booth na ginawa namin ng mga SSG officer. Di ko alam kung bakit nagawa kong magsulat ng nararamdaman para kay Gallianna. Dito ko lang masasabi sa kanya ang tunay kong nararamdaman kung gaano ako ka-proud sa kanya. Wala akong lakas na sabihin ito kaya mabuti na lang ay may ganitong naisip si Patricia na ganitong klase na booth.

Duwag ako dahil natatakot akong sabihin.

Pero nawala ang duwag ko na nagkaroon ako ng lakas ng loob para magtapat sa kanya. Yes ,I confessed my feelings to her. Sa tingin ko kailangan kong masabi na sa kanya ang nararamdaman ko dahil kapag pinatagal ko pa baka mas lalo kang mawalan ng pag asa. Huling taon na namin dito sa MSU kaya ayokong magsisi bandang huli na di ko masabi ang nararamdaman ko.

Takot man ako ma-reject pero bahala na basta umamin ako at alam niya.

Pero mas lalong sumaya ang puso ko na sinabi niyang gusto niya ako. Di pa rin talaga nag sisink in yon sa akin kaya di ko na sinayang ang pagkakataon na nagpaalam ako sa kanya kung pwede ko ba siyang ligawan! Nagulat man siya pero desidido na akong ligawan siya dahil sayang ang pagkakataon!

Di ako marunong manligaw pero pipilitin kong pag aralan para sa kanya.

Ilang araw niya pinag isipan yon bago niya ako payagan kaya mas lalong lumaki ang ngiti ko. Nang magsimula ako manligaw sa kanya ay ginawa ko ang best ko kung paano siya tratuhin ng tama. Sabay kaming pumapasok at umuuwi ,kumakain kami ng Pares after class ,kapag nagkikita kami binibigyan ko siyang isang rosas-di ko pa afford ang isang boquet na flower kaya isang rosas muna mga binibigay ko.

Nanghihingi ako ng tulong kay Tito Gilbert kung paano talaga manligaw and binibigyan naman niya ako ng tips kaya effective kaya natatawa na lang siya sa akin. Nanliligaw pa lang ako sa anak niya pero botong boto na agad siya sa akin!

Ilang buwan din ako nanligaw kay Gallianna bago niya ako sagutin. Ako ata ang pinakamaswerteng tao sa mundo dahil ako lang ang nagbukod tanging nakapasok sa buhay ni Gallianna. Agad din naman yun kumalat sa campus kaya maraming bumati sa relasyon namin ni Gallianna-ang iba naman di tanggap dahil para sa kanila di daw kami bagay ni Gallianna-dahil isang bully si Gallianna samantala ako ay isang good student.

S'yempre pinagtanggol ko ang girlfriend ko. Wala silang karapatan para pagsalitaan ng ganon ang mahal ko dahil di naman nila kilala ng lubusan si Gallianna. Nakakasama ba nila ng matagal? Nakakausap ba nila?

Di'ba hindi naman. Ako lang ang makakaintindi sa ugali niya ,kaya wala silang karapatan para kwestyunin ang pagmamahal ko kay Gallianna.

Sabay parati kami nag aaral kaya natatawa ako kapag naiistress si Gallianna sa specialized subject niya na FABM ,nagsisigaw na siya dito dahil hanggang ngayon ay di niya pa rin makuha yung tamang sagot. Tinatawanan ko na lang siya dahil yun lang ang tanging magagawa ako.

"Bat mo ba ako tinatanawanan ha?"iritang sabi niya ,"Alam mo bang hirap na hirap na ako dito sa FABM tapos ikaw tumatawa diyan. Parang hindi ka naghihirap sa subject mo!"

I chuckled ,"Di naman talaga ako nahihirapan ,"and then ,hinampas niya ako sa braso kaya mas lalo ko siyang iniinis.

Dahil naawa naman ako sa kanya ay kinapalan ko na ang mukha ko para humingi ng tulong sa kaklase niyang si Kevin para magpatulong sa subject na FABM.

STEM students ako pero pag aaralan ko ang specialized subject ng ABM para sa kanya. Gusto ko kasi siyang matulungan.

"Sure ka ba talagang pag aaralan mo yung FABM?"he asked then I nodded ,"Mahirap to pre ,baka di mo ma-gets to dahil taga STEM ka."

"Trust me bro ,kaya ko yan."I replied to him ,"Turuan mo lang ako yung mga nalesson ng mga prof niyo ,magegets ko din agad yan."

At yon nga tinuruan nga ako ni Kevin sa subject na FABM at nagets ko din naman agad dahil malinaw ang tinuturo niya. Laking gulat nga ni Gallianna na tinuturuan ko siya at tama ang naging sagot niya. Nagtanong siya sa akin kung sino nagturo sa akin pero di ko sinabi. Secret na lang yon ,basta natutulungan ko siya sa mga subject na nahihirapan siya.

Nalaman ko din na nagkabalikan na rin ang parents niya-gusto ko man sabihin kay Gallianna pero napapangunahan ako ng takot dahil baka di siya matuwa sa mga sasabihin ko. Alam kong malaki ang galit ni Gallianna kay Tito Gilbert dahil paulit ulit niyang sinasabi yon-di niya makikita ang sarili niya na patawarin si Tito Gilbert.

Sinabi rin sa akin ni Tita Carmela na di pa daw ang panahon para sabihin ko kay Gallianna ang totoo kaya wala akong magawa kundi ipilit itago yon. Ayoko mang magsinungaling pero kailangan dahil alam ko pati ako madadamay sa galit niya kapag nalaman niya ang totoo.

Pero nang malaman niya ang totoo ay naglayas siya ng bahay habang pinapalamig ko ang ulo niya. Nagrequest siya ng cool off sa akin para makapag isip siya ng maayos pero nang malaman ko yon ay wala na akong pakialam basta makausap ko lang siya. Nang makita ko siya ay niyakap ko siya dahil nakita ko siyang umiiyak. Cinomfort comfort ko siya dahil yon lang ang magagawa ko kundi yakapin siya ng mahigpit.

Ayos na kami pagkatapos nun ,palagi akong nasa tabi niya kapag kailangan niya ako. Nasa lola siya ngayon nag iistay kaya kapag hinahatid sundo ko ay doon na at hindi na sa bahay ni Tita Carmela. Kinakamusta ni Tita Carmela si Gallianna sa akin at sinasabi ko naman ang totoo.

Maayos siya at kapag alam kong nalulungkot siya lagi naman ako nandito para pasayahin siya.

Pinakilala ko na rin si Gallianna kay Mama. Kadadating lang ng bansa ni Mama at gusto niya agad makilala ang girlfriend ko. Nahihiya nga ako kay Gallianna dahil kinukwento pa ni Mama kung paano di ako nag aayos nung bata pa ako - which is true naman pero sana wag na i-broadcast dahil sobrang nakakahiya.

Ayoko siyang maturn off.

Hanggang sa maka-graduate nga kaming dalawa ni Gallianna ay nasa poder pa rin siya ni Lola Jacky. Nakakaramdam ako ng lungkot habang nakikita kong nasa stage si Gallianna na sinasabitan siya ni Lola Jacky ng medal-na dapat si Tita Carmela ang magsasabit sa kanya.

Ilang buwan na siyang nasa poder ni Lola Jacky at mukhang wala pa rin siyang balak na umuwi sa kanila.

Naging valedictorian si Gallianna ngayong taon kaya nagkaroon siya ng speech sa stage. Nakatitig lang ako sa kanya dahil habang binabasa niya ang speech niya ay wala akong makitang saya sa puso niya. Siguro kahit di niya sabihin sa akin ng diretso ay ramdam kong may kulang sa araw ng graduation niya.

At yon si Tita Carmela.

Nang matawag na ako sa stage ay si Mama ang nagsabit sa akin ng medal. Habang sinasabitan pa nga ako ay naiiyak na naman siya dahil naka-graduate naman na ako. Naging salutatorian pa ako kaya ngayong taon kaya nagkaroon ako ng mahabang speech sa stage.

After graduation ,inayos ko ang dapat kong ayusin. Hinihintay ko na lang ang exam result kung nakapasa ako sa UP. Naging masaya pa nga ako nang malaman ko kay Gallianna nandon siya nag-entrance exam kaya halos pumalakpak ang tenga ko dahil doon. Pero sadly ,nang lumabas na ang result ay di nakapasa si Gallianna.

Nakapasa ako sa exam.

Kaya labis akong nalungkot na hindi man nakapasa si Gallianna sa UP. Sabi niya ay hahanap siya ng universities na papasukan niya na malapit din sa UP kaya napanatag ang kalooban ko. Naging masaya ang araw namin yon dahil sinulit namin ang panahon dahil nagkakaroon kami ng oras para magbonding.

Pero lahat pala ng saya ay may halong kapalit. Kinausap ako ni Tito Gilbert dahil balak na niyang kausapin ng masinsinan si Gallianna. Nung una tumanggi ako dahil humihingi siya ng tulong sa akin dahil alam ko sa sarili ko na nangako ako kay Gallianna na di na ako makikialam sa problema ng pamilya niya.

Ang pamilya niya ang dahilan kung bakit nagtatalo kami dahil nakikialam ako sa problema niya.

Pero sinira ko ang paninindigan ko dahil nung nalaman ko na lalo nag-susuffer si Tita Carmela ay di ko na napigilan tumulo ang luha ko. Nakikita ko pa lang nahihirapan si Tita Carmela ,naninikip ang dibdib ko.

"Ikaw na lang ang tangi kong pag asa Bryle ,"sabi ni Tita Gilbert na nakikita kong may pag alala sa mukha niya habang tinitignan niya si Tita Carmela na parang wala sa sarili ,"Gusto ko lang makausap ang anak ko. Gusto ko na magkaayos na kaming dalawa. Ayokong makita si Carmela na ganito na halos di ko na makausap ng maayos."

Wala na akong choice kundi pumayag sa gusto ni Tito Gilbert. Alam kong magagalit si Gallianna sa gagawin ko pero di ko na kayang ganito ang nangyayari sa magulang ng taong mahal ko. Isasakripisyo ko ang lahat para magkaayos na sila. Sabihan man niya ako ng masasakit na salita ,tatanggapin ko para lang magkaayos lang sila.

Nang sumapit ang birthday ko ay di ko ramdam na masaya ako. Dahil alam ko ngayong araw masasaktan ko siya ng tuluyan ,alam kong sa mga oras na 'to ay naghahanda na siya ng date namin sa resthouse ni Tita Carmela. Naghanda ,nag effort siya sa birthday ko but sadly ,di ako pwedeng sumipot ,di akong pwedeng pairalin ang pagmamahal ko.

Nang sumapit ang gabi ang dami na niyang text and messages sa akin pero di ko man lang yon pinansin. Gusto ko man siya ma-replyan pero di maaari dahil ito ang nakasunod sa mga plano ko.

Past 12AM nang makarating kaming dalawa ni Tito Gilbert. Nang makita ko siya at kita ko sa mga mata niya ang pagdudusa dahil pinaghintay ko lang siya sa wala ,tumayo siya sa kinauupuan niya at nakikita ko na siya naglalakad papunta sa akin.

"Why did you crying-"di ko na natapos ang sabihin ko na bigla na lang niya ako sinampal ng malakas. Halos nahilo ako dahil sa lakas ng pagkakasampal niya-humawak ako sa pisngi dahil doon. Di pa ako nakaka get over sa ginawa niya na bigla na naman niya ako sinampal sa kabila kong pisngi.

Wow ,deserve ko siguro toh?

Pinaghahampas niya ang dibdib ko habang umiiyak siya sa harapan ko. Tinatanggap ko na lang dahil alam kong may mali ako-na kasalanan ko kung bakit nasira ang hinanda niya sa birthday ko.

Nang magpakita na si Tito Gilbert nakita ko ang pagdilim ng kanyang mukha. Yumuko ako dahil ramdam ko na dito na sasabog ang galit niya. At tama nga ako ,mas lalo siyang nagalit nang makita niya si Tito Gilbert. Halos magsigaw sigaw siya na halos binabastos na niya si Tito Gilbert.

Gusto ko man siyang awatin pero di ko magawa dahil alam kong galit siya ngayon .

Hanggang sa mag walk out siya sa harapan ko kaya sa sobrang pagpanic ko ay tinawag ko siya pero huli na ang lahat na lumabas na siya sa ng resthouse. Wala na akong inaksayang panahon kundi habulin siya dahil para makapag explain ako ng maayos kung bakit kailangan kong gawin yon sa kanya.

Mas lalo kami nagtalo dahil kahit ako ay di ko na alam kung bakit gusto ko ipaintindi sa kanya na nagbago na ng tuluyan si Tito Gilbert! Na gusto ko lang tumulong dahil maski ako ay nahihirapan na sa mga sitwasyon nila.

"Maghiwalay na tayo ,"tatlong salita pero yun ang nagpatigil ng mundo ko.

Tinignan ko siya sa kanyang mga mata kung nagbibiro ba siya pero wala akong nakikita. Malamig na rin niya akong tignan na parang wala nag eexist na Bryle sa harapan niya.

Nagbibiro lang siya diba?

Pero hindi siya nagbiro! Talagang desidido na talaga niya akong hiwalayan dahil sa ginawa kong pagdedesisyon na akala ko tama. Nagmamakaawa ako sa kanya na wag niya akong hiwalayan ,nakahawak ako sa kanyang kamay habang umiiyak ako.

Di ko kayang iwan niya ako.

Pero padarag niyang inalis ang mga kamay niya kaya mas lalo akong natulala. Naglakad na siya ng palayo sa akin kaya paulit ulit kong tinatawag ang kanyang pangalan para bawiin niya ang sinabi niya.

Pero hindi ,iniwan na lang niya ako umiiyak dito.

We broke up already. Nang malaman ni Papa yon ay wala siyang ginawa kundi tabihan ako dahil gabi gabi ako umiiyak dahil sa paghihiwalay namin. Nasasaktan ako dahil dito lang pala magtatapos ang relasyon namin.

Mukha na akong tanga na umiiyak dito na kahit si Lucio ay walang magawa kundi samahan lang ako. Umiiyak ako dito kasama siya habang nasa bar kami - hinahayaan niya lang ako umiyak dito ng umiyak na hinihintay na lang niya ako maubos ang luha ko.

"Tama na yan pre ,itagay mo na lang yan!"pag aalo niya sa akin kaya mas lalo akong naiyak dito. Agad tinakpan ni Lucio ang bibig ko dahil napalakas ang iyak ko ,"Ano ka ba pre ,sabi ko itagay mo na lang di ko sinabing umiyak ka ng malakas. Pinagtitinginan ka tuloy!"

Hanggang sa naubos na iyak ko dahil kay Gallianna bigla na lang nagkaroon ng walang paki sa mga bagay bagay. Pag kinakausap ako ni Papa tipid na sagot lang ang binibigay ko sa kanya - nagtataka man siya sa mga kinikilos ko dahil nung nakaraan ay umiiyak ako ngayon naman naging cold bigla ako dito. Parang di ko nakilala ang sarili ko dahil di naman ako naging ganito ,pag may problema ako ngumingiti pa rin ako pero ngayon kahit pilit na ngiti di ko na magawa.

Pero bumalik ang sigla ko na muli kaming magkita ni Gallianna. Sinaoli ko ang payong niya dahil na kay Papa. Inutusan ako ni Papa na dalhin 'to sa kanya kaya ako na mismo pumunta dito. Naglakas loob ako na hihintayin ko pa rin siya hanggang sa maging maayos na siya.

Maghihintay ako...

Pero nagkaroon ang kaba ang puso ko na makita kong wala ng malay si Gallianna sa mga bisig ko. Pilit ko siyang ginigising habang nasa ambulance kami! Di niya ako pwedeng iwan ganito ,hindi pa niya panahon para lisanin ang mundong ito!

Puno ng dugo ang aking kamay dahil nabahiran yon sa mga dugong lumabas sa bibig ni Gallianna. Halos di ko siya mabitawan dahil natatakot ako sa pwedeng mangyari. Nang makarating kami sa ospital ay di ko magawang umupo dahil kinakabahan ako sa magiging kalagayan ni Gallianna.

Please ,lord please save my Gallianna. Wag niyo muna siya kunin please ,nagmamakaawa ako.

Nang lumabas na ang doctor ay agad akong lumapit sa kanya pati na rin si Tito Gilbert at Tita Carmela ay lumapit na rin sa doctor.

"Kumusta po girlfriend ko? Okay naman ho siya diba?"

Nagtanggal ng facemask ang doctor.

"She's in coma ,"The doctor said. Bigla na lang ako di makapagsalita dahil doon. Na kahit sina Tita Carmela at Tito Gilbert ay di nakapagsalita ng maayos.

What? coma? Is this a bullshit?

"Masyadong maraming dugo ang nawala sa kanya at nahirapan pa ako dahil di ko agad matanggal ang bala sa likod niya ,"he said heavily ,"But unfortunately ,comatose pa rin and di ko alam kung kailan siya magigising."

Dahil sa sinabi ng doctor ay doon ako nawalan ng lakas. Why? totoo ba talaga?

Nahirapan pa akong tanggapin ang sinapit ni Gallianna pero pinilit kong nilakas ang loob ko dahil may posibilidad pa siya magkamalay kaya di ako pwedeng paghinaan ng loob sa sitwasyon niya ngayon. Kaya kahit mahirap ay pinilit kong nilakas ang loob ko para sa kanya.

Para sa amin.

Mananatili akong maghihintay hanggang sa magising na siya.

Pero akala ko madaling maghintay sa kanya pero umabot na ng dalawang taon ay wala pa siyang malay-2nd year college na ako pero hanggang ngayon ay comatose pa rin siya. Always akong bumibisita dito sa ospital para makita lang siya ng matagal. Kahit gusto ko ng ipahinga ang katawan ko sa bahay pagtapos ng klase ay mas pinili kong dito na lang sa kanya. Gumagaan naman pakiramdam ko kapag nakikita ko naman siya na mukhang natutulog ng mahimbing.

"Dalawang taon na Gallianna ,ayaw mo pa bang magising?"I chuckled softly while I held her hand ,"Talagang pinapahirapan mo ako talaga na maghintay?"

Namimiss ko na siya. Namimiss ko na ang boses niya.

Ang dami kong gustong sabihin sa kanya pero di naman niya ako maririnig kaya sa akin na lang yon.

"Di bale Gallianna ,tutuparin ko pa rin ang sinabi ko sayo noon na maghihintay ako kahit gaano pa katagal."

Kahit ilang taon pa ,hihintayin pa rin kita.

Ikaw at ikaw pa rin ang gusto kong uwian.

Ikaw lang ang iniisip ko sa bawat oras kapag lugmok ako sa lungkot.

1 year passed ,doon na nagkamalay si Gallianna kaya sa sobrang tuwa ko ay niyakap ko siya ng mahigpit. Nakatingin lang siya sa akin na parang sinusuri niya ang buong pagkatao ko. Marahan niyang hinawakan ang pisngi ko kaya natuwa ako.

Tatlong taon siyang walang malay at sa wakas nagising na siya!

Pero akala ko doon magtatapos ang paghihirap ko sa relasyon namin ni Gallianna. Nang malaman ko mismo sa doctor na hirap makapagsalita si Gallianna ay biglang napawi ang saya ko. Sabi pa ng doctor ay dulot daw ito ng pagkakabaril niya kaya di siya makapagsalita.

Nagkaroon ng trauma si Gallianna sa sinapit niya noon kaya pati pagsasalita niya ay nadamay.

Napagdesisyonan ni Tito Gilbert na dalhin na si Gallianna papuntang amerika para doon magpagaling. Kahit ayoko ay napilitan akong sumang-ayon dahil alam kong doon lang makakarecover ng maayos si Gallianna at bumalik sa normal ang pagsasalita niya.

Mahirap sa akin dahil maghihintay na naman ako ng matagal....

Pero para sa ikakabuti niya ay handa ulit akong maghintay ng matagal...

Bago sila umalis ng pilipinas ay niyakap ko ng mahigpit ng mahigpit si Gallianna sa huling pagkakataon.

"Take care of yourself love ,"I whispered ,"Maghihintay pa rin ako kahit anong mangyari. Maghihintay ako hanggang sa maging maayos ka na ulit."

Naghintay nga ako ng matagal sa kanya. It's been 7 years since they lived in America. Gallianna continued her studies there when she was able to speak properly. Gallianna herself decided that they should stay in America because she's not ready to going back Philippines because she's still traumatized by what happened. I understand her, so I really waited again. She apologized to me because I sacrificed a lot in our relationship.

Madami akong naging sakripisyo pero hanggang ngayon di pa rin ako sumusuko.

Pinagpatuloy namin ang relasyon namin habang nasa amerika siya. Kapag may free time nagagawa kong makipag videocall sa kanya at nagkakausap kami. Kahit ganon ang set up namin ay kuntento na ako dahil parang bumalik lang kami sa dati. Marami siyang kinukwento sa akin lalo na't sa mga nakakasalamuha niyang mga kaklase dahil mga mababait daw at approachable.

Palagi akong nakikinig sa mga kwento niya dahil doon lang kami nagkakaroon ng topic kapag may bago siyang kwento na sinasabi niya sa akin.

Nang makagraduate na siya ay ako ang unang bumati sa kanya. Sobrang proud ako sa kanya dahil sa lahat na nangyaring hindi maganda sa kanya ay pinagpatuloy niya pa rin ang buhay niya sa kabila ng masasamang nangyari.

Samantalang ako ay nakapasok na sa med school kaya sobrang hirap na hirap na ako kung paano pagsasabayin ang time management para sa sarili ko. Habang patagal na patagal ako sa field na 'to ,doon ko nalalaman ang hirap para maabot ang pangarap ko. Malayo pa pero pilit kong aabutin dahil para sa pangarap ko.

Nagkaroon ng sariling restaurant si Gallianna sa Amerika kaya ako naman ay proud na proud sa kanya. Bagong bukas lang at tignan mo nga naman ,naging sikat at madalas i-vlog ng mga ibang vlogger na pumupunta doon sa amerika.

Masyado nang malayo ang nararating ni Gallianna ngayon pero masaya ako dahil naabot na niya ang pangarap niya. Nakapag provide na siya ng sarili bahay ,sariling kotse at sariling restaurant. Di na niya kailangan humingi sa magulang niya dahil kaya na niyang bilhin kung ano man ang gusto niya.

"Uuwi na ako ng pilipinas ,"napatitig ako sa screen ng laptop ko nang sabihin ni Gallianna ang bagay na yon. Magkausap naman kaming dalawa ngayon dahil may free time siya para kausapin niya ako.

"Really?"

She nodded ,"Oo ,naisip ko kasing umuwi na ng pilipinas dahil mahigit 10 years na ako namamalagi dito. Saka ,alam kong naghihintay ka sa akin na makakauwi diyan."

I licked my lips ,"I'm always waiting for you."

She smiled. Argh ,ang ganda niya talaga kahit kailan! Mas lalo lang siyang gumanda na nagpa ash blonde siya ng buhok niya. Kung noon ,maganda na siya pero ngayon mas lalo pa siyang gumanda!

Ganda ng girlfriend ko.

"Kailan ka uuwi?"I asked.

"Hmm?"napaisip siya saka siya tumingin sa akin ,"Surprised ko na lang ang pag uwi ko dyan ,you know gusto kitang supresahin na lang bigla dyan!"

I chuckled ,"Okay? kung yan ang gusto mo."'

Kaya hinintay ko kung kailan ba talaga uuwi ng pilipinas si Gallianna. Nasa internship na nga ako kaya habang hinihintay ko siya ay ineenjoy ko muna ang pag iinternship ko sa ospital. Marami na ako naging ka-close sa ospital kaya nakakatuwang isipin na nagkakaroon na ako ng lakas ng loob para makisalamuha sa mga ibang tao.

Sampung taon na nakalipas sa wakas umuwi na si Gallianna! Nagulat nga ako na bumisita siya sa ospital na may ngiti sa kanyang mga labi. Lalapitan ko sana siya pero hinawakan ni Caleb ang aking balikat aykailangan na daw namin na tumungo sa operasyon kaya tumango ako. Lumingon ako kay Gallianna at nginitian ko siya ng tipid at nagpaalam muna.

The operation is successfully. Kaya pagtapos nun ay wala na akong inaksayang panahon para makapag-ayos na para makita at mayakap ko na si Gallianna! Tumungo na nga ako sa lobby ng ospital kung saan doon ko siya nakita-at tama nga ako nandoon pa rin siya at tahimik na nakaupo doon na parang hinihintay niya talaga akong makatapos.

"Gallianna ,"tawag ko sa kanya kaya napatigil sa siya sa pagtatype niya sa cellphone niya. Tumingin siya sa akin at nagningning ang kanyang mga mata.

"Bryle ,"tumayo siya sa kanyang kinauupuan at nagulat na lang ako na bigla niya akong yakapin ng mahigpit ,"God ,I miss you so much..."

Kahit galing ako sa operasyon ay parang walang pakialam si Gallianna kung ano man ang maging amoy ko. Niyakap ko na rin siya ng mahigpit dahil ilang taon ko na rin hiniling 'to na makasama siya ng matagal.

Finally ,nakauwi na ang mahal ko.

"Kumusta si Tita?"tanong ko sa kanya. Nandito kami ngayon sa Fancy restaurant sa manila-dito na kami dumiretso nung natapos na ang duty ko sa ospital.

It's very a tiring day ,pero nagawa ko pa ring samahan si Gallianna para kumain sa restaurant kahit pagod na ako.

"Okay naman si Mommy ,"maayos na sagot niya ,"Although ,siya muna ang pansamantalang nagmamanaged ng restaurant ko doon dahil nagpaiwan siya sa amerika kaya si Daddy yung kasama kong umuwi dito."

Tumango ako. Buti naman kung ganon ,ayos na talaga sila at mukhang...sulit ang pagsasakripisyo ko ng maraming taon dahil nagkaayos na sila.

"Babalik din naman agad si Daddy sa amerika siguro two weeks pa dahil hinahanapan niya pa ako ng condong maganda pag-stayin sa manila ,"she continued ,"Sa amerika na sila tumira kaya ako lang talaga ang nagpumilit para bumalik talaga dito sa pilipinas."

"It's because of me?"tanong ko at napatigil siya sa pagkukwento niya.

"Oo ,"she smiled sweetly ,"Bakit ayaw mo ba akong bumalik dito?"

Agad akong umiling dahil doon. Sino nagsabing ayaw kong bumalik siya dito!

"I'm just asking lang!"pagdepensa ko sa aking sarili at natawa siya ng mahina doon ,"Tagal tagal kaya kitang hinintay na makauwi!"

"Ganun naman pala! You know ,kaya ngayong taon ko din napag isipan na umuwi dahil malapit na graduation mo."saad niya kaya napatigil ako.

Ooh...she knows huh?

"Gusto kong ako ang magiging kasama mo sa araw ng graduation mo. Dalawang beses ka na grumaduate pero wala ako sa tabi mo ,"she pouted ,"So...ngayong huling taon ka na gagraduate gusto kong ako ang kasama mo."

Natawa ako. Okay? Well ,huling graduation ko na rin naman 'to dahil magtatake na ako ng board exam agad para maging licensed doctor na ako. Although ,magreresidency pa ako- magiging madali na rin naman yon dahil bumibilis naman ang panahon.

"Gallianna ,"tawag ko ulit sa kanya kaya ngumiti siya akin na maagaw ko ang atensyon niya ,"Let's get married?"

Agad umuwang ang labi niya dahil sa sinabi ko. Hinawakan ko ang kamay niya ng mahigpit habang ang mga mata ko ay nakatingin sa kanya. We've been together for ten years and I think it's time for the two of us to settle down. We are not young enough to have second thoughts about getting married. We can live on our own without depending on our parents anymore-I'm asking her to get married because that's where we're going.

"What?"

"Wala akong singsing na maibibigay sayo pero gusto na kita ayain magpakasal ngayon dahil sampung taon na tayo baka naman pwede na ,"sabi ko habang pinipigilan kong matawa sa mga pinagsasabi ko ,"Baka panahon na natin para bumuo ng pamilya..."

Kita ko pa rin ang gulat sa kanyang mga mata dahil inalok ko na siya ng kasal. Kadadating niya pa lang dito pero mukhang ginulat ko siya sa sinabi ko pero di ko na babawiin dahil plano ko na 'to nung nakaraan pa.

Saka nagsabi na ako sa mga magulang niya na pagkaapak niya ulit sa pilipinas ay aalokin ko na siya kasal. Di lang ako nakapag handa talaga na bumili ng singsing dahil biglaan din ang pag-uwi niya.

"S-seryoso ka ba talaga? P-papakasalan mo t-talaga ako?"I feel like she's going to cry again because of what I said.

I nodded ,"Oo naman. Seryoso ako sa mga sinasabi ko. Di kita aalukin ng kasal kung di naman akong seryoso."

Natawa na lang siya ng mahina doon kaya pinunasan ko ang luha na tumulo sa mga pisngi niya. Nag amerika lang siya ,ang bilis na niya maging emotional!

"Magpupropose ka sa akin pero wala ka namang singsing!"she pouted.

Yon nga ang problema.

Kaya gumawa ako ng paraan para may singsing ako na maibigay sa kanya. Kinalkal ko ang bag ko na baka may posibilidad akong singsing na nalagay dito dahil sa pagkakaalam ko may singsing ako na palagi kong suot. Nang mahagilap ko ay agad akong napangiti.

Tumingin ako kay Gallianna ay kumukurap kurap pa ang kanyang mata habang ang mga mata niya ay nakatitig sa singsing na suot ko.

"Sa ngayon wala akong engagement ring na binili para sayo-hayaan mo muna pagtyagaan itong singsing na binili ko pa 4 years ago pa ,"hawak ko pa rin ang singsing ko na balak ko ibigay pansamantala sa kanya ,"Gallianna ,you will allow to be my future husband hmm? "

Nakatingin lang siya sa akin at kita ko na naman ang nangingilid niyang mga luha.

"Will you marry me?"

"Yeah ,of course."she answered finally. Kaya natuwa ako sa sagot niya kaya dahan dahan kong hinawakan ang kamay niya. Sinuot ko sa kanya ang temporar ring niya muna sa ngayon.

"Wala ng bawiin toh ah!"paniniguro ko pa saka siya tumango na natatawa.

Finally ,all my sacrifices were not wasted because the girl I love still came back to me.

I already had my own happy ending with My Gallianna Arianne Navarro.

- THE END -

Continue Reading

You'll Also Like

598 386 45
Come on and let's dig in together the hidden agenda in this so called organization. As the group of people go on to their mission they will unlock m...
16.9M 651K 64
Bitmiş nefesi, biraz kırılgan sesi, Mavilikleri buz tutmuş, Elleri nasırlı, Gözleri gözlerime kenetli; "İyi ki girdin hayatıma." Diyor. Ellerim eller...
395K 12.9K 25
WARNING: This is a boyxboy story. If you don't like it, don't read it. It's also a sasunaru story - obviously - so those who don't like this shipping...
907 104 38
a chance ava and sero are friends when sero finds himself liking his friend, ava ••• solliary, 2024